Chapter 36:
Abby's POV:
"Please Abby, wake up. I promise to tell you everything when you woke up."
"I'm so sorry Abby, kung napigilan ko lang siya ay hindi na sana 'to nangyari."
"Bangon ka na anak, 'diba ayaw mong naiistress ang mama? Tignan mo yung mukha ko kumukulubot na dahil sa stress kasi namimiss na kita."
"Anak, sana 'wag mo na masyadong patagalin ang pagtulog, tara na't mag-family bonding. Kaya gising ka na, miss ka na ni papa."
"What time is it na ate? I told you to be on time right? But why are you still sleeping? Tulog mantika ka talaga ate, hindi 'yan pupwede sa isang business woman na gaya mo. Wake up na ate or else mauunahan pa kitang mag-boyfriend. Just kiddin'! But seriously, you should wake up na because I missed you so much."
"Nakakainis ka girl, bakit ang tagal mong bumangon, kung kailan may malaki akong announcement, saka naman nangyari 'to sa'yo."
"Hoy bakla, tama na ang pag-aala sleeping beauty, nahuhuli ka na sa mga ganap sa planet earth. Uso bumangon bakla. Masyado ng naiistress ang kilay ko dahil sa'yo jusko!"
"Hi Miss Dizon, miss na miss ka na ng CosmiCandy fam. Sana magising ka na, hihingi pa ako sa'yo ng payo kasi nakakainis palagi si Jack, hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko sa kaniya. Gusto ko siya at the same time ay ayaw ko sa kaniya."
Ilan lamang 'yan sa mga boses na naririnig ko mula sa kalangitan sa araw-araw na pamumuhay ko dito sa magandang hardin.
Hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal dito, basta ang alam ko ay masaya ako kahit nag-iisa lang ako. Walang problema, basta ang alam ko lang ay masaya ako dahil payapa dito.
Kahit nag-iisa ay hindi ko nararamdaman na nag-iisa ako dahil sa mga boses na naririnig ko. Napaka-banayad ng mga ito kung kaya't gustong-gusto kong pakinggan ang mga ito. Bawat salitang naririnig ko ay parang may humahaplos sa akin na nag-uudyok para alamin kung sino ang mga nasa likod ng mga boses na ito.
Pero sa kabila ng sayang nararamdaman ko dito ay hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng sakit at pangugulila dito sa aking dibdib.
Parang may gusto akong gawin pero hindi ko alam. Gusto kong makita ang mga may-ari ng boses pero hindi ko alam kung paano.
Napakataas kasi ng langit, ang hirap maabot ng isang taong tulad ko--
Tao...
Tao...
Tao...
Arrrrrgh! Sh*t! Ang sakit ng ulo ko.
Ano'ng nangyayari sa akin?
Sobrang sakit ng ulo ko, pakiramdam ko ay lalabas na ang utak ko anytime.
"Tuloooooooooooong!" Buong lakas kong sigaw, pero tanging ang echo lang ng aking boses ang narinig ko.
Naghanap ako ng makakapitan pero wala akong mahanap.
Napaupo na lang ako habang sapo ang aking ulo. Kinakapos na rin ako ng hininga.
Sh*t! Mamamatay na ba ako?
Pero ang tanong, buhay pa ba ako?
Different images came flashing through my mind. Bawat imahe ay nagbibigay sa akin ng sari-saring emosyon na mas lalong nagpasakit sa aking ulo.
Buong lakas akong sumigaw hanggang sa biglang nawala ang sakit na nararamdaman ko.
Lah, biglang nawala?
Kinapa-kapa ko ang katawan ko, buo pa naman. I sighed in relief.
Ngunit makalipas ang ilang segundo ay nakaradam ako ng parang isang patalim na tumusok sa aking tiyan.
What the hell? Bakit may dugo dito?
F*ck! Yung dugo, kumakalat na sa lupa. Nagiging kulay pula na ang buong paligid to the point na wala na akong makita kundi kadiliman, pero unti-unti rin itong napalitan ng nakasisilaw na liwanag na nagmula sa langit. Sa sobrang liwanag nito ay hindi ko kayang ibukas ang aking mga mata, hanggang sa nakaramdam na lang ako na para akong lumulutang.
Wow, I'm flying!
~
Kahit nahihirapan ay pinilit ko pa ring iminulat ang aking mga mata at saka tumingin sa paligid.
Kaya pala medyo kumikirot ang kamay ko dahil may nakasaksak ditong dextrose--
Dextrose?
What the hell?
Ano'ng ginagawa ko dito sa hospital?
Bigla akong napapikit nang may imaheng lumitaw sa aking isipan. Ouch, yung ulo ko medyo masakit ha.
Oh great, nasaksak ba ako nang matapos kong kausapin si Steph? Ang lakas naman ng loob ng sumaksak sa akin kung gano'n, ang galing niyang mang-backstab.
Nang mawala ang kirot na nararamdaman ko ay dahan-dahan ulit akong nagmulat ng mata, pero laking gulat ko nang may isang pares ng mata na sobrang lapit sa aking mukha.
"What the--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang sumigaw si Jackie at saka nagtatatalon habang niyuyugyog si Joyce.
"She's awake! Oh my gosh! Bakla tumawag ka ng nurse daliiiiiii!"
"Oh my gosh oo nga girl! O sige, bantayan mo siya ng mabuti at tatawag ako ng nurse at doctor!"
Muli akong nilapitan ni Jackie at tinignan ako ng masinsinan.
"Ganda ko ba bakla?" Sambit ko na siyang nagpa-asim ng kaniyang mukha.
"Ahh, gising ka na talaga. Totoo na 'to." Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso at saka ako pinagtaasan ng kilay. Pero hindi nakalagpas sa aking paningin ang butil ng luhang lumandas sa kaniyang pisngi. Agad niya itong pinunasan at saka ulit ako pinagtaasan ng kilay.
"Sus, ikaw talaga bakla. Namiss mo lang ako eh, teka ilang oras ba akong nakatulog?" Mahinang sabi ko, pero pakiramdam ko ay napagod ako sa pagsasalita ng ilang kataga lamang. Medyo paos ang boses ko at parang tuyo din ang lalamunan ko.
Napatingin naman sa akin si bakla na parang bang nakakita siya ng multo. Saka umiwas ng tingin.
"Hoy, ano 'yan--"
"Huwag ka munang magsasalita bakla, baka mabinat ka." This time ay ako naman ang napataas ang kilay. Mabinat? Minor injury lang naman siguro ang tinamo ko, kaya ano'ng pinuputok ng butchi nitong si bakla?
Sasagutin ko pa sana siya nang biglang dumating ang doktor na may kasamang mga nurse, at si Joyce na hapo ang dibdib habang hinihingal.
Habang kinuha ng mga nurse ang vital signs ko ay nakita kong abala si Joyce at Jackie sa pagtipa sa kanilang mga telepono habang... nanginginig?
"Mabuti naman po ma'am at nagising na kayo, masyado na po kasing nag-aalala ang pamilya at mga kaibigan niyo." Ngiting sabi ng isang nurse matapos nitong kunin ang aking vital signs.
Ningitian ko lang siya bilang sagot.
Ang sabi ng doktor ay normal naman daw ang vital signs ko. Tinanong rin niya ako kung ano'ng nararamdaman ko.
Sinubukan ko ulit magsalita pero walang ng lumabas na boses sa aking bunganga kaya sinabihan ng doktor ang mga nurse na painumin ako ng tubig.
Dang, it felt sooo good! Alam niyo yung pakiramdam na parang buong araw akong hindi nakainom ng tubig tapos ngayon na lang ulit ako makakainom. Walang lasa yung tubig, pero parang ansarap nito sa panlasa ko ngayon.
Nakita kong kinakausap ng doktor ang magagaling kong kaibigan pero hindi ko naririnig kung ano'ng pinag-uusapan nila. Todo tango naman ang dalawa.
Pero laking gulat naming lahat nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito ang sobrang hinihingal na lalaki, tagaktak ang pawis nito na para bang patakbong inakyat mula first floor hanggang 30th floor gamit ang hagdan.
Lalapit na sana ito sa'kin nang pigilan siya ng nga nurse.
"Pasensya na po sir pero hindi po kayo pwedeng lumapit sa pasyente ng ganyan ang sitwasyon niyo. Kailangan niyo po munang kumalma sir." Agad naman itong huminahon at tumango sa sinabi ng mga nurse. Kahit naman ako ay hindi ko gustong lumapit siya sa akin ng gano'n ang hitsura niya. Para ba naman niya akong gustong sunggaban anumang oras. Kaloka!
Nang huminahon na ito ay pinayagan na siyang lumapit sa akin. Lumabas ng kwarto ang doktor at mga nurse, pati na rin si Jackie at Joyce.
"Kamusta ka na? Ano'ng nararamdaman mo? May masakit ba sa'yo? Mabuti ay nagising ka na, sobra mo kaming pinag-alala." Bakas sa kaniyang mga mata ang lungkot at pag-aalala, isama na rin ang maiitim na pasanin ng mga ito. Ang laki at ang itim ba naman ng eyebags niya, ang haggard pa niyang tignan.
Gusto ko man siyang tawanan pero pinigilan ko na lang, ayaw ko namang sirain ang moment niyang ito.
Mga isang minutong katahimikan ang lumipas bago ako nakapag-usal ng salita.
"Isa-isang tanong lang pwede, mahina ang kalaban. Huwag kang eksena."
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.