webnovel

Chapter 20

-Jerix Han-

After ng pag-amin ko kay Funky na may gusto ako kay Brix, lagi na kaming magkasama. Nabanggit n'ya na ang mga favorites ni Brix.

"Uy, Funky! " napatingin kami sa tumawag kay Funky, si Brix pala 'to. Lagi na lang kasing late gumising, eh.

"O, Brix, come here, sit beside me, " sabi ni Funky. Sinundan ko si Brix ng tingin, ewan ko ba, ba't sa kanya pa ako nagka-gusto.

"Late ka na naman gumising! " sabi muli ni Funky saka ginulo-gulo ang buhok nito.

Hindi ko alam kung sinasadya nya bang gawin 'yun habang nandito ako o ano? Sapakin ko 'to, eh.

"Sorry na, iniisip ko kasi si Ereya, " napakunot ang noo ko, babae? Tangina, mukhang babae ang magiging karibal ko dito kay Brix, ah?

"O, ba't mo naman iniisip yun? " tanong ni Kean. Chismoso talaga 'to, eh.

Wow, Jerix, ha? Galing pa talaga sayo?

"Namimiss ko na s'ya, eh, " tumingin ako sa kanya, malungkot ang mukha n'ya. Mukhang miss na miss nya na talaga yung Ereya. May kung anong kumirot sa dibdib ko, baka kapag lumabas na sya dito ay ligawan n'ya na 'yon?

Galaw-galaw din kasi, Jerix.

Argh! I hate talking to myself, mukha akong baliw, punyeta.

Hindi ka lang mukhang baliw, mukha ka ding bakla.

Aish! Ang hirap naman nito. Tangina, confirmed na ba akong bakla? Kaso, pakiramdam ko hindi ako bakla? There's something in Brix that I couldn't tell. Hindi kaya, bisexual s'ya? Or, bakla din? Hmmm. Basta, may nasesense ako sa kanyang 'di 'ko maunawaan.

--

Mabilis lumipas ang oras, at hindi ko namalayang lunch dinner na pala.

As usual, 'yong mga mokong kong kasama ay todo lamon na agad. 'Kala mo mga hindi pinapakain. Napansin ko namang hindi kumakain si Brix, so I approached him.

"Anong problema, Brix? "

"Ah, wala lang, hehe, "

"Ano nga? Want to talk about it privately? " I asked. He just smiled at me. Damn that smile! That smile melted my heart and fell in love with him anymore.

"Hoy, kayong dalawa, matunaw kayo sige, " saway ni Funky. Bida-bida talaga. Nakakasora.

"I'll tell you later, " Brix said. I just smiled at him, also.

Kumain naman na s'ya, kaya nagsimula na din akong kumain. After that, nagligpit na kami ng mga pinagkainan namin at si Gray ang nai-assign namin na maghugas muna for tonight.

Ang iba naman ay nagkanya-kanya nang pasok sa mga kwarto nila. No'ng kaming dalawa na lang ni Brix ang naiwan sa sala ay tumingin ako sa kanya.

"Gusto mong magpa-hangin? " tanong ko.

"Tara! " he said with his gummy smile, but I know that behind those smiles, there's something bothering him.

Nang makalabas na kami ay wala pa ring imikan ang naganap, until I broke the silence.

"So, what's bothering you? " I asked. Napatingin naman s'ya sa'kin.

"Grabe, halata ba sa mukha ko na may inaalala ako, dre? " tanong n'ya saka tumawa nang mahina.

"Oo, hehe, " sagot ko sabay kamot sa batok ko.

"Ahm, ang bumabagabag sa akim ay ang bestfriend ko, si Ereya, " ouch.

"Ba't naman? "

"We're friends since then, kaya sobrang malapit ako sa kanya, at nag-aalala ako kasi wala ako sa tabi n'ya para protektahan s'ya, " para namang sinaksak ang dibdib ko sa mga narinig ko. Hays, may pag-asa pa ba ako dito?

Payting lang, Jerix.

"Ganon? Sa tingin mo ba hindi n'ya kayang ipagtanggol ang sarili n'ya? "

"Oo, gano'n na nga. Puro kaartehan lang kasi ang alam no'n. Puro pagpapaganda, puro ka-conyo-han, pero sweet at caring 'yon, "

Edi s'ya na ang sweet at caring, kaya ko din naman gawin 'yon. Ipinagkwento ko pa s'ya about do'n sa bestfriend n'ya, kitang-kita ko sa mukha n'yang namimiss na n'ya talaga 'yong Ereya.

"Don't worry, 'pag labas mo dito sa school na 'to, the struggles you encountered will be paid-off, " I smiled as I tap his head.

We walked around the campus and after that, we came back to our dorm.

"Uy, Jerix, salamat, ha? "

"You are always welcome, good night, " I said. He just smiled at me and natulog na din.

Next chapter