webnovel

Kabanata 250

Naging busy rin si Kim sa pamamalagi nya sa Batangas dahil siya ang inatasan ng eskwelahan nila para sa mga online classes doon at mga module na dapat distribute pa sa ibang district sa probinsya. Kaya nung sya ang ipinadala sa Batangas dali-dali siyang pumayag kahit na delikado at may pandemiya pero hindi na niya ito alintana dahil gusto na rin niyang makita ang kapatid na si Kelly na miss na miss na nila.

Dahil mabilis lang ang takbo ng oras hindi na napansin ni Kim na naka tatlong linggo na sya sa Batangas at isang araw nalang ay babalik na naman sya sa Manila. Niyaya na niya si Kelly na umuwi pero hindi ito pumayag sa kagustuhan niya.

"Ano? Bakit naman ayaw mo? Hindi ka na ba uuwi sa atin? Dito ka nalang habang buhay?" Ang pagalit na sambit ni Kim habang pinagagalitan niya si Kelly sa may terrace.

"Hindi naman sa ayaw ko bumalik sa Manila kuya ang akin lang gusto ko na muna dito para kahit papaano naaalagaan ko sila lolo at lola. Sana naman maintindihan nyo."

"Oo andun na nga ako, kami! Pero Kelly naman simula nung araw na umuwi tayo dito sa Batangas nung grumaduate ka ng College abay dine ka na nagtigil paano na ang buhay mo? Dito ka na talaga? Sayang naman ang pinag aralan mo mas maraming opportunity nag aantay sayo doon kesa dito."

"Opportunity? Kuya pandemic ngayon at halos lahat nasa bahay. Kaya kung gugustuhin ko pwede ako mag apply online kahit yung work ay sa Manila pa. Kahit pa nandito ako o nasa Manila kaya kong mag hanap ng work ngayon via online dahil lahat na ng bahay ngayon ay naidadaan na sa online."

"Sige mangatwiran ka! Diyan ka magaling eh. Hindi mo na a naisip na mag aalala rin sayo sila kuya? Paano nalang si Jacob? Alam mo bang parati ka nalang tinatanong nung bata kung kailan ka uuwi? Kelly naman! Kung ang irarason mo ay sila lolo at lola para hindi umuwi sa Manila mabuti pang wag ka na talagang umuwi sa Manila. Ang hirap kasi sayo porket kumikita ka na ng sarili mong pera hindi ka na marunong makinig."

"Tapos ka na kuya?"

"Ano?"

"Hindi niyo kasi alam yung pakiramdam ko kapag andito ako sa Batangas nagagawa ko ang gustuhin ko nagiging malaya ako yung walang mag didigta ng gagawin ko kasi suportado ako nila lolo at lola kahit nila auntie Dina."

"Anong gusto mong palabasin ngayon?" Ang pa galit na sambit ni Kim.

"Sorry kuya pero nakapag disisyon na ako hindi ako uuwi sa Manila hangga't hindi pa ako nag tatagumpay."

At nag walked out na nga si Kelly "Kelly!!! Bumalik ka rito!"

"Hayaan mo na muna sya." Ang sabi ni Alice.

At nagulat si Kim dahil hindi niya alam na nandoon rin pala si Alice sa bahay nila "Alice? Andito ka?"

"Oo hindi kasi ako nalabas ng kwarto ngayon lang nag lalakad lakad kasi ako para mabilis manganak."

"Sandali buntis ka na naman?"

"Maka naman ka naman diyan alam mo namang nakunan ako dun sa first baby namin ni Ethan."

"Ay. Oo nga pala sorry pis."

At dali-dali naman niyang tinulungan si Alice na maupo na 8months na ang tyan.

"Quick change ka din eh no? Tropa talaga kayo ni Ethan eh ang bibilis mag palit ng mood daig pa ang buntis."

"Hehe... nga pala nasan si Ethan andito din?"

"Ah, umuwi muna at may kailangan lang gawin sa bahay nila. Nagtayo kasi ng business ang kapatid niya eh kailangan daw ng tulong naging indemand daw kasi syempre pandemic uso ang nga online selling ganyan-ganyan."

"Oh? Anong business? Yung sa mga nag hahatid ng nga foods gaya ng grab nag put up din ang kapatid niya si Ate Ola ng ganun yung Knock... Knock..."

"Ohhh... sakanila yon? Aba magandang business nga iyon lahat kasi pede na pa deliver. Malaking pera siguro ginamit niya."

"Actually sumosyo kami kaya ayun kailangan niya talagang umuwi muna para ayusin yung ibang kailangan."

"Ohhh... nice buti pa kayo may business na kami nganga lang."

"Kala ko magtatayo raw kayo ng bakery sa inyo kung gusto niyo ipost niyo sa fb tapos kapag may delivery na samin na kayo kumuha ng courier para naman maka mura kayo mura lang shipping fee."

"Gusto nga ni Kelly eh milk tea shop kaso nga lang gusto niya dito eh di naman syado patok dito ang ganun kung sa Manila sana."

Alice sighed "Kaya nagagalit sa inyo si Kelly. Pinangungunahan niyo parati let her grow by her own paano sya matututo kung ganyan kayo parati sa kaniya mag tiwala kasi kayo."

Matapos makausp ni Alice si Kim nung araw ring yon nag usap-usap muli ang mga kuya ni Kelly at mapag usapan nga nila ang sinabi ni Alice at nakumbinse nga ang mga ito. Imbes na bakery lang ang itayo nila nag put up din sila ng maliit na milk tea shop sa kanilang bahay sa Manila at bukod pa ang sa Batangas.

Nung una ay matumal ang bentahan ni Kelly pero ng dahil na rin sa tulong ng mga kuya at kaanak nila nakilala ang milk tea shop ni Kelly sa barrio nila. Gang sa isang araw kinailangan ng umuwi ni Kelly sa Manila dahil may gustong mag franchise ng milk tea shop niya kaya nag patulong siya sa mga kuya niya.

"Oo kuya mamaya ng 4pm ang meet up namin sa isang cafe sa SM." Ang sabi ni Kelly na nag sasapatos na at handa ng umalis.

"Pero wala pa sila kuya Kian namimili pa kasi sila ng paninda para bukas may ilang order si Ate Faith ng special egg pie at cakes din ata." Ang sabi ni Kevin.

"Eh, pano yan ayokong ako lang yung kumausap dun sa tao ikaw nalang kuya mag motor tayo."

"Pwede nga sige sandali lang kukuha lang ako ng face shield ikaw ba meron na?"

"Oo kuya nasa bag ko suot ko nalang mamaya pag makarating na tayo sa SM."

"Okay intayin mo na lang ako sa labas."

"Sige kuya."

At habang nag aantay si Kelly sa kuya Kevin niya nakipag usap muna sya kay Faith na tao sa kanilang bakery at milk tea shop na rin at the same time pero hindi sila nag papa dine in take out lang ang available sa kanila para safe na rin dahil may pandemic.

"Galing naman talaga ng babysis kahit 5months palang may naka gusto na agad na mag franchise sino pala kakilala mo?"

"Hindi nga ate eh pero the way sya makipag usap sakin parang kilalang kilala niya ako eh kaya gusto ko na rin talagang makita at makausap yung tao."

"Ohhh... baka isa lang din yun sa mga kaklase mo nung nag aaral ka pa. Pero congrats na agad bunso kahit wala pang pirmahang nagaganap I'm happy for you."

Niyakap siya ni Faith at ganoon rin naman ito sa ate niya "Salamat Ate. Mamaya may pasalubong sakin si baby Tum-Tum at syempre ang ating kuya Jacob na. Nasan nga pala yung dalawang bata?"

"Ahhh... andun gumagawa ng assignment si Jacob habang inaalagan si Tum-Tum siya na daw ang kuya eh. Hehehe..."

"Nakaka tuwa naman at kuyang kuya sya kay baby Tum-Tum."

"Oo nga eh talagang sya pa nag pupumilit na sya na raw mag aalaga para daw di na kami maistorbo ng tito Keith niya."

"Hehe... si Jacob talaga maasahan."

"Oo naman 50years old na yon eh." Ang bungad ni Kevin na ready na.

"Baliw ka talaga kuya ano aalis na ba tayo?"

"Oo halika na sumakay ka na."

"Oh? Hindi niyo na aantayin ang mga kuya niyo?"

Habang nasampa sa may motor si Kelly "Hindi na ate sabihin mo nakakahiya kapag na late ako kaya si kuya Kevin nalang kanyo sinama ko."

"O— Oo sige ingat kayo wag masyadong mabilis Kevkn."

"Oo naman Ate si Kelly lang talaga ang mabilis mag pa takbo eh."

"Sus! Sige na bye ate ingat kayo diyan."

"Oo sige ingat."

At umalis na nga yung mag kapatid na lulan ng motor ni Kevin.

***

Makalipas ang 40minutes nasa cafe na yung taong gustong mag franchise ng milk tea ni Kelly at may kausap pa sa telephono na para bang seryosong seryoso "Okay Sir, wag kayong mag alala pangako hindi niya kayo mabubuking." Napatingin yung lalaki sa may pinto ng cafe "Sir, sige na andito na po si Ms. Kelly at ang kuya niya."

"Hello, Sorry kung na late kami ay ako nga po pala si Kelly at eto naman po si Kevin kuya ko po sya."

Tumayo at nakipag kamay yung lalaki sa kanila at nag pakilala rin "Finally, we meet each other Ms. Kelly my name is Johnsen Guillermo."

"Kinagagalak ko rin po kayong makilala."

Mga 20seconds na siguro ng nakikipag kamay si Johnsen kay Kelly kaya kinuha na ni Kevin ang kamay ng kapatid "Ah... Eh...Hi, ako si Kevin kuya niya at guardian kaya kung may tanong kayo ako muna ang i-consult niyo but no personal life just businesss."

Siniko ni Kelly si Kevin at bumulong "Kuya! Anong pinagsasabi mo? Client natin yan at safe naman nag pa swab yan at negative kaya okay lang maki pag kamay." At nag bulungan pa ng pasimple yung mag kuya.

"Mabuti na yung sure mahirap na baka masalisihan ka na naman."

"Ano?"

"Wala! Sa susunod wag kang nakikipag kamay basta mag alcohol ka ng pasimple."

"Um."

"Ahem, anyways Ms. Kelly nabasa mo ba ng text ko sayo?"

"Ho? Ah... eh... pasensya na po pero hindi pa sandali lang po."

Pandalas namang kinuha ni Kelly ang kaniyang cellphone at pandalas na rin sya ng spray ng alcohol sa kamay niya "It's okay I just wanna say na I like 10 franchises ng milk tea mo so I hope it's okay to you if you don't mind."

Gulat na gulat yung mag kuya at di makapag salita sa kagalakan "Ms. Kelly? Are you okay?"

"Ye— Yes Sir nagulat lang po kami ng kuya ko sa sinabi niyo. Totoo po ba ang lahat ng iyon?"

"Yes, ni minsan hindi pa ako nag biro about sa business."

"So— Sorry po pero marami salamat po."

"No worries basta gusto ko habang itinatayo ang nga franchises ng milk tea shop mo andun ka rin."

"Ho?"

"No! Hindi pwede si Kelly. Kung gusto niyo po kami nalang na mga kuya niya alam niyo naman po na may pandemic at may hika po ang kapatid ko kaya kami nalang po ang bahala humarap at umasikaso diyan sa mga ipafranchise niyo."

"Ayos lang naman sakin pero gusto rin kasi ng business partner ko na makita yung mismong may ari may gusto rin kasi siyang itanong."

Nagkatinginan yung nag kuya at sabay nilang sinabi "Business Partner?"

"Yep, so I hope pagtapos nating magkaroon ng pirmahan dito ay makausap mo rin sana yung business partner ko Ms. Kelly."

"O— Okay?"

Nanahimik at may iniisip si Kevin habang patuloy nag nag uusap yung dalawa at nagkakapirmahan na rin na mga papeles "Wag po kayong mag alala may abogado po kami na mag nonotary ng contracts natin."

"No it's okay kahit na wala kahit kami na ng business partner ko ang mag pa notary may gusto rin sana syang i-add sa contract. Okay lang ba yon?"

"Ho?"

"Dahil kami naman ang iyong first business partners gusto rin sana naming mag add at gumawa ng contract para sa security na rin ng bawat partido."

"O— Opo wala naman pong problema yon pero sana makilala ko po muna sana yung business partner niyo may business card po ba sya?"

"Ah wala pero andiyan na sa text ko sayo ang number niya."

"Ohhh... okay po ano po palang name niya para makapag pakilala po ako."

"Patricio."

"Pa— Patricio?"

Kamusta geysh? Keep safe. ~^_^~

•Ano po ang masasabi niyo? Nagbalik na nga kaya si Patrick? O baka ibang Patricio yung tinutukoy? Abangan!

•Nawa’y nag enjoy kayo mag basa at medyo mahahaba po ngayon ang per kabanata para detailed hehehe... XD

•Salamat po sa mga nag iintay ng chapter at sa mga parating nag vo-vote sa novel ko. Thankyou so much po.Godbless. (:

lyniarcreators' thoughts
Next chapter