webnovel

Chapter 23❤️?

*****

Pagpasok na pagpasok ko palang sa school ay ang nabungaran ko kaagad ay ang mga matang nakatingin sakin habang mga nagbubulungan. Jusko! Talo pa nito ang nangyari sakin nung tinamaan ako ng bola sa mukha nung highschool ako.

Pagkatapos ako kausapin ni kuya este kami pala ni kuya harry kagabi ay hindi ako nakatulog kakaisip sa mangyayari sakin ngayon. Pasalamat nalang ako kagabi kasi hindi pa nakakauwi si kuya harry at sya na ang nagexplain nang nangyari kahapon. Samantalang ang mga tropa naman nina kuya ay natatawa samin habang pinagagalitan kami lalo na kay kuya harry.. Siguro nga after non ay nabully pa nila si kuya harry.

Flashback

"WINNIE!!" kinalibutan ako sa tawag ni kuya sakin ngayon kaya nag aalangan ako bumaba kasi sinasapian na naman ito ng masamang espiritu pag ganyan ang tono ng pagtawag sakin eh.

"WINNIE!!! WAG MONG GAWIN NA PANGATLO PA ANG TAWAG KO SAYO KUNG AYAW MO NA KALADKARIN KITA DYAN SA KWARTO!!" patay na talaga! Galit talaga ito! Kaya nagmadali ako bumaba.nakatayo si kuya na hinihintay talaga ako bumaba, Katabi ni kuya si nanay at ang mga tropa naman nito ay nakaupo ngayon na natatawa. Samantalang si kuya harry naman ay parang tuta na nakatungo at gulo gulo ang buhok na nito. Anyare dito?

"ba-bakit ku-kuya?" pusang gala! Nagkabulul bulol pa ang pananalita ko. Naku! Mahahalata talaga nito na may ginawa na naman akong kalokohan.

"WAG MO AKO MABAKIT BAKIT KUYA KA! IPALIWANAG MO'TO!" at hinagis bigla nito ang cellphone sa kamay ko buti nalang nasalo ko ng ayos kung nahulog ko pa… Lalong lala ang sitwasyon!

Tiningnan ko ang picture at ang video na nakapost na ngayon sa facebook. Napakagat labi ako kasi hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag to! Napatingin naman ako kay kuya na pulang pula ang mukha sa galit nito sakin pati kay kuya harry kasi pabaling baling lang saming dalawa ang tingin nya.

"ANO NA?!" Nagitla naman ako sa pagsigaw nito. "ku-kuya.. A-ano kasi.. Hay! Pano ko ba ipapaliwanag to! Kuya! Mali to.. Mali talaga!" para na akong maiiyak sa pagpapaliwanag kasi hindi ko alam kung pano ko sisimulan eh!

"Anong mali ito?! Eh kitang kita sa video oh! May mga pictures pa! Ginagago nyo ba akong dalawa?! HAH?!" hala! Sumisigaw na naman ito. Napatingin ako kay kuya harry ngayon na nalilito din siguro kung pano ipapaliwanag. Napatingin ito sakin at tiningnan ko ito na

- ikaw na ang magpaliwanag look-

"BULLSHIT!!! WAG KAYO MAGSENYASAN DYAN! SAGUTIN NYO AKO!" nagitla na naman ako sa pagsigaw ni kuya.

"brad! Mali yang iniisip mo.. Walang kinalaman ang kapatid mo sa nangyari kanina.. Ako talaga ang may kasalanan" nakita ko na itong nakatayo habang nageexplain kay kuya

"EH G*GO KA PALA EH!"

mabilis na nasuntok ni kuya si kuya harry na kinabigla namin nina nanay. Napapunta naman ako dito at agad itinayo "okay ka lang ba?" tanong ko dito na may dugo na ang bibig sa lakas ng suntok ni kuya dito. Tumango lang ito sakin para sabihin na okay lang sya.

"TINATALO MO BA AKO?!MAGKAIBIGAN TAYO AT SINABI KO NA SA INYO NA WAG NYONG PAKIKIALAMAN ANG KAPATID KO! HINDI BA MALINAW SAYO YUN?! KEBATA BATA PA NITO EH! NGAYON MAGPALIWANAG KA!"

"anak huminahon ka at pakinggan sila muna.." agaw atensyon ni nanay na na kinabuntung hininga ni kuya.

"kuya! Mali kasi iniisip mo samin! Pag paliwanagin mo kasi muna sya! Pano makakapagpaliwanag kung sinusuntok mo?!" pagalit na sabi ko kay kuya kasi naawa naman ako kay kuya harry na wala naman ginagawang masama. Kulang lang talaga sa paliwanag si kuya kaya ganito..

"Sinisigawan mo na ako winnie?!" hala! Bakit kasi sumabat pa ako? Ang tabil kasi ng bibig ko. "hi-hindi kuya" at napatakip na ako sa bibig ko kasi baka kung ano na naman ang masabi ko.

"sige! Magpaliwanag ka na.." mahinahon na ang boses ni kuya ngayon pero ang awra parang mangangagat na leon parin.

Habang kinekwento ni kuya harry ang nangyari kanina sa kanila ay nakikita ko na nakakuyom ang mga kamay ni jesthle na hindi makatingin samin ngayon at iba na din ang aura.. Samantalang yung mga tropa nito ay tuwang tuwa pa ata sa kaganapan ngayon.

"pwes! Panindigan nyo ang ginawa nyo!" napatingin naman kami sa sinabi ni kuya.

"KUYA! bata pa ako para ipakasal! Ayaw ko ng arrange marriage! Atsaka may sarili na akong utak! Nahihibang ka na ba?!" nasisiraan na ata ng ulo ang kapatid ko!

"hoy winnie! Ikaw ang nahihibang na! Bakit? Gusto mo ba ipakasal kita sa g*gong ito?!" sabay turo nya kay kuya harry na nakatingin naman sakin. Napalunok naman ako sa tanong ni kuya sakin "ang OA mo kasi.. Pag pananagutan ikakasal na agad?!" napa bunghalit naman ng tawa ang mga tropa nito at si nanay sa sinabi ni kuya. Anong nakakatawa don? Badtrip itong mga ito ah!

"ang ibig ko sabihin ay magkunyari muna kayo ni harry na kayo! Alangan na katatapos lang nya kanina na ipakilala na girlfriend ka kinabukasan hiwalay na? Hindi ka ba nagiisip kung ano ang iisipin ng ibang tao?!" nang gagalaiti naman na paliwanag ni kuya bago nag buntong hininga ito. "kaya sa ayaw ko man at dahil ayaw ko talaga ay magpanggap muna kayo kung ayaw nyo na tumalsik kayong dalawa sa pamamahay na ito!"

Hala! Tinalo pa ang magulang ko kung makapagsalita! Ang nanay ko nga nakikinig lang samin na imbes na sya ang magbunganga ay baliktad na ngayon… Si kuya na ata ang magulang ko? "bakit? Ikaw ba may ari ng bahay na ito"

"hoy! Narinig ko yun ah!" hala! Nasabi ko pala.. Ano ba! Pwede bang tumahimik ka muna bunganga ko? Lalo ako malilintikan nito eh! "wala akong sinabi" at pumunta ako sa tabi ni nanay kasi baka masampiga na ako nito.

"pare.. Wag kang magalala.. Makakaasa ka na paninidigan ko ang ginawa kong kasalanan.. Pasensya na talaga sa nangyari ngayon pati din po sa inyo nay.. Hindi ko po intensyon at hindi ko din po alam na ganito kalala ang kalalabasan.." hinging paumanhin nito na parang kulang nalang ay luhuran nito si kuya ngayon.

"hep! Magkunyari! Hindi totohanin! Magkaiba ang dalawang yan! Kaya dapat alam nyo limitasyon nito ah!" may panduduro pa si kuya na nalalaman samin.

"opo kuya"

"oo brad"

Para tuloy kaming mga tuta ngayon na kung anong gawin ng may ari ay kailangan namin gawin! Goodluck nalang samin! Gabayan nyo po lagi ako.. Lalo na po ang utak biya ni kuya! Salamat po panginoon..

End of flashback

Pero bukod sa mga tao dito ngayon ay si jesthle ang iniisip ko kasi galit na galit ang anyo nito kagabi na parang lobong manlalapa anytime habang nakakuyom ang mga kamay nito na kita na ang mga litid.

Napagdesisyunan din ni kuya na magpanggap muna kami ni kuya harry na kami muna dahil baka daw lalong masira ang image ko sa school. Lalo na at bago palang ako dito.. Hays! Ano na mangyayari sakin ngayon?

Nasan na ba yung lalakeng yun? Sabi nya may kukunin lang ako sa kotse tapos ang tagal-tagal naman nito. habang nagrereklamo ako sa isip ko ay may humawak sa bewang ko na kinabigla ko kaya napaatras ako ng bahagya.

"ay sorry… sorry.. nabigla ba kita?" may pagaalala na tanong nito sakin. "h-ha? EH.. ginulat mo kasi ako kuya.. Atsaka.. Atsaka bakit may paghawak ka sa be-bewang ko?" nabubulol na sabi ko dito feeling ko kasi lalabas ang puso ko sa kaba eh.

"a-ah.. Ehh.. Kasi naisip ko na mas magiging effective kung sa bewang kita hahawakan kasi diba ano.. Ano.. G-girlfriend kita?" namumulang paliwanag nigo sakin habang ang mga kamay na naman nito ay nasa batok. Tsk! Mukha tuloy itong bata pag ganon ang kinikilos nito. "at pwede ba na.. Wag mo akong tawaging kuya? Kasi baka may makarinig na iba eh" dugtong pa nito na hindi makatingin sakin.

"tsk! Oo na! HARRY! Okay na?" panunudyo ko dito "pero.. Wag mo ako hahawakan sa bewang okay? Sa.." napaisip naman ako kung san naman nya ako dapat hawakan pero wala ako maisip kung san.. Pag sa kamay? Ang awkward naman.. Pag makasabay lang kami na maglalakad ngayon? Parang di naman effective ang pagpapanggap namin.. Ah alam ko na! " ako nalang hahawak sa braso mo? Ganito oh" tapos kinapitan ko ito sa braso. Mas okay na ang ganito kesa sa mga naisip ko.

"ah sige!" namumula pang sabi nito at naglakad na kami. "grabe! Pinaguusapan nila tayo.. Parang gusto ko ng lamunin ng lupa!" bulong ko kay harry habang hawak sa braso "tapos.. Yung mga mata nila parang gusto na nila akong kainin" napahigpit ang kapit ko kay harry para tingnan nya yung mga sinasabi ko.

"hays.. Hayaan mo na sila.. Ang isipin natin ay ang galit satin ng kuya mo. Nakita mo naman kung gano kapula ang mukha kagabi eh nasakal pa ako non sa inis sakin kagabi bago ka bumaba galing sa kwarto! Masasanay din sila diba? Pati ikaw.. Masasanay ka din" hala? Hindi nga? Sinakal talaga sya ni kuya? Sira ulo talaga yun! Hindi na nakuntento sa suntok ay may nauna pa palang pananakal ito! Pero grabe talaga ang kaba ko kagabi!

Napatingin naman ako sa pumutok na labi nito na may band aid na tapal ngayon "okay na ba yang labi mo?" tanong ko dito habang patingin tingin sa parte kung san nasuntok ito. "oo.. Okay na ito ngayon, atsaka deserve ko nama. Ito" napangiti pa ito habang hawak ang sugat nito.

papunta kami sa room ngayon, Pahatid hatid pa itong nalalaman sakin pero teka lang! Ano sasabihin ko kay bes? Baka awayin ako non.. Alam ko kasi na nagtatampo sakin yun kasi hindi nito sinasagot ang tawag ko.

Malayo palang ay tanaw ko na sa labas ng room si she nang makita kami ay agad itong pumasok ng room. "patay ako nito!" hindi ko alam na navoice out ko ang nasa isip ko kaya nagtataka si harry sa narinig nya "huh? Patay ka kanino?" nakakunot noo na tanong nito sakin.

Nasa tapat na kami ng pinto ng magpaalam na ako na papasok na samantalang ang ibang clasamates namin ay naghihiyawan at nanunudyo ng makita kaming dalawa na parating kanina.

"oh.. Pag may nanakit sayo kahit sino.. Sabihin mo sakin ah? Ako bahala!" hinimas pa nito ang buhok ko at kumindat pa. Naku! Umeksena pa ang isang ito dito at  sa harap ng clasamates ko at ni bes.. Kainis! Mukha tuloy kaming magjowa ngayon dito sa harap ng pinto habang nagpapaalam.

"oo na.. Umalis kana" hinawi ko naman ang pagkakahawak nito sa buhok ko at winagwag ang kamay na parang aso na pinapaalis.. "grabe ka naman! Mukha naman akong aso sa ginagawa mo eh!" reklamo nito sakin.

"wag kana magreklamo pa.. Shoo..lalo tayong pinagtitinginan oh" reklamo ko dito habang parang naasar ang itsura. "oo na po.. Aalis na ako. Mamaya nalang babe" at tumalikod ito bigla at tumakbo. HANUDAW!?! B-BABE?! ARGHH.. NAKAKAASAR!

"UYYYYYY!!!!!! BAAAAABBEEEEE…" tudyo ng mga kaklase ko at ng ibang nakarinig sa labas. Nakakabadtrip talaga! Tumulong lang ako kahapon tapos nagkaganito pa! Arghh!!!

Namumula akong pumasok ng room.. Hindi pa ako nakakaupo ng hilahin ako ni bakla sa grupo kung saan silang apat ay nakaumpok.

"hoy! Bruha! Magpaliwanag ka!hep! Hep! Hindi mamaya! Kundi ngayon na… NoW na!" akala mo principal sa school kung magsalita ngayon itong baklang ito! Napatingin ako sa kanila na sabik na sabihin sa kanila ang lahat pwera nalang kay deo na nangangalaiti ang anyo at si she na hindi nakatingin sakin kundi pinaglalaruan ang mga daliri nito,tampo nga ang isang ito sakin.

"girl? Ano na? Bawal kami pag hintayin ngayon!" pangungulit ni bakla habang naka cross arm pa ito. "ano kasi eh.."

"ANO?!" Sabay sabay na sabi ng tatlo samantalang si she ay wala parin reaksyon ang mukha.

"ganito.. Atin atin lang ito.. Ganto kasi yun"

Kinwento ko ang lahat lahat ng nangyari samin kahapon ni harry at ang pag papanggap namin sa harap ng lahat ng tao dito sa school.

"pero atin-atin lang ito ah? Wala dapat makaalam" paliwanag ko pa sa mga ito.. Para naman silang nabunutan ng tinik sa narinig nila sakin. "hays! Akala namin nasungkit na ng beauty mo ng isa sa kanila eh! Ang sweet nyo kaya kanina ahhhh!!!!" pag iinarte ni bakla sa harap namin.

" oo nga! Nakaramdam tuloy ako na need ko na din ng lovelife ahhhh!!!!" bagay na bagay talaga magsama si bakla at joy.. Kasi sila lang ang tuwang tuwa eh..

"bangasan ko kayong dalawa eh!kung ano ano ang iniisip nyo! Hays! Buti nalang talaga.. Akala ko makukuha ka na nya talaga sakin eh" sabay yakap ni deo sakin. Kung makapagreact namin ito akala mo tunay eh!

"sira ka talaga!" at tinulak ko ito papalayo sakin habang natatawa. Buti nalang nalinawan na sila ngayon kaya ibang topic na ang pinaguusapan ngayon ng tatlo.

"uyy.." dinanggil ko ang braso ni she para pansinin ako nito "sorry na talaga bes.. Tampo ka parin ba? O galit ka parin ba sakin? Wag ka ng magalit pa" maktol ko dito, hindi parin ito naimik kaya naluluha na ako ngayon kasi ayaw ko ng ganito kami.. Syempre bestfriend ko ito eh..

"tss.. Wag kana umiyak"nakatingin na sabi nito sakin. "syempre nung una nagtampo ako.. Lalo na kagabi kasi sarili kong kaibigan ay aahasin ako! Hindi ko kaya maimagine noh! Pero.. Buti nalang pinakinggan ko paliwanag mo.." yinakap ako nito "sorry din kung napagisipan kita ng masama ah?" dugtong nito na pareho na kaming naiiyak habang natawa ngayon.

"para kayong mga sira tingnan ngayon" tudyo samin ni beks.. "inggit ka lang!" sabay na sabi namin ni she dito na lalong kinatawa namin. "inggit kami!pahug nga din kami" at yumakap din ang tatlo samin kaya nakagroup hug kami ngayon.

Sana ganito lagi kami… Hindi kinakalimutan ang friendship kahit anong pagsubok samin. Sana kahit na matanda na kami at may sari sariling mga buhay na ay ganito parin ang samahan namin. Hindi sa liit o laki ng problema tinatapos ang pagiging magkaibigan lang kung tunay mo talaga silang kaibigan diba?

Next chapter