webnovel

Chapter 28

SUMINGHAP si Oshema at bumalikwas ng bangon. Pawis na pawis at ang luha ay walang tigil sa pag-agos mula sa mga mata. God, it's just a dream. No, not a dream. It was a nightmare. Isang bangungot. Si Joul daw ay hinahabol ng armadong mga kalalakihan at nabaril.

Napahawak siya sa dibdib na tinambol ng malakas na kaba. Paulit-ulit siyang suminghap ng hangin. Nahihirapan siyang huminga. Where's Joul? Nilibot niya ang paningin at sinubukang tumayo pero nahilo siya. Bumukas ang pinto. At pumasok si Joul. Nahinto ito nang makita siyang umiiyak.

"Oshema, what's wrong?" Mabilis itong nakalapit. Dinaluhan siya.

"I had a nightmare about you getting hurt." Napatangis siya. "Please, ipangako mo sa akin na magiging okay ka lang. Mamamatay ako pag may mangyaring masama sa iyo, Joul."

Kinabig siya ng lalaki at niyakap. "Shhh...tama na, panaginip lang yon." Hinahaplos nito ng marahan ang kanyang buhok pababa sa kanyang likod at baywang.

Pero ayaw kumalma ng kanyang puso. Kinakabahan siya na di niya maintindihan. Sumasakit ang ulo niya. Bumukas muli ang pinto. Tarantang napatingin siya doon. May dalawang lalaking hindi niya kilala ang pumasok. Naka-polo shirt na itim ang mga ito, fatigue na pants at combat shoes. May dalang tray ng mga pagkain ang dalawa.

"Who are they?" Tanong niya kay Joul na senenyasan ang mga itong ilapag ang mga pagkain sa mesita.

"Friends."

Hindi na siya nag-usisa pa ng karagdagang detalye kung paano naging kaibigan ni Joul ang mga ito. Ang importante may mga kakampi sila na pwede asahan sa mga ganitong sitwasyon. Lumabas din kaagad ang dalawa pagkatapos mailapag ng mga ito ang mga pagkain.

"It's clear outside. We'll be off after you had your fill." Inilapit ng binata ang mesita.

Tumango siya. Natuon ang paningin sa mga nakahaing pagkain. Java rice, bacon, steamed bun, tortang itlog na may maraming kamatis, fish fellet na may corn-beef, hot milk, black coffee at dalawang bottle ng mineral water.

"Don't you like the food?" Tanong ni Joul.

Umiling siya. Nagsimulang kumain. Hindi pa rin nawala ang kaba niya. Hindi tuloy siya makalunok ng maayos. Dinampot ng lalaki ang mineral water. Binuksan ang bote at ibinigay sa kanya.

"Thank you."

Tumango lang ito at inilapit din sa kanya ang gatas. Saka kinuha nito ang black coffee at sumimsim.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong niya.

"This coffee is enough for me."

Napasimangot siya. Kailan pa ito nahilig na kape lang ang ihuhulog sa sikmura?

"Eat this." Isinubo niya rito ang steamed bun. Dalawa naman iyon at di rin niya mauubos. "Bakit ganito karaming pagkain ang pinabili mo tapos di ka naman pala kakain?"

Tumitig ito sa kanya at natawa. Bahagya pa itong nagblush nang ibuka ang bibig at kagatin ang isang parte ng siopao.

"Why are you blushing?" Inirapan niya ito.

"I'm not!" Iniwas nito ang mukha at lalo pang namula.

He's so cute and adorable with the blushing face like that. He tilted his head ang looked at her sternly. Smile forming on the corner of his mouth.

Blushing? Him? Did he really blushed? What the fuck? Binawi ni Joul ang paningin at nginuya ang kinaing steamed bun. But he could tell his face is hot. What the heck? Oshema did not stop giggling. This girl's face have some radiance anyone can't stop but admire. When he's alone he can't help checking out her photos he acquired from Jrex. She finds it really funny huh? Ang babaw ng kaligayahan ng babaeng ito. Kaya siguro kasundo nito si Jairuz dahil isa pang mababaw iyon. Bumuka ang bibig ni Oshema. May sasabihin yata pero naudlot dahil sa pagring ng cellphone niya. He sighed. Save by the call.

Hinugot niya ang phone at sinilip. It's Kasu. One of his step-father's trusted men. "Finish your food, I'll be right back." Sabi niya kay Oshema at tinungo ang pinto. Lumabas. Senenyasan niya ang dalawang bodyguard na magbantay.

" Kaichou." Ang boses talaga ng taong ito, parang nanggaling sa ilalim ng hukay.

"Hai, Kasuma." Kumagat siya sa bitbit na siopao at pinunasan ang bibig sa likod ng kamay.

"Anata ga suguni modoreru ka do ka madamu ga tazunete imasu."

"Naze?" His eyebrows furrowed. May nangyari ba doon? Bakit tila apurado yata ang kanyang ina na makauwi na siya.

"Kanojo wa shinpai shite iru."

"Heisa sa rete iruto watashi wa chodo sore o shusei suru hitsuyo ga arimasu, watashi wa modotte kite iru watashi wa meikakuda." Nilinga niya ang dalawang bantay na titig na titig sa kanya at nasa mga mukha ang pagtataka. What now?

Ibinaba niya ang cellphone at kumagat muli ng siopao. "What?" Untag niya sa dalawang bodyguards na nagkakatinginan.

"Sir, you don't eat steamed bun, do you?" Tanong ng isa.

Natigil siya sa pagnguya. Di nga siya kumakain ng siopao. Kaya pala takang-taka ang mga ito. How did that woman made him eat it? Kahit si Micah di siya napipilit na kumain nito. Alertong napatingin siya sa pinto nang bumukas iyon at iluwal si Oshema.

" Are you done eating?" Sinalubong niya ito.

She pursed her lips and nodded. "I need to go to the ladies room. I gotta pee." Sinulyapan nito ang dalawang bantay.

Tumango siya. Sumilip sa loob ng silid. Tinanaw ang mga pagkain sa mesita. At least she finished her milk. Sinara niya ang pinto.

"Let's go. Sasamahan kita." He suggested.

Humawak ito sa kamay niya at ngumiti.

PINAKINGGAN ni Joul ang sinabi ng kausap mula sa suot na blue- tooth earphones habang nagmamaneho. Mahimbing ulit na nakatulog si Oshema na nasa kanyang tabi. They're on their way now to Manila Peninsula.

"Yeah, that's right. Send Randall the invitation along with those pictures. Tell him, if he wants his girl back, i'll be waiting in Yokohama." Aniya at binagalan ang takbo ng sasakyan.

Inabot niya ang maputlang pisngi ni Oshema at banayad na hinaplos. Hinawi ang iilang hibla ng buhok at isinabit sa tainga nito. Masakit daw ang ulo nito kaya pinainom niya ng gamot kanina. Marahil dulot ng sobrang stress at pagod kahapon dahil sa nangyari.

"Let's have a little game, baby. Ang boyfriend mo ang taya." Marahan niyang pinaraanan sa daliri ang malambot nitong labi.

Ipinarada niya ang sasakyan sa basement parking ng hotel at nakitang dalawa sa kanyang mga bodyguards ang mabilis na lumapit para buksan ang mga pinto. Oshema's sleeping so soundly. He did not want to wake her up yet. Kaya binuhat niya ito. Nag-offer ang bodyguard niya na tulungan siya. But he darted him a detrimental stare.

Karga ang babae, sumakay sila ng elevator na maghahatid sa kanila sa presidential suite ng hotel. The room is furnished with a king size bed, an over-stuffed sofa bed paired with one single sofa and a centerpiece adjacent to where the bed is located. Two bedside tables are lurking in an opposite direction. Two corner tables, a fifty inches led television, one round table for dining with two easy chairs and a couch at the far end of the glass panel palabas ng terrace over-looking Manila Bay. Nakadagdag sa liwanag na isinasabog ng mga mushroom bulbs sa ceiling ang limang lantern lampshades.

Nilapag niya sa kama si Oshema at kinumutan. Hinugot niya sa bulsa ng coat ang cellphone na kanina pa kumakanta. At napabuga ng hangin nang makita kung sinong tumatawag.

"Micah," pagod niyang sagot. Naglakad palabas ng terrace.

Sunod-sunod na pagsinghot ng dalaga ang narinig niya. Kinain tuloy siya ng konsensya niya. "Yzack, where are you?" Parang batang ungot nito.

"Baby, i'm still here in Manila. I need to fix something up." Nagpaliwanag na siya kagabi, ah! Magpapaliwanag na naman ba siya ulit? Napahagod siya sa batok.

"Are you with someone right now?" Lalong lumiit ang boses nito. At alam niya na kapag ganoon ay galit na ito.

"Yes." Amin niya. Wala ding kwenta kung magsisinungaling siya. May sources ito para alamin ang totoo. Micah Jaruna is his girlfriend. She's a filipina-japanese. A model in Japan. Ang mga kanta nito ang madalas ginagawang theme song ng mga sikat na anime series na kinahuhumalingan ng mga Filipino.

"Come home, Yzack or we're done!" It was a warning.

"We'll talk when i get back, okay? And you know, you just can't break up with me." Panunuyo niya rito. She's just jealous, he knew. Masyado itong selosa. Per hindi siya ang tipong naririndi sa mga pagseselos nito. For him, that's a theoretical sign of love.

Hindi na ito sumagot at pinatayan siya ng phone. Napapailing na ibinalik na lamang niya sa loob ng kanyang bulsa ang cellphone at pinagmasdan ang malayong bahagi ng Manila Bay.

NAPAKISLOT si Jairuz at dahan-dahang idinilat ang mga mata. Hinayaang masanay muna sa liwanag bago pinaglakbay sa paligid. He's alone in that fucking huge room. Where are the others?

Kinapa niya ang nakabendang balikat na tinamaan ng bala kagabi mula sa mga kaaway. Manhid iyon at ang bigat sa pakiramdam. Sinubukan niyang igalaw iyon pero hinagupit siya ng sobrang sakit na kumalat sa buo niyang katawan at sumaltik hanggang sa kanyang utak.

Napaungol ang binata. Hindi niya inasahang maka-engkwentro nila ng harapan ang miyembro ng Red Scorpion na nakapasok sa Martirez. Kungsabagay, pwede naman sana nilang iwasan pero pinuntirya ng mga ito ang boys dorm at di kaya ng konsensya niyang tumakas habang nalalagay sa panganib ang buhay ng mga estudyante doon.

Nagkaputukan. He got shot while saving some of his schoolmates. He got treated right away soon as they boarded here in the ship. They are sailing now to God knows where. Pagkatapos niyang gamutin ay bumigay na ang lakas niya. Positibo siyang wala namang nalagas sa panig nila. May iilang sugatan lamang at kabilang na siya roon. Alexial made it sure na bago sila tuluyang umalis sa siyudad ay wala ng kahit isa man sa mga kaaway ang nakatayo. He was like a rampaging beast back there.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Alexial came in with the tray of food in his hand. Kasunod nito ay sina William at Roelle.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ng ninong niya.

"Oshema?" Hindi niya ito sinagot at sa halip ay binato ng tanong si Alexial na nilapag ang tray sa side table.

Nagkatinginan ang tatlo. He knew it. Di na nila mababawi pa si Oshema. Not with this condition. Not with the situation they're in. Parang pinapako ang kanyang puso. Sana di na lang niya pinakawalan ang kasintahan. He should've hold on to her and never let go.

"Kumain ka muna. Mamaya pag-uusapan natin yan." Sabi ni Alexial. Inalalayan siya nitong bumangon. Tumulong din si Roelle. Ang ninong niya ay malungkot na nanonood lamang. Kababakasan ng galit at pag-aalala ang mga mata nito.

"How's everybody? The injured?" Tanong niya. Nalukot ang mukha dahil sa pagsalakay ng sakit dulot ng kanyang sugat.

"They are treated at the infirmary. They're resting now. Don't worry, we're all good so far." Assurance ng lalaki.

Tumango siya. Sumandal sa headboard ng kama. Inilapit ni Alexial sa kanya ang pagkain. Pero wala siyang gana. Ang congee lang ang tinikman niya. Sumakit pa lalo ang sugat niya dahil naubo siya nang masamid sa kinakain. Masyadong tuyo ang lalamunan niya. Malamang dahil sa gamot. Inabutan siya ni Roelle ng tubig.

"Thank you."

"Why did you do that? Paano kung napuruhan ka ng bala kagabi?" Biglang asik ng ninong niya. Kanina pa yata ito nagtitimpi na sumbatan siya.

"Mr. Regala," sinaway ito ni Alexial ng masamang tingin.

Bilib na talaga siya sa lalaking ito. Pati ninong niya ay kayang-kaya nitong patahimikin.

"You certainly can't expect me to leave while my friends and schoolmates are in danger because of me." Sagot niya.

Nakangiting ginulo ni Alexial ang buhok niya na para bang isa siyang pasaway na batang biglang naisip na tumino.

"Right, if you're not like that I never would have been here to protect you." Sabi nito.

Napangiti siya ng mapakla. Ano iyon, pambobola? Ang ninong niya ay hindi na maipinta ang mukha. Naiirita na parati siyang kinakampihan ni Alexial. Sumenyas siya na busog na siya at inubos ang natirang tubig sa baso.

"About your girlfriend, anyway." Alerto siyang napatingin agad rito. "She's safe according to our intel. Hindi siya hawak ni Rune Olivares."

Tumango siya. Medyo gumaan ang pakiramdam. "Nasaan siya?" He's hoping her to be with some of her friends like Miriam or Michelle.

Tumingin muna ang lalaki kay William. Saka napakamot sa kilay gamit ang hinlalaki. While he is waiting with so much anticipation that he would say what he wants to hear.

"Your twin brother had her." Pahayag nito na nagpatigil saglit sa tibok ng kanyang puso.

"What the fuck?" Di niya mapigil na mura. Kasabay ng pagsigid ng kirot sa kanyang balikat. He laid back, helpless. Nag-aalalang dinaluhan siya nina Roelle at William.

Yzack Joul. The real Yzack Joul had her? But how? The last time he checked, his brother is in Japan. How come he...Kinagat niya ang dila. Alam na ba ng kapatid niya na ginamit niya ang pangalan at katauhan nito sa pagpapanggap?

This is nuts! Gusto niyang magwala.

It would be impossible for him to get Oshema back now. Kung nakita nito si Yzack, tiyak iisipin ng babae na siya iyon. Given the name and the looks, she'll never doubt Yzack to be him. Imposibleng matukoy agad nito ang kaibahan. Difference between him and his brother is too slim to notice. Liban na lang kung sasabihin ni Yzack ang katotohanan. Pero may saltik sa utak ang kakambal niyang iyon. Baka mas lalo pa yong lumala ngayon.

Now, he resented not telling her the truth about his twin brother. Naiwasan sana ang ganito. Pero wala namang dahilan si Yzack para magsinungaling kay Oshema. Hindi kagaya niya na may malalim na rason.

Then again, no matter how much he would convince himself in this hypothetical point, things are already screwed up and it's because he concealed the truth from her.

"Jairuz, pagkatiwalaan mo si Oshema. Trust her feelings for you. Nakikita ng puso ang hindi nakikita ng mata. Malalaman niya ang kaibahan." Alexial patted his other shoulder.

"Such fairy tale you want me to believe." Angil niya. Nagsimulang mag-ulap ang mga mata. Kaya pumikit na lamang siya upang mapigilan ang likidong nagbabadyang pumatak.

"If she's a fairy tale, then believe a happy ending because believing is the only choice you have right now." Alexial tossed back but words only bounced away from his system, refusing to sink in. "Try getting all the rest that you need. When you're ready, i'm going to show you everything about the existence of our enemies and how we could take them down completely." Pahayag ng lalaki bilang pagtatapos ng usapan.

Next chapter