Rose
I woke up again and found out that it is already moring. Naaamoy ko mula sa kitchen ang bango ng pagkaing niluluto ng kung sino mang naroon.
Sino kaya iyon?
Nandito parin ba yung lalaki sa cruise ship?
Tinatamad akong napa bangon at nagtungo sa kitchen para tingnan kung sino yung naroon at nang mapagsino ko ito ay napag alaman kong si Yaya Shirley pala ito.
"Nakabalik ka na pala ya?" Tanong ko.
"Paano niyo po nalaman na nandito na ako?"
Sumagot naman si Yaya habang hinahalukay yung niluluto niya. Isa iyong macaroni soup.
"Tinawagan kita kagabi, hindi ko alam pero kinutuban ako kaya kita tinawagan."
Nagtaas ng isang kilay si Yaya habang nakatingin sa'kin ng kakaiba. "Tapos yung sumagot lalaki."
"Ah. That guy, uhm he is."
"Si Loey pala iyon nak!" Sabi ni Yaya bigla saka humagikhik.
"Huh? What's with him ya?" Takang tanong ko.
"Hindi mo ba iyon kilala? Sikat iyon dito sa Pinas."
Napa kunot ako ng noo. Wala nga naman akong alam sa mga singers or artista sa Pinas, though I only knew few like Sarah G. Gary V. And etsetera, but I never heared about him.
"Member siya ng boygroup na Peter pan, yung parang K-pop pero pinoy," Paliwanag naman ni Yaya.
Gaya ng sabi ko, sa Australia ako tumira with Yaya dahil doon ako nag-aral for 8 years at one year pa lang kami rito sa Pinas kaya hindi ako updated na merong sumibol na boygroup dito.
Kaya pala marunong siyang tumugtog at mag compose dahil 'yon pala ang profession niya.
"Baliw na baliw pa naman si Jamie at Joshua sa Peter pan. Kung nasabi ko na nandito si Loey, malamang sasama yung mga iyon dito." Nagpatuloy si Yaya sa pagluluto.
"Balita ko na depress daw iyon dahil sa pagkamatay ng kasintahan niya."
Really? So binalak niya nga talagang mag suicide noong nakita ko siya sa pool?
Nabanggit nga pala niya iyon kagabi, meron daw siyang music na hindi niya malapatan ng lyrics, at para 'yon sa gurlfriend niya.
"Saan nga pala kayo nagkakilala?" Tanong ni Yaya na ikina kaba ko. Tiyak kong pagagalitan niya ako pag nalaman niyang nag cruise ship ako.
"Ah... ano... na meet ko lang po doon sa pinuntahan ko tapos may nakalimutan ako na binalik niya," palusot ko na lang.
"Buti na lang pala at naisipan niyang ibalik agad sa'yo iyon at nagkaroon ka ng kasama rito. Nilagnat ka raw kasi."
Pinatay na ni Yaya yung kalan dahil naluto na yung soup at saka siya napa baling sa akin. "Pasensiya ka na nak, wala ako rito kagabi."
Nginitian ko siya, "Okay lang ya. Hindi mo naman alam, at isa pa ayokong guluhin kayo sa pagbabakasyon niyo."
"Hay naku. Huwag ka na kasi masaydong panay alis," aniya na nakahalukipkip.
"Ya, ayan ka na naman. Alam niyo naman ang rason ko 'di po ba?"
Nilapitan ko siya at niyakap saka ini hilig ang ulo ko sa balikat niya.
Naramdaman ko ang pag buntong hininga ni Yaya, "hay. Ano pa nga ba? Basta ang dalangin ko ay ingatan mo palagi ang iyong sarili."
I just nodded while still hugging her.
"Sana naman ay makatagpo ka na ng love life."
Napa angat ang ulo ko at napatingin ako kay Yaya.
Nanunudyo naman an titig nito. At kunwari ay sumimangot ako at nagpout ng lips.
Tumawa naman si Yaya.
"Siya nga pala, nag-iwan pala si Loey ng number niya. Sabi niya ay tawagan mo raw siya kung sakaling may kailangan ka." Dinukot ni Yaya ang isang calling card mula sa bulsa niya.
Kinuha ko ito at tiningnan.
Francis Loey Alcaraz.
Iyon pala ang name niya.
Tinutukan ko lamang yung card na may name at number niya at sumagi sa isip ko ang sitwasyon niya. He became depressed because of her girlfriend's passing.
At hindi ko maiwasang malungkot sa sinabi ni Yaya.
"Mas mabuti na sigurong maging single ya," sabi ko saka tumitig sa kanya, ngumiti ako nang bahagya.
"Kasi pag nagka boyfriend ako at dumating yung time na lisanin ko na yung mundo, masasaktan ko lang din yung taong 'yon dahil maiiwan ko siyang mag-isa."