webnovel

KABANATA 2

Lingo ngayon at gaya ng dati day off ni mama . habang ako hitot nakahiga sa sofa(sarap ng buhay:D) si mama ayon todo linis ng bahay. tumulong na naman kasi ako bali ako yong nakatuka sa pagsasaing at paghuhugas ng pinggan .nakapaglaba narin ako (maidagdag kolang din) at habang nababanggit koto sa inyo me naalala ako na syang nagtulak sakin upang bumangon at kumaripas ng takbo papunta sa kwarto ko napahinto akong bigla sa me pinto ng makita ko si mama sa harap ng disk ko hawak ang isang bagay

"Maah" humahangos kung tawag sa kanya.agad naman syang napalingon sa kinaroroonan ko

"Ano to Rhem?" may diin nyang tanong

"Ahh ano,maa"

"Diba sinabi ko naman sayong wag mong pakikialaman ang mga gamit ng papa mo?!"

"Ou mah pero po kc…"

"…pinairal mo n nmn yang katigasan ng ulo mo!" dugtong nya

"Hindi naman po sa ganon mah . Ano po kc , hindi nyo po ba namimis si papa? Kasi ako mah mis na mis ko na sya . Kaya naisip ko pong galawin ang mga gamit nya nagbabakasakali na me mahanap akong kahit katiting manlang na alaala mula sa kanya . At yan mah yan yong nakita ko," nangingilid na ang mga luha sa mga mata ko pero pinipigilan ko lang.

"Akala ko ba naiintindihan mo na?"

"Naiintindihan ang alin mah?"

Saglit na natigilan si mama na para bang nagiisip sa isasagot nya . Ramdam kung nahihirapan na si mama sa diskusyon naming toh kasi diba sabi ko naman sa inyo iyakin si mama lalo na pag tungkol kay papa

"Hindi na babalik ang papa mo, kailan man hindi na siya babalik pah naiintindihan mo ba yon.. ilang taon na Rhem, ilang taon na mula nung iniwan nya tayo pero ano nagparamdam manlang ba sya? Huh? Buti n ngalang sana kung patay na sya maari siguro ngayon unti²x tanggap ko na . Pero hindi ganon Rhem . Umalis ang papa mo na ni kahit anong balita wala tayong narinig mula sa kanya …" umiiyak na si mama kaya lumapit nako sa kanya. Niyakap kolang sya at dinama yong hirap na nararamdaman nya .. kala ko ok na akala ko ok na ok na si mama , pero hindi pa pala .sa 8 taong yon ,8 taon din palang naghirap si mama na .pilit nyang itinago sakin yong pangungulila nya kay papa nagtapang tapangan sya at pinakita sakin ang maskara nyang matatag pero sa kabila pala nito durog at hirap na hirap na pala sya. Napansin ko nalang na napaluha narin pala ako sa mga alalahaning yon. Ilang saglit pa bumitaw narin si mama sa pagkakayakap namin. Pareho kaming nagpunas ng luha

"Sorry mah." Nasabi ko nalang . Tumango lang si mama pagkatapos niyakap nyako ulit. Saglit pat bumitaw narin sya

"Ibalik mo nalang siguro to kung san mo man to nakuha" utos ni mama habang inaabot sakin ang libro . Mahinahon ko namang inabot yon. Nkakailang hakbang palang sya ng naisipan kung magtanong

"Mah"tawag ko

"ehm"tugon nya

"Ni minsan po ba mah hindi nyo po naisipang galawin yong mga gamit ni papa?" me pagaalangan kong tanong

"Bakit mo nmn natanong yan ?"

"Naisip ko lng po kasi na baka nabasa nyo narin po tong libro mah-"

"Hindi" matipid nyang sagot na pumutol sa sasabihin ko

"Eh Mah me mga nabasa po kasi ako dito na maaring makapagturo kung nasan talaga si papa" dugtong ko

"Itago mo na yan at kung ano mang nabasa mo jan wag mong pinagiintindi malawak ang imahinasyon ng papa mo. Malay ba natin kung totoo talagang mga nakasulat jan . Sige na, ibalik mo na yan don at itago mong mabuti " ewan ko ba pero sa sagot ni mama pakiramdam ko me tinatago siya . Pero hindi nako nagusisa pa . Tumigil nako sa pagtatanong at lumabas narin sa kwarto ko si mama. Tila pagod naman akong nahiga sa kama tahimik lang na nakatingin sa kesame ng kwarto . Inangat ko yong libro at saglit na pinagmasdan. "Tama kaya si mama?" naisip ko nalang

Next chapter