webnovel

CHAPTER FIFTY THREE

(Kensington High School, next day)

(Kath Rence's POV)

ISANG araw makalipas ang pagpapakilala ng mga new members ng Campus Heartthrob and Sweethearts ay nananatili pa ring usap-usapan ng mga estudyante ang tungkol doon. May natuwa, may nainis at may nanghinayang sa resulta. Pero hindi na namin iniintindi pa ang mga reaksyon nila, basta ang mahalaga ay masaya kami na may nadagdagan sa grupo namin.

And speaking of our group, tatlo pa sa mga kaibigan namin ang napasama sa inaabangang Miss Saigon play dahil nakapasa sila sa audition. At ngayon na malalaman kung sinu-sino sila.

(School Corridor)

(Kath Rence's POV)

NAGLALAKAD AKO sa corridor nang mapansin kong tila may pinagkakaguluhan ang mga students sa malaking bulletin board ng school. Na-curious ako kung kaya naman lumapit ako dun. Pero nagulat na lang ako nang mapansin ako ng isa sa mga nakikiusyoso doon.

"Waah! Si Princess Kath Rence, nandito!" at kasabay nun ay umugong na naman ang malakas na tilian ng mga estudyante.

Tss. Nakakairita lang.

Agad din silang nagsitigil sa pagtitilian.

"Haay, salamat naman at wala nang maingay." at lumakad ako palapit sa board. Nagsitabihan naman ang mga estudyante na nasa paligid ko. Nakita kong naka-post sa board ang mga official casts ng Miss Saigon.

----

THEATRE ARTS SOCIETY and ENGLISH LITERACY UNION

proudly presents...

MISS SAIGON

(a musical play)

Venue: Kensington High School Grandstand

Day and Time: Monday to Saturday, starting at 7 pm.

Tickets: P200

-

Official Casts:

* Gianna Angela Cabrera (IV-1) as Kim

* Joshua Khan (IV-3) as Christopher "Chris" Scott

* Jhake Angelo Manahan (IV-2) as Tran Van Dinh aka The Engineer

* Heather Williams (III-2) as Ellen Scott

* Satchel De Vega (IV-1) as John Thomas

* Mikko Barbosa (IV-7) as Thuy

* Erich Mae Chua (IV-3) as Gigi Van Tranh

* Clifford Tuazon (II-1) as Tam

* Thirdy Sumang (III-1) as The Bonze

* Keiko Yamada (IV-1) as Prince Yamadori

-

Over-all Director: Madeleine Joyce Avellana (IV-1)

Musical Director: Mikaella Clarisse Licad (IV-1)

Floor Director: Kath Rence Villas (IV-1)

Lights and Sounds Director: Czelyne Villegas (IV-1)

Scene Director: Keith Lance Perez (IV-1)

Make Up Artist: Mikki Ann Pineda (IV-2)

Costume and Props Artist: Raymond Jardeleza (IV-1)

----

"WOW...Sina Jhake pala ang nadagdag sa mga cast. Tsaka si Satchel, isa rin siya sa mga characters. Ang galing naman." sabi ko.

"Ahm Princess Kath Rence, bakit hindi kayo kasali sa cast?" tanong sa akin nung isang estudyante sa gilid.

"Hindi kasi ako nag-audition eh." sabi ko sa kanya. Tumangu-tango naman yung estudyanteng yun.

Nung tumunog na ang bell ay pumunta na ako sa classroom.

(Cafeteria, Lunch break)

(Kath Rence's POV)

HABANG hinihintay naming magkakaibigan ang order naming pagkain ay masaya kaming nagkukwentuhan. Nabanggit ko na rin na kasali sina Erich, Jhake at Satchel sa Miss Saigon play.

"Talaga? Wow, ang galing nyo naman!" sabi ni Yogo.

"Salamat." ang nakangiting sabi ni Erich.

"Pero Sachi, pano ka nakasali sa cast? Di ba ikaw na rin ang nagsabi na hindi ka ganun kahusay kumanta." nagtatakang tanong ni Mikki kay Sachi.

"Nag-aral akong kumanta ng opera tsaka nagbasa-basa ako ng tungkol sa mga characters sa Miss Saigon. Target ko talagang maging si Tran Van Dinh pero napunta sa akin ang role ni John Thomas, pero okay na rin yun, at least meron akong part sa play." sabi naman ni Sachi.

"Aww, ang galing naman ng Bebeyonce ko." and I kissed his cute cheeks.

"Salamat, Katy ko." and he hugged me.

"Anyways, kailan pala ang practice ninyo para sa play?" tanong ni Leonard sa kanila.

"Magsisimula na bukas. Every 4 to 8 in the evening." sabi ni Joshua.

"Eh di gagabihin na pala kayo nyan." sabi ni Rhian.

"Oo eh. Pero kailangan para mas mapaganda pa namin ang musical play." ani Gianna.

Natigil lang kami sa pag-uusap nang biglang pumasok sa cafeteria si Heidi Sandborn at galit na galit na lumapit sa amin.

Tss. Ano na naman kayang problema ng babaing 'to?

"You!" sabay hablot na sana ni Heidi kay Gianna pero agad namin siyang hinarang ni Sachi.

"Ano na naman bang problema mong malandi ka?!" galit na tanong ko sa kanya.

"Siya! Siya ang problema ko! Mang-aagaw siya!" singhal ni Heidi sabay turo niya kay Gianna.

Ugh. Agawan na naman. Hindi na ba nagsasawa ang babaing 'to sa mga paulit-ulit na kwento niya? Kasi kami, sawang-sawa na.

* feeling irritated *

Nakita naming tumayo si Gianna at matapang niyang hinarap si Heidi.

"Pakilinaw mo nga yung sinabi mo, anong inagaw ko sayo?" ang kalmado pero mariing tanong ni Gianna sa bruha.

"Marami! Marami kang inagaw sa akin! Una, ang pagiging Miss Saigon ko! Pangalawa, ang pagiging Campus Sweetheart ko! At ang pangatlo, inagaw mo sa akin si Prince Joshua! Mang-aagaw ka talaga!" at akmang susugurin na sana niya si Gianna pero laking gulat namin nang pinaulanan siya ng tatlong sunud-sunod na sampal ni Gianna. Gulat na gulat si Heidi habang nakatingin lang si Gianna sa kanya.

"Nababaliw ka na talaga noh, Heidi!" gigil na sabad ni Riri. "Sabihin mo, gaano na kalaki yang damage ng ulo mo?!"

Nagtawanan ang mga estudyante sa paligid namin habang hindi na naman makasagot ang bruha sa sobrang kahihiyan.

Lumapit si Gianna sa kanya at hinablot ang buhok niya. Napaupo siya sa sahig sa sobrang diin ng pagkakasabunot ni Gia sa kanya.

"Una sa lahat, hindi ko inagaw sayo ang pagiging Miss Saigon. Pinaghirapan ko ang role na yun at pinagbutihan ko ang pag-a-audition para makuha ako sa play na yun. Pangalawa, hindi ko rin inagaw sayo ang pagiging Campus Sweetheart. Personal nila akong pinili para sa posisyon na yun. At pangatlo, hinding-hindi ko inagaw sayo si Joshua. Espesyal siya sa puso ko katulad ng mga magulang ko, ng lola ko at ng Tita Jane ko. Kaya wala kang karapatang tawagin akong mang-aagaw. Naiintindihan mo?" at mas diniinan pa ni Gia ang pagkakasabunot niya sa buhok ni Heidi. "Kung meron mang mang-aagaw sa ating dalawa, IKAW YUN."

Muling nagtawanan ang lahat habang lubog na naman sa kahihiyan ang bruhang Heidi na yun.

Pabalabag na binitiwan ni Gianna ang buhok ni Heidi, dahilan para mapasubsob ito sa sahig. Mas lalong nagtawanan ang lahat. Pero natigil sa pagtatawanan ang lahat nang may isang teacher na pumasok sa loob at galit na galit niyang hinila si Heidi.

"Nandito ka lang palang bata ka! Ano itong nalaman ko na may na-ospital na kaklase mo nang dahil sa pambubully mo?! Ikaw ba talaga ang may kagagawan nun?! Sumagot ka!" galit na galit na sabi ng teacher niya.

"OO! AKO ANG MAY KAGAGAWAN NUN! BECAUSE SHE FLIRTS WITH MY BOYFRIEND!"

Isa na namang sampal ang bumulaga sa kanya, and this time, it's from her teacher. Shocked ang lahat sa ginawa ng teacher na yun.

"Wala ka na talagang modo, Sandborn! Ganyan ka na ba talaga, ha?! Mabait ka naman dati ah! Ano bang dahilan mo't nagkaganyan ka na?! Dahil ba iniwan ka ng boyfriend mo?! Dahil ba ipinagpalit ka niya sa iba?! Heidi, gumising ka na sa katotohanan! Please lang!" ang umiiyak nang pakiusap ng teacher na yun sa kanya. Biglang natauhan si Heidi at naguguluhan siyang tumingin-tingin sa kanyang paligid.

"M-Ma'am..." ang maiiyak nang sabi ni Heidi.

"Heidi, kung hihingi ka man ng sorry, pinapatawad na kita. Naiintindihan naman kita eh. But rule must be a rule. Hindi ka na makaka-graduate pa sa school na ito, because you're already expelled. Kamuntik mo nang patayin ang kaklase mong yun at isang malaking paglabag sa batas ng eskwelahang ito ang ginawa mo. Yan ang karma mo sa lahat ng maling ginawa mo dito. Hope you accept that fact...and change for the better." at umalis na sa cafeteria ang teacher na yun. Napaupo sa sobrang pagkatulala si Heidi habang umugong ang mga bulungan sa paligid niya.

"Hala, ma-e-expelled na daw siya?!" - Student 1

"Totoo ba yun?" - Student 2.

"Mabuti nga sa kanya! Masyado siyang malandi!" - Student 3.

Dahil hindi na matagalan pa ni Heidi ang kahihiyan at panliliit na dinaranas niya ay umiiyak siyang nag-walk out sa cafeteria. Sinundan siya ng tingin ng lahat hanggang sa paglabas niya sa pinto.

Nung wala na si Heidi ay back to normal na ang sitwasyon. Bumalik na rin kami sa upuan namin. Nung dumating na ang order namin ay kumain na ang mga kaibigan ko maliban sa akin na disoriented pa rin sa mga nakita't narinig ko.

Ano ba talaga ang problema ni Heidi Sandborn? At bakit siya sobrang apektado ng problemang yun?

* feeling curious *

Next chapter