webnovel

He made Her Cry

~'Cause when you're fifteen, somebody tells you they love you,you gonna believe them. And when you're fifteen, feelin' like there's nothing to figure out but count to 10 take it in,this is life before you know who you're gonna be at fifteen~

"la la la,hmmmm."

Kinakanta ko yung Fifteen ni Taylor Swift habang papuntang library. Kailangan ko kasing pag aralan yung assignment na binigay ng professor namin. Alas 3 na at wala naman akong pasok after that so why go to the library. After ko makakuha ng mga books related sa assignment namin ay naghanap na ako ng mauupuan. May nakita akong bakanteng upuan sa may dulo. Doon sa single na upuan para hindi ako maistorbo. I put my earphone then play anime songs. Bukod kasi sa kanta ni Taylor ay mga anime song then ang kadalasan kong pinapakinggan kasi maganda talaga ang rythm nito lalo na sa Naruto at isa pa hindi ko naman nasasabayan masyado kaya't nakakapag aral ako ng maayos. Kasi naman kapag alam ko yung kanta hindi na ako nakakapagfocus kasi kanta lang ako ng kanta.

"Ano ba itong pinapahanap ni sir? Masyadong complicated."

Mahina kong sabi. Hindi naman ako matalino pero masipag naman mag aral. Yun lang kasi ang ginagawa ko noong nasa USA pa ako. Mag aaral, kakain, mag aaral ulit,matutulog. Minsan nakakapaglaro din kapag binibisita ako ni Becca sa bahay. So after 1.5 hours natapos din ako. Nag unat muna ako at umidlip.

"Ma'am?"

Naramdaman kong may nakawak sa akin. Pagmulat ko ay nakita ko na isang guard ang tumatawag sa akin.

"Bakit po?"

"Magsasara na po ang library ma'am."

Shot. Napatagal ang tulog ko. 5:50 pm na pala. Hindi ko ata namalayan dahil may earphone ako na nakasalpak.

"Ay sorry po,hehe. Balik ko lang po itong mga books then I'll leave. Pasensya po ulit."

Hiyang sabi ko. Habang nag aayos ako sa table ko ay may napansin akong isang coffee can na may notes pa. Ang nakasulat ay : *should drink this,take care.*

"Hmmm? sino kaya naglagay nito? Well, nevermind, thank you na lang kung sino man siya."

Paglabas ko ng library ay umupo muna ako at ininom yung coffee. Infairness masarap siya. Then after ko maubos naglakad na ako papuntang gate. Medyo malayo itong library sa exit pero ayos lang kasi kakaunti na lang ang tao kaya mahina lang ang lakad ko. Ganda kasi ng langit,ng mga ulap. Color orange na may blue ito. Sarap pa ng hangin. So ninamnam ko talaga. Hanggang sa may marinig akong malakas na busina sa likod ko na kinabigla ko. Napaupo ako sa pagkagulat.

"Ano ba yan! Nasa gilid na nga ako! Sino ba ka-"

Si Chris na nakangiti na nang iinsulto. Tiningnan ko siya pero wala akong narinig na sorry man lang. Biglang pinaharurot ang kotse niya at ako,ito nakaupo pa rin.

"Haynaku! nakakagigil na talaga. Pero-"

Kailangan ko palang magpakatatag. Hangga't maari ay wag akong magagalit sa kanya. Iintindihin ko na lang siya. Mahaba pa naman ang pasensya ko. Nagpatuloy na ako sa paglalakad na parang walang nangyari.

"Nakauwi rin sa wakas."

Paglapag ko ng bag sa mesa ay may nakita akong garapon na may laman. Binuksan ko at tumambad sa akin ang isang ulam na sa amoy pa lang ay nakakatakam na. I get my phone then dialed her number.

"Hey Yka, nakain mo na ba yung dinala kong ulam sayo?"

Napakasweet tlaga ng kaibigan kong ito.

"Yes,kakauwi ko nga lang and medyo pagod pero nang maamoy ko itong ulam eh nawala agad ang pagod ko,hehe." pang aasar ko.

"Haynaku! Masarap yan,tikman mo. Huwag puro Jollibee ang kainin, hindi healthy yan. Sige at maliligo na ako."

"Okay. I'm sure naman na masarap to. Thank you dito. Lovelots,muahhh."

She hang up. Actually, alam namin ang password nang isa't isa dito sa condo at condo niya kaya nakapasok siya. Then after, naghilamos na rin ako at nahiga.

"Sino nga pala nagbigay ng coffee na yun?hmmm. Aish! Huwag na nga isipin. Magpupuyat ako kasi saturday bukas,haha"

Kinabukasan ay naalimpungatan ako dahil sa ingay ng phone ko. May tumatawag.

"Haist! inaantok pa ako ehh."

Inabot ko na lang yung phone ko at sinagot.

"Good morning babe!" sigaw ni Becca.

"Aray ko naman. Mababasag ang tenga ko sayo. Ano ba,inaantok pa ako." nakapikit ako habang kinakausap siya.

"Don't forget na may dinner tayo mamaya kasama si Anton."

Oo nga pala. Ininvite nga pala namin si Anton.

"My god naman Becca, it's 7:00 in the morning. Ang aga aga pa para iremind mo ako. Mamaya pa yung dinner."

"Ito naman. Excited lang ako,haha. Sige na nga. Basta mamaya,see you.Lovelots,muahh."

Pagkatapos namin mag usap ay natulog ako ulit.

Almost lunch time na nang magising ako. Sarap sa pakiramdam ng nakakatulog ng maraming oras. Naghilamos na ako at pumunta sa kitchen. Well naalala ko na hindi pala ako marunong magluto. Magpapadeliver na lang ako. While waiting ay naisipan kong maglinis sa condo kasi hindi pa ako nakakapag ayos ng mabuti dito. Kasi nga busy sa school.

"Ayan, better. Malinis na."

Nilagay ko yung picture namin ni Chris sa may sala. Narinig ko na may magdoor bell na kaya pinuntahan ko ang pinto at binuksan. Yung delivery man. Masyado bang malamig sa labas at pati mukha niya nakacover na rin? Natawa na lang ako.

"Magkano ho?" hindi nagsasalita si manong.

"Manong? Hello?Ma-"

Bigla siyang pumasok sa condo na ikinabigla ko.

"Manong anong ginagawa niyo?" Nagpapanic na ako kasi baka akyat condo to.

"Ma-manong a-ano ho ka-kailangan niyo? Pera? Magkano ba at bi-bigyan kita."

Nanlalambot na ang mga tuhod ko sa takot. Nakaharap lang siya sa akin. Tatanggalin niya na yung cover ng mukha niya. Napasigaw ako at napapikit.

"Hahahahaha!"

Napamulat ako dahil familiar ang boses. Walang iba kundi si Chris.

"Chris?! a-anong ginagawa mo dito?"

"Hahahaha, nakakatawa ang reaksyon mo. Di ba umorder ka ng pagkain? Ito idinideliver ko lang."

sarkastikong sabi nito.

"Eh bakit ikaw? Delivery man ka na ba ng Jollibee ngayon?! inis kong sabi

"Nope. Hinarang ko yung delivery man at ako na ang nagbayad. Oh ito."

Inabot niya sa akin yung plastic na may laman mg order ko.

"So anong ginagawa mo dito? Iinisin mo na naman ba ako? Wala akong time."

"Wala. Bored lang ako kaya naisipan kong pumunta dito. Titingnan ko lang kung anong ginagawa mo." Mahinhin niyang sabi.

"Ahm? I'm fine."

Nagkatitigan kami. Nakikita ko sa mata niya yung dati kong kababata. Gusto ko siyang hawakan at yakapin. Pero nang lalapitan ko siya ay nag iba ang aura niya.

"ahm, take a sit. Kumain ka na ba? Pasensya na ito lang ang pagkain ko eh."

Pag aalinlangan kong sabi habang inaayos yung pagkain.

"No need. Busog ako. Hindi ka ba nagluluto? Kababae mong tao."

"Well,ahm, hindi ehh. Hehe,busy kasi palagi."

Pagpapalusot ko. Ayokong mapahiya sa kanya. Pero hindi ko naman kasalanan na hindi ako marunong magluto. Tumingin siya sa paligid.

"Pasensya kung medyo maalikabok,kakalinis ko pa lang kasi."

Naglibot siya sa sala at nakita niya yung picture namin.

"Mayroon ka pa pala nito? Kasi yung akin pinunit ko na eh." Blangkong sabi niya.

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Naiiyak ata ako. Pumunta muna ako ng room ko para hindi niya mapansin. Naghilamos ako pero patuloy sa pagbuhos ang luha ko. Mga ilang minuto muna ako nagstay sa room ko para hindi niya mahalata ang mugto kong mata. Lumabas na ako para silipin siya. Nakaupo lang siya sa sala.

"Gusto mo bang magcoffee?"

Tumingin siya sa akin at parang nagulat sa nakita. Umiwas ako at pumunta ng kusina para uminom ng tubig.

"Huwag na. Aalis na rin naman ako." naglakad na siya papuntang pinto.

"Ah sige. Take care."

sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

Nakaalis na siya pero nakatayo pa rin ako sa may pinto. Maiiyak na naman ako. Nawalan na ako ng ganang kumain. Naupo na lang ako sa sala at nag aral para malibang ako. Hindi ko namalayan na 6:30 pm na. Tumatawag na pala si Becca.

"Hello,Yka? Ano na? Naghihintay na kami dito ni Anton."

"Oo nag aayos na ako. Pumasok na kayo at mag order kasi gutom na rin ako. Sige."

Pinatay ko na yung phone ko at dali daling nag ayos. Shot nakalimutan ko na naman. Nagmadali na akong pumunta sa restaurant na napag usapan namin.

"Hi, sorry natagalan ako."

"Haynaku,siguro nakalimutan mo na naman. Pero ok lang,hehe. Upo na."

Alam ko na kung bakit hindi nagalit sa akin tong si Becca. Pano nasolo niya si Anton.

"Sorry Anton ahh, pinaghintay ko kayo."

"Naku ok lang. Hindi ko naman namalayan ang oras kasi ang daldal ng kaibigan mo eh. Masarap siya kasama ah,haha."

At yun nagblush ang bruha. Siguro fall na fall na to kay Anton. Hindi pa nga sila matagal magkakilala.

"Anyway Yka, kumusta ka na pala? Pasensya na kasi hindi na kita nasamahan umuwi noong isang araw. May tinapos kasi kaming project ng mga classmates ko."

"Naku ayos lang yun. Naabala pa nga ata kita ehh. Pasensya na. Pero pagkatapos ko naman makatulog ay naging maayos na ang pakiramdam ko. Salamat nga pala."

"Wait. Wait. Ano itong pinag uusapan niyo? Anong nakatulog? Saan?" pag uusisa ni Becca.

"Kasi itong kaibigan mo nadatnan ko sa room na nakayuko at siya lang ang nandoon. Nilalagnat na pala at hindi nakakain kaya dinala ko sa clinic at binilhan ko na rin ng pagkain."

Nakita ko ang matalim na mata ni Becca. Ito na naman tayo.

"Ano ba yan? bakit hindi mo agad sinabi sa akin? eh di sana napuntahan kita! Hindi mo man lang ako tinawagan. Pano kung anong mangyari sayo doon? Pa-"

"Shhhh. Ok lang naman ako Becca. Saka light lang naman yung lagnat ko. No need to worry. HuwaG kang oa,haha."

"So ako pa ang OA?!"

"Hindi naman sa ganoon. Naging maayos naman ako. So don't worry kasi nakikita na ni Anton yang wrinkles mo,haha."

"hahaha, oo nga Becca, saka nadala ko naman siya sa clinic so no need to panic."

"Pasensya ka na Anton, ganito lang talaga yan mag alala. Sweet kasi. "

Binulungan ko si becca.

"Oh dagdag points na yun para mapansin ka ni Anton,hehe"

Kinilig naman si Becca. Nagtawanan kami at saktong dumating yung pagkain.

"Hey Yka,hinay hinay lang. Gutom na gutom ka ata. Hindi ka ba nakakain kanina? tanong ni Anton.

"Ahhh,hehe, naglinis kasi ako kaya hindi na ako nakakain." palusot ko.

Naging maganda naman ang gabi naming tatlo. Natagalan kami dahil sa dami ng kwentuhan namin. Pagkatapos kumain ay naglakad na kami pauwi. Nakarating na kami sa sa condo ng dalawa at ako naman ay mag isang uuwi sa condo ko.

"Ano kaya kung ihatid na kita? Delikado naman kung mag isa ka lang uuwi." Sabi ni Anton na nag aalala.

"No, it's okay. Malapit lang naman yung condo ko dito. Sige na umakyat na kayo."

"Magpahatid ka na kaya Yka. Nag aalala ako ehh." sabi naman ni Becca.

"Ano ba kayo. Wala namang mangyayaring masama sa akin diyan no. Sige na."

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Ayan lang oh?haha. Sige bye."

Hindi ako napilit ng dalawa. Naglalakad na ako pauwi ng maramdaman kong parang may sumusunod sa akin. Pero hindi ko inintindi kasi marami pa namang tao sa labas. Nakapasok na ako ng condo ko pero ramdam ko pa rin na may sumusunod sa akin. Sinara ko ng maigi ang pinto at naupo muna ako sa sala. Habang nakikinig ng music ay may narinig akong ingay sa may pinto. Dahan dahan akong pumunta doon na may hawak na libro. Nang malapit na ako sa may pinto ay may nakita akong lalaki na nakasumbrero. Sa sobrang gulat ko ay hinampas ko ito ng libro.

"Aray ko naman."

Next chapter