webnovel

Chapter 5❤️?

*****

Nakikinig ako ng music ng pumasok ang nanay ko sa kwarto ko kaya tinanggal ko ang earphone ko para marinig ko ang sinasabi nya.

"Ano po yun nay?" hindi ko kasi narinig ang unang sinabi nito sakin. "ika ko ikaw muna ay bumaba para maghanda ng maiinom ang classmates ng kuya mo" sabi nito na halatang bagong dating galing sa palengke.

"opo baba na po ako"  sumulyap muna ako sa salamin bago bumaba. Nakita ko na busy sila sa pag gagawa ng project nila kaya hindi nila ako napansin na bumaba kaya dumiretso ako ng kusina para ipaghanda sila ng medyenda.

Chineck ko ang bilang ng baso at sandwich bago umalis ng kusina. Inuna ko muna ang sandwich mamaya na ang juice kasi medyo mabigat gawa ng mga baso.

Pagdating ko sa pwesto nila.. Hindi ko alam kung pano aagawin ang pansin nila kasi sobrang busy nila.. Nagkatinginan kami nung isang classmate nya at nakita ang dala ko.

"sean.. Kapatid mo…" sabi nito at lahat sila nakatingin sakin. "a-ah.. Hehe.. Me-meryenda muna po kayo." nauutal na sabi ko kasi hindi ko naman kilala ang iba kaya awkward.

Pinatong ko na ang tray na may lamang tinapay ng makita kong niligpit nila ang ibang gamit. " salamat kapatid! Oh.. Kain muna kayo mamaya nalang ulit." at nag sikuha sila ng tinapay "asan ang juice?" bulong ni kuya..

" nasa kusina pa! Hindi ko kaya ng sabay yun kuya noh! Ang bigat non.." pabulong na reklamo ko dine. Kaya umalis ako para kunin yung juice.

" may kapatid ka pala bro?" sabi nung isang classmate nya bago ko marating ang pwesto nila. " walang poporma don ah? Bata pa yon!" narinig ko na sabi ni kuya bago ko ilagay ang juice sa pwesto nila na kinatahimik nila. Isa isa ko silang tiningnan.. Lahat namn sila may itsura, si jesthle nga lang ang pinaka may itsura sa kanila sa paningin ko. Tahimik lang ito na nakain habang hindi nakatingin sakin.

"Kumain lang kayo dyan mga hijo.. Dito na din kayo maghapunan ah? Magluluto lang ako" singit ni mama samin.

"naku! Wag na po.. Nakakahiya na po!" magalang na pagkakasabi ng isang cute na classmate ni kuya.

"oo nga po tita! Wag na po!" sang ayon ng iba.

"naku! Wag na kayo mahiya! Feeling ko eh matatagalan pa kayo dito.. Para paguwi nyo ay magpapahinga nalang kayo" nakangiting sabi ni nanay... Wow ah! Ang bait ata ngayon ni nanay?

"ah sige po!" sabi nila.. Nahiya nalang siguro kay mama kaya napilitan na pumayag.

Pumasok na si mama sa kusina kaya ako nalang at grupo ni kuya. "oh ikaw? Ano pa ginagawa mo dito? Umakyat kana!" pinanlakihan pa ako ng mga mata ni kuya. " oo na!" pinanlakihan ko din ito ng mata kaya napatawa yung tropa nya.. Kaya umakyat na ako agad at baka mabully pa ako nito sa harap ng mga yun.

Nahiga nalang ako sa kama habang nagbabasa ng pocket book at hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagising nalang ako ng  tinawag na ako ni mama para bumaba at kumain.

"opo! Baba na po!" nagtanggal muna ako ng muta at nagsuklay ng buhok bago bumaba. Pag baba ko ay nakaupo na lahat ng clasamate ni kuya.. Aba! Sakto nga lang pala samin ang upuan buti nalang malaki ang dining table namin.

"umupo kana at kakain na tayo." tumabi ako kay kuya at mama kasi yun nalang bakante na upuan.. Katapat ko si jesthle.. Nahiya ako bigla.

Pagkatapos magdasal ay kanya kanya na kaming kuha ng foods.. Infareness madaming ulam ang niluto ni mama. adobo na may itlog at gulay ang niluto nyang ulam.

"wow! Tita! Masarap pala kayong magluto" sabi nung guy na nakatitigan ko kanina.

"salamat!" nahihiyang sabi ni nanay habang nakangiti. Lahat kami ay masasarap ang kain pwera lang pala sakin na di ako mapalagay kasi katapat ko si jesthle.. Nahihiya ako sumubo ng sumubo.

"oh! Wala kang gana kumain? Himala! Paborito mo ang adobo oh!" sabi ni kuya. " ah siguro diet ka noh? Uso ba yun sayo?" natawa si kuya habang inaasar ako.. Samantalang yung mga classmates nya ay natatawa lang. Pinandilatan ko sya ng mata at sinipa ng bahagya ang paa nya. Kahit sinipa ko na eh tatawa tawa lang si kuya ng nakaka asar!

" ah.. Nay! Pwede ba ako magpaalam?" pag babago ko ng usapan. Napatingin naman si jesthle sakin na kinabawi lang nya ng tingin din agad.

"ano naman yun?" sabi ni kuya habang nanguya.

" nay ang sabi ko hindi kuya!" natawa naman ang lahat except kay kuya na pinanlalakihan ako ng mata.

"ano ba yun?" sabi ni nanay na tumigil pagkain habang inaantay ako magsalita. " pwede po ba ako sumama sa mga kaibigan ko sa summer? Sa batangas po.. Kung pwede lang naman po?" sana pumayag si nanay..

"okay!"nanay

"hindi!"kuya

Magkasabay na nagsalita silang dalawa. " si nanay pumayag.. Ikaw hindi?!" nakakaasar talaga to! " hindi pwede nay.. Baka kung ano lang gawin ng mga yan don" si kuya na kinoconvince si nanay na wag ako pasamahin.

"pumayag na si nanay!" kaya inirapan ko to.. Samantalang tahimik lang na nakikinig samin ang classmates ni kuya.

"kunsabagay! Bata ka pa nga pala.. Wag na pala!" sabay bawi ni nanay na kinainis ko kay kuya. Pag tingin ko kay kuya ay ngiting tagumpay ito.

Bwisit talaga to.. Kailan ko mapapayag si nanay. Ayaw ko maiwan dito samin sa summer habang iniintay ang sunod na pasukan.

"ay! Sayang! Maganda pa naman sa batangas.. Sabi nga ni deo.. Isama ka nga daw at tropa mo.. Kasi diba graduation nyo yon? Kaya naisip nya na isama kayo.. Sayang naman" nasubo ako habang nagpaparinig.. Sana umepekto ang mga sinabi ko.

Nakita ko sila  na sinisiko si kuya sa narinig nila sakin. Umiiling si kuya pero pinapanlakihan nila ito ng mata na parang *grab muna.. Sayang pare*  habang ang kabilang isip ko ay natatawa… Buti nalang na dito sila bwahahaha….

"a-ahem.. Sige na nga.. Sayang naman!sumama kana basta kasama kami ah?"sabi ni kuya

Yes! Yes! Sabi ko na ba eh! Thank you lord!

nakita ko na ngumiti si jesthle ng bahagya habang nasubo ng pagkain. Gwapo nya talaga.. Hays..

"okay! Deal na yan ah?! Wala ng bawian!" sabi ko at masayang kumain kasi ako na naman ang nagwagi! Hahahaha….

Umakyat ako ng kwarto pagkatapos ko maghugas ng pinggan at nakita ko naman na busy sa project na naman nila sina kuya. Tumingin ako bahagya kay jesthle at nakita nya akong nakatingin sa kanya at pinanlakihan na naman ako ng mata.. Tse! Suplado!.

Masaya akong natulog ng gabing yun kasi wala ng hadlang sa plano namin. Ang iisipin ko nalang ay kung ano ang ireregalo ko at pano yun maibibigay ko sa graduation ni jesthle.

Next chapter