webnovel

Chapter 40

CHAPTER 40

--ALEX:

"Long time no see...Ate Mau."

Nagulat ako sa nakikita ko ngayon. Ni hindi ko alam kung ano ang i-rereact ko sa nakikita ko.

Paanong nandito siya?

Kailan pa?

"Surprise eh?"

"S-Shane." 'Yan lang ang tanging lumabas na word sa bibig ko. Buti na lang at tinanggal na nung isang lalaki ang busal sa bibig ko kaya nakapagsalita na ako. Ang sakit kaya sa bunganga. -_-

"Yes, its me Ate Mau." Malambing na sabi niya kasabay no'n ang mala-demonyong ngiti niya.

"P-paanong" Wtf! Why am I stuttering. This is not me!

"Well, gusto mo bang malaman kung paanong nandito ako sa harap mo ngayon? But before that, ayaw kong may ibang makakarinig ng usapan natin." Sabi niya sabay senyas sa mga tingin ko ay utusan niya. Agad din naman nilang nilisan ang silid kasabay ng pag-upo ni Shane sa upuan na nasa harapan ko rin mismo. At unti-unting nagbalik ang ala-alang minsan ko ng ibinaon sa limot.

FLASHBACK: 8 years ago

THIRD PERSON'S P.O.V:

Sa isang parke, may dalawang batang babae na nakaupo sa swing.

"Ate Mau, ang ganda talaga dito sa park noh." Manghang sabi ng isang bata, palibhasa'y madalang siyang makapunta sa ganoong lugar sa kadahilanang laging busy ang parents niya sa kanilang business at wala na silang time para sa kanya, na siyang nag-iisang unica ija.

Lagi siyang nasa bahay, mag-isa. Kahit marami silang kasambahay ay wala siyang kinakausap ni isa sa kanila. Hindi din siya makalabas ng kanilang bahay dahil sakitin siya. Mahina ang resitensya niya kaya't ayaw sa kanyang makipag-laro ng mga kapit-bahay niyang bata. Pasa sa kanila, isa siyang loser sapagkat maraming mga bagay ang hindi niya kayang gawin.

Pero nagbago ang lahat ng iyon nang makilala niya si Alexhandria Maureen Santos na siyang nagligtas sa kanya habang siya ang binubully ng mga bata na kalaro niya. Magmula no'n ay naging matalik na magkaibigan na sila. Lagi silang magkasama kapag uwian na nila galing sa eskwelahan. Magkaiba ang kanilang pinapasukang eskwelahan kaya naman ay kada hapon lang nila nakikita ang isat-isa. Naging daily routine na nila ang pagpunta sa bahay ng isat-isa. Hindi naman tumutol ang kanilang mga magulang dahil nakikita nilang, masaya sila kapag magkasama, lalo na't magkalapit lang din ang tinitirhan nilang bahay.

"Oo tama ka, maganda talaga dito" Sagot ni Maureen habang malapad ang ngiti. Sadyang masayahin si Maureen at 'yon ang nagustuhan ni Shane sa kanya, napakadali niyang pakisamahan at wala siyang pinipiling kakaibiganin. Kaya maraming gustong makipagkaibigan kay Maureen dahil sa natatangi niyang katangian.

"Buti na lang at nakilala kita ate, kasi kung hindi, baka nasa loob lang ako ng kwarto ko ngayon at nag-iisa."

"Ano ka ba Shane, 'diba sabi ko sa'yo na 'wag mo na akong tawaging ate kasi halos magkasing edad lang tayo."

"Eh ayo'ko! Gusto ko ate ang tawag ko sa'yo kasi parang kapatid na ang turing natin sa isa't-isa. Tsaka, mas matangkad ka sa akin kaya ate kita." Sabi ni Shane sabay bungisngis niya.

"Naku, ikaw talaga, napakakulit mo. Halika nga dito payakap." Alam kasi ni Maureen kung gaano kagusto ni Shane na magkaroon ng kapatid at natutuwa siya kasi siya ang napili niya. Kahit na may kuya siya, hindi pa rin maipagkakaila na gusto niya ring magkaroon ng kapatid na babae.

Lumipas ang mga araw at masaya naman silang dalawa, lagi pa rin silang nagkikita hanggang sa dumating ang mga araw na halos hindi na sila nagkikita. Laging pumunta si Shane sa bahay nila Maureen pero lagi siyang wala doon. Sabi ng mga kasambahay nila ay busy raw ito at may ginagawa.

Labis na kalungkutan ang naramdaman ni Shane sa mga panahon na iyon. Pakiramdam niya ay ayaw na sa kanya ni Maureen dahil halos hindi na sila nakakapaglaro. Kung kaya't lagi na ulit siyang nagkaksakit sa pagka-miss kay Maureen.

Lagi na ulit siyang nagkukulong sas kwarto niya. Hindi alintana ng kanyang mga magulang at kanilang mga kasambahay na may sakit siya sapagkat wala siyang pinagsasabihan nito, kahit madalas ang pagsakit ng ulo niya ay hindi niya pa rin sinasabi saiba ang kaniyang nararamdaman. Ang tanging gusto niya lamang ay makasama ang kaniyang ate Maureen.

Sabado, at walang pasok sa eskwelahan, naisipan ni Shane ang lumabas sa kanilang bahay at pumunta sa bahay nila Maureen. Hindi naman siya nabigo dahil nakita niya si Maureen sa kanilang bakuran... kasama ang dalawang batang lalaki.

Hindi na muna siya lumapit sa kanila at nagtago muna asa isang halaman sapagkat gusto na muna niya silang panooorin habang naglalaban. Kung hindi siya nagkakamali ay nagta-taekwando sila. Kalaban ni Maureen ang isang lalaki samantalang ang isang lalaki naman ay may hawak sa dagger sa kaniyang kamay habang nilalaro-laro ito. Sa nakikita niya ay, masaya sila sa ginagawa nila.

Hanggang sa naramdaman niya na may parang dumaan sa tagiliran ng kaniyang ulo at may nahulog na kaunting bahagi ng kaniyang buhok. Bigla siyang nanlamig at natulala nang makita ang isang dagger na nakaturok sa puno na nasa likuran niya.

Nabalik na lang siya sa ulirat ng may yumugyog sa balikat niya.

"Shane! Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo? May sugat ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Maureen kay Shane habang tinitignan niya ang mga bahagi ng katawan nito. Bakas sa mga mata nito ang pangamba at takot.

"A-ayos lang ako ate." Sagot ni Shane kay Maureen pero bigla-bigla na lang siyang napayakap kay Maureen at napahagulgol ng malakas. Kahit na sinabi niyang ayos lang siya, hindi niya maipagkakaila ang takot na nararamdaman niya.

"Ssshhhh, tahan na Shane, sorry hindi na mauulit." Pag-aalo sa kaniya ni Maureen at kumalas sa pagkakayakap niya at pinunasan ang luha ni Shane gamit ang kaniyang hinlalaki.

Medyo tumahan si Shane pero nagulat siya nang hawakan ng isang lalaki ang kaniyang kamay at humihingi ng sorry.

"Ah Shane, sorry talaga ha. Hindi ko naman sinasadya na ibato sa'yo 'yung dagger na hawak ko, akala ko kasi may magnanakaw na nakapasok at nagtatago sa bush. Sorry talaga, huwag ka ng umiyak." Naiiyak na sabi ng batang lalaki na siyang may hawak ng dagger kanina. Labis na lang ang pagkamangha ang naramdaman ni Shane nang makita niya ang mukha ng batang lalaki.

"A-ah ano a-ayos lang iyon." Nagkakautal-utal na sabi ni Shane habang namumula

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts
Next chapter