*****
Hindi muna ako umuwi ng bahay kaya minabuti ko nalang na makapagisip isip muna kasi iniisip ko kung bakit bigla nalang ito nagalit sakin ng walang dahilan kasi okay na naman kami kanina eh.. Hays! Maloloka na ako.. Kanina pa ako palakad lakad sa kanto namin ng mapagpasyahan ko na umuwi nalang sa bahay.
Pagpasok ko ng bahay ay nabungaran ko agad si kuya at jesthle na naguusap. Nagakatinginan kami nito at sya ang unang nagbawi ng tingin at yung kaninang mukha nya na natawa ay naging seryoso ito. "aba! Himala! Napaaga ka ng uwi! Okay naman pala kausap yung kaibigan mong maarte eh!" naagaw ng atensyon ko ng nagsalita si kuya sakin.
"tsk! Tinakot mo eh! Kaya maaga ako inuwi!" irap ko pa dine at tumingin kay jesthle na seryoso parin. " ano yang nakatago sa likod mo ah?!" sabi ko na ba wala akong kawala kay kuya.. Lahat nalang bubusisihin sakin. " pakialam mo ah?! Nay! Si kuya.. Nakikiaalam na naman!" alam ko kasi na aagawin nya itong hawak ko para tingnan kaya need ko backup ni nanay.
"ano na naman yan ah?! Tumigil na kayo! Mahiya nga kayo kay jesthle.. Lagi nalang kayo nagbabangayan!" lumabas to ng kusina habang may juice at tinapay. "tumaas ka na at magpalit para makapagmeryenda ka!" sabi ni nanay. Binelatan ko si kuya at dali dali na umakyat sa hagdan. Pagdating ko ng kwarto ay itinago ko na ang panregalo ko para di makita ni kuya. Nagpalit na din ako ng damit para mapreskuhan ako… Hindi ko nga lang alam kung baba ba ako o hindi? Kasi nandoon si jesthle sa baba parang ang awkward.
"Winnie the pooh!! Bumaba kana!" tawag sakin ni kuya na may halong pagloloko pa. Nakakahiya talaga kay jesthle.. Narinig pa nya pang asar sakin ni kuya kaya madali ako bumaba para di na maulit ang pangaasar ni kuya sakin.
Nasa sala lang kaming apat habang sina nanay ay nagsisimula na kumain. Saktong ang upuan ko ay katapat ko si jesthle.. Ano ba to?! Malas ba o swerte? Dapat di muna ako umuwi para di kami nag pang abot sa bahay.. Pag di naman ako umuwi agad may sermon ako kay nanay plus may kuya pa.
" ano pa tinutunganga mo dyan winnie the pooh?!" pangaasar na naman ni kuya.. Dapat umupo na agad ako eh! Pinanlakihan ko lang ng mata ito at inirapan. Habang katapat ko sya sa upuan ay hindi ko sya matitigan sa kaba ko.
"dude? What happened ba sa braso mo? Ang laki nyan ah! Ang sakit nyan!"panguusisa ni kuya dito.. Kahit kailan tsismoso talaga! Pagtingin ko ang laki nga ng sugat… Napangiwi nalang ako at naguilty sa pangyayari kanina.
"may niligtas kasi akong ligaw na pusa kanina tapos napamali ang tuon ko kaya nagkasugat ako" explain nito habang di natingin sakin.. Ako? Ligaw na pusa?! Grabe talaga to! Pero kasalanan ko naman talaga kanina eh.
Tumayo si mama at may kinuha… Pagbalik ay dala na nya ang first aid kit namin. " anak! Ating gamutin yan para di maimpeksyon!" anak na ang turing ni nanay kay jesthle kasi siguro since mga bata pa kami ay magkakasama na kami. " naku! Wag na po nay!" nahihiyang sabi pa nito. " wag kana mahiya dude! Mas masama kung lala yan at maipeksyon.. Maigi na ng nagagamot agad!" sabi pa ni kuya kaya walang nagawa ito kaya nagpagamot na sya kay nanay. Habang ako nanunood at nakain ng sandwich na gawa ni nanay.
Ako ata ang nasasaktan sa sugat nya eh.. Hays.. Nagiguilty tuloy ako! Matapos magamot ay nagpasalamat ito at kumain ulit. "ano yung bitbit mo kanina?" bulong sakin ni kuya nung umalis si nanay para ibalik sa lagayan ang first aid kit. " pakialam mo ah?" pabulong ko dito.
"magsitigil na kayong dalawa para kayong aso at pusa!hindi ba kayo nahihiya kay jesthle?" Nakita kami ni nanay kaya sinita nya kami. "Sanay na po ako" habang nanguya na sabi nito kay nanay.
Hanggang sa umalis si jesthle ay kinukulit parin ako ni kuya sa dala ko kanina.. Hanggang matapos kami kumain ay tanong parin ng tanong ito. Nagpipilit pa pumasok sa kwarto ko buti nalang nilock ko ito kasi hahanapin at hahanapin nya para alamin kung ano ito. Nakatulugan ko na si kuya sa kakakatok nya sa pinto ko.. Halos gibain na nya ito makapasok lang.
*****
Kinabukasan ay late na ako nagising syempre binawi ko lang yung mga araw na maaga ako gumising noh…
Nakaheadset ako habang pababa ng hagdan nagsasayaw pa ako kasi feel na feel ko yung tugtog ni justin bieber na baby. Kaya panay sayaw pa talaga ako papunta ng kusina with matching pikit mata pa na parang nagpaparty. Lakas ng tugtog ko kaya feeling ko nasa disco ako kaya pagmulat ko ng mata ay makita ko nalang ang mga barkada ng kuya ko na nakatunganga sakin yung iba ay natatawa pa.
Guys! Parang gusto ko na magpalamon sa lupa! Juskoooooo!!!!!!! Nakakahiyaaaaaa...…..
"grabe! Di ka na talaga nahiya pa!"bato ng pillow sakin ni kuya isa sa nakalagay sa mga upuan namin. Hindi ako nakaimik sa sobrang pula ng mukha ko… Eh hindi nga ako nagsuklay bago bumaba eh kasi wala naman kaming ineexpect na bisita kaya di ko alam ang itsura ko ngayon. "umakyat ka nga! Tingnan mo mukha mo!" pagalit na sigaw sakin ni kuya kaya nagitla ako at patakbong umakyat ng hagdanan pag dating ko ng kwarto humarap agad ako sa salamin. Parang gusto ko himatayin ngayon! Waaa....!!! May muta pa ako na di ko natanggal at gulo gulo pa ang buhok ko. Jusko! Hindi pa yan eh.. Yung yung.. Pisngi ko! May ano.. May PANIS NA LAWAY!!!!
AYAW KO NA TALAGA SA EARTH!
Pagkatapos ng kahihiyan ko eh tiniis ko ang gutom ko.. Kasi nahihiya parin akong bumaba halos ayaw ko na magpakita sa kanilang lahat buti nalang wala si jesthle kanina kundi baka magsisisigaw pa ako sa kahihiyan kanina.
Magtatanghalian na pagtingin ko sa orasan
*krook*. *krook* nagrereklamo na ang tyan ko sa gutom. Siguro naman bago magtanghalian nakaalis na ang mga letchugas na mga yun! Nakakainis naman kasi si kuya eh! Dala ng dala ng mga kaibagan dito sa bahay namin!
Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko ng bigla itong magbukas "mahal na prinsesang may panis na laway sa mukha! Kakain na daw po!" natatawang asar sakin ng kuya ko. "walanghiya ka talaga kuya! Nakakainis ka!"sabi ko dito habang nagpapa padyak ng paa. "ikaw ang may kasalanan nyan ah! Naalis ka sa kwarto ng di nagchecheck ng mukha mo! Pandi sayaw ka pa! Pffttt…. Hahaha.. Kung may recorder lang ako.. Tyak! Papatok yun sa youtube!" tatawa tawa pang sabi ni kuya habang nakabusangot ang mukha ko.
Hinawi ko sya at dirediretsong lumabas ng kwarto para makakain na. Habang pababa ng hagdan ay sinusundan ako nito at inaasar. Pagdating ko ng kusina ay nakita kong nandito parin ang mga friends nya naka ngisi sakin nung makita ako. Napairap nalang ako at umupo na.
Ano bang ginagawa ng mga hinayupak dito?! Nakakainis! Di pa umuwi nalang at sa kani-kanila mag sikain!
"oh kumpleto na ba ang lahat? Parang may kulang ah?" pansin ni nanay habang naglalapag ng juice.
"yan na pala tita si jesthle eh! Bro! Upo kana!" sabi nung kaibigan ni kuya na medyo mabait sa paningin ko. Ako naman ay natigilan kaya napaayos ako ng upo ngayon. Hindi sya ngayon ang kaharap ko kundi yung medyo mabait na bumati kay jesthle.
"nak! Nahuli ka ata ng dating? Kamusta si kumareng hilda?" paguusisa ni nanay kay jesthle. "may ginawa pa po kasi ako sa bahay. Okay lang po si mama busy po sa gawaing bahay." napatango nalang ang nanay.
"oh sya… Sya.. Magsikain na tayo at baka lumamig pa ang pagkain natin" sabi ni nay. Kaya kanya kanya na kaming lantak sa pagkain kahit ako hindi na nahiya kasi gutom na talaga ako.
Napatingin ako sa paligid kasi feeling ko may nakatingin sakin. Yung katapat ko lang pala hindi ko alam ang name nya.. Nakatingin sya sakin nung mapansin nya nakatingin ako sa kanya ay ngumiti lang ito at nagumpisa na din sumubo ng pagkain.
Tumikhim naman si kuya kaya halos lahat ay busy na sa pagkain. Tiningnan ko naman sa dulong bahagi si jesthle nung makita nya ako na sumulyap sa kanya ay inirapan lang ako nito. Tsk! Kamusta na kaya ang sugat nya?
After kong kumain ay nagkulong lang ako sa kwarto kasi inaasar na naman ako ni kuya kasi kinwento nya kay jesthle ang kahihiyan ko kanina habang ang mga kaibigan nya naman ay tawa ng tawa. Mga bwisit talaga!!!!