Nakaalalay padin si Ry kay cha nagtama ang mga mata nilang dalawa, tumingin si Ry sa lips ni cha. Ng maalala nga ni cha ang paghalik ni Ry sa kaniya. Tinulak niya si Ry at tumalikod agad.
"Sige papasok na ako sa kwarto ko"
Tumakbo si cha sa kwarto niya
Natawa nalang si Ry.
Sumapit na ang gabi unti unti ng nagsisialisan ang mga reporter.
"Wala na ang mga reporter kaya uuwi na ako" sabi ni Ry na nasa tapat ng pintuan ng kwarto ni cha.
Binuksan ni cha ang pinto.
"Aalis kana? Ahm.. sige"
"Pupuntahan nalang kita bukas ulit"
"Okay"
"Wait.."
Isasara na sana ni cha ang pinto pero hinarang niya.
"Why?"
"Sumama ka muna kaya sa bahay ko nalang? Mas safe ka dun. Baka bumalik bukas ung mga reporter"
"Mas safe ako? Sure ka?"
"Oo.. wala naman akong gagawin na masama sayo"
"Hindi na.."
"Okay sabi mo eh.. sige tumawag ka nalang pag kailangan mo ako"
Nakaalis na si Ry at magisa nalang si Cha sa bahay niya. Mayamaya may ng door bell bumaba si cha para tignan kung sino. Nakita niya sa monitor na si Jinho ang nasa gate. Pinagbuksan niya si Jinho ng Gate.
"Bakit andito ka?"
"Okay ka lang? Hindi ako makalapit kanina dito sa bahay mo kaya inantay ko na umalis ang mga reporter."
"Okay lang ako"
"Hindi mo ba ako papasukin?"
"Ha? Eh.."
Pumasok nalang si Jinho kahit hindi pa sinasabi ni Cha.
"Wait lang.."
Nakapasok na nga si Jinho sa loob ng bahay.
Nakita ni Jinho na may mga pagkain pa sa lamesa sa kusina.
"Kumain kana pala. Mukang may kasama ka atang kumain?" Tumingin si Jinho kay cha
"Ah oo.."
"Si Ry?"
"Ahmm... Oo "mahina na sagot ni cha
"Akalain mo buong araw ako ng antay sa labas siya lang pala kasama mo dito. Bakit hindi ko siya napansin na lumabas ng bahay mo?"
"Ah.. kasi dumaan siya sa likod ng bahay andun kasi ung sasakyan niya."
"Okay.."
"Bakit kaba naparito?"
Lumakad si Jinho palapit kay cha one step nalang pagitan nila at humakbang pa si Jinho pero umatras si cha. Patuloy na humakbang si Jinho kaya patuloy na na umaatras si cha. Kaya nabangga na ni cha ang likod ng sofa
Nasa tapat niya si Jinho at nilapit ni Jinho ang mukha niya at tumingin sa mga mata ni cha
"Why" tanong ni cha
Hinawakan ni jinho ang mukha ni cha at hinalikan niya si cha sa labi nito ng mariin
Pinigilan ni cha si Jinho tinulak niya ito pero masyadong malakas si Jinho kaya hinawakan ulit siya ni Jinho at hinalikan ng mas mariin pa. Hindi na nakapalag si Cha kaya wala na siyang nagawa kundi tanggapin ang mga halik ni Jinho. Nghahalikan sila habang paatras patungo sa kwarto. Ni un button ni Jinho ang damit ni cha at unti unti niya ng tinatanggal ang damit ni cha.. ng wala ng pang-itaas si cha tumigil si Jinho at tumingin kay cha
"Mahal mo pa ako hindi maitatangi ng mata mo at ang buo mong katawan.." sabi ni jinho sa boses nito na mahina.
Hindi makasagot si Cha sa sinabi ni Jinho.
Hinalikan ulit siya ni Jinho at ginawa na nga ni Jinho ang gusto niyang gawin kay cha.
Nakahiga silang dalawa sa kama at yakap ni Jinho si cha
"i miss you so much.."
Sabi ni jinho kay cha pabulong sa tenga ni cha
Tumingin si cha kay jinho.
"Cha.. anong meron sa inyo ni Ry? Kayo naba? Mahal mo nadin ba siya?"
Hindi sumagot si cha bumangon siya sa kama
"Magbihis kana at umalis.."
"What pagkatapos ng nangyari satin ngyon? Papalisin mo na ako?"
"Hindi mo ba ako mahal cha?" Bumangon si Jinho at niyakap niya si cha sa likod nito.
Naiiyak si Cha pero pinipigilan niya.
"Umalis kana."
"Sagutin mo muna ang tanong ko"
"Wala dapat nangyari satin knina kalimutan nalang natin na may nagyari"
"Wala lang sayo yun? Nararamdaman ko cha na mahal mo ako wag mo na ideny pa please wag mo ako pahirapan ng ganito!"
"Sige na alis na.." kinuha ni cha ang damit ni Jinho at tinulak na palabas si Jinho sa kwarto.
"Cha... Please.. mag usap tayo ng maayos.. please.. gusto ko ng bumalik ka ng buo sakin cha! Please..."
Nasalikod ng pinto si cha at nakaupo. umiiyak Hindi niya alam ang nararamdaman niya.. mahal niya si Jinho pero hindi niya alam kung paano siya makakabalik ng buo dahil Kay Ry.. hindi niya din alam kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para kay Ry. Medyo nalilito na siya. Kaya hindi niya masagot si Jinho sa tanong nito. Hindi niya din alam kung bakit pumayag siya na may magyari sa kanila ni Jinho. Nagtatalo ang isip at puso niya.
"Sige.. hahayaan na muna kita. Maghihintay ako cha kahit gaano pa katagal. Mababawi din kita kay Ry. Aalis na ako"
Umalis na nga si Jinho at nasa likod parin ng pinto si cha at patuloy padin ang pag-iyak.
______________
Kinaumagahan nakipagkita si cha sa bestfriend niya na si mica.
"Oh bakit parang ang tamlay mo?"
"Mica..."
"Oh... Bakit?"
"Nalilito ako mica!"
"Nalilito saan?"
"Kay Ry at Jinho.."
"What!" Gulat na gulat si mica napalakas ang boses niya.
"Possible ba yun? Magmahal ako ng dalawa?"
"Huh? Baka baliw kana? Hahaha"
"Ano kaba! Tatawanan pa talaga ako?"
"Eh paano un ba nangyari?"
"Hindi ko din alam?"
"Hindi kaya dahil mas madalas na mgkasama kayo ni Ry kaya tumutubo na love mo sa kaniya? Oh my god! Eh ano ba talaga nararamdaman mo sa dalawa pag kasama mo sila?"
"Ahmm... Pareho bumibilis ang tibok ng puso ko! Pag lumalapit sila sakin ng malapitan. Pareho na parang sasabog ang puso ko."
"May problema kana nga... Patingin kana sa physiatrist...!"
"Grabe ka naman!"
"Naiisip ko lang.. dahil first love mo noon si Ry my natitira kapang pagmamahal sa kaniya kaya baka yan ung ng gro grow ngayon. Kung kay Jinho naman dahil siya ang asawa mo minahal mo din naman un ng mahabang panahon."
"Ano na gagawin ko? "
"Ang mainam na gawin mo... Pag-isipan mong mabuti! Kung sino ba ang mas matimbang sa puso mo. Alam mo mangyayari lang yan pag kasama mo silang dalawa dun mo mapagiiba."
"Paano naman! Eh lagi magaaway un pag magkadikit!"
"Kausapin mo sila.. once na d sila mag behave layuan mo sila"
"Mica may nangyari samin kagabi ni Jinho.."
"Ano!!! Pumayag ka? Naku! Hindi mo napigilan? Bumigay ka? Hhahahhah"
"Sige tawanan mo pa ako!"
"O di siya na! Panalo niyan kasi naki pag make love ka!"
"Kamakailan lang din sa bahay ni Ry hinalikan niya ako at hindi ako tumutol.."
"Ay girl grabe kana ah! Wag mo sabihin na may nangyari din sa inyo ni Ry?"
"Ay.. wala walang nangyari sa amin dalawa. Kaya nga nalilito ako dahil sa halik na iyon bakit nakaramdam ako ng kakaiba din"
"Hmmm... Mahal mo nga sila pareho pero hindi pwede na dalawa sila"
"Ahhhh....." Ginulo gulo ni cha ang buhok niya at binagsak niya ang ulo niya sa table..
"Best... Mag vacation tayo at yayain mo yung dalawa.. para malaman mo kung sino talaga ang mas mahal mo."
"Hindi pwede.."
"Bakit hindi?"
"Ayaw kong magalit si Ry.."
"Si Ry? Bakit si Ry?"
"May kasunduan kami ni Ry"
"Anong kasunduan?"
"Hindi ko pwedeng makasama si Jinho.. if lalabag ako sa kasunduan namin gagawa ng paraan si Ry para mapahirapan si Jinho at ilalayo niya ulit ako"
"Ano..?!!! Ganyan naba kasama si Ry ngayon? Tapos nahuhulog na ang loob mo sa kaniya? Kawawa naman pala si Jinho eh.."
"Mica... "
"Tsk.. tskk... Kakausapin ko si Ry.."
"Wag na.. sa ngayon ang magagawa ko lang wala sa kanila ang pipiliin ko"
"Pero hindi pwede habang buhay! Dapat may piliin ka kahit may masaktan"
"Kailangan ko munang ma break ang kasunduaan namin ni Ry"
"How?"
"Hindi ko pa alam"
_____Chapter 28 end___
Author: please dont forget to vote and comment and follow me for more updates of my story.