Naglalakad papasok ng kanilang subdivision si Kelly na nakatungo at hindi pinapansin ang mga nadadaan niyang kapitbhay. "Ke---Kelly..." Ang sabi ni Mrs. Agustin na kausap yung isa rin niyang kapitbahay na si Mrs. De Castro na ilang tatlong blocks ang layo sa bahay ng mga Dela Cruz.
"Eh? Hindi ata hyper ang batang iyon ngayon?"
"Oo nga'y baka may problema? Tsaka hindi sya kasabay ng kuya Kevin niya."
"Hmmm...mga kabataan rin kasi ngayon mga mapag lihim yung anak ko ngang si Andrei nako...nalaman kong may gf na aba'y 15years old lang yun eh."
"Ah...eh...Mars, yun nga talaga ang gusto kong sabihin sayo."
"Ang alin?"
"Yung anak mo!!!" Ang gigil na sabi ni Mrs. Agustin.
"Mars, sinisigawan mo ba ako?"
"Ah...eh...hindi naman pero yung anak mo! Nililigawan ang anak ko!"
"A---ano? So, yung nakita kong picture na may taklob ng sticker sa fb ng anak ko eh yung anak mong si Stephanie?"
"Oo!!! At sabihan mo yang anak mong si Andrei na lubayan ang anak ko! Ang babata pa nila! Gusto kong makapagtapos muna sila ng pag aaral."
"Huh! Oo at ayaw ko rin namang maging gf ng anak ko ang anak mong spoiled brat!!!"
"What the?! Huh! Who's spoiled brat? Your kid is mama's boy!"
"Ano naman kung mama's boy at least hindi spoiled brat na maarte!"
"Ano?!!!"
"Tse! Makapasok na nga at baka ma stress lang ako at magkaroon pa ako ng wrinkles dahil ayoko ng nag paparetoke di gaya ng iba diyan!" At pumasok na siya ng kanilang bakuran "Bagang!" ang pabagsak na tunog ng kanilang gate.
Nang gagalaiti naman si Mrs. Agustin sa galit "Hoy!!! Sinong sinasabing mong retokada? Hindi ako nag paparetoke!!"
"Huh! Kaya pala yang ilong mo tabinge!!" Ang sigaw ni Mrs. De Castro na papasok na ng kanilang bahay.
Napahawak naman si Mrs. Agustin sa ilong niya at nag madaling pumasok sa kanilang bahay "Tsss...mga mayayaman talaga ang hirap intindihin masyadong pinagaganda ang mukha samantalang wala namang igaganda na." Ang sabi nung matandang lalaki na taga wawalis sa subdivision.
***
"Beep...Beep..."
Nagulat si Kelly ng may biglang bumusina sa likod niya "Ay kalabaw!!!"
"Kelly!!!"
Paglingon ni Kelly "Senior? Ethan?"
Na naka sakay sa motor na wari'y papunta sa kanilang bahay "Anong ginagawa mo bakit nag iisa ka?"
"Ahhh...hindi ko kasi kasabay si kuya Kevin ngayon may duty sya sa DLRH eh. Ikaw saan ka pupunta samin?"
"Yeah...tara sabay kana."
"Ha? Hindi na ang lapit na oh."
"Ay...oo nga...hahaha...sige sasabayan nalang kita bakit ba naglalakad ka papasok ng subdivision? Wala bang tricycle na napasok dine? O taxi?"
"Ayos lang gusto ko rin naman mapag isa at mag isip-isip."
"Bakit may problema ka ba?"
"Ah? Wa—wala ayos lang namiss ko lang ang maglakad. He...He..."
"Ahhhh..."
"Oo...Haha..." Ang awkward na tawa ni Kelly "Oh, eto na tayo papasok mo ba yang motor mo?"
"Ah...hindi na dine nalang bibisitahin ko lang naman si Keith namimiss na daw ako ng mokong. Ahahaha..."
"Ah...hehe...sige..."
Wala sa mood si Kelly nung pumasok sa kanilang bahay bumati lang sya sa mga kuya niya at kay Faith at Jacob tapos umakyat na ka agad sa kaniyang kwarto. "May problema ba si Kelly?" Ang sabi ni Ethan.
"Bakit?" Ang sabay-sabay namang sabi nila Kian.
"Naglakad sya papasok dine sa subdivision nung nakita ko siya eh."
"Ano?" Anila.
"'Oo nakita ko nga na parang wala sya sa sarili nya inaway niyo na naman ba yang kapatid niyo?"
"Ba'y hinde! Ang saya-saya niya kaninang umaga eh."
Nag senyasan naman sila Faith at Jacob at dahan-dahan silang umeskapo at nag tungo sa kwarto ni Kelly "Ano na naman kayang problema ng batang iyon?" Ang sabi ni Kian.
"Nga pala, Keith ano ba yung gusto mong ipakita sakin?"
"Ahhh...may bago akong biling dumbbell."
"Ano? Inisitorbo mo ako dahil dun?"
"Sus...bakit saan ka ba busy kay Alice?"
"A—ano?"
Inakbayan siya ni Kim "Eyyy...mukhang tinamaan ka sa pinsan naming yun ah." Aniya.
"Ayieee...hahaha...brad sigurado ka bang si Alice ang nagugustuhan mo pwede ka pa namang umatras."
"Ahahahaha...oo nga tama si Keith mala halimaw yun kakaibang babae yun eh kala mo lang mahinhin pero halimaw yun kapag galit."
"Oo brad, kaya magi sip-isip ka na kung gusto mo pang mabuhay."
Tinggal ni Ethan ang braso ni Kim sa kaniyang balikat at naupo sa sofa "Tumigil nga kayo parang hindi niyo pinsan si Alice kung siraan niyo ah."
Nagkatinginan si Kim at Keith at binato ng unan na nasa sofa si Ethan "Luko! In love ka na!!!" Anila.
"Tigilan niyo nga ko! Brad Kian, tara shot weekend naman bukas eh ano G, guys?"
"G!!!" Ang sagot nila Kim at Keith samantalang walang kibo naman si Kian na wari'y malalim ang iniisip.
"Bro!!!" Anila kay Kian.
"ANO?"
"Bakit ga ika'y parang ang lalim ng inisip?"
"Oo nga bro ayos ka lang ba?"
"Tungkol ba yan kay Kelly?"
"Napansin ko kasi na ang dumi ng jogging pants ni Kellang tapos parang may napansin akong sugat sa may siko niya."
"Eh?"
"Sandali nga, Jacob!!!"
Napalingon yung tatlo at hinanap si Jacob "Nasan si Jacob?"
"Nako, mukhang alam ko na nasa taas yun sa kwarto ni Kelly wala din dine ang malabs kong si Faith eh."
"Sige diyan na muna kayo at matignan nga muna rin si Kelly." Ang sabi ni Kian.
"Sige bro kami ng bahala sa mamaw na si Ethan."
"Mukha niyo mamaw!!!"
"Gege..."
Sa magkaparehong oras,
Nasa labas lang ng cr sila Faith at Jacob at doon nila kinakausap si Kelly "Babysis, sigurado ka bang ayos ka lang?"
Nakahiga lang si Kelly sa kaniyang bathtub na may lamang tubig habang suot pa ang kaniyang P.E uniform. "Opo ate gusto ko lang munang mapag isa."
Nagkatinginan sila Faith at Jacob na wari'y they feel hopeless dahil gusto nilang kausapin si Kelly pero wala silang magawa dahil ayaw nitong makipag usap at lumabas ng kaniyang c.r "Anong nangyayare?" Ang bungad na sambit ni Kian na kinagulat naman nung dalawa.
"Daddy?"
"Kuya?"
"Faith anong nangyayare?"
"Ahm...kasi kuya si Kelly ayaw lumabas ng cr niya."
"ANO?" Ang nag aalalang sagot ni Kian at lalapit na sana siya sa pintuan ng c.r ni Kelly pero hinarangan siya ni Faith at Jacob. "A—anong ginagawa nyo? Tumabi kayong dalawa diyan!!!"
"No daddy!"
"Ano? Faith ano na naman ito?"
"Ah...eh...kasi kuya sa tingin ko ngayon kailangan ni Kelly na mapag isa."
"Ano? Anong mapag isa? Eh baka kung anong gawin niyan sa cr!!! Baka mapaano yan sa loob!!!"
"Pero kuya...wala talaga sa mood si Kelly ngayon."
"Tsk...wala akong pake!!! Tumabi kayo di'yang dalawa kung ayaw niyong tuluyan na akong magalit sa inyo!"
Namadali namang tumabi yung dalawa at pinadaan si Kian "Kelly!!! Buksan mo ang pinto!!!" katok siya ng katok at nagulat nalang syang hndi pala nakasusi ang pintuan ng cr at binuksan niya ka agad doon nya nakita si Kelly na nasa bathtub na punong puno ng tubig at nakalublob habang suot pa ang uniform nito.
"Babysis!!!!" Ang bungad ni Kian at lumapit ka agad sa kapatid at iniahon niya ito sa tubig. "A---anong bang nangyayare sayo?" pero hindi siya sinasagot ni Kelly na para bang wala sa sarili kaya sinampal sampal niya ang pisnge nito.
At nung huling sasampalin niya na ang kapatid pinigilan siya nito "nawiwili ka na kuya!!!"
"Ah...eh...so----sorry...pero ayos ka lang ba?" Niyakap niya ng mahigpit si Kelly "Ano ba kasing nangyayare sayong bata ka?? Wag ka namang ganayan! Pag usapan natin kung may problema ka!" at unti-unti na ngang pumatak ang luha ni Kian samantala nasa likod lang sila Jacob at Faith at nakikinig at nag mamasid doon sa mag kuya.
"Kuya? Naiyak ka ba?"
"Baliw ka kasi!!! Ano ba kasing inisiip mong bata ka? Gusto mo na bang mag pakamatay?"
"Luh! Gusto ko lang talaga mapag isa at hindi ako mag papakamatay hindi pa ako baliw!"
"Pero tita Kelly bakit kanina hindi ka nag sasalita na para kang wala sa sarili mo?"
"Ah...kasi hindi ko alam ang sasabihin ko kila kuya."
"Na ano?" Anila.
"Na...ang dumi ng uniform ko tapos nagkaroon pa ako ng galos sa siko ayoko kasing magalit kayo sakin kuya."
Napatayo naman bigla si Kian at pinunas yung luha niya "Anak ka ng pucha!!! ANO BA NAMAN ANG INIISIP MO?"
"So---sorry kuya...ka---kasi...ano..."
"Jusmiyo naman!! Kala ko kung napano ka na! KAILAN KA BA MAG MAMATURED HA KELLY ANN MARIE??"
"Ku---kuya..."
Napasugod naman ka agad sila Kim dahil narinig nila ang sigaw ni Kian "Anong nangyayare?" Anila.
"Kelly? Anong ginagawa mo sa bathtub?" Ang sambit ni Keith tinakpan naman ni Faith ang bibig nito.
"Wag ka na nga munang makisingit!"
"Mm...mm..."
"Bilisan mo at mag bihis kana! Lintek! At kayo labas!!! Mauusap tayo sa baba naiitindihan mo Kelly Ann Marie???"
"O—opo kuya."
"Kayo! LABAS!!!"
"O—oo."
Kumaripas na naman ng takbo papalabas sila Kim, Ethan at kahit si Faith na buntis binuhat siya ni Keith dahil alam nilang galit na galit si Kian. "Da---ddy..."
Napatingin naman si Kian sa anak at huminga ng malalim "Sigh...sorry baby pero ang kulit kasi ng tita Kelly mo kaya hindi mo ako mapipigilan ngayon kailangang turuan ang tita mo ng leksyon." Napalingon naman si Jacob sa tita Kelly niyang nakatungo at wari'y malungkot pero wala syang magawa at ang tanging nasabi niya nalang ay "Sige po."
"Halika na lumabas na rin tayo."
"Opo."
"At ikaw! Kelly Ann Marie bilisan mo diyan!"
"O—Opo kuya..."
Hiyieeee...(^_^)
▪︎Mag update po ako ngayon ng wala sa oras mga kabayan's. hahahaha...kaya abang lang po parati.XD
▪︎Pahingi pong votes and comments para my inspirations. Beke nemen...hahahaha...salamat po in adv. labya'll godbless...muah.♡
▪︎ IG: lyniarsnowball
Love lots,
Ang makulit niyong author
lyniar☆