"Someone's POV"
Huwag ka mag-alala Arra nandito ako para protektahan ka.Malapit na ako pumunta diyan, please wait for me.Sana huwag ka munang lumipat ng section.May tatapusin lang ako tapos babalik na ako diyan.
"Sir may bisita po kayo?"
"Sino?!"
"Kabusiness niyo daw po?"
"Okay sige papasukin muna."
Wait for me Arra.
"Arra's POV"
Maaga akong nagising at pumasok sa University.University na lang ang tawag ko kasi ang baduy kapag school pa din.
Himala alam niyo kung bakit? Aba, hindi ako niresbakan ng mga section nakita na nila ako tapos parang wala lang nangyari.Thanks God at ligtas ako ngayon. Ito na ba ang sign na magiging masaya na ako.Sana please!!
Nakarating ako sa room at nakita ko ang mga ugok kong kaklase na maingay tapos nung pumasok na ako biglang tumahimik.
"Good morning Ate Arra!"bati sa akin ni Calyx.
"Good morning!!"
"Napaaga ka ata ngayon ah?"
"Siyempre po egzayted na akong makita ka e,"natouch ako sa sinabi niya at pinisil ko ang cute niyang mukha.Hindi naman siya uminda ng sakit kaya ayos lang.
"Calyx!!nakita mo ba si Clyde?"
"Ahmm wala pa po siya.Baka mamaya nandidito na yun,"sabi niya kaya tumango ako bilang pagsang-ayon.
Makalipas ang isang oras hindi pa din siya dumadating nakapagklase na nga kami ng first period e wala pa din siya.
'Mamaya siguro padating na yon,'bulong ko sa sarili ko.
Tanghali na pero wala parin siya di kaya nagtampo sakin dahil hindi kami nagsabay kahapon.Pero imposible dahil lang don hindi na siya papasok.
"Wag ka ng umasa Arra.Hindi na yon papasok!"
"At sino ka naman para sabihin sakin yun ah?!"
"Nagtext siya sa akin at sinabi niya naaabsent daw muna siya."
"Anong dahilan?!"
"Aba malay ko hindi niya rin sinabi e.At isa pa hindi naman ako tsismosa para pakialaman ko ang buhay niya!"dagdag pa nito.
"Aba hindi ba pwedeng nag-aalala lang ha?!"
"Bakit si Clyde ang hinahanap mo e, may Calyx ka na nga?!"
Gustong gusto ko ng manakit pero ayoko ipakita na nadiriyan kasi si Calyx bawal sa bata yun e.
"Bakit andito naman ako ah?"
"Bakit kilala ba kita?!"
"Okay magpapakilala ako.I'm Edrix Pascual ang pogi dito sa Section Z,"pagpapakilala nito.
"Pwede ba kitang maging kaibigan?"dagdag pa nito.
"Give me a reason why I need to be your friend?!"
"Kasi matutulungan kita sa lahat," mayabang na sabi nito.
"Ano ba ang dapat kong gawin para maaccept mo ako?"dagdag pa nito.
"Apology to me!!"
"Okay.I'm sorry sa mga ginawa ko nung una sayo."
"Accepted apology!!"sabi ko at ngiting tagumpay ang pinakita niya sa akin.Yayakapin niya nga dapat ako pero tinanggihan ko siya.Siyempre I'm a girl kaya.
"Pwedeng kami rin?"sabi ng mga klassmate ko.
"I'm Ken."
"I'm John."
"I'm Sky."
Blah.....blah....
"Were sorry!sa ginawa namin sayo nung una."Sabay sabay na sabi nila except dun sa isa.Siyempre mataas pride nun asa ka pa.
"Accepted apology!"sabi ko sa kanila.
At naghiyawan sila sa tuwa.
Ganun talaga ako kapag nakikita ko na sincere sila at isa pa nakakasawa na makipagbangayan kaya naman naisipan ko na kaibiganin na lang sila.
"Uy!Ken.May number ka ba ni Clyde?"
"Meron bakit?"
"Hihingin ko sana e,"pagkasabi na pagkasabi ko pa lang e binigay niya na agad.
Ring lang ng ring ang phone niya.Nakailang tawag na ako pero wala pa din.Hanggang sa last na, sumagot din sa wakas.
"Hello Clyde?! bakit ang tagal mo sumagot ha!! Bakit ka di pumasok ha?!"yun agad ang bungad ko sa kanya.
"Sorry."
"Akala ko ba magkaibigan tayo bat di mo ako tinext na aabsent ka.Wala ka bang tiwala sa akin ha!!"
"Hindi naman sa ganun.May ginagawa lang kasi ako na importante."
"At ano naman yan ha?!Mas importante ba yan kesa pumasok ka!"
"Sorry talaga,"at binabaan niya na ako ng phone.
Ay naku nakakainis naman.
"Kumain ka na lang.Ganyan talaga si Clyde bigla bigla na lang umaabsent tapos kapag tinatanong namin ayaw naman niya sagutin. Wag ka mag alala sure na papasok na yan bukas."Saad ni Matt.
Sumabay ako sa kanila tutal friends ko na sila.
"Ate Arra!Maglaro tayo ng spin the bottle para makilala natin ang isa't-isa!"masiglang sabi ni Calyx.
Ayoko dapat kasi ayoko ng laro mas gusto ko pang magbasa na lang ng wattpad pero siyempre bata tapos masigla pa kaya pumayag na lang ako.
"Sige,"sabi ko at pumayag din ang mga ugok kong kaklase.Maganda din naman kasi ang objective kasi para mas makilala din namin ang isat isa.
" Kuya Zack sali ka!"yaya ni Calyx.
"Ayoko nga!!"sambit naman nito.Kainjs talaga siya.
"Ang kj mo naman parang laro lang ayaw mo pa sumali,"sambit ko naman kasi nakakainis.
"I'm not kj.Do you want a prove?!Okay fine sasali na ako."
"But in one condition......"
My gosh laro lang may kondisyon pa.
"If you tell a lie......I will kiss you so be ready!"sabay ngiti sakin na nakakamatay.
"Sira-ilo ka ba? Bakit may ganun dapat wala.Wala na di na ako sasali,kayo na lang!!"
"Oops wala nang bawian kaya be ready,"sabay kindat sakin.
"Subukan mo lang.Magready ka din dahil magiging halimaw talaga ako sa harap niyo!!"sabi ko naman.
Ayun na nga nag umpisa na ang laro pero siyempre may kanta pa na naganap nag-umpisa si Calyx kasi siya nagsuggest.Alam niyo ba nakakainis kasi tumabi talaga sa akin si ZACKING PANGET lumalayo na nga ako sa kanya tapos siya dikit pa ng dikit.
"Bahay kubo kahit munti🎶🎶
Ang halaman doon ay sari sari🎶🎶
"Teka teka, bakit bahay kubo iba na lang ang baduy.Ahm what makes you beautiful na lang ng one direction,"sabi ko.
"You're insecure🎶🎶
Don't know what for🎵🎵
You're turning heads when you walk through the door🎵🎶🎶
Don't need make-up to cover up🎵🎶🎶
Being the way that you are is enough🎶🎶
At nag stop kay Ken ang bote.
"Ahm ngayon may tanong ako sayo?!"Sabi ni Edrix.
"Ahm Mahal mo pa ba si Mina?"
"Oo naman, sobra-sobra.Handa kong ibigay sa kanya lahat,"ani nito.
May naglolovelife din pala dito sa section nato.Nakakatouch ang sinabi niya.Sana all.
"Gano mo kamahal?!"mabilis kong tanong.Curious ako e,bakit ba?
"Oops, may nakalimutan pa akong idagdag kapag hindi ikaw ang dapat magtanong.Wag kang sasali at dahil sa sinabi mo may parusa ka,"sinabi sa akin ng walang hiyang ZACKING PANGET.
At bigla na lang ako hinalikan.Nagulat ako sa ginawa niya at nag slow motion pa.Tumagal siya ng limang segundo.
At bigla ko siyang sinampal ng pagkalakas lakas kaya napaatras siya.
"WALANG HIYA KANG ZACKING PANGET KA!!"namumula kong sabi di ko alam kung sa inis o sa ano e.Basta nakakainis siya.
"I said kasi na dapat mag-ingat ka.At hindi ka dapat nangingialam,"sabi nito at ngumisi pa kaya sinampal ko na naman ulit siya at umalis. Narinig ko na tinatawag ako ni Calyx pero di ko siya pinansin.
"Oh my gosh he stole my first kiss!"Bulong ko sa sarili ko at umiyak dahil sa kahihiyan at inis.
Pumunta ako sa building na lagi kong tinatambayan at nag-iisip ako kung paano ako makakaganti sa PANGET na yun.
Kaso naalala ko talaga ang ginawa niya para bang nakaukit na sa aking puso tapos kanina nung ginawa niya yun sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"NAKAKAINIS KA TALAGA!!!"Nung nahimasmasan na ay bumalik ako sa room kasi ako lang mag-isa dito at natatakot ako na baka may makita ako wala pa naman akong mahihingian ng tulong pag nagkataon.Hayst na buhay to.
Hinding hindi ako magpapatalo sa kanya at kailangan kong tumagal dito sa University na to wala pa nga akong isang buwan e.Ayoko mafrustrate ang parent ko kapag umalis ako dito.
I HATE HIM! Kahit na siya pa ang matirang tao sa mundo never akong magkakagusto sa kanya.
Bumalik na nga ako sa room at nadatnan ko naglalaro pa rin sila.At sumali ako sa kanila para ipakita na wala lang yun at ipamukha ko sa ZACKING PANGET na kaya ko siyang sakyan sa mga trip niya.Kung pinaglalaruan niya ako pwes paglalaruan ko din siya.
"Ate Arra ayos ka lang?"tanong sakin ni Calyx.
Sa totoo lang hindi ako okay kaya sana itigil na lang yang larong yan.Pero siyempre hindi ko sinabi yun kasi baka magtampo si Cutie Boy.Siya na nga lang nga ang kakampi ko dito tapos gaganunin ko pa.At baka mawala na din yung pagpipisilan ko ng pisngi.Alam niyo sa totoo lang ang gaan ng loob ko sa batang ito siguro dahil wala akong kapatid kaya ganun na lang ako umasta sa kanya.
"Ah oo, okay na ako,"pagpapalusot ko at successful naman kasi napaniwala ko siya.At pinagpatuloy na namin ang laro.Ramdam ko na pinagtitinginan ako ng mga klassmate ko pero hindi ko lang sila pinansin.
"Everyone else in the room can see it🎶🎶
Everyone else but you🎶🎶🎶
Baby, you light up my world like nobody else🎶🎶🎶
The way that you flip your hair gets me overwhelmed🎶🎶🎶"
At huminto ang bottle kay ZACKING PANGET.Yes,pagkakataon ko na to para gumanti.Sabi nga nila lintek lang ang walang ganti kaya kung may opportunity ka grab it na.Pak Ganourn!
"Ehem,sumayaw ka ng paborito mo sa harap namin!!"sabi ko sa kanya.At nakita ko ang pagtingin ng mga klassmate ko at natatawa sa hitsura ni PANGET.
"Ayoko nga!"ani nito.
"Aba ang daya mo naman at ang kj mo pa.Sumayaw ka kung hindi mamili ka lang kurot,tadyak,sampal o suntok.Choose wisely ZACKING PANGET,"inis ko na sabi sa kanya.Kala mo ah.
"Ahmm,how about ikiss kita ulit sa harap nila?"nakangising sabi nito na dahilan para tarayan ko siya.
"Ano ba mamili ka sa mga choices ko para matapos na!"ani ko.
"Sige sayaw na lang, basta ba kasama kita!"
"Manigas ka!"
Pero siya nanatiling nakatayo at talagang inaantay niya ako na sumayaw sa kanya.Aba ang hard din ng face mas hard ba sa bato.
"Dali na Ate Arra, sumayaw ka din para matapos na at kami naman,"sabi ni Calyx.
Nakakainis na si Calyx akala ko pa naman kakampi ko siya pero kinukunsinti pa ganun din ang mga UGOK kong kaklase.
Tatayo na nga sana ako para suntukin siya pero hinila ako ni ZACKING PANGET at sinayaw.Nag slow motion pa talaga ang paligid tapos ramdam ko na naman ang bilis ng tibok ng puso ko pano ba naman kasi may pahawak hawak pa sa bewang.So sinakyan ko na nung hinawakan niya ako sa bewang I have a chance para gumanti so tinuhod ko ang maselan niya at nabitawan niya ako at namilipit sa sakit.
"Ha!Ha!!Ha!! Sa wakas na kaganti na rin ako!" sabay tawanan din ang mga kaklase ko at siya naman halos mangiyak ngiyak sa sakit.
'Buti nga sayo.'
Dumating na ang teacher namin sa wakas.At nagturo tapos ako di ko mapigilan ang tawa ko kaya nilaksan ko na.
"Ms.Verra what's wrong?"nakuha ko ata ang atensyon niya.Kaya kailangan ko gumawa ng palusot.
"Nothing Sir." I said at nagturo na ulit.
Sinamaan ako ng tingin kaya ako patuloy pa din ang pang-aasar sa kanya.Natapos na ang klase namin at uwian na.
Nauna na si Calyx na umuwi kasi may gagawin pa daw kasi siya so, ako lang ang mag-isa ngayon dahil absent din si Clyde.Kaming dalawa ang naiwan sa room at ako ay dali daling naglinis tapos siya tahimik lang.Nakakatakot ang ganyan kasi di mo alam na sinasaksak ka na pala sa likod.
"Pasalamat ka dahil hindi ako makakilos ngayon dahil sa pagtuhod mo sa akin.Gumaling lang ako humanda ka sa akin!"pagbabanta nito.
Hindi ko lang siya pinansin at minadali na ang paglilinis.At sa wakas natapos din, nauna na ako sa kanya at nakarating na ako sa dorm.Bago pa man ako pumasok e may nakita akong kakaiba kasi parang may lalaking nakatingin at nakangisi sa akin kaya naman pumasok na agad ako kasi baka mamaya e kidnapper pa.Ayoko pa naman makipag-away.
Ginawa ko na ang night routine ko kumain at natulog.Masaya ako ngayon kasi nakaganti na rin ako sa wakas sa ZACKING PANGET na yun.