webnovel

FIVE

Nasaan na ba ako?! Kanina pa ako palibot-libot dito pero wala pa rin akong nakikitang hayop na pwede kong panain nitong kahoy ko! Wala pa naman akong relo kaya 'di ko alam kung anong oras na ang nakalipas mula nang maghiwalay kami ng landas ni Xynon! Nasaan na ba siya?! Nasaan na rin sina Lovelle at Mona?!

Naiiyak akong nagpapadyak at pinagsisipa ang mga maliliit na batong nakikita ko rito. Hindi ako makapag-concentrate, natatakot ako! Baka mamaya may mga ligaw na kaluluwa o engkanto rito tapos ialay ako sa pinuno nila! 'Di ba, gano'n sa pelikula? At saka masakit na naman ang puson ko! Sa sobrang lawak nitong gubat na 'to ay hindi ko na alam ang daan pabalik sa quad. Ayoko na rito! Kung ano-ano na naiisip ko, eh! Nasaan na kaya si Xynon? May nahuli na kaya siya? Babalikan niya kaya ako? Iniisip niya kaya kung anong kalagayan ko ngayon? Siguro hindi! Masyadong focus kase 'yon sa pangangaso, nakalimutan na niya ang partner niya! Huhu! Siguro kung nandito lang si Martin, hindi ako iiwanang mag-isa n'yon. Sa ilang buwan naming pagkakaibigan at pagkikita, nakita ko ang concern niya sa 'kin at ayaw niya akong napapahamak bilang kaibigan niya. Naiiyak na talaga ako! Hindi ko maiwasang hindi sila ikumparang dalawa. Nararamdaman kong malapit na talaga akong mag-break down dahil mag-isa lang ako at wala pa rin akong nakikitang ha...

"Oh my god!" Sa wakas may nakita akong usa! Dahil sa sobrang tuwa ko ay hinabol ko ito agad at hindi ko na inalis sa paningin ko. Aba! Baka maunahan pa 'ko ng iba saka blessing na rin ito dahil kanina pa 'ko palakad-lakad dito, ngayon lang ako nakakita hihi.

Maingat kong hinahakbang ang mga paa ko nang makitang huminto ito sa pagtakbo. Malapit na kitang mahuli, usa. Here I come!

Dahan-dahan kong ipinuwesto ang braso ko para tamaan ito. "Gotcha!" Dahil na rin siguro sa malakas kong sigaw ay nasindak ito at tumakbo na naman palayo. Jusko naman, 'wag mo naman akong pahirapan, please?! Nagugutom na rin ako! Ang hirap talaga kapag gutumin. makagalaw at makalakad ka lang ng ilang oras, gutom ka na naman. Feel me?!

Wala akong magawa kundi pulutin ang kahoy ko at sundan ulit ito. Ang bilis pa naman niya tumakbo. Hindi ko na siya magawang habulin pa dahil unti-unti na ring humahapdi ang paa ko pareho.

"Lyka?!"

Bigla akong lumingon nang marinig kong may tumawag sa 'kin out of nowhere. Sino 'ýon? Boses babae pa naman. Ang lawak din nitong gubat kaya hindi ko makita kung sino ang taong 'yon. "Sino 'yan?" Sumigaw na rin ako nang sobrang lakas para malaman niyang narinig ko siya.

Nakarinig ako ng kaluskos sa bandang kaliwa ko na punong-puno ng mga naglalakihang mga kahoy at dahon kaya napatingin ako rito. "Sino 'yan?" Hawak-hawak ko nang mahigpit ang kahoy gamit ang dalawang kamay ko habang nag-aabang sa kung sino man ang lalabas. Ramdam ko rin ang malakas na kabog ng dibdib ko. Iniisip ko kung multo ito pero mukhang imposible. Walang multo sa umaga dahil takot sila sa liwanag unless makapal ang mukha nitong lumabas para maghasik ng kasamaan niya! O baka naman, engkanto na! Huwaahhh!

Patuloy pa rin ang kaluskos sa likod ng mga kahoy at dahon kaya hindi na ako nagdalawang-iisp pa, unti-unti akong lumapit dito para saksakin ito ng kahoy na dala ko. Pero kilala niya ako! Either Lovelle or Mona who called me!

"Shet! Argh! Lyka!"

Biglang humugis ng malalaking bilog ang mata ko dahil sa gulat nang makita kong si Mona ang lumabas habang pilit na winawasiwas ang mga nakaharang na dahon sa dinaraanan niya.

"Mona!" sigaw ko rito at niyakap siya nang tuluyan na itong makalapit sa 'kin. "Akala ko kung sino! Napagkamalan pa kitang multo!"

Natawa naman ito saglit sa tinuran ko at saka napabusangot. "Look! Ang dami ko ng sugat! Kanina pa ako kinakagat ng mga insekto! Argh! Kadiri!" Halos hindi na ma-describe ang mukha niya dahil sa sobrang pandidiri. Nagsasalubong na ang dalawang kilay niya at kumukulubot na rin ang noo.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan niya at nakita ko nga na may mga sugat siya. Ang iba rito ay may bahid na ng natuyong dugo. "It should get be treated immediately."

Nanunubig na ang mga mata nito dahil sa sinapit niya. "How can we do it if we can't go back in quad right now?" May bahid na inis ang boses niya dahil tumataas ito. Halatang naiirita na.

"Wait lang bakit ikaw na lang mag-isa? Where's Shiro?" tanong ko bigla nang maalala kong wala pala siyang kasama. Nagkahiwalay kaya sila?

"Naligaw ako! May nakita kase akong malaking tiger kanina kaya bigla akong tumakbo at hindi na ako nasundan pa ni Shiro! Oh my god, girl! Kung nakita mo lang, so scary!" Tila nanginig pa ang katawan niya, senyales na siya ay kinilabutan habang inaalala ang karanasan niya sa mabangis na hayop.

Luminga-linga naman ako sa paligid para makita ang iba pa naming kasamahan pero ni anino ng isa, wala akong nakita. Kumusta na kaya si Xynon? Ano na kayang nangyari ro'n? Kung may phone nga lang akong dala, sinearch ko na siya sa facebook at chinat para kumustahin siya. Baka mamaya kinain na pala 'yon ng tigre. Eh, mapaparusahan pa kami kapag natalo kami rito. Hmp. Hindi ako concern, ayaw ko lang maparusahan. O nga pala, hindi ko pala alam ang last name niya kaya 'di ko siya ma-se-search sa facebook, hehe. Pero paano na 'yon?! Argh!

"Sinong hinahanap mo?"

Napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang marinig ko ang boses ni Mona at napatingin ako sa kanya. "Ah, wala. Nagbabakasakali lang ako na baka makita natin sila."

"Paano na tayo nito? Nahiwalay tayo sa kanila."

Hindi nga pala alam niya alam na naghiwalay kami ng landas ni Xynon. "Xynon and I decided to separate our ways para makahanap agad ng target."

Literal na nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala. "Seryoso kayo?! Eh, sira pala ang mga ulo niyo, eh! Delikado rito sa gubat kaya dapat hindi ka pumayag!"

Alam ko namang delikado pero anong magagawa ko? Kagustuhan 'yon ni Xynon para mas mabilis daw naming matapos. Huhu. "Okay lang, Mona. Kaya ko naman hehe." 'Yan na lang ang tanging nasabi ko. Ayaw ko nang palakihin ang issue na 'yan, wala namang nangyari sa 'king masama, eh. Saka isa pa, matapang ako. Right, Lyka Fatima Montello?

"Nagugutom na 'ko, Lyka. Maghanap muna tayo ng makakakain baka meron dito kahit prutas lang," aniya habang nakahawak sa tyan niya na tila kumakalam na ang sikmura.

Akala ko ako lang ang nagugutom. Mabuti na lang may karamay ako! "Oh, sige. Nagugutom na rin ako!" Hinila ko siya at dahan-dahan kaming naglakad para maghanap ng prutas habang nakatingala sa taas ng mga puno.

Ngayon ko lang na-appreciate ang ganda ng gubat. Kahit na mukhang nakakatakot dahil masukal at ubod ng tahimik dito, hindi pa rin maiaalis ang ganda nito dahil sa sikat ng araw na tumatagos sa mga nagsasayawang mga puno dulot ng malakas na hangin idagdag pa ang asul na kalangitan at maaliwalas na paligid. Pakiramdam ko tuloy nasa probinsya ako at naghahanap ng hayop para pwedeng katayin. Napapikit ako para damhin ang sariwang hangin. Ang sarap sa feeling.

"L-Lyka?"

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata nang marinig ko ang maliit at garalgal na boses ni Mona na tila naiiyak kaya lumingon ako sa kanya. Agad nanlaki ang mga mata ko habang nakatakip ang dalawang kamay ko sa bibig. "Oh my---"

Pinutol niya ang sasabihin ko at sumenyas sa 'kin na huwag akong maingay. Nag-uumpisa na ring magbagsakan ang mga luha niya at pilit na inaabot ang kamay ko para hawakan niya.

"Huwag kang gagalaw," bulong ko na ikinatango niya. Lumayo ako sa kanya nang kaunti para kumuha ng malaking kahoy at bato para gawing panangga rito. Hindi sapat ang laki ng kahoy ko para sa pangangaso para patayin ang malaking ahas na mataba at kulay puti na may bahid ng kaunting yellow sa katawan ang natutulog dito sa puno na katabi lang namin! Nakapulupot ang lower body nito sa puno kaya nagmumukhang nakabitin ang katawan nito at nakaharap ang mukha kay Mona. Kapag gumawa siya ng bagay na ikagigising nito ay pwede siya nitong tuklawin agad sa mukha.

Akmang kukunin ko na sana ang ahas para ilayo sa mukha niya nang sumenyas siya sa 'kin, tinuturo ang ibaba kasabay ng paggalaw ng mata para tumingin ako sa tinuturo niya. Pagkatingin ko ay may ahas rin na kakulay ng nasa puno, medyo mahaba pero payat nang kaunti ang katawan ang natutulog naman at medyo nakapulupot sa paa niya. Ano bang klaseng mga ahas 'to?! Mag-ina ba 'to? Saka bakit naman ganito? Pagkain lang naman hahanapin namin pero may mga ahas na humadlang?! Nasaan na ba kase ang mga boys?!

"L-Lyka," bulong nito. Wala pa ring humpay ang pag-iyak niya nang hindi lumilikha ng kahit na anong ingay.

Hindi kaya ng isang kahoy lang para sa dalawang ahas para mailayo ito sa katawan niya. Napagpasyahan kong kumuha ulit ng malaking kahoy at inabot ito sa kanya.

"Kapag nailayo ko ang ahas sa paa mo, hampasin mo ang ulo ng ahas na nasa tapat mo," bulong ko rito. 'Yan na lang ang naisip kong paraan para hindi siya matuklaw ng kahit alinman sa dalawa. Hope we will make it together! No, we will make it. No doubt!

Nagitla at pareho kaming natigilan dahil gumalaw nang kaunti ang ahas na nasa tapat ng mukha niya. Mabuti na lamang ay hindi nagising!

Hinawakan niya nang dalawang kamay ang kahoy habang nakikita ko sa mukha niya ang sobrang pamumutla at tagaktak na rin ang pawis dahil sa mainit na panahon at matinding kaba.

Huminga naman ako nang malalim at mariin kong pinikit ang mga mata ko. Ramdam ko rin ang malakas na kabog ng dibdib ko. Hindi lang din naman siya ang mapapahamak kapag nagising ang dalawang ahas, pwede rin akong habulin at tuklawin! Pero kaya namin 'to! Sumenyas ako ng bilang gamit ang kaliwang kamay ko habang nasa hawak ko naman sa kanang kamay ang kahoy. "In 3...2...1..."

"Lyka!"

Bigla akong napalingon nang may tumawag sa pangalan ko at tumalon galing sa punong nasa likod ko at malakas na hinampas ang ahas na nasa tapat ng mukha ni Mona.

"Jump, Mona! Get out of the coiled snake at your feet!" sigaw nito.

Kusa kong nabitawan ang kahoy at napatulala na lang ako nang makita kung paano niya saksakin ng maraming beses gamit ang manipis na kahoy ang malaking ahas na nasa puno samantalang umiiyak na lumapit sa 'kin si Mona at niyakap ako.

Wala ako sa sariling napayakap pabalik kay Mona habang nakatitig pa rin sa lalaking nasa harap ko ngayon at wala rin sa sariling binulong ko ang pangalan niya. "Xynon."

"What are you still doing here?! Run away!"

Napabalik ako sa aking ulirat nang sumigaw ito malapit sa mukha ko at nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa 'kin.

"Lyka! Let's go!"sigaw ni Mona sabay hawak sa pulsuhan ko at hinila ako.

"Teka teka!" Pagpipigil ko rito. Lumingon ako sa kinaroroonan ni Xynon na pilit nilalabanan ang maliit na ahas. Napansin ko rin ang mangilan-ngilang talsik ng dugo sa katawan niya dahil sa pagpatay na ginawa niya sa malaking ahas kanina.

"Halika na, Lyka! Ba't ka ba tumigil?!"

Lumingon ako kay Mona at kitang-kita ko sa mukha niya ang labis na pagkairita dahil sa pagpigil na ginawa ko.

Ako naman ngayon ang naiinis. Hahayaan na lang ba niya na maiwan do'n si Xynon kahit niligtas siya n'yon?! "Bakit natin siya iiwan? Hindi ba dapat natin siyang tulungan?"

"Sabi niya tumakbo na raw tayo!"

"But it doesn't mean we'll leave him! He saved you! He saved us! We must do that to him in return!" Kumawala ako sa pagkakahawak niya sa 'kin at tumakbo ako papunta sa direksyon ni Xynon.

"Lyka! Come back here!"

I didn't even bother to look at her back. I should help him!

On the other hand, napansin kong nagulat si Xynon nang makita ulit ako pero agad din bumalik sa pagiging blanko ang mukha niya. "Why did you come back?"

Instead of answering him, I picked up again the big wood I've lost earlier. I saw how his face got confused in my peripheral vision when he saw my action. I wanted to help him. Hindi biro ang makipaglaban sa isang maliksing ahas na nasa harap namin ngayon. I just focus my eyesight to this wild creature and thinking how I gonna kill it.

"Go back to Mona. You should accompany her."

Neither I looked nor listened to him. Muntikan na akong tuklawin ng ahas nang makahanap siya ng tyempong makalapit sa 'kin pero agad ko rin naman siyang nasipa nang ubod ng lakas at pumulot agad ako ng malaking bato para batuhin siya. Natamaan lang ang katawan niya pero hindi naging sapat 'yon para manghina isya. I should've hit its head!

Sa kabilang banda, tahimik namang nakatingin sa 'kin si Xynon habang wala pa rin kahit anong emosyon ang mukha niya. Isn't he happy I chose to help him rather than accompanying Mona?! "What?" Naiinis na talaga ako sa pagiging emotionless niya. Bakit kaya siya ganyan?! Nakakaasar na, ah!

He didn't answer my question instead he just shook his head. "You're hard-headed, don't you?"

I was about to open my mouth to talk when he suddenly jumped into the snake and hit its head for several times. "F*ck."

Agad akong lumapit sa kanya nang makita kong natuklaw siya ng ahas sa kanang kamay bago niya ito mapatay. "Hala!" Hindi ko alam pero agad ko siyang hinila patayo at dali-dali ko siyang pinaupo at pinasandal sa puno kung saan nakasabit kanina ang malaking ahas.

Napansin ko naman na nakatingin mula sa 'di kalayuan si Mona kaya sumenyas ako na lumapit siya sa kinaroroonan namin. Bumaling ako muli kay Xynon na namumutla at pawis na pawis. Saglit kong pinasadahan ng tingin ang katawan niyang may mga dugo. His six pack abs are waving at me! Ano ba 'yan, Lyka! Natuklaw na nga, pinagpapantasyahan mo pa!

"Oh sh*t! What happened?!" gulat na tanong ni Mona at napahawak pa sa bibig niya nang tuluyan na siyang nakalapit.

"Natuklaw siya!"

"What are we gonna do now?! Wait, nasaan na ba si Shiro at nang matulungan tayo?! Argh! Tanghaling-tapat puro kamalasan!" reklamo niya.

Hindi na ako nagsalita pa at nag-isip kung anong mainam gawin para sa mga natuklaw ng ahas. Alam ko nabasa ko 'yon dati sa internet, eh. Come on, Lyka. Alalahanin mo!

"Ah, naalala ko na!" Napasigaw ako nang maalala ko na kung anong dapat gawin. Nilagyan ko ng pressure ang kamay niya kung saan siya tinuklaw ng ahas. 

Ayon sa article na nabasa ko, lagyan daw ng pressure ang parte ng katawan ng tao kung saan ito kinagat, huwag galawin ang pasyente at huwag ding iangat ang sugat para hindi raw kumalat ang venom ng ahas at saka itakbo sa hospital. Malalaman din daw kung makamandag ang kagat nito kung dalawang ngipin ang nakabaon pero kung marami ay ligtas daw sa peligro. 

Tiningnan ko ang sugat sa kamay niya. Dalawang ngipin ang nakabaon.  Pero paano na 'to? Sa oras na 'to ay wala kaming hospital na matatakbuhan. Pero imposible ring walang hospital o medicinal-related dito sa Romino Las Defa? Paano kung humingi na ako ng tulong kay Ma'am Merlyn? Siguro naman ay papayag sila na gamutin itong si Xynon, 'di ba? Pero mas lalo lang lalala ang kalagayan niya kung babalik pa kami sa quad para humingi ng tulong! Dang! Ano kaya pwedeng i-alternative rito?!

Halata namang naguguluhan si Mona sa ginagawa kong pressure sa kamay ni Xynon pero hindi ko siya pinansin.

"Xynon, keep calm dahil kapag nag-panic ka maaaring tumaas ang heart rate mo para mas lalong kumalat ang kamandag dyan sa katawan mo." Isa rin ito sa nabasa ko. Dapat hindi mag-panic ang biktima dahil maaaring ikapahamak niya ito.

"What if sipsipin mo ang dugo?"

Agad akong lumingon kay Mona na ngayo'y tarantang-taranta na dahil sa kalagayan ni Xynon na mas namumutla.

"No. hindi 'yan advisable pati rin ang pag-aapply ng mainit at malamig sa sugat." Binalik ko ulit ang tingin ko sa lalaki, nakapikit ito at mariing kinakagat ang ibabang labi. Wait, ba't parang ang hot niya habang naka lip bite?!

"Eh, anong gagawin natin?!"

Ipinilig ko ang aking ulo para kalimutan ang naisip ko tungkol kay Xynon. Ang manyak ko na 'ata! Huhu! Pinokus ko na lang ang sarili ko para alalahanin pa ang iba ko pang nabasa sa internet. Bukod sa anti-venom, alam kong may halamang gamot para rito, eh. "Oh my god! Balatong-aso! Tama! Balatong-aso nga!"

Agad akong napatayo at binilinan si Mona na bantayan si Xynon. Noong una ay ayaw niyang maiwan at pinigilan pa 'ko pero sinabi ko sa kanya na maghahanap ako ng balatong-aso.

Ang balatong-aso ay isang uri ng halamang gamot sa gastroenteritis, rayuma, diabetes, buni at kagat ng ahas. Alam ko may iba pang mga sakit ang maaaring ipanggamot dito pero 'yan na lamang ang naaalala ko dahil matagal na rin mula nang mabasa ko ito sa internet. Base rin sa internet, ang itsura ng halamang gamot ay may katamtamang taas na may bahagyang matigas na mga sanga. May bulaklak ito na kulay dilaw, at mga dahon na may matapang na amoy. Ang bunga ay pahaba at kahalintulad ng sampalok na puno ng maliliit na mga buto. Kadalasan itong dinidikdik para ipantapal sa sugat o pinakukuluan para mainom. Ang mga buto naman ay maaaring gawing inuming kape para rin makatulong sa paggaling.

Kung saan-saan ako naghanap ng balatong-aso rito sa gubat. Sana meron dito. Pero nabasa ko rin na maaaring gumana ito sa iba at sa iba naman ay maaaring hindi. Sana gumana kay Xynon ang halamang gamot.

Hindi ko alam kung saan na 'ko ng parte ng gubat umabot pero hindi ako titigil hangga't may mahanap na ako. Kahit naman na walang emosyon ang lalaking 'yon, tutulungan ko pa rin siya. Tahimik akong naglalakad at nagmamasid sa mga sulok nitong gubat at lihim akong napa-cross finger, umaasang makahanap ako.

Pagkalingon ko sa isang bulaklak na medyo malayo sa pwesto ko ay tila pamilyar ito. Kahawig nito ang balatong-aso. Agad ko itong nilapitan habang kumakabog ang puso ko. "Shet! Oh my god!" Bigla akong napatalon dahil sa sobrang tuwa nang makumpirma ito. "Kukuha lang po ako ng apat na piraso para po ipanggamot kay Xynon, ha?" pagpapaalam ko sa mismong bulaklak at agad tumakbo pabalik sa kanila.

Halos magkandawala-wala na ako pero hindi pa rin ako tumigil sa pagtakbo. Xynon, I'm near. Wait for me. Dala ko na ang magpapagaling sa 'yo.

Sa kakatakbo ko ay sa wakas natunton ko na rin sila. "Xynon!" sigaw ko nang makita si Mona na nakaupo habang mas lalo ng nahihirapan at namumutla si Xynon. Jusko!

Agad tumayo si Mona para salubungin ako at tiningnan ang dala ko. "What's that, Lyka?"

"Balatong-aso," simpleng sagot ko.

"Effective ba 'yan?" Saka siya umupo ulit.

Hindi na ako sumagot pa at kumuha na agad ako ng malaking bato para dikdikin 'yon. Hindi ko maiwasang hindi mangamba para sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang sobrang bilis ng heartbeat ko. Paano kung hindi umepekto sa kanya? Argh! Ngayon pa ba ako magiging negative kung ito na lang ang tanging paraan na meron ako?! Come on, Lyka Fatima!

Mariing napangiwi si Xynon nang itapal ko sa sugat ng kanang kamay niya ang halamang gamot.

Sandali kong tiningnan si Mona at maging siya ay tuliro sa kalagayan niya. "Sana maging okay na siya matapos nito."

I smiled weakly at bumaling ulit kay Xynon. Alam kong pinipigilan niya lang ang sarili niyang sumigaw kaya dinadaan niya na lang sa impit na pagngiwi. Hindi ko alam pero naluluha ako. Masyadong delikado ang sinapit niya. Buhay niya ang magiging kabayaran kapag hindi sa kanya umepekto 'to. Ito na naman ako sa kahinaan ko, I'm getting emotional here. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay pinatong niya ang kaliwang kamay niya sa kamay ko kung saan hawak ko ang sugat niya. Napatulala ako sa kamay naming dalawa.

Mayamaya lang ay medyo umaaliwalas na nang kaunti ang mukha niya. Hindi na siya ngumingiwi pero nakapikit pa rin siya at biglang nagsalita. "K-Keep that s-snakes." Inalis na niya ang kamay niya na nakapatong sa kamay ko.

"Ha?" tanong ko. Hindi ko marinig ang sinabi niya. Masyadong mahina ang boses. Isa pa, tulala pa rin ako sa ginawa niya. Iniisip ko, sinadya niya kaya 'yon o napahawak lang talaga siya dahil masakit ang sugat niya?

Medyo gumalaw siya nang kaunti kaya inalalayan siya ni Mona. "Keep that snakes. 'Yan ang kakainin natin."

Sabay na nanlaki ang mata namin ni Mona sa sinabi niya. "What?!"

"Hell no, Xynon! Magpapalipas na lang ako ng gutom kesa kumain n'yan!" sigaw ni Mona at kinilabutan.

"Maghahanap na lang ako ng prutas. Ikaw na lang kumain n'yan," ani ko habang kalmado ang boses pero sa loob-loob ko ay nandidiri ako. Haler! Never pa akong nakakain ng ahas 'no! "At saka nakagat ka na nga ng ahas, kakainin mo pa 'yan? Baka mamaya makain mo ang kamandag nila, eh, 'di namatay ka pa?!"

Diretso lang itong tumingin sa 'kin at bumaling saglit sa mga patay na ahas. "Hindi kayo mabubuhay sa gubat kung hindi kayo marunong kumain ng mga hayop."

Hindi ko alam kung paano niya nagagawang maging kalmado sa kalagayan niya ngayon.

"Hayun sila!" rinig kong sigaw ng isang lalaki kaya sabay-sabay kaming napalingong tatlo sa tatlong nagtatakbuhan.

"Lyka!" sigaw ni Lovelle.

Tumayo ako at sinalubong siya agad ng yakap. "Okay ka lang ba?" Mabuti naman at hindi sila nagkahiwalay ni Lorenz.

Tumango naman siya kaya napanatag ang kalooban ko.

"Oh my god! Saan kayo galing?!" tanong ni Mona saka napatayo rin.

"Nagkita kami sa dulo nitong gubat kaya napagpasyahan na lang namin na magsama-sama since nagkahiwa-hiwalay na tayo," tugon naman ni Lorenz.

"What happened to you, bro?" tanong naman ni Shiro at umupo para maging kapantay niya si Xynon.

Imbes na si Xynon ang sumagot ay si Mona ang sumalo. "Natuklaw siya ng ahas pero nagamot na siya ni Lyka."

"Holy sh*t! Delikado talaga rito sa gubat kaya dapat hindi tayo maghihiwalay. By the way, kumain na ba kayo? Mukhang tanghali na, kailangan na nating kumain," sabi ulit ni Shiro.

"Mabuti na lang at dumating kayo. Shiro, tayo ang maghahanap ng mga prutas," sabat ni Mona at hinila ito paalis.

Medyo natawa pa ako dahil magsasalita ulit sana si Shiro pero pinanlakihan siya ng mga mata ni Mona. Cute.

"Kami naman ni Lovelle ang bahala rito sa mga ahas na napatay niyo. Pwede 'tong kainin mamayang gabi."

What? Pati ba naman si Lorenz!

"Hoy ayoko! Kung gusto mo ikaw na lang kumain, uy!" sigaw sa kanya ni Lovelle saka nambatok sa lalaki.

Lihim akong tumingin kay Xynon habang nakatitig lang siya kanila Lorenz. Okay na kaya pakiramdam niya? Mukhang gumagana sa kanyaang halamang gamot. Gusto ko siyang tanungin pero nahihiya ako, hindi naman kase kami close.

"Sinabi ko na sa kanila 'yan kanina pero ayaw nilang kumain ng ahas," kalmadong tugon niya na parang hindi man lang nakagat ng ahas.

"See? Si Xynon na ang nagsalita. Ito kakainin natin mamayang gabi. Halika tulungan mo ako rito."

Sinundan ko ng tingin sina Lorenz at Lovelle. Nakakatawa, iritadong-iritado na si Lovelle pero wala siyang magawa sa utos sa kanya ni Lorenz habang binubuhat nila ang mga ahas.

Tahimik akong tumingin ulit kay Xynon. Nakapikit na ito habang nakahawak sa kamay niyang may tapal ng halamang gamot. Kakausapin ko ba siya? O hahayaan ko na lang na magpahinga? "Xynon, thank you nga pala sa ginawa mong pagsagip sa 'min ni Mona." Ngayon ko lang din naalala na hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya baka natuklaw na si Mona at maaaring natuklaw na rin ako.

Hindi siya sumagot pero alam kong narinig niya ako.

"Ikaw ba? Hindi ka ba magpapasalamat sa 'kin? Sa ginawa kong paggamot sa 'yo?" Hindi pa rin kase siya nakakapagpasalamat sa 'kin, eh.

"I don't remember I told you to help me."

Tila napantig ang dalawang tenga ko sa sinabi niya. Ano raw?! Anak ng tokwa! "Pero tinulungan kita. Kahit wala kang sinabi, automatic na magpapasalamat ka sa 'kin!" Naglaho bigla ang pag-aalalang nararamdaman ko sa kanya. Leche! Walang utang na loob!

Nagmulat siya ng mata at tumingin sa 'kin nang diretso. "As I've said, I didn't say you've come to help me. Wala akong dapat ipagpasalamat sa 'yo. Saka kahit naman na hindi mo 'ko ginamot, gagaling pa rin ako."

Dahil sa sobrang inis ko ay hinamapas ko siya nang malakas sa tyan niya.

"Aww!"

"Dapat lang 'yan sa 'yo! Bakit?! Wala rin naman kaming sinabi sa 'yo na tulungan mo kami ni Mona laban sa mga ahas pero ginawa mo pa rin at nag-thank you ako! Nag-effort pa 'kong maghanap ng halamang gamot tapos hindi ka rin pala marunong magpasalamat?! Kagigil ka! Dapat hindi na lang kita tinulungan!" Lumayo ako sa kanya nang bahagya para lumanghap ng sariwang hangin. Nakakabwisit! Nagsisi tuloy akong tinulungan ko siya! Naluha pa ako kase sa kalagayan niya kanina. Mabuti na lang hindi tuluyang bumagsak mga luha ko! He doesn't deserves my tears! Arogante!

"Whining like a child. Tss."

Next chapter