webnovel

My Psychologist

Author: lazymae4you
สมจริง
Ongoing · 27.3K Views
  • 6 Chs
    Content
  • ratings
  • N/A
    SUPPORT
Synopsis

Astrid Veronica Almina or also known as Dr. Ava is a great psychologist. She knows how to understand her patients and she is also a good listener. Her skills are excellent, she even topped the bar exam. She was inspired to do her best because of her mother who had a mental illness. She did all her best so in the future, she will understand her mother but, unfortunately, her mother died. She blamed the accident that happened 10 years ago to her mother's death. Kaiven Perill is a CEO of BMC Company, the company that his father built. He is strong and independent. No one will dare to compete with him because they will ended up crying or losing. He believed that no one can beat him, but, the truth is, he is suffering from a trauma because of the accident happened 10 years ago. What will happen if this two people meet? What will happen to them if they know that their past are connected? Will their love remains? Or they will choose to avoid each other?

Tags
4 tags
Chapter 1CHAPTER 1

"Good morning" bati ko sa pasyente ko na kakapasok la'ng sa office.

"Good morning, Doc." Bahagya itong yumuko sa akin at umupo sa harapan ko.

Tiningnan ko ang schedule pad na nakalapag sa table ko at hinanap ang pangalan niya do'n.

"Hmm... Ms. Jessica Fuentes, right?" Ibinaling ko ang tingin sa kaniya at muling tumingin sa schedule pad para tingnan kung tama ba ang pagkakabasa ko sa pangalan niya.

"Opo..." Nahihiyang sagot niya sa akin.

Tinitigan ko ito nang ilang saglit, napansin ko na hindi ito komportable at mukhang kinakabahan dahil hindi ito makatingin sa akin ng diretso, tumutulo rin ang pawis nito kahit na malamig naman dito sa loob ng office.

I smiled "You don't have to feel uncomfortable Miss Fuentes, you are here because you are brave enough to face your problem."

As a Psychologist Doctor, it is my duty to make my patients comfortable so I can connect with them.

"I'm sorry, Doc. Kinakabahan kase ako at nahihiya ako. Actually, I still have doubt about this baka kase isipin ng mga tao eh, baliw ako."

Napabuntong hininga ako. I still don't understand why people thought that when a person consult a psychologist or psychiatrist, he/she is crazy or what. Kaya natatakot na ang iba na magpakonsulta sa mga doctors na latulad ko, eh. Kaya rin lumalala ang mga suicide rates sa bansa dahil sa mga taong sarado ang utak tungkol sa mental issues.

Huminga ako nang malalim para pigilan ang inis.

"You don't need to be bothered about what others think about you, okay? Tandaan mo na kaya ka nandito ay dahil gusto mo nang makaka-usap tungkol sa mga pinagdadaanan mo, not because you're crazy." Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa lamesa ko at ngumiti.

Sa wakas! Tumingin na rin ito sa akin at bahagyang ngumiti.

"S-salamat, Doc..."

"So... If you are comfortable enough to talk about your problem, comeback here. Okay? I'm willing to listen and help you."

"Y-yes, Doc..."

Umalis na ito.

Haaays, isang pasyente nanaman ang umalis.

Sumandal ako sa rolling chair at bahagya itong pina-ikot.

We, psychologist are good listeners, only if our patients are willing to talk. We can't force them to talk to us if they are uncomfortable. Kaya naman, sinasabi ko na lang na bumalik sila kapag handa na sila. Luckily, lahat naman ng mga pasyente ko ay bumabalik sa akin.

Natigil ako sa pag-iisip nang biglang mag-ring ang phone ko kaya kinuha ko ito.

Hindi ko na tiningnan pa kung sino ang tumatawag at sinagot agad ito.

"Who's this?" Bungad ko dito.

"Anong who's this!? Binura mo nanaman ba ang number ko? Astrid Veronica!?" Inilayo ko ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa matinis na tinig ng nasa kabilang linya.

Binuksan ko ang phone ko at tiningnan kung sino ang tumawag. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Sy sa screen.

"Hahaha, of course not! Hindi ko la'ng tiningnan phone ko. So, bakit ka tumawag? May problema ba kay Kurt?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito.

"Really!? Nakalimutan mo!? Diba sabi ko sa'yo samahan mo akong manuod sa swimming competition ni Kurt!? At um-oo ka! Remember!?" Muli kong inalis ang cellphone sa tenga ko. Ano ba naman 'tong babaeng to, kung makasigaw akala mo laging may kaaway. Konti na lang talaga kokonsultahin ko na 'to, tila may sira sa utak eh.

"Yah! You don't need to shout! I can hear you, you bitch!" Sigaw ko din sa kaniya.

"Sumisigaw ka rin eh!"

"You shouted to me first!" Napairap ako sa kawalan. Naku, talaga 'tong babaeng to!

"Okay, fine. I'm sorry, na-iinis la'ng ako kay Fer, pumunta nanaman kase sa bahay. So, pupunta ka naman 'di ba?" Mahinahon na ito sa pagsasalita kaya nilapit ko na ulit 'yung phone sa tenga ko.

Fer is her ex-boyfriend and the father of Kurt, her son. Naiintindahan ko kung bakit frustrated nanaman siya dahil mukhang kinukulit nanaman siya ni Fer tungkol sa anak nila.

"Yah, yah. Pupunta ako. May isang oras pa naman ako, doon na lang tayo magkita, don't forget to serve a seat for me. By the way, pupunta ba si Fer?"

"Aish! That bastard! Syempre hindi noh. Kailan ba 'yon nagkaroon ng time kay Kurt? Sige na, I need to prefer na, don't forget the banner okay? Bye" Pinatay na nito ang call.

Napa-iling na lang ako. Napaka-supportive talagang nanay ng kaibigan ko at napaka-attitude rin.

Napaayos ako ng upo nang may biglang kumatok sa pinto. Pagkatapos ng tatlong katok ay bumukas na ito at mukha ni Lindon ang nakita ko.

Lindon is a psychiatrist in this clinic and he is also my bestfriend just like Syrelle, 'yung tumawag kanina.

Nakangiti itong lumapit sa akin at umupo sa harapan ko. Niligay nito ang dalawang braso sa ibabaw ng lamesa ko at pinatong ang baba niya sa dalawang palad habang pangiti-ngiting tumingin sa akin. Napataas ang kilay ko dahil sa ginagawa niyang pagtitig at pagngiti sa akin. Alam kong may kailangan 'tong mokong na'to sa akin.

"What it is Lindon?" pagtataray ko dito.

"You're really beautiful Dr. Ava, ang s'werte ng mga nagiging pasyente mo dahil ikaw ang Doctor nila" ani nito sa malambing na tono at kumindat pa!

Napairap ako sa ginagawa nito "Stop that Lindon. I already know that. Ano nanaman ang kailangan mo?"

Nakita ko ang biglang pag nguso nito na parang bata. Tss. Napaka isip-bata talaga! Pag-untugin ko sila ni Sy, eh!

"Ang sungit naman, porket binati la'ng kita, eh may kailangan na agad ako? Gan'yan ba talaga tingin mo sa akin?" Humawak siya sa puso niya na tila nasasaktan.

Bahagya kong binagsak ang kamay ko sa table kaya naman napa-ayos ito nang upo.

"Okay, okay. Gusto ko la'ng naman malaman kung may pasyente ka ng maibibigay sa akin."

Gusto kong matawa sa itsura niya dahil para siyang batang napagalitan hahaha.

Huminga ako nang malalim para pigilan ang tawa. "Wala"

"Okay. Pero ano'ng nangyare do'n sa rape victim na nagpunta dito kanina?"

Nagkibit-balikat ako "She's not yet ready."

The rape victim that he is talking about is Ms. Fuentes, iyong nagpunta sa office ko kanina.

Bumuntong hininga siya at tumayo para umalis na. Nang nasa pinto na siya ay muli itong lumingon sa akin.

"You're really beautiful, Ava. I-cheer mo ako para kay Kurt." At umalis na.

Nakanganga akong nakatitig sa pintong kakasara lang. Talaga ba? Si Lindon mismo sinabihan akong maganda!? Ano ang nakain no'n?

Umiling na la'ng ako at nag-ayos na. Kailangan kong makapunta sa competition ni Kurt bago mag-start dahil siguradong bubungangaan nanaman ako ni Sy pag na-late ako.

Hinubad ko na ang suot kong uniporme. Inayos ko lang ng kaunti ang make-up at buhok ko atsaka kinuha na ang bag ko at umalis na.

Habang nagdadrive ay tumitingin-tingin ako sa wrist watch ko. Gooosh, traffic pa! Baka malate ako ng 5 minutes. Habang nakahinto pa ang mga kotse, kinuha ko ang phone ko at tinext si Sy na malalate ako. Um-okay naman siya. Pinaandar ko na ulit ang sasakyan nang makitang naka-go signal na.

Ilang sandali pa ay nakarating na rin ako sa venue ng event. Kinuha ko muna sa backseat 'yung banner na dala ko at bumaba na sa sasakyan.

Iilang tao na la'ng ang nakikita kong papasok sa venue ng laro. Nako! Baka nag-start na, patay ako neto kay Sy, sabi ko 5 minutes lang ako malalate eh.

Pumusok na ako sa may entrance. Sumalubong sa akin ang malakas na hiyawan. Inikot ko ang mga mata ko para hanapin si Sy, pero 'di ko ito nakita.

Kinuha ko ang phone ko para sana i-text si Sy pero naunahan na ako nito.

'Hey, I saw you. I'm here at the left bench. Bilisan mo na Astrid! Sila Kurt na ang susunod.'

Nang makita ko ang text ni Sy ay agad kong inilipat ang tingin sa left side ng bench at doon, nakita ko siyang kumakaway sa akin. Ngumiti naman ako at dumiretso na sa kina uupuan niya.

"I thought hindi ka nanaman aabot eh" bulong sa akin ni Sy nang makarating ako sa p'westo niya.

"Wala ka kaseng tiwala sa akin, duh." Bulong ko rin dito at umirap, natawa naman ito.

"By the way, where's the banner?"

Ipinakita ko sa kanya ang hawak-hawak ko na nakarolyong cartolina. Um-okay sign la'ng siya at wala man lang pa-thank you!

"By the way, bakit ang dami naman atang tao?"

"Well, hindi ko rin alam. Pero sabi sa akin ni Kurt kanina, manunuod daw 'yung isa sa mga sponsor company nitong event. I think sila 'yung nasa harapan malapit sa pool." Itinuro sa akin ni Sy 'yung tinutukoy niyang sponsor.

Hmm... kaya pala.

Tatlong tao ang nakita kong nakatayo at seryosong nanunuod sa mga lumalangoy. 'Yung isa ay napapasuntok pa na akala mo ay boxing ang pinapanuod niya. 'Yung isa naman ay may katandaan na, pero infairness g'wapo pa rin siya. May anak kaya 'to? Hahaha charot.

Sa kanan ng matanda ay 'yung isa namang g'wapong lalaki, he is wearing a plain white shirt and checkered jacket, siguro ay kasing edad ko lang ito. Pinagmasdan ko ito, tahimik la'ng ito at seryosong nakatitig sa pool, ni hindi man la'ng ito tumitingin sa mga manlalaro, nakatutok la'ng ito sa tubig ng swimming pool.

Ilang minuto rin akong nakatitig doon sa lalaki nang bigla akong sikuhin ni Sy, kaya nabaling ang tingin ko sa kaniya.

"I know he's hot and handsome but you are here for the game, so focus Astrid. Sila Kurt na! Aaaaah go anak!" tumalon talon si Sy habang hawak-hawak 'yung banner. Umiling na la'ng ako at nag-focus na sa game.

Nakatayo na sila kurt sa kaniya-kaniya nilang p'westo at nagposisyon na para sa paghahandang lumangoy. Nang tumog ang pito ay nagsitalunan na ang mga players, tumalon na rin si Kurt.

Pagkatalon ni Kurt ay hindi naman kami magkanda mayaw sa pagsigaw ni Sy, para na nga kaming tanga eh. Sigaw naming dalawa ang nangingibabaw.

Nangunguna na ngayon si Kurt pero nahahabol siya nung katabi niya.

"Hey! 'Wag mong habulin anak ko!" Sigaw ni Sy. Natatawa na lang ako sa mga pinagsisigaw ng babaeng 'to.

Naunang makarating si Kurt sa kanyang pwesto kaya itinaas niya na kamay niya, sumunod naman ay 'yung katabi niya. Habang 'yung iba ay paparating pa la'ng.

"Omg! You're the best my baby!" Tuwang tuwang sigaw ni Sy nang makitang nauna si Kurt, sumisigaw din naman ako pero hindi kasing OA ng babaeng katabi ko. Tss.

Biglang napatayo ang lahat kaya napatingin ako sa swimming pool, nakita ko 'yung isang player na nahinto sa gitnang bahagi ng pool at tila nalulunod. Nagkagulo na ang lahat pati ang mga manunuod.

May nagsisigawan na. Agad-agad naman na lumusong iyong rescuer at tinulungan iyong player. Nakahinga ang lahat nang makitang okay na 'yung bata.

Nagsilapit din ang ilang players pati iyong dalawang bisitang nanunuod kanina. Nakita ko iyong g'wapong matanda na kausap 'yung isa sa mga nag-aasist ng game, pinag-uusapan ata nila kung itutuloy pa ang game.

Nabaling ang atensiyon ko sa g'wapong lalaki kanina na katabi nung matanda, ni hindi man la'ng ito lumapit sa bata, naiwan la'ng ito doon sa p'westo nila kanina at nakatitig sa pool. Bumaba ang tingin ko sa kamay nito, kumunot ang noo ko nang makitang nangingig ang mga ito.

Ano'ng problema ng lalaking iyon?

Ilang sandali pa ay bigla itong natauhan at dali-daling dumiretso sa exit.

"H-hey Sy, I think you need to go to see Kurt." Ani ko kay Sy.

"Yes, you're right. Wait me here." Agad-agad na umalis si Sy.

Nang makita kong umalis na si Sy ay dali-dali na rin akong nagtungo sa exit para hanapin 'yung lalake. Hindi ko alam pero parang tinutulak ako ng mga paa ko na sundan iyong lalake.

Nang makalabas ako ay inilibot ko ang paningin para hanapin ito pero wala akong nakita.

Saan na ba 'yon nagpunta?

Tumingin tingin ako sa hallway pero wala ito doon. Huminto muna ako saglit at sumandal sa pader dahil sa pagod kakahanap.

I was about to walk again when a man bumped into me.

"F*ck! I-i'm sorry." Saad nito nang hindi man la'ng lumilingon sa akin at dirediretso la'ng sa paglalakad.

Wait. Familiar 'yung damit niya.

Tinawag ko ito pero hindi ito lumilingon at nagpatulpy la'ng sa paglalakad kaya sinundan ko siya. Dumiretso ito sa isa sa mga upuan sa hallway at doon umupo habang nanginginig pa rin ang kamay. Lumapit ako sa kaniya.

"Are you okay? You're shaking." Ani ko at umupo sa tabi niya. Itinago niya ang kamay niya at hindi man la'ng lumingon sa akin.

"I-i'm o-okay. D-don't mind me."

Mas lalong napakunot ang noo ko dahil pati boses nito ay nangingig. Something is really wrong with this guy. I usually see this kind of actions to my patients.

W-wait...

Hindi kaya...

"A-are you scared of water?"

This time, tumingin na ito sa akin at tila hindi na humihinga. Hindi ito sumagot.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Sobrang higpit nang pagkakahawak niya sa akin kaya napahawak ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"A-anong ginagawa mo? N-nasasaktan ako." Pilit kong inaalis ang kamay niya pero sobrang lakas nito. Nakatitig la'ng ito sa akin habang malalim ang paghinga.

Hihingi na sana ako ng tulong nang bigla nitong isandal ang noo sa balikat ko. Hindi ako nakagalaw dahil sa ginawa nito.

"I-i can't breathe... H-help m-me..." Nanghihina nitong sabi. Bigla akong bumalik sa pagkatao ko.

"H-hey... wait me here, hihingi ako nang tulong"

Aalisin ko na sana ang noo niya para isandal sa upuan nang bigla itong mapayakap sa akin at madaganan ako.

"Oh my ghad! Hey!" nakahiga na ako ngayon sa upuan habang ang lalaking nawalan ng malay ay nakapatong na sa akin.

Ano ba naman 'to! Bakit ganitong posisyon pa!? Aish!

Pilit kong tinutulak 'yung lalaki pero hindi ko kaya, masiyado itong mabigat.

"Tulong! May nahimatay dito!" sigaw ko.

Luckily, a guard heard me and helped me with this guy. Binuhat niya iyong lalaki kaya agad akong umayos nang upo.

"Kuya call an ambulance." Utos ko sa g'wardiya na dali-dali naman niyang sinunod.

Hinawakan ko ang palapulsuhan ng lalaki para tingnan kung may pulso pa ito. Nakahinga ako nang maluwag nang maramdaman ang pulso niya.

Napatitig ako sa mukha nito at halos mamangha ako sa perpekto nitong mukha. Grabe, ilan na kayang babae ang naloko nito? Napaka g'wapo!

Natauhan la'ng ako nang dumating na 'yung guard kasama 'yung mga firsr aider. Lumapit na sila sa akin at kinuha iyong lalaki at inihiga sa stretcher.

"Ma'am sino po ang sasama sa amin?" Tanong ng isa sa mga first aider.

Sasagot na sana ako nang biglang dumating iyong mga kasama nung lalake.

"Where's Kaiven?" Nagpapanik na tanong nung g'wapong matanda kanina.

"Nasa ambulance na ho" sagot naman nung first aider na kuma-usap sa akin.

Dali-dali na silang umalis. Nang makitang tuluyan nang makaalis ang ambulansiya ay napa-upo na la'ng ako dahil bigla akong nakaramdam ng pagod.

I put my one hand on my forehead, trying to process what just happened.

What was that? Is that guy has a PTSD symptom?

**************

PTSD or Post-Traumatic Stress Disorder is a mental health condition that's triggered by a terifying event—either experiencing it or witnessing it.

Source: Mayoclinic.org

You May Also Like

HWANGJE-UI IYAGI

Ayon sa Babaylan (Lady Kun Yang) magsisilang ang imperatris ng dalawang sanggol na lalaki isa'y mahina at ang isa'y malakas. Ang kambal ay parang Yin at Yang magkawangis ngunit magkaiba. Ngumiti ang imperador nang marinig na kambal ang isisilang ngunit sumagot ang babaylan di di pa dyan nagtatapos ang yong kalbaryo. Tanong nang imperador ano ang yong tinutukoy babaylan? Taon matapos po kayong mamatay ay mamamatay rin ang isa nyong anak. Mayroong solusyon ba para di matupad ang nakatadna? Wala, walang itinugon. Makalipas ang ilang minuto... Paalam na po kamahalan! (Bow sabay alis) Di lingid sa kaalaman ng hari ay mayroon pang nakaaalam ng kalagayan nya at iyon ay si Yunuko Gen Dal Chi. Nang makasilang na ang reyna pinanumpa ng imperador ang mga naroon na,huwag sabihin na nakaanak na ang reyna at kung ilan ang isinilang at kung sinumang lumabag dito ay mamatay maging buong angkan; gayon nga ang naganap. Nang makaalis na... Pumasok si Yunuko Gen Dal Chi, at sinabi ang kanyang nalalaman. Sinabi nya sa imperador na handa nyang ibuwis buhay nya para lang sa prinsipeng kanyang aalagaan dahil nga naring nya ang sinabi ng babaylan. Kamahalan baka maaaring maiwasan ito kung paghihiwalayin natin ang kambal. Sumangayon naman ang imperatris at imperador bagamat maykurot sa kanilang dibdib kaysa mamatay ang isa. Ang pangalang ibinigay sa kanya ng imperador ay Hwangje ngunit pinalitan ito ng yunuko ng Saeng Chul. Dinala nya ito sa kanila at inalagaan ng magasawa nang buong buhay hanggang sa magbinata. Hanggang isang araw...

1YEOJA1BABAE2GIRL3 · สมจริง
Not enough ratings
30 Chs