Chapter 10.5:
Abby's POV:
("Hello 'Nak! Kamusta kayo diyan sa Pangasinan?") Salubong ni mama habang kumakaway sa monitor. Kita ko rin si papa sa tabi ni mama na kumakaway.
Kasalukuyan naming ka-video call sila mama at papa ngayon. Ako ang may hawak ng laptop habang si Rigel naman ay nagluluto ng carbonara para sa aming meryenda.
"Hi ma! Ayos naman po kami dito, kakatapos lang namin mag-repack ng mga relief goods. Kayo po diyan kamusta? Laki ng eyebags natin ah." They seem exhausted, parang ilang araw na silang walang tulog.
("That's great anak! Teka, diyan niyo ba nilaan yung napanalunan niyo sa event sa Peak-A?")
"Yes ma, actually this is all Rigel's idea. Ang galing nga po niya ma kaya nasungkit namin ang unang pwesto. Rigel, say hi!" Itinapat ko sa mukha ni Rigel ang laptop saka naman siya bumati at kumaway kay mama.
"Hello tita, kamusta po kayo?" Aniya habang nagpeprepare ng ingredients para sa carbonara.
("Ayos naman kami dito iho, medyo pagod dahil gaya niyo ay namimigay rin kami ng mga face mask at relief goods. May makinarya dito sa bahay kaya ako ang gumagamit while your tito is in-charge of repacking relief goods. Ikaw, kamusta? Hindi ba pinapasakit ng anak namin ang ulo mo?")
"MA!" Malakas na sabi ko na siyang ikinatawa ni mama. Napatingin naman sa akin si Rigel at pinandilatan ko lamang siya.
Humagikgik muna si Rigel bago sumagot. "Nope tita. Abby is indeed a good girl, she's always productive." Napaismid ako sa sinabi niyang lagi raw akong productive, naku mabuti naman at alam niyang makisama.
("Mabuti naman kung gano'n. If ever na she's giving you a hard time just don't hesitate to call me ha, sumpungin pa naman ang batang 'yan.") Hindi na ako nakatiis at inalis ko na sa harap ng mukha ni Rigel ang laptop, nakakangalay kaya magbuhat.
"Ma, ano nanaman po 'yang sinasabi mo? Sabi nga po ni Rigel ay productive ako palagi so no need to worry." Kung siguro ay 'di ko pa inalis ang laptop ay hanggang mamaya na sila magchichikahan.
"Ang intindihin niyo po ay ang health niyo ni papa. You want to help other people right? So please be healthy." Dagdag ko pa. Damn, I'm so worried about them. I missed them so much.
("Yes 'nak. Thank you, I'll keep that in mind. Teka, kamusta naman ang rest house at resort ng tita mo?")
"Ayos naman ma, inaasikaso ko ang mga papers minsan at pinapadala kay tita thru email. Nakakapagod nga lang maglinis kasi ang lawak po." Nakangiwi kong sabi.
("Kaya niyo 'yan anak. Don't worry matatapos rin itong community quarantine, tiwala lang. Tsaka miss na miss ka na namin, walang tagalinis ng bahay. Joke!")
"Che! Btw, I miss you too, kayong dalawa ni papa lalo na yung pasalubong niyo palagi." Narinig ko ang paghalakhak ni papa mula sa background habang nagre-repack ng mga relief goods.
("Ikaw talagang bata ka naku! Sige, We'll hang up na anak at marami pa kaming gagawin. Ingat kayo diyan ni Rigel ha, pakisabi hinay hinay siya sa pagtitig. Bye!") Hindi pa ako nakakasagot ay nag-end na ang call. Haynako, kung anu-ano nanaman ang sinasabi ni mama.
"Hoy Rigel!" Tawag ko sa kaniya.
"Yes?" Sagot niya habang hinahalo ang pasta.
"Hinay-hinay ka daw sa pagtitig pinapasabi ni mama. Ano ba tinititigan mo?"
"A-ah nothing! Just the pasta, nakita siguro ni tita na nakatitig ako sa pasta nang mabuti."
"Aba talaga! Kailangan mong bantayan 'yan para hindi ma-over cook." Ang pangit pa naman ng pasta 'pag sobrang luto, parang ang tabang ng lasa. Well, opinyon ko lang naman 'yon.
~
"Sige na kasi, please?" Pilit kong hinihila si Rigel with all my power and strength pero ang tindi niya! Ni hindi man lang siya nagalaw sa pwesto niya.
"No." Again, nahila niya ulit ang kamay niya at nabitawan ko ito.
"Bakit kasi ayaw mo? Baka naman natatakot ka? Yiee, aminin~"
"It's childish. Besides, kakalinis lang natin linisan ang pool. And, for your information miss, I'm not scared."
"Childish ka diyan. Sige na kasi, ang kj naman nito." Pinagkrus ko ang dalawang braso ko at inirapan siya.
"Aish! Why can't you just go with yourself and stop bothering me. I have lots of projects to do." Ibinalik niya ang tingin sa laptop at nagsimula ulit magtipa sa keyboard. Pero hindi ako susuko.
"Kaya nga kita inaaya kasi sobrang busy mo these past few days. Why can't you just give yourself a break? Tsaka akala ko ba one at a time ang pag-accept mo ng project, eh hindi naman 'yon ang ginagawa mo. Tignan mo nga sarili mo, ang laki na ng eyebags mo, hindi ka na rin masyadong nakakakain ng maayos kasi super busy mo--"
"Fine, let's go."
"W-what?"
"I said let's go, pero isang beses lang. Pagbibigyan kita just this once."
"O-okay. Tara!" Yehey! Papayag din lang pala, pa-hard to get pa ang loko, masyado nanaman siyang umeeksena. As if namang hahayaan ko siyang mag isang beses lang. Sisiguraduhin kong uulit-ulit siya pagkatapos ng isang beses!
"Ba't ako ang mauuna?"
"Of course, you're the one who initiated this so you must go on first."
"Pa'no kung hindi ka tumalon?" Mahirap na, baka maisahan nanaman niya ako.
"Don't you trust me? Then fine, bababa na ako--"
"Okay, okay! Mauuna na ako, letse ka Rigel eksena ka talaga kahit kailan." Aakto na sana akong tatalon pero napaatras ulit ako. "Ihh, pero pa'no kung 'di ka tatalon? Hindi naman sa wala akong tiwala sa'yo, pero ahh basta! Gan'to na lang, mag ala Jack and Rose na lang tayo."
"Jack and Rose? You mean Titanic?" Tumango ako bilang sagot.
"Yap, you jump, I jump para fair."
"Then you really don't trust me." Humalukipkip siya at saka ako inismiran. "Fine, let's do this."
"Papayag ka rin pala eh. Ba't ba ang hilig mo magpakipot these past few days? Daig mo pa ang babae-- teka! Ba't may pa-hawak kamay ka? Sabay lang po tatalon, walang holding hands while jumping."
"You jump, I jump right? What if you suddenly changed your mind while we're in the verge of jumping? So I'm holding your hand to make sure you will be jumping with me from here in the roof to the pool."
"So wala kang tiwala sa'kin?" Duh, I've been doing cliff jumping since bata pa ako, baka iniisip niyang niloloko ko lang siya.
"Look who's talking about trust." Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko na siya namang inalis ko agad.
"Ang pasmado naman ng kamay mo. 'Wag ka nga masyadong kabahan, 100 feet lang naman ang taas nito at hindi mo ikamamatay." Pang-aasar ko.
"Then let's see. 1. 2. 3. Jump!"
"Teka-AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH T*NG*N@ MO RIGEEEEEELLLL!"
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.