webnovel

CHAPTER TWO

💜💜💜

    AFTER TWO YEARS

    TULOY-TULOY ang lakad ni Mazelyn papasok ng Meili De Hua Group of Companies. Marami ang bumati sa kanya na nginitian niya. Pagpasok niya ng elevator ay nakasabay niya si Carila, ang personal secretary ng CEO ng kompanya. Ngumiti ito sa kanya.

    "Good morning, Maze. Maganda yata gising natin ngayon ah."

    "Good morning din, Carila." Hindi na siya nagkumento sa huling sinabi nito.

    Mukha na intindihan din naman ni Carila kaya hindi na ito nagsalita pa. Masaya siya ng araw na iyon dahil ngayong araw ang balik ng boss niya. Muli niyang masisilayan ang gwapo nitong mukha. Napangiti siya ng maalala ang mukha ng amo niya. Sino bang mag-aakala na magkakagusto siya sa boss niyang iyon? Sa loob ng tatlong taon ay nahulog ang loob niya dito. Maayos naman kasi ito, wag lang talaga tupakin at lumalabas ang sungay. Sa loob ng tatlong taon ay nakasanayan na niya ang ugali nito.

    Nang huminto ang elevator sa floor kung nasaan siya nag-opisina ay magalang siyang nagpaalam kay Carila. Tuloy-tuloy siya sa table niya. Agad niyang nilapag ang kanyang bag at pumunta ng pantry para gumawa ng kape. Sigurado siya mamaya lang ay nandito na ang boss niya. Kahit kailan ay hindi ito nahuhuli sa pagpasok ng opisina. Pagkatapos niyang gumawa ng kape ay agad siyang pumasok sa opisina nito at inayos ang table nito. Inayos niya ang mga papeles na agad nitong pipirmahan. Isang linggo din nawala ang boss niya dahil pumunta ito ng China para asikasuhin ang isa sa negosyo na hawak din ng kompanya.

    Agad siyang lumabas sa opisina nito ng matapos ang ginagawa. Kakaupo pa lang niya sa table niya ng makitang bumukas ang elevator at lumabas ang boss. Lahat ng naruruon ay tumayo para magbigay galang kasama na siya doon.

    "Good morning, Mr. Wang." Bati niya ng dumaan ito sa table niya.

    Hindi siya nito pinansin. Tuloy-tuloy lang ito pumasok sa opisina nito. Napatingin siya sa paligid. Lahat ay malungkot sa pagdating nito ngunit hindi siya. Namiss niya ang boss niyang iyon. Napangiti siya dahil sa wakas ay nandito na din ang lalaking sinisinta. Dinampot niya ang planner at pumasok sa loob ng opisina. 

    Naabutan niyang tinutupi ng boss niya ang manggas ng suot nitong suit. Napalunok siya dahil sobrang hot nito tingnan. Kahit salubong ang kilay nito ay sobrang gwapo pa rin nito sa paningin niya. Ang sarap talaga titigan ni Mr. Wang. Hindi yata siya magsasawang titigan ito. Sana ay maayos ang mood nito para mas madalas siyang makapasok sa opisina nito. Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito. Napatingin naman ito sa kanya.

    Shit na malagkit! Nakakalaglag panty ang mga mata nito na sobrang ganda. Noong una niyang pagmasdan ang mga matang iyon ay napatulala talaga siya. Dark brown eyes na may kakaibang kislap. Madalas niyang mabasa sa mga mata nito ay galit pero kahit ganoon ay masarap pa rin titigan.

    "Yes, Ms. Reyes."

    Napakurap siya. Muntik na niyang makalimutan ang pakay niya doon. Lumunok muna siya ng laway bago nagsalita. "Sir, nagpatawag po ng meeting si Sir Shan. May importante po daw itong sasabihin."

    "Anong oras ba ang meeting?"

    "Two pm sir. I already clear your Two pm schedule for you to c---"

    "I won't come." Putol nito sa iba pa niyang sasabihin.

    Napa-angat siya ng tingin. "Sir..."

    "I said I won't come. May lakad ako ng two pm. I'll visit the site in Pasay. May hotel tayong pinapatayo doon na kailangan kong tingnan." Umupo ito at ininum ang kape.

    "Pero sir siguradong magagalit naman nito ang papa niyo." Sabi niya.

    Tumigil sa pag-inum si Shilo at galit na tumingin sa kanya. Madilim na naman ang mukha nito na ikinabilis ng tibok ng puso niya. Alam niyang hindi iyon dahil sa takot kung hindi dahil sobrang hot nito tingnan ng mga sandaling iyon. Pinagdikit niya ang mga labi para pigilan ang sarili na muling magsalita. Hindi maganda ang nangyayari kapag sinagot na naman niya ang amo. Kahit pa nga ang gusto niyang gawin ngayon ay sagutin ito para mas lalong magalit. Kapag namumula kasi ang mukha ng boss niya ay lalo itong nagiging hot at sexy sa paningin niya.Those sexy red lips of him that he bite if his mad. Nakaka-inlove.

    "Who's your boss, Ms. Reyes?" may galit sa boses na tanong nito.

    Napalunok siya ng marinig ang boses nito. Heto na naman at galit na naman ang dragon ng MDH Group of Companies. Bakit ba kasi sinagot niya pa ito?

    'Gusto mo naman.' kantiyaw ng isip niya.

    "Kayo po Sir Wang." Sagot niya sa nanginginig na kamay.

    "Anong pangalan ko, Ms. Reyes." Tumayo ito at umupo sa unahan ng table nito.

    Muli siyang napalunok. "Shilo Chauzo Wang."

    "Good." Tumayo ito at bumalik sa pagkakaupo sa swivel chair nito. "Now, you know who's your boss, you can go out now and do your job." Itinuro nito ang pinto.

    Agad siyang yumuko at mabilis na lumabas sa opisina nito. Kahit kailan ay nakakatakot talaga ang lalaking iyon. Napahawak siya sa puso niya. Sa loob ng isang taon ay naging ganoon ang pintig ng puso niya. Noong una ay akala niya ay dahil natatakot siya dito ngunit ng huli ay nagiging madalas na iyon kahit pa hindi galit ang binata. Madalas niyang nararamdaman ang mabilis na tibok ng puso kapag kinakagat nito ang labi. At madalas gawin iyon ni Sir Shilo kapag ito ay galit o na iirita. 

    Buong akala niya ay isang araw lang siya magtatrabaho sa mga Wang ngunit dahil nagkasakit ang ina at kailangan niyang ipagamot. Nangyari ang lahat ng iyon noong araw na nakapasok siya sa mga Wang. Balak na talaga niya na hindi pumasok kinabukasan ngunit ng umuwi siya ay nalaman niyang sinugod ang ina dahil sa sakit nito sa baga. Na diagnose ang ina nang lung cancer. Kailangan niya ng pera kaya tiniis niyang pumasok sa mga Wang. Isang buwan pa lang siya sa mga Wang ng tuluyan pumanaw ang ina pero hindi na niya nagawang magresign dahil sa pag-aaral ng kapatid.

    Ngayon ay sanay na siya sa ugali ng amo niyang parang dragon kung magalit. Dahil kapag galit ito, nagbubuga ng apoy at kapag tinamaan ka kahit isang sorry wala kang maririnig dito.

    SINUNDAN ng tingin ni Shilo ang kanyang sekretarya na si Mazelyn. Hanggang ngayon ay pala-isipan pa rin sa kanya kung bakit niya ito kinuha bilang sekretarya. Unang buwan  na pasok nito sa kompanya ay marami itong pagkakamali kaya hindi maiwasan na sigawan niya ito pero hindi ito umalis. Akala niya sa mga panahon na iyon na isang araw ay hindi na ito papasok pero nagugulat na lang siya na nakikita ito sa table nito at abala sa trabaho.

    He admires Mazelyn dedication at her work. Sa lahat ng naging sekretarya niya ay ito lang talaga ang nakatiis sa ugali niya. Malaki din ang pinagbago ng babae. Kung dati ay pumapasok ito na kupas ang suot ngayon ay hindi na. Marunong na itong manamit at nakikipagsabayan na sa mga babaeng corporate. Well, kung sa ganda lang din naman ay hindi makakailang maganda si Mazelyn. 

    Mazelyn have a small face na binagayan ng maliit nitong labi. Maganda din ang maliit nitong mga mata na may mahahabang pilik mata. Ang kilay nito na manipis ay nagdagdag lang sa ganda ng mga mata nito. Matangos din ang ilong ni Mazelyn. Hanggang siko lang nito ang buhok na may manipis na kulot sa dulo. Maputi din si Maze at may height na 5'5. Sa lahat ng babae sa opisina na iyon wala siyang masabi sa ganda ni Mazelyn. 

    Si Mazelyn din ang isa sa mababait na staff ng MDH pero kahit ganoon ay hindi pa rin niya magawang makipagkaibigan dito kagaya ng ginawa niya dati kay Carila. Masyadong nasaktan siya sa nangyari sa kanila ng dati niyang sekretarya. Nang maisip niya ang dating sekretarya at kaibigan ay nagbago ang timpla ng mukha niya. Inis niyang dinampot ang tasa ng kape at tinapon iyon kung saan. Wala siyang paki-alam kung mabasag iyon. He doesn't care. He doesn't care anymore. 

    Natigilan siya ng makitang umilaw ang phone niya. Dinampot niya iyon at binasa ang text na pinadala ng Kuya Shan niya.

    'You need to attend the meeting. Sasabihin ko na kay Daddy ang tungkol sa balak kong pagpapakasal kay Carila. I want you to be there for moral support.'  Iyon ang inilalaman ng mensahe nito.

    Napangiti siya ng mapakla. Iyon pala ang dahilan ng meeting. Kaya pala siya nito gustong naruruon. Masaya talaga ang Kuya niya na sinasaktan siya. Nais talaga nitong kunin ang lahat sa kanya. Nandilim ang paningin niya. Tinapon niya ang kanyang cellphone. Hindi siya makakapayag na mapunta sa kuya niya ang lahat ng meron siya.

    INAAYOS ni Maze ang mga files niya sa table ng may naglapag ng isang folder. Napa-angat siya ng mukha. Muntik na siyang matumba kung hindi lang siya napahawak sa mesa niya. Mukhang galit na naman ang boss niyang pinaglihi sa sama ng loob. Nagising na naman ito sa maling posisyon.

    "Yes, Sir Wang." Kinakabahan niyang tanong dito.

    "Bakit nasa mesa ko ang proposal na iyan?" Narinig niya ang pagtunog ng ngipin nito.

    "Ho!" nanginginig ang kamay ang dinampot niya ang folder. Binasa niya iyon at naputla siya ng mapag-alaman kung kaninong proposal iyon.

    Mukhang napansin ni Shilo ang reaksyon niya kaya lalong namula ang mukha nito sa galit. Malakas nitong nasuntok ang mesa niya na ikinatalon niya sa gulat. Naku, heto na naman ang dragon. "I told you that I don't want to see Mr. Saurez proposal for new set of furniture on my table. At nakahalo pa talaga sa new proposal ni Aldrine?" galit nitong sigaw sa kanya.

    Napayuko naman siya. "Na-approbahan na po iyan ni Sir Shan at pirma niyo na lang po ang kailangan Sir." Paliwanag niya rito.

    Napapitlag siya sa gulat ng suntukin nitong muli ang table niya. "Sino ba ang boss mo rito, Ms. Reyes?"

    Naramdaman niya ang tingin ng mga staff na naruruon. Kitang-kita ng mga ito kung paano magalit ang dragon ng MDHGC.

    "Kayo po sir." Kinagat niya ang labi. Pinigilan niya ang sarili na tingnan ito dahil baka matangay na naman siya kapag nakita ang namumula nitong mukha. 

    "Ako!" sigaw nito. "Ako ang boss mo pero ang utos ng kuya ko ang sinusunod mo. What did I told you about that folder last week?" 

    Lalo siyang napayuko sa tanong nito. Alam naman niya kung anong iniutos nito noong nakaraan linggo patungkol sa proposal ni Mr. Suarez. Talagang sinabi lang ni Sir Shan na dapat mapirmahan na iyon ni Sir Shilo para masimulan ang produksyon. CEO at Presidente ng kompanya si Sir Shan habang Vice President naman si Sir Shilo. Magkapatid nga ang dalawa ngunit hindi naman magkasundo. Noong unang pasok niya ay hindi niya maintindihan kung bakit laging parang nasa gira ang opisina kapag naruroon ang magkapatid. Magkaiba kasi talaga ang paniniwala ng dalawa. Ganoon din pagdating sa ugali at pamamalakad ng kompanya.

    Palaging nakangiti si Sir Shan habang lagi naman nakasimangot si Sir Shilo. Ilag nga ang lahat ng empleyado sa boss niya. Noong unang pasok niya doon ay nakilala niya ang dating secretary nito na si Carila. Sobrang seryuso daw na boss si Shilo ngunit hindi naman ito ganoon. Mabait daw ang binata sa lahat ngunit bigla nalang itong nagbago na ipinagtataka ng mga nagtatrabaho doon. Nagsimula lang daw naman iyon ng pumasok ng kompanya ang kuya nito na si Sir Shan. Ang huling secretary nito bago siya ay si Anniza. Hindi tumagal ng dalawang araw si Anniza at gustong bumalik bilang sekretarya ni Joshua. Nakakatakot daw magalit si Sir Shilo. Lahat ng mahawakan nito ay binabato. Sa awa ng Diyos, wala pa naman nagresign dahil natamaan ng boss niya. 

    Aaminin niya, takot na takot siya noong unang pagtatagpo nila ni Sir Shilo ngunit ng tumagal siya bilang sekretarya nito ay nakita niya ang kabaitan sa likod ng mala-dragon nitong katauhan. Lumipas man ang ilang taon at nakilala niya ng tuluyan si Shilo ay hindi man lang nabawasan ang paghanga niya sa kagwapuhan nito. Kahit pa nga madalas siyang sigawan nito ay hindi niya naisipan ang magresign. Oo nga at kailangan niya ang trabahong iyon ngunit ang mas malalim nadahilan kung bakit siya nanatili ay dahil nais niyang laging makita ang cute at gwapong mukha nito. Kahit nakakatakot naman talaga kapag nagagalit ay baliwala sa kanya. Buo naman kasi ang kanyang araw kapag nakikita ito. Buti na lang talaga at magaling siyang magtago ng nararamdamang paghanga sa binata dahil kapag nalaman nito, siguradong sibak siya sa trabaho. At iyon ang huling bagay na nais niyang mangyari sa pananatili sa mga Wang.

    "Nakikinig ka ba sa akin, Mazelyn?" sigaw na tanong nito na nagpabalik sa kanya sa realidad.

    Napakurap siya at napatingin dito. Namumula na ang mukha ng boss niya sa sobrang galit. Kitang-kita niya ang apoy ng galit sa mga mata nito. Gusto niyang mangulumbaba at titigan ang mukha nito. Bakit kasi ang gwapo nito kapag nagagalit?

'Patay kang bata ka.'

Nais niyang kurutin ang saliri para magising sa katutuhanan na galit ang boss niya at hindi dapat siya nagpapantasya ng mga sandaling iyon. Alam niyang ilang saglit nalang ay sasabog na ito. At hindi nga siya nagkamali, dinampot nito ang stapler at hinagis iyon sa pader sa likuran niya. Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin sa binata. Hindi siya makapaniwala na binato siya nito ng stapler. Lintik lang, nagwala na ang dragon. Mukhang nasagad na naman niya ang pasensya nitong wala naman talaga. Hindi pa ito nakuntinto, binato pa nito ang tasa ng kape niya.Tumama iyon sa pader at nabasag. May naramdaman siyang may tumama sa braso niya. Agad niya iyong hinawakan.

    "Do your work right, Ms. Reyes. Wag kang managinip ng gising sa oras ng trabaho." Galit pa rin nitong sabi at tinalikuran siya.

    Pumasok ito sa loob ng opisina at malakas na isinara ang pinto. May narinig pa siyang kalabog mula sa loob na naging dahil para mapasigaw siya ng malakas. Napahawak siya sa dibdib, malakas at mabilis pa rin ang pintig ng puso niya. Akala niya ay masisisantihin na siya sa trabaho dahil sa wala siya sa fucos habang nagsasalita ito. Muntik na siyang mawalan ng trabaho.

    Napaupo siya ng maramdaman ang panginginig ng kanyang mga tuhod. Nakakatakot talaga kapag galit ang dragon ng floor na iyon. Hindi nga niya akalain na tatagal siya ng tatlong taon na secretary nito. Kung iba siguro ay sumuko na. Well, masaya naman siya kapag nakikita ito. Okay lang kahit pagalitan at sigawan siya ng binata. Ang weird nga daw niya sabi ni China. Kung ibang babae siguro matagal na nagresign at na turn off sa pag-uugali ni Shilo. Kahit anong mali na gawin ng binata ay hindi siya nagagalit dito. Kagaya na lang kanina, mali naman yatang batuhin siya nito ng stapler at tasa ng kape ngunit wala siyang makapanggalit sa puso niya para rito. Matiyaga at pasensyuso daw siyang tao kaya siya inaabuso ni Shilo.

    Kahit isang beses ay hindi niya pa naringgan na humingi ng patawad kahit kanino si Sir Shilo. Masyadong mataas ang pride ng boss niya para humingi ito ng pasensya sa kanya. Kaya nga hindi na siya umaasa na magsasabi ito ng 'sorry'. Basta makita niya lang ang binata na nakangiti ay tunaw na lahat ng tampo o inis niya rito. Sabi nga ni China sa kanya, baliw na daw siya kay Shilo. 

    "Maze, okay ka lang?"

    Napakurap siya ng may nagtanong sa kanya. Napatingin siya kay Mylene. Isa ito sa accounting staff ng MeiMei Home Decor, ang furniture company na under ng MDHGC. May pag-aalala sa mukha nito.

    "Ya!" sagot niya.

    "Maze, dumudugo ang braso mo." Tinuro nito ang kaliwang braso niya.

    Napatingin siya sa braso niya. Doon niya lang napansin ang isang maliit na sugat. Dumadaloy ang dugo na nagmula sa sugat niya. Iyong ang naramdaman niya kahina ng binato ni Sir Wang ang baso ng kape niya. Agad na dinaluhan siya ng kasama para dalhin sa klinic ng kompanya. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng takot dahil sa ginawa ni Sir Shilo. Ito ang pangalawang beses na may sinaktan ito sa loob ng opisina.

    KUMAKAIN sa canteen si Maze ng may naglapag ng juice sa tabi niya. Napaangat siya ng mukha. Isang nakangiting Carila ang nakita niya.

    "Kamusta ang araw mo, Maze?" masayang tanong nito.

    Umupo ito sa katapat niyang upuan. Wala itong dalang kahit anong pagkain, juice lang talaga.

    "Okay lang naman kahit pinagalitan na naman ng masungit na dragon." Sabi niya rito.

    Tumawa si Carila sa sinabi ko. "Sinumpong na naman ba si Shilo? Sa tingin ko may pinagtalunan na naman ang dalawang iyon. Sumugod kasi ito kanina sa opisina ni Shan."

    "Anong sinumpong? Sabihin mo baliw na ang boss ko. Lagi na lang nakasimangot. Pinaglihi sa sama ng loob." 

    Tumawa lang ulit si Carila. "Ikaw, lagi mo nalang sinasabihan si Shilo ng baliw. Buti nga at hindi ka pa niya sinisisanti. Sa lahat ng sekretarya niya ikaw lang ang nakatagal."

    Hindi siya umimik. Ano naman ang sasabihin niya? Sasabihin niyang kaya siya tumagal na sekretarya ni Shilo ay dahil attractive siya sa boss niya? Matagal na siyang may gusto sa boss niya kaya siya nanatili sa tabi ng abnormal niyang boss. Sigurado kapag sinabi niya rito ang nararamdaman ay tatanungin siya kung bakit si Shilo pa. Hindi kasi talaga mabait kahit kanino si Shilo. Well, kay Carila lang naman ito mabait.

    "Mazelyn, bakit di ka nalang magpalipat ng ibang department? Sigurado akong papayag si Joshua na ilipat ka."

    "Ayoko!" Natigas niyang sabi rito.

    Anong lilipat ng ibang department? Hindi pwede. Paano niya masisilayan ang sinisinta niya kung papalipat siya ng ibang department? At saka sanay na siya sa pag-uugali ng dragon. Kahit batuhin siya ng kahit anong bagay ni Shilo, basta ba ang kapalit ay ang makita ito araw-araw.

    "Alam mo Maze ang weird mo. Kaya ka siguro nakatagal sa ugali ni Shilo."

    "Ako? Weird." Tinuro niya pa ang sarili.

    Tumungo si Carila. "Simula ng magtrabaho ka kay Shilo walang linggo na hindi ka niya sinisigawan. Na aawa na nga ang lahat sayo pero ikaw parang wala lang sayo."

    Hindi siya umimik. Ganoon ba ang tingin sa kanya ng lahat. Weird na agad dahil sa nakatagal siya bilang secretary ni Shilo, paano pa kaya kapag nalaman ng mga ito na may pagsinta siya sa dragon? Baka magpamesa na lang bigla si Anniza para linisin ang kaluluwa niya at ng matauhan siya sa pagsinta niya kay Shilo.

    "Well, hindi naman kasi ganyan dati si Shilo." Napabuntong hininga si Carila.

    "Ang sabihin mo nagpapanggap lang siyang mabait noon at ngayon lumabas na talaga ang totoo niyang kulay."

    Tumingin sa kanya si Carila at tumawa ng walang buhay. "Mabait naman talaga kasi si Shilo sa lahat noon. Wala iyong halong pagpapanggap."

    Nailapag niya ang hawak na kutsara. "Kung totoong mabait siya noon anong nangyari? Bakit bigla na lang siyang parang galit sa mundo?"

    "Alam mo naman di ba na dati akong secretarya ni Shilo. Wala pa si Shan ay malapit na ako kay Shilo. Para ko na siyang kapatid and sobrang magaan ang loob ko sa kanya. Nang dumating si Shan galing U.S at hinawakan ang position ng daddy nila ay doon nag-umpisa ang lahat. Shilo wants his father position. He been working so much to gain that position pero binigay lang iyon ng ama sa kay Shan. Panganay kasi si Shan at alam mo naman ang mga negosyante."

    Tumungo siya. Ngayon niya lang iyon nalaman. Hindi naman kasi siya mahilig-makipag usap sa ibang empleyado. Kay Carila at Anniza lang talaga siya malapit. Siguro ay dahil sa alam ng mga ito ang sitwasyon niya bilang sekretarya ni Shilo.

    "Kawawa naman pala si Sir Shilo." Bulong niya. Nakikita niya ang mukha nitong nasaktan ng malaman na hindi ito ang magiging President ng kompanyang pinangarap nito.

    "Wala akong pinagsasabihan nito dahil family matter ito, Maze. Pero dahil may tiwala ako sayo at sa tingin ko ay may karapatan kang malaman kung bakit ganoon nalang ang galit ni Shilo kay Shan. Gusto kong malaman mo kung bakit nagkakaganoon si Shilo. Sana tatagan mo pa ang loob mo."

    "Parang kanina lang gusto mo akong lumipat ng ibang department ah?"

    "Alam ko naman na hindi ka papayag na lumipat ng ibang department dahil kung gusto mo talagang lumipat, noon pa sana."

    Natigilan siya sa sinabi nito. Bakit pakiramdam niya ay may iba itong ibig sabihin? Nag iwas siya ng tingin. Nahalata ba nito ang nararamdaman niya kay Shilo?

    "Thank you, Maze. Alam ko na lalo pangmagiging masungit si Shilo ngayong ikakasal na ako kay Shan." Hinawakan ni Carila ang kamay niya. "I trust you. Wag mo siyang susukuan." Dagdag na sabi nito bago ito tumayo at iniwan siya. Nagtataka naman siyang sinundan ng tingin.

    Anong ibig sabihin nito na wag niyang sukuan? At bakit lalong magiging masungit si Shilo?

💜💜💜

Next chapter