Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis habang tinititigan ang mukha nya at ang mata nyang unti-unting bumunukas.
"Love! You're finally awake!"
"OMG I'll just call the doctor, bakla ha" biglang sabi ni Carlos at tumango ako saka sya nagmamadaling lumabas
Tiningnan ko naman ulit si Damien at nakita kong nakakunot ang noo nya.
"Who are you?"
Isang tanong lang ang sinambit nya pero para akong nanghina ng todo.
"Who are you? Where am I?"
"L-love... s-stop it. You remember me, right? I'm your girlfriend, Madelaine" i tried to smile sweetly at him but I almost break down and cried when he said...
"No. I don't know you"
I hold his hand and said..
"I love you. Please, alalahanin mo naman ako. It's our 34th monthsary today..."
Tinuro ko ang cake at may pinakita pa akong pictures namin na nasa wallet ko, but when he looked at it, he groaned in pain
"Bakla! Ito na ang doctor!"
Bigla silang pumasok pero agad ring bumukas ang pintuan at pumasok ng mabilis ang parents namin.
"What's happening here?" Damien's dad asked
"My son!" Sigaw ni Tita Dahlia saka lumapit sa anak nya na nakahawak sa ulo na may iniindang sakit
"Is he ok?" my mom asked me but I just hugged her tightly
"Mom.. he can't remember me"
She hugged me tightly while i'm crying heavilyin her arms. My dad hugged me too to comfort me.
"My princess, he'll remember you, ok? Let's wait for the result first about his condition"
"Ano doc? What happened to my son?"
"Mrs. Sevilla, I didn't really expected this to happen first but when he's in a critical condition... I knew that this would happen.." napailing na lang sya sa sinabi
Hindi ko maintindihan...
What does he really mean?
"What do you mean, doc?" Tito Clyde curiously asked him
"Masyadong malakas ang impact sa kanya ng accident na nangyari. Lalo na at sa gawi pa nya ito mas malakas tumama. Masyadong naapektuhan ang ulo nya dahil iyon ang masyadong natamaan so the patient is suffering now from amnesia. The past memories he knew were now forgotten..."
"What? That's why he doesn't remember me..." kaya pala. kaya pala hindi mo ako kilala. nakalimutan mo na pala ako.
I looked at him while he's sleeping again in his hospital bed. Pinakalma kasi sya kanina ng doctor at tinurukan ng pampatulog.
"Just call me again if the patient wakes up. I need to do some tests para mas malaman ang mga possible effects ng accident sa kanya" we all nodded then Doctor Laurente left
"Malalagpasan nyo rin 'yan, Madelaine. My son is strong. Makaka recover sya agad" Tito Clyde hugged me
"Yes, my husband is right. Oo nga pala, it's your monthsary today right? Let's celebrate muna para naman ganahan ka. Don't worry, makakarecover din agad 'yang anak ko. Magpapakasal pa kayo nyan eh kaya bawal ka nyang makalimutan" they all laughed on what Tita Dahlia said
"Ang mabuti pa, magpahinga ka muna" iginiya ako ni mommy sa sofa
"Oo nga, bakla. Mag beauty sleep ka muna dahil malalagpasan ka na ng beauty ko" sabay hawi na naman sa invisible long hair nya
Napatawa na lang sila sa sinabi ni Carlos
"Pwede po ba na gisingin nyo ko kapag nagising na ulit si Damien?" tanong ko may Tita Dahlia at nginitian naman nya ko
"Don't worry, Madelaine. Gigisingin kita. Sige, magpahinga ka na dyan"
Humiga na ko dito sa sofa bed at binigyan naman nila ako ng kumot. Saktong pagkahiga ko ay nakaramdam agad ako ng antok. Ilang araw na rin kasi ako kulang sa tulog dahil sa pagbabantay kay Damien.
Naramdaman ko na lang na hinahaplos ni mommy ang buhok ko kaya tuluyan na akong nakatulog.
***
Nagising ako sa isang malakas na kalabog at ingay.
"Hindi ko sya kilala! Arghhh!!!"
"Anak.. anak.. What happened?" - Tita Dahlia
"Ang sakit!! Stop it, mom! Please! Arghhhh!!!"
Napatayo na ako at nakita kong pinapakalma sya ng parents nya habang si Carlos ay tinawag muli ang doctor.
"Anong nangyayari?"
"Pinakita ko ang pictures nyo at pinakilala kitang muli sa kanya, pero mas sumakit ang ulo nya. I'm sorry, Madelaine. Sorry 'nak"
Humahangos na dumating naman sila Carlos kasama si Doc Laurente
"I'll check him" the doctor said habang pinatabi nya muna kami sa gilid
"What if hindi na nya ako maalala?"
"No..no.. don't say that, Madelaine" Tito Clyde said
"Pwede ba kayong lumapit dito? I'll just check something"
"Ano po doc?"
"Mr. Damien.. kilala mo ba sya?" sabay turo ni Doc kila Tita Dahlia at Tito Clyde
Tumango naman ito na parang naguguluhan
"Yes doc. They're my parents"
"How about them?" itinuro naman nya ang parents ko
"They looks familiar but I don't know them.."
May isinulat naman si Doc sa notepad nya saka bumaling sakin
Kinakabahan ako...
"How about this girl? Kilala mo ba sya?"
Tiningnan naman nya ako na parang sinusuri ako. Nginitian ko sya nang tipid saka pigil hininga nang ibinuka nya ang bibig nya para magsalita
"No...I don't know her"
"L-love..."
"Sino ka ba? You're keep on calling me 'love' before too. Kaano-ano ba kita?"
"He's your girlfriend, Damien" sagot ni Dad sa kanya
When I looked at Damien, nakakunot ang noo nya
He really don't know me...
"Damien.. ako to, si Madelaine" lalapitan ko na sana sya pero bigla syang napahawak sa ulo nya
"Arghhh!!!"
"D-damien"
"No! Arghhh!!! Ang sakit! Fvck!"
Nilapitan ko sya at hahawakan na sana sya pero tinunggo nya ang kamay ko kaya napaatras ako dahil sa lakas ng pagkakahawi nya sakin
Napahawak agad ako sa ulo ko para protektahan ito para hindi tumama sa kung saan pero may impact pa rin ito lalo na at malakas ang pwersa nya kanina at nang matumba ako ay nilapitan agad nila ako
"My princess, you ok?" Agad akong dinaluhan ni daddy
"Madelaine, may masakit ba?" tanong naman sakin ni Tita Dahlia
Inalalayan nila akong makatayo hanggang sa napapikit ako
Unti-unti sumasakit ang ulo ko hanggang sa napasigaw na rin ako
Hindi ko kinakaya ang sakit
"M-mom..d-dad ang sakit" napaiyak na lang ako hanggang sa nawalan na ako ng malay
.