CHAPTER 23
--ALEX:
"So bakit pala ikaw ang anditong kasama ko?" Tanong ko kay unggoy habang kumakain kami.
"Kasi hindi si Godyr kaya ako." Simpleng sagot niya.
Tinignan ko naman siya ng matalim at tinutok sa kanya ang tinidor na hawak ko.
"Umayos ka." Cold na sabi ko.
Tinaas naman niya ang kamay niya na parang sumusuko kaya naman inalis ko na sa harap niya ang tinidor na hawak ko.
Uminom muna siya ng tubig bago magsalita.
"Naaksidente si Godyr." Kalmadong sabi niya.
"Bakit daw?" Nakaramdam ako ng kaunting lungkot para sa kanya.
"Kasi nagmahal, nasaktan, naaksidente."
"Araaay! Grabe ka naman makapanakit." Sabay himas niya sa ulo niya.
Ang ayos-ayos ng tanong ko tapos iyon ang isasagot niya? The heck!
"Aayos ka o itutusok ko itong tinidor sa ngala –ngala mo?" Galit na sabi ko sa kanya.
Hehe,grabe siya oh, eto na nga oh aayos na ako."
Umayos muna siya ng upo bago muling magsalita.
"Pero habang nagsasalita ako, 'wag kang sasabat ha. Patapusin mo muna ako then kapag tapos na ako saka ka na lang magtanong ng kung anong gusto mong tanungin."
Tumango na lang ako bilang sagot.
"So yun nga, naaksidente si Godyr and nasa ospital daw siya ngayon, 'yon ang sabi ni Buzzer. Si Buzzer ay lolo ko, at pinsan ko naman si Godyr. Kumbaga magkapatid ang papa namin ni Godyr na siyang anak ni Buzzer. Nasa US ang both parents namin. Pati si Buzzer 'di ko alam kung bakit siya andito sa Pilipinas, may inaasikaso kasi siyang business sa ibat-ibang bansa kaya alam kong busy siya. Siguro andito din siya sa Pinas para sa business ang 'di ko alam kung para saan itong mission na sinasabi ni Buzzer at ako pa talaga ang ginawang pamalit nang maaksidente si Godyr. Kung hindi sana naaksidente si Godyr, nasa Baguio sana ako at nagrerelax doon. Pero heto ako ngayon, nasa isang mission na hindi ko alam kung para saan. Hindi ko alam kung bakit ako pa ang pinalit kay Godyr eh madami namang tauhan si Buzzer para utusan. Pero sabi niya wala na daw silang choice kaya tinanggap ko na rin kasi kapag hindi ko raw tinanggap, mawawalan daw ako ng credit cards at malaking kawalan yun sa'kin 'pag nagkataon." Mahabang paliwanag niya.
"Eh alam mo ba kung ano'ng mission natin dito?" Tanong ko, kasi naman wala talaga akong kaalam-alam.
Ang tanging alam ko lang ay nasa mission ako pero bukod doon wala na. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at kung ano'ng purpose ng mission na 'to.
"Ah about that, sabi ni Buzzer sa'kin bago ako umalis at pumunta dito, may hahanapin lang daw tayong tao."
"Eh bakit kailangan dalawa pa ang maghahanap, pwede namang isa kasi hahanapin lang pala ang taong yun tsaka madami naman siyang tauhan para utusan."
"Hindi ko din alam kung bakit. Basta ang alam ko lang, masyado daw importante ang taong hahanapin natin at hindi niya basta-basta kayang ipagkatiwala sa iba."
"Eh ba't pa siya nag-hire ng mga tauhan niya kung hindi din lang niya pinagkakatiwalaan."
"Aba, malay ko." Sagot niya habang nagkibit balikat.
"So sino pala ang taong hahanapin natin?" Tanong ko.
"Oh about diyan, eto pala ang name ng hahanapin nating tao." Sabay lahad niya sa'kin ng maliit na papel na kinuha niya mula sa bulsa niya.
"Ella Catillo?" Basa ko sa pangalan na nakasulat.
"Yep, oh wait, eto din pala ang picture niya." sabay lahad sa'kin ng isang 2x2 picture ng isang babaeng medyo may edad na, na hula ako ay mga 50 years old na.
Pero mapapansin na lumulutang pa rin ang kagandahan nito kahit na may edad na ito.
"Any information about her?" Tanong ko.
Napalitan naman ng naiinis na ekspresyon ang mukha niya nang tanungin ko ito.
"Yun nga ang nakakaasar, iyan lang ang binigay nilang impormasyon sa akin. Bukod diyan wala na."
"A-ano?! Paano natin mahahanap itong taong ito kung iyan lang ang meron tayong impormasyon?" Nakakainis naman kasi ang lawak lawak ng Pangsinan eh saan naman namin makikita ang taong iyan kung iyan lang ang impormasyon na meron kami?!
"Hindi ko alam. At pagkatapos mong kumain, magready ka na kasi aalis na tayo. May pupuntahan tayo." Sabi niya sabay punta sa banyo.
Gano'n? Aalis kaagad kami? Kun'sabagay, andito pala para sa isang mission hindi para mag-enjoy ng sembreak namin haiisst.
Habang nasa banyo siya at naliligo, niligpit ko na rin ang pinagkainan namin para hindi nakakahiya sa mga naglilinis.
Inayos ko na rin ang mga gagamitin kong damit na pamalit mamaya. Buti na lang hindi ako makalat sa gamit kaya hindi ako natagalan na mag-ayos ng mga gamit ko.
"Oh maligo ka rin, tapos na ako." Sabi ni unggoy pagkalabas niya ng banyo.
Nakatapis lang siya ng tuwalya sa bewang niya kaya umiwas agad ako ng tingin at pumunta na agad sa banyo.
Pagkapasok ko sa banyo, bigla namang uminit ang mukha at tinignan ko ang sarili kosa salamin at nagulat na lang ako kasi namumula ito.
Ba't gano'n? Namumula ako eh sanay naman na akong makakita ng gano'ng eksena. Si kuya Brian kasi lagi ko siyang nakikita na nakatapis lang ng tuwalya noong nasa States pa ako kaya sanay na sanay na ako.
Pero ba't nung si unggoy ang nakita ko, bigla na lang akong nailang? Arrrggghhh.
Binilisan ko na ang pagliligo ko at kung minamalas nga naman oh, naiwan ko sa kwarto ang damit ko. Kaya no choice ako kundi lumabas ng banyo at doon magpalit sa kwarto.
Muntik ko ng maibato ang vase na nasa tabi ko nang makita ko si unggoy na natingin sa'kin pagkalabas ko ng banyo. At naramdaman ko nanamang uminit ang mukha ko nang marealized ko na nakatapis lang ako ng tuwalya.
"Nice." Sabi ni Godyr matapos niya akong tignan mula ulo hanggang paa.
"Bastos! Manyak!" Sigaw ko sa kanya sabay tapon ng mga bagay na mahawakan ko. Todo iwas naman siya kaya mas lalo akong naiinis.
"Aray-Ano ba--tigilan mo nga yan hahha--Hoy ano ba, masakit iyan—eto na nga oh lalabas na hahahah." Sabay labas niya ng kwarto habang tumatawa at hawak-hawak ang tiyan niya.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.