webnovel

Kabanata 271

"Talaga? May something na sa inyo?" Ang sabi ni Mimay habang kausap siya ni Kelly via video call.

"Oo nga ang sakit nga ngayon ng katawan ko di ko alam kung ano ginawa ko kagabi."

"Oooo... so lasing kayong dalawa?"

"No, si Patrick lang pero may something dun sa kinain kong yema nag init akong bigla tapos ngayon di ko na maalala kung ano ba ang ginawa ko tas sabi niya nga may nangyari samin. Mims! Anong gagawin ko? Mabubuntis na ba ako?"

"Shunga! Ano agad-agad? Ang bilis naman isang gabi palang naman may nangyari sa inyo."

"Wow! Nag salita, bakit sa inyo ni Aliyah di rin naman sinasadya yun tignan niyo may anak na rin kayo tapos one time lang din."

"Heh! Iba yung case naming dalawa kayo matagal na kayong kasal ni Patrick kaya ayos lang na umulit kayo para sure."

"Ano? No way! Buti nga wala akong maaalala baka kung anong meron masuka ako."

"Luh! Bakit naman? Normal lang yan sa buhay ng tao matanda na tayo kaya nararanasan natin ang ganyang bagay."

"I know, pero alam mo namang di ako sanay sa ganireng usapan kung pwede nga lang wag nalang naming pag usapan ni Patrick eh pero sabi niyo gampanan ko ang buhay may asawa pero Mims!!! Alam mong di ko kaya ang ganung SPG!"

"I know, I know... at alam naman yan ng lahat siguro ng nakaka kilala sayo at ni Patrick. Pero baby girl may asawa ka na at diyan na nag sisimula ang pag harap mo sa tunay na buhay. Hindi naman tayo pwedeng bumalik sa pag ka bata kailangan umayon tayo sa panahon."

"Alam ko naman yon pero... ang sakit!"

"Oo ganyan din ako nung una syempre we loss our virginity to our husband but eventually masasanay ka rin."

"What? No! Hindi na ito mauulit!"

"Well, let see mahirap ng mag salita my dear Kelly."

"Heh! Sige na nga bababa ko na ito gusto ko ng maligo feeling ko napagka dumi ko na."

"Sira ka talaga."

"Bye na."

"Sige chat nalang."

"Um..."

Meanwhile,

Nagluluto naman na ng agahan si Patrick at sila paring dalawa ni Kelly sa bahay dahil di pa na uwi ang mga kuya nito "Oo pre ganun pala yung feeling sa sobrang kaba ko nga na mag ka mali nag dahan-dahan ako."

Kausap naman ni Patrick si Vince via video call rin habang ito ay nag luluto "ungas ka pre! Agang aga yan agad ang topic natin?"

"Ayoko namang si Dave ang tawagan about sa ganito alam mo naman ang mokong na yun napaka loko."

"Sa bagay pero don't worry pre naranasan ko rin yang nararanasan mo pero wag na nating pag usapan yung samin ni Aliyah cause we really struggled bro!"

"Haha... Sige, sige..."

"Eh Kamusta si Kelly?"

"Gaya nga ng sinabi ko pinalayas niya ako sa kwarto kaya ngayon nagluluto ako ng topsilog na paborito niya para lumamig ang ulo niya."

"Ohhh... nagalit ba ng sobra?"

"Hindi ko alam pero siguro? Kasi naman sinabi ko naman sa kaniya kagabi kumalma sya pero wala hindi niya na napigilan ang epekto nung aphrodisiac kaya ayun wala akong nagawa. Lam mo na marupok ako pag dating sa kaniya."

"Ungas! So wala kayong protection?"

"Wala as in ginawa na talaga namin brad."

"Ohhh... ayos yan baka soon magiging tatay ka na rin."

"Well, sakin ayos lang pero di ko alam sa pinsan mo."

"Weh? Sigurado ka na ayos lang sayo?"

"Oo naman bakit naman hindi di ba? 3years na rin kaming kasal ni Kelly at gusto ko na rin talagang mag ka anak."

"Mabuti naman pala kung ganon maganda yan para naka set na yung mind mo sana lang ayos lang kay Kelly."

"Sana nga brad."

"Sya sige na ibababa ko na ito baka malate pa ako."

"Sige brad salamat sa pakikinig."

"Gege."

Bigla namang sumulpot si Kelly na bagong ligo na naka pulupot pa ang buhok ng towel "sinong kausap mo?"

"Ay kalabaw!"

Kumuha ng tubig si sa ref si Kelly at uminom "sorry, nagulat ba kita?"

"Hi— Hindi naman maupo ka na matatapos na ako sa pag luto dito."

"Okay."

Hindi na nag salita pa si Kelly at nag punta na nga syang dining area "eh? Hindi ba sya galit sakin? Minsan talaga kakaiba ang mood ng mga babae. Kanina kulang nalang mabingi ako sa sigaw niya ngayon parang wala lang? Hayyys! Napaka unpredictable talaga niya."

Bigla namang sumulpot ulit si Kelly "May sinasabi ka?"

"Wa— Wala..."

"Bilisan mo diyan may meeting pa tayo."

"O— Oo mahal ko."

***

Dalawang araw na ang lumipas at di pa rin mapakali si Kian na nasa Batangas "hanggang kailan pa ba tayo dito? Nag aalala na ko kay Kelly." Ang sabi ni Kian.

"Sabi ni Ate Faith gang linggo daw Monday na daw tayo ng umaga uuwi." Ang sagot naman ni Kevin.

"Sandali nga lang, bakit pati ikaw eh naririne? Hindi ba at dapat may duty ka sa DLRH?"

"Ah... O— Oo kuya kaso nag file ako ng leave. Hehe."

"Tama lang yan para naman maka pahinga ka matagal ka ring nag trabaho nung nag ka pandemic buti nalang at may bakunang na discover kaya bumalik na ulit sa dati ang mga tao." Ang sabi naman ni Keith.

"Kaya nga eh mahigit dalawang taon rin yun almost 3years na rin pala nung naganap yun ano? Naalala ko pa pandemic yung kasal ni Kelly."

"Kaya nga buti nalang negative naman lahat tayo at walang nag positive."

"God is good all the time."

"Kamusta na kaya yung dalawa sa bahay?"

"Ayos lang yon mag asawa naman na sila eh."

"Enough! Kahit pa mag asawa sila baka kung ano na ang ginagawa ang kumag na yon sa kapatid natin." Ang pa galit na sambit ni Kian.

"Ang akin lang naman kuya eh kung ano man ang mangyari sa kanila sa pagitan na yun nung mag asawa di na tayo sakop dun."

"Nga naman tol tama naman si Kevin 3years na ding kasal yung dalawa at wala pang anak paano ba naman bukod pa sila ng kwarto."

"Yun na nga! Paano kung nay nangyare na sa kanila ngayon?"

"Sakin ayos lang naman nasa wastong edad na si Kelly at Patrick." Ang sagot naman ni Keith.

"Hindi ba kayo nag aalala na baka sinasaktan na ni Patrick ang kapatid natin?"

"Hindi naman siguro yun magagawa nun alam niya na magagalit tayo sa kaniya. Tsaka si Kelly sasaktan? Baka siya pa ang makasakit kay Patrick." Ang sagot naman ni Kevin.

"Ah, ewan ko sa inyo!"

"Tol, mag enjoy ka nalang kesa isipin mo sila Kelly mag enjoy nalang tayo dito sa Batangas manghuli tayo ng tilapia gusto niyo?" Ang sabi ni Keith.

"Kayo nalang wala ako sa mood tatawagan ko muna si Kelly."

Tatawagan na nga sana ni Kian si Kelly ng biglang dumating sila Rica at Faith "Ano ang gagawin mo?"

Napatingin namang agad si Kian kay Rica "Ah... Ahm... Mahal, tatawagan ko lang sana si Kelly para kamustahin."

Pandalas namang kinuha ni Rica ang phone ni Kian "no!wag mo na nga silang istorbohin ngayon na nga lang naka pag solo yung dalawa sa bahay eepal ka pa."

"Pero kasi..."

"Hep! Walang pero, pero manahimik ka diyan at kumain ng cookies nag bake kami ni Faith" she winked at Faith.

"Oo nga kuya eto oh, pang himagas para lumamig ang ulo mo."

Kian sighed at wala na syang nagawa kung hindi kumain ng cookies nagawa ng asawa niya at ng hipag niyang si Faith na 8months ng buntis "nga pala pupunta rin dito si May ayos lang ba?" Ang sabi naman ni Kevin.

"Oh? Aba ayos yan pakilala mo na kila lola." Ang sagot naman ni Keith.

"Oo kuya yun nga ang balak ko talaga sakto kasi may meeting sya dito sa branch ng mall nila sa Batangas kaya inimbitahan ko sya dito satin."

"Ohhh, that's nice."

Mabalik tayo sa lovebirds,

"Andito na tayo wifey gising na." Ginigising na ni Patrick ang asawa niyang na puyat kagabi.

"Hmm? Andito na tayo?"

"Oo, ayos ka lang ba? Kung gusto mo dito ka nalang muna sa kotse tawagin nalang kita kapag tapos na ang meeting. Mukha kasing puyat ka pa eh."

Ang sama naman ng tingin sa kaniya ni Kelly "sino sa tingin mo ang may kasalanan kung bakit ako puyat ngayon?"

"Ah... Eh... sorry mahal ko."

Kelly smirked "tse! Sige na bumaba na tayo natawagan mo na ba si Mr. Sensen?"

"Oo andun na daw sa shop yung bago nating business partners."

"Okay tara na."

Bubuksan na sana ni Kelly yung pintuan ng kotse ng pinigilan sya ni Patrick "Ano na namang kailangan mo?"

Patrick kissed Kelly's forehead "Hmm? Para san yon?"

"Wala lang ang cute mo kasi."

"Ano?"

Ngiting ngiti si Patrick ng lumabas sya ng kotse at masayang masaya rin siya na pinagbuksan niya ng pintuan ang mahal niyang asawa "Alam mo ang labo mo."

"Sayo lang naman talaga lilinaw ang paningin ko my dear wifey."

"Heh!"

Habang nag haharutan yung mag asawa nakita na sila ng bago nilang business partners na si Ms. Jikai Elmundo at si Mr. Taquer Quixote na mag bestfriend simula pa nung elementary.

"Ang cute naman nila" Ang sabi ni Taquer

Jikai smirked "walang forever."

"Napaka nega mo naman ang cute nga nung girl eh I like her hoodie."

"Whatever! Wala pa ba yung owner ng store na ito?"

"Sabi ni Mr. Johnsen nandito na raw eh."

Hinanap nung dalawa yung magiging business partners nila and ilang segundo pa ang lumipas ipinakilala ni Mr. Johnsen ang KelRick dun sa dalawa."

"Eh? Sila?" Ang pagulat na sambit nung mag bestfriend.

"Yes sila po ang may ari ng Coffee and Teanapay"

"Hello sa inyo sorry were late I'm Kelly the founder and this is my partner Patrick." Ang bati ni Kelly dun sa mag bestfriend at na pansin ni Patrick na nakatitig sa asawa niya si Mr. Taquer.

At nung makiki pag kamay na si Kelly sa dalawa hinarang agad ni Patrick ang kamay ng asawa niya ng kay Taquer na ito makikipag kamay "hello nice to meet you I'm her one and only husband."

Siniko naman sya ni Kelly at bumulong "Anong ginagawa mo???"

"Bakit ba? I'm just stating the fact! Baka mamaya maagaw ka pa sakin ng iba."

Tinapakan naman siya ni Kelly sa paa sa inis nito sa kaniya "Awww... awww..."

"Are you okay?" Ang sabi naman agad ni Jikai.

Ang sama naman bigla ng tingin ni Kelly kay Jikai "Yes he is definitely fine! Right my hubby?" Tinaasan niya ng kilay si Patrick.

Samantalang ngiting ngiti naman itong si Patrick sa pag kakasabing iyon ni Kelly sa kaniya yung tipong proud na proud sya na sya ang "hubby" ng nag iisang "wifey" niya.

Umakbay pa si Patrick at hinalikan ang noo ni Kelly "Yes I'm pretty good cause your here." He smirked at Taquer secretly.

"Ahem... Mr. and Mrs. Santos sila po sila Ms. Jikai Elmundo and her bestfriend Mr. Taquer Quixote sila po ang bago niyong business partners." Ipinakilala sila ni Johnsen at nag patuloy ang mga ito sa kanilang meeting.

Surprise!(:

*update daily po tayo ngayong week para naman maka bawi ako sa inyo nung nakaraang linggo.

*may bago rin po akong short story na irerelease ko sa Wednesday. Tagalog rin po sya sana magustuhan niyo.(^.^)

lyniarcreators' thoughts
Next chapter