webnovel

CHAPTER 7:

CHAPTER 7:

"Shean, alam mo kung may award lang na 'best in late' siguro ikaw na ang nangunguna. Buti nalang talaga hindi kita hinihintay, siguro palagi akong damay sa pagka-late mo." Reklamo ko ng dumating si Shean, late na naman siyang pumasok, ano pa bang bago?

Ngumiti lang siya at umupo sa tabi ko, hindi man lang niya binigyan pansin ang sinabi ko. Ano naman kayang problema ng babaeng ito?

"Uy, Shean kamusta kayo ni Yo---"

"Ano ba, Steph ang aga aga, huwag mong painitin ang ulo ko."

Natawa ako sa reaction nito. Halata kasing hindi maganda ang timpla niya ngayon at kahit ako ay tinarayan na.

"So, hindi pa mainit ang ulo mo sa lagay na iyan?" Natatawa kong tanong sa kanya.

Tinignan niya ako ng masama, muntik na akong mamatay sa tingin na iyon. "Ang daldal mo. Manahimik ka nga." Inis niyang suway sa akin. Ang taray kala mo namam hindi siya madaldal.

Mabait akong kaibigan kaya naman hindi ako tumahimik at lalo ko pa siyang ginulo. Ang sarap kayang manggalit ng kaibigan.

Hindi ko mapigilang hindi matawa sa tuwing nakikita ko ang inis niyang mukha sa tuwing binabanggit ko ang pangalan ni Yohanne. Hindi ko alam ang nangyari sa dalawa pero sigurado akong patay si Yohanne kapag nakita siya nang kaibigan ko. Baka balatan siya ng buhay.

"Shean, hayaan mo na kasi si Yohanne, kung ayaw niy---"

"Kundi dahil sa haliparot na Janah na iyon, hindi sana ako nagkakaganito. Bagay sila ng lalaking iyon, nakakainis."

"Shean, alam mo kulang nalang kulamin mo ang dalawang iyon dahil diyan sa selos mo." I laughed. Nakakatawa naman kasi ang itsura nang babaeng ito kapag nagseselos.

"Excuse me? Ako magseselos sa haliparot na iyon? No way. Ang layo ng ganda ko dun ha. Ang chaka niya." Panlalait pa niya kay Janah.

Hindi daw nagseselos pero yung mukha halatang inis na inis. Nilait pa ang babaeng haliparot na iyon, matapos harutin ang Kelvin ko ay si Yohanne naman ngayon.

"Kung hindi ka nagseselos sa babaeng iyon, bakit sambakol iyang mukha mo? Hindi maipinta." Tinignan niya muli ako ng masama, natawa ako.

"Ikaw na babae ka, wala kang naitulong na maayos. Dun ka nga sa Kelvin mo, magsama kayong dalawa."

Tumungo nalang siya at hindi na pinansin ang pangungulit ko. Hinayaan ko nalang siya dahil sigurado akong mamaya ay magiging masaya siya.

Nakangiti akong lumapit kay Kelvin na hawak na naman ang cellphone niya at suot ang headphone. Naupo ako at inagaw ang headphone sa kanya, napakunot nalang ang noo ko nang wala naman akong marinig na tugtog galing duon. Pa-headphone headphone pa wala naman palang music.

"Hoy, bakit walang tugtog ito?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Tss. Arte mo." Reklamo niya.

Lalaking ito, kahapon lang ay para siyang binudburan ng asukal sa sobrang sweet tapos ngayon naman dinaig pa niya ang babaeng may monthly period kung mag-suplado. Suntukin ko ito eh.

"Ang sungit mo. Gumagamit ka pa nito, hindi ka naman pala nakikinig ng music."

"I love listening to your voice than listening to those music"

Pumuntos na naman siya duon. Hindi talaga pumapalya sa pagpapakilig ang supladong ito. Nakangiti din siya ngayon, ang gwapo niya.

Napatigil lang kami ng may lumapit sa aming babae, classmate namin at may dala itong bulaklak.

"Pinabibigay pala ni Kurt, sunduin ka daw niya mamaya." Sabi nito at nilapag sa harap ko ang mga bulaklak bago umalis.

Attitude ang babaeng ito, masama pa yata ang loob. Tumingin ako kay Kelvin ng maramdaman ko ang paglapag ng cellphone niya sa armchair, nawala din ang kaninang ngiti nito, bumalik ang dating Kelvin na nakilala ko.

"Ah--Kelvin..."

"Shhh. I'm okay, tinanggap ko ang hamon niya, I need to compete with him fairly." Ngumiti pa ito at nilapit ang mukha sa akin. "Kung ikaw ang premyo sa laban na ito, handa akong gawin ang lahat para ipanalo ito."

Napangiti ako sa sinabi nito. Ngayon, sigurado na ako, kahit na bago palang nagsisimula ang laban nilang dalawa, dama ko na kung kanino ako sasaya. Matagal ko na kayang hinintay ang pagkakataon na ito, yung mapansin ako ng lalaking ito.

Nang matapos ang klase sa second subject ay agad niya akong sinundo sa classroom. Malawak ang ngiti nito ng salubungin niya ako. Maganda ang ngiti niya, ang sarap tignan, masarap din siyang kasama, kung siya ang sasagutin ko siguradong hahalakhak ako sa kakatawa araw araw, pero magiging masaya nga ba ako?

Nilingon ko si Kelvin na nakatingin sa akin ngayon, ngumiti ito sa akin nang makita niya akong nakatingin sa kanya, Sa ngiti niyang iyon, alam kong gusto niya akong maging masaya.

"Thank you nga pala sa bulaklak." Nakangiting sabi ko.

"Ano kaba, wala iyon basta para sa'yo. Tara na, hinihintay tayo ni Yohanne." Pabulong niyang sabi sa akin kaya tumango nalang ako at samabay sa kanya sa paglalakad.

Hindi na ako nagpaalam pa kay Shean, dahil magkikita rin naman kami mamaya. Magiging masaya pa siya sa gagawin namin.

Nakarating kami sa gym kung saan nasa unahan si Yohanne at nag-aayos na. Napangiti nalang ako sa pakulo ng lalaking ito para bumawi sa kaibigan ko. Yes, he has a surprise for my bestfriend at humingi ito ng tulong sa akin at the same time nag-apologise for making Shean, sad. Naging ayos naman kami pero hindi kay Janah.

Tinulungan narin namin siyang mag-decorate dahil marami naring tao mamaya at baka makarating pa kay Shean na may surprise si Yohanne para sa kanya at mabulilyaso na naman ang plano nito.

"Alam mo, Yohanne, mukhang galit talaga ang kaibigan ko sa'yo. Ang sama ng timpla niya kanina at pati ako ay tinarayan." Kwento ko pa.

Nakita ko ang paglungkot ng mukha nito, "Mapatawad kaya niya ako?"

"Oo naman, kilala ko ang kaibigan ko. Gano'n lang iyon kapag nasasaktan pero soft-hearted yun." Paninigurado ko sa kanya.

"Atsaka kailangan mong gawin ang lahat kung gusto mo ang isang tao. Kailangan mong pasayahin ang taong iyon, itaya mo ang lahat ng meron ka, iparamdam mo na mahalaga siya sa'yo, ligawan mo kahit na sa tingin mo ay wala kang pag-asa, kailangan mong sumugal kasi nga mahal mo."

Dama ko ang lungkot sa boses niya habang sinasabi iyon pero nakangiti siyang humarap sa akin.

"Tama ka, brad. Mahal ko si Shean kaya handa akong gawin ang lahat maramdaman lang niya ang pagmamahal ko. Liligawan ko siya hanggang sa mapasagot ko."

"Sus, baka mamaya lang kayo na." Bulong ko pero hindi naman nila narinig.

Matapos naming mag-decorate ay sinundo ko na si Shean sa canteen, wala parin ito sa mood at ayaw paring marinig ang pangalan ni Yohanne. Hindi daw niya kailangan ang lalaki na iyon sa buhay niya. Gustong gusto ko nang matawa sa mga pinagsasabi niya, pero kailangan kong pigilan.

May mga naririnig narin kaming mga kapwa namin estudyante na nag-uusap tungkol sa sorpresa namin. Nagtatanong narin siya kung ano ang pinag-uusapan ng mga iyon pero nanatili akong tahimik, ayaw ko namang masira ang plano ni Yohanne.

"Ang swerte siguro nung babaeng susurpresahin ni guy noh?" Inosenteng tanong ko pa sa kanya.

"Oo, ang swerte niya, malas ko naman." Malamya niyang sabi.

Kung alam mo lang, Steph.

"Tara, puntahan natin? Pag-aaya ko sa kanya."

"Ayaw ko, ikaw nalang. Magpapah--ARAY. ANO BA?" Reklamo niya ng hilain ko siya.

Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang ako sa paghila sa kanya. Sa huli ay wala rin siyang nagawa kundi ang sumunod.

Nang makarating kami sa gym ay tumugtog agad ang isang kantang nagpahinto kay Shean, alam ko ang kanya na iyon, paborito niya. Kasunod niyon ay ang pagkanta ni Yohanne, hindi ko alam kung nabosesan niya iyon, pero ako, sigurado akong siya iyon dahil kami ang nagplano nito.

Biglang nagsitabihan ang mga estudyante at binigyan daan si Yohanne. Gano'n nalang ang panlalaki ng mata ng kaibigan ko nang makita niya si Yohanne na kumakanta papalapit sa kanya. (Play the song, You belong with me, by: Tailor Swift)

"Steph... Steph, sampali--ARAY." Reklamo niya ng sampalin ko siya, masunurin akong bata eh. "OHMYGASH, Steph, totoo nga, kinakantahan ako ni Yohanne." Naiiyak na sabi niya sa akin.

"Gaga, akala ko ba hindi ka marupok? Tapos ngayon, may pa-iyak iyak ka pang nalalaman."

"Ikaw kaya ang sorpresahin ng ganito, ewan ko lang kung hindi ka maging marupok."

Inerapan ko nalang siya. Araw niya ito kaya pagbibigyan ko na, nahiya naman ako.

Pinanood ko si Yohanne na hawakan ang kamay ng kaibigan ko habang deretsong nakatingin sa mga mata nito. Pag-untugin ko ang dalawang ito, sa harap ko pa gumaganyan.

Sabay silang naglakad papunta sa gitna, habang patuloy parin sa pagkanta si Yohanne. Kasunod nuon ay ang pagluhod nito, dahilan para maghiyawan ang mga tao. Teka, wala sa usapan iyon ah? Ang sabi lang niya, hihingi siya ng tawad sa kaibigan ko? Bakit ngayon may paluhod luhod pa? Para mas effective?

"Shean, alam kong nasaktan kita sa nakita mo no'n, aaminin kong nagkamali ako, sinaktan kita pero sana mapatawad mo ako. Sorry, Shean for making you cry."

"Gooo, bitch. Patawarin mo na, marupok ka naman eh." Sigaw ko dahilan para magtawanan ang ibang tao samantalang siya ay masamang tingin ang binigay sa akin.

"Ang supportive mong kaibigan noh?" Biglang sulpot ni Kurt sa likuran ko. May lahing Shean ata ito, parang kabute rin.

Ngumiti nalang ako at hindi na sumagot. Gusto ko ding masubaybayan ang mangyayari kina Shean. Kung ano pang pakulo meron ang lalaki na hindi ko alam. Isa pa, vini-video ko ang kaibigan ko para magkaroon naman siya ng memories.

"Mahilig kaba sa surprises?"

"Sinong may hindi gusto ng surprises diba? Lahat naman ng tao, gusto ang gano'n. "

"What if, I---"

Hindi ko na narinig pa yung sinasabi niya ng maghiyawan ang mga tao. Nagsilabasan kasi yung mga kalalakihan na may suot ng stitch, jacket. Nang tumalikod ito ay may naka-sulat na word sa bawat tao, kung pagsasama samahin ang mabubuong salita ay, "WILL YOU BE MY GIRLFRIEND, SHEAN?"

"HOY, WALA SA USAPAN IYAN!" sigaw ko pero nginitian lang ako ni Yohanne. Wala man lang pasabi ang lalaking ito, kahit ako ay na-surprise.

Nakita ko na medyo lumuluha ni Shean, sa nga nangyayari. Napatakip narin ito ng bibig, ano ba iyan, clichè naman. Gamit na gamit na ang reaction na iyon sa mga surprises dapat hinampas niya ng walis tambo.

"HUWAG KA NANG MAHIYA, SAGUTIN MO NA. GO BITCH." Nagtatalon pa ako habang sumisigaw, dahilan para matapilok ako. Buti nalang ay nasalo agad ako ni Kurt.

Naging malapit ang mukha niya sa akin at konting maling galaw ay mahahalikan na niya ako. Hindi ko gusto iyon kaya naman ay pinilit kong hindi gumalaw.

"Kurt, ayos lang ako." Sabi ko sa kanya kaya naman binitawan na niya ako ng makaayos ako.

Dahil sa nangyari ay wala akong narinig sa sinabi ni Yohanne, ang narinig ko nalang ay ang salitang, "Will you be my girlfriend?" Napatakik na naman ng labi ang marupok kong kaibigan, tumutulo pa ang luha nito habang unti unting tumatango.

"Yes, I will be your girlfriend, Yohanne." Naiiyak nitong tugon.

Nagtatalon naman sa tuwa si Yohanne at niyakap si Shean. Nauna pang maging sila kaysa sa amin ni Kelvin, ang rupok talaga ng babaeng ito. Pero support narin ako.

Lalapit na sana ako ng hawakan ni Kurt ang kamay ko, malambot ang palad niya parang palad ng isang babae. Hindi na ako nagreklamo at hinayaan nalang siya.

"Akala ko ba hindi marupok?" Natatawa kong asar kay Shean ng makalapit ako.

"Hoy, babae. Akala mo ba natutuwa ako sa pagsigaw sigaw mo kanina? Pasalamat ka talaga.". Nangigigil niyang sabi na ikinatawa ko lang.

"So, paano? May boyfriend kana. Siya na ang bahala sa'yo." Hinarap ko si Yohanne. "At ikaw, wala sa usapan iyong ginawa mo kanina, ang usapan lang natin makikipag-ayos ka sa kanya." Pagtataray ko dito.

Nagtawanan lang kami, masaya ako para sa kaibigan ko kahit papaano ay hindi na siya malulungkot at may panlaban na siya sa haliparot na Janah at Kyla na iyon.

"Hindi ko alam na ganyan pala ang babaeng gusto mo." Napataas ang kilay ko ng dumating ang nga demonyita. Hindi na naman nila matanggap ang kanilang pagkatalo.

"Ang cheap ng gusto mo, Yohanne, iww." Nandidiri pang sabi ni Kyla, ang sawsawerang bansot at ang pulubing clown.

"Pwede ba---"

"Hayaan mo sila, Yohanne." Pag-aawat ni Shean sa boyfriend niya, patay na, magmamaldita na ang savage queen. Goodluck girls.

"Tama, hayaan mo kami para naman maipamukha namin sa babaeng ito na mas maganda siya sa akin." Mataray na sabi naman ni Janah, nakataas pa ang kilay. Burahin ko iyan eh.

"Unang una, bago mo ako tarayan at pagtaasan ng kilay siguraduhin mo munang hindi drawing yan. Pangalawa, bago ka magmaganda, pakinipisan naman ang make up para hindi kayo magmukhang clown."

Halos matawa ako sa sinabi nito, lalo na sa reaction ng dalawa. Hindi naman kasi nila kilala ang kinakalaban nila.

"Inggit ka lang kaya ganyan ka umasta. Tandaan mo may kakayahan akong agawin sa'yo ang lalaking hawak mo ngayon."

"Pangatlo, subukan mo, malandi ka lang palaban ako, anong magagawa ng landi mo kapag nilampaso ko ang mukha mo? Panghuli, huwag mo akong tarayan handa akong tapatan iyang kayabangan mo, lalagpasan ko pa. So, if you don't mind, madami pa kaming gagawin ng boyfriend ko. Mag-aral ka muna bitch."

Hindi nakapagsalita ang demonyita, tinalikuran nalang namin siya pero bigla nitong hinablot ang kaibigan ko.

"Hindi pa tayo tapos, makikita mo."

Hindi nagpakita ng takot si Shean sa halip ay nginisian niya ito at hinawakan ang kamay ni Yohanne, bago sabay silang naglakad. At ang babaeng iyon, iniwan ako, porket may boyfriend na.

Buti nalang nandito si Kurt, hinawakan din niya ako. Nakakarami na ang lalaking ito ah?

"Matapang pala ang kaibigan mo." Nakangiti niyang puri dito.

"Oo naman, wala namang duwag sa amin." Proud kong sabi sa kanya.

"Ang yabang mo, tara na nga, baka mahuli ka pa sa next subject niyo."

Sabay narin kaming naglakad at bumalik sa kanya kanya naming classroom.

Next chapter