Chapter theme song : "Pusong Ligaw" by Jericho Rosales
Kabanata 45
Masamang-masama ang loob ko hanggang sa makabalik kami sa hotel. Ni minsan, hindi ko naisip na magagawa 'yon sa'kin Jacob. Akala ko pa naman kakampi ko siya? Sa ginawa niya, parang wala na rin siyang pinagkaiba kay Marquita at kay Ma'am Helen!
Bakit ba siya nagagalit sa'kin? Dahil ba sa umalis ako ng Doña Blanca at sumama sa tunay na nanay ko? Pero 'di ba, sila rin naman ang nagsabi sa'kin na gawin 'yon? 'Di ba payag naman sila?
Ano? Dahil ba sa ilang taon ko silang hindi dinalaw at akala niya nakalimutan ko na sila? Hindi! Kahit kailan hindi ko sila kinalimutan! Lagi silang nasa puso't isip ko! Pagkatapos pagbalik ko, ganoon ang sasabihin niya sa'kin?
At si Danica? Nasaan na ba siya? Saan sila nagpunta? Paanong nagbago? Gulong-gulo na 'ko!
Para akong ewan na nakabaluktot dito sa kama ko ngayon at umiiyak. Ang tanging yakap-yakap ko lang ay unan. Pakiramdam ko ngayon, mag-isa na lang ako. Ganito na naman. Katulad ng dati, wala na naman akong kakampi. Wala na naman akong kaibigan.
Heto lang ako. Mag-isang humahagulgol dito. Tahimik na ibinubulong lahat ng tanong sa isip ko. Bakit ganito silang lahat sa akin? May mali ba sa akin?
* * *
Sa kakaiyak ko ay 'di ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako dahil sa walang tigil na pagtunog ng cellphone ko. Nang tignan ko iyon ay nakita kong tumatawag si Madam Rhonda.
Kaagad ko naman itong sinagot. Bahagya na rin akong bumangon mula sa pagkakahiga.
"Madam?"
"Maureen, kanina pa kita tinatawagan. Hindi ka pa raw pala kumakain sabi ni Eunice. Ano ba'ng nangyari?" Magkahalong pag-aalala at pagka-irita ang boses ni Madam Rhonda nang sabihin niya 'yon.
Nagpakawala naman ako ng malalim na buntong-hininga. "Tama ka, Madam. Hindi ko nga alam kung katulad pa rin ba sila ng dati."
Narinig ko namang napabuntong-hininga rin si Madam Rhonda. "Magpapadeliver ako ng pagkain. Mag-usap tayo, okay?"
Tumango-tango naman ako. "Opo."
"Hmm. Sige, hintayin mo na lang kami d'yan," sabi pa ni Madam bago ibaba ang tawag.
Itinabi ko naman ang phone ko at tuluyang tumayo sa higaan ko. Inayos ko muna nang kaunti ang kumot bago ako dumiresto sa banyo at maghilamos. Nang matapos ako ay napatitig na lang ako sa repleksyon ko sa salamin. Basang-basa pa ang mukha ko at medyo magulo rin ang buhok ko.
Maraming nagsasabi sa'kin na ang swerte ko. Parte ako ng pamilya ng mga Olivarez. Maganda, mayaman, at sikat. Pero sino'ng mag-aakalang ito ang magiging kapalit ng lahat ng 'yon? Marami ang mga taong nagmahal at humanga sa'kin, pero tinalikuran naman ako ng mga taong lubos kong minahal.
Natigilan na lang ako nang tumunog ang door bell ng kwarto ko. Hula ko ay sila Madam na 'yon, kaya't nagmadali akong lumabas ng banyo at binuksan ang pintuan.
"Mau! Look at your face!" bungad sa akin ni Madam. Maging si Eunice ay nag-alala rin sa hitsura ko, pero walang masabing salita.
Napayuko na lang ako at binuksan nang tuluyan ang pintuan ng kwarto. "Pasok po kayo."
Pagkapasok ay saka lamang ako kumuha ng face towel at pinunasan ang mukha ko. Sila naman ay nagtulong na ayusin ang tanghalian na pina-deliver nila. Tahimik na lang akong naupo sa gilid ng kama ko habang pinagmamasdan sila.
Habang nakatingin sa kanila ay bumalik sa alaala ko ang mga panahong malungkot ako noon. Palaging sina Jacob at Danica ang nand'yan para pasayahin ako at pagaangin ang loob ko. Pero ngayon, ibang tao na ang kasama ko.
Ang sakit naman. Buhay pa sila, pero parang wala na rin sila. Kasi, parang iba na lang ako sa kanila.
"Oh, halika na, Maureen! Dali! Binili ka namin ng grilled squid!" excited na sabi naman ni Madam Rhonda.
Napangiti na lang ako at dinaluhan sila doon sa maliit na mesang nasa gilid ng kama. Meron doong shrimp tempura, fish fillet, baked mussel, at ang pinaka-paborito kong seafood—ang pusit. Dahil doon ay medyo nawala naman ang lungkot ko.
"Oh, 'di ba? Sabi ko na, magugustuhan mo 'yan," masayang sabi ni Madam Rhonda. "Sabi nila, Ocean Dip daw ang may pinakamasarap na seafood dishes dito. Kaya go! Eat na!"
Bigla naman akong parang may naalala sa sinabi niya. Ocean Dip? Bakit parang narinig ko na 'yon? It sounds familiar to me—oh right! 'Yon nga pala 'yung sinabi sa'kin ni Marquita na puntahan ko raw, para makausap ako ni Zeus.
Nang mapagtanto ko 'yon ay napatingin ako sa phone ko. It's already 1:48 pm. But who cares? Mas mabuti pang mag-stay ako dito sa hotel kasama ang manager at PA ko kaysa magpunta doon. Baka mamaya, umuwi na naman akong luhaan.
"Hmm! Maureen, kain ka na! Mamaya na tayo chumika. Ang sarap!" sabi naman ni Madam Rhonda habang sinisimulan nang kainin ang shrimp tempura. Si Eunice din naman ay mukhang enjoy na enjoy na sa baked mussel.
Nginitian ko na lang si Madam at ibinaba sa tabi ko ang phone ko. Pagkatapos ay kumuha na ako ng inihaw na pusit at nagsimula na ring kumain.
Unang tikim ko pa lang sa inihaw na pusit ay halos makalimutan ko nang malungkot ako. Ang lambot ng ng laman at ang sarap pa ng sauce na inilagay nila. Pati 'yung palaman sa loob! Hmm! Kaya naman pala sila daw ang may pinakamasarap na seafood, e. No wonder.
"Tignan mo, Madam oh, ganadong-ganado si Ma'am Maureen!" tuwang sabi naman ni Eunice.
"It's perfect!" komento ko naman. "Pati itong fish fillet oh! Mom will surely love this."
"Oh, 'di ba?" confident naman na sabi ni Madam Rhonda.
"Gusto mo, ibili muna natin sila bago tayo umuwi bukas. You want?" alok naman ni Madam.
"Uhm, Madam. . . Can we go now? I mean, later at night," kinakabahang tanong ko. Ako kasi ang nag-request sa kanya na three days and two nights kami dito. Hindi ko naman kasi ine-expect na ganito pala ang mangyayari.
"What? Bakit?" gulat na tanong nito.
"E, kasi. . . Basta, Madam! Uwing-uwi na talaga 'ko," pagtatapat ko naman.
Napabuntong-hininga naman si Madam at naawang tumingin sa akin. "I'm sorry, Mau. Naka-oo na kasi ako sa kaibigan ko dito, e. Ininvite ako sa isang bar."
"G-Gano'n po ba? Sige. Okay lang po, Madam," sabi ko naman at pinilit na ngumiti.
"Well, if you want, pwede kang sumama sa'kin! Para naman makapag-enjoy ka," mungkahi naman niya.
"Ahm, hindi n'yo po ba itatanong sa'kin kung ano'ng mga nangyari?"
Nasanay na kasi ako na lagi kong ina-update kay Madam ang lahat. Hindi ko pa nga naipapaliwanag 'yong kay Zeus, e. Tapos may dumagdag pa. Handa rin naman akong sabihin sa kanya ang lahat, dahil may tiwala naman ako sa kanya.
In fact, alam nga niya ang katotohanan tungkol sa pagkatao ko, e. But after three years, wala pa ring nakakaalam. Siguro, may mga chismis na kumakalat, pero wala silang naibibigay na ebidensya. Kahit si Eunice nga, hindi sinabihan ni Madam Rhonda, because it's too confidential.
"Alam mo, 'nak, sometimes when we have a problem, mas mabuti nang tumahimik muna tayo. Calm your mind and your heart. Kapag okay na ang lahat, tsaka ka magkwento sa'kin. For now, let's just have fun!" paliwanag naman niya sa akin.
Napangiti naman ako dahil doon. Nakaka-touch talaga kapag tinatawag niya akong anak. I feel loved and secured. Isa pa, mukhang magandang ideya rin naman ang sumama sa kanya. Kaya naman ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain.
Hindi ko na rin sila pinaalis pa kahit tapos na kaming kumain. Gusto ko nakikita at nararamdaman kong may kasama pa 'ko. I don't want to feel alone anymore. I guess, I'll just shake off my problem for now. Bilang isang artista, hindi ko dapat hayaang gumulo sa isip ko ang problema ko.
When night comes, nag-ayos na kaming dalawa ni Madam. Inaya ko pa nga si Eunice, pero hindi siy mahilig sa ganoon, kaya hinayaan ko na lang din na bumalik siya sa kwarto niya.
Dahil 'di ko naman expected na magba-bar kami, nagsuot na lang ako ng black na leggings at silk na long sleeves na kulay green. Tinernuhan ko na lang din iyon ng heels na isinuot ko no'n sa show.
"Ready to go?" tanong ni Madam matapos ko siyang pagbuksan ng pinto. Bumalik kasi siya sa kwarto niya para mag-ayos.
"Not yet. Maglalagay pa 'kong eye shadow," sagot ko naman at naupong muli sa kama.
"Ay nako." Napapailing namang lumapit sa'kin si Madam Rhonda. "Let me do it for you."
Napangiti naman ako at hinayaan kong siya na ang maglagay sa akin ng eye shadow. Nangangapa-ngapa pa rin kasi talaga ako sa iba-ibang style ng make up. Buti na lang at magaling din doon si Madam.
* * *
All Night. 'Yon ang pangalan ng bar na pinuntahan namin. Ayon sa kaibigan ni Madam Rhonda na si Ursula, madalas daw siyang pumunta dito. Malapit daw kasi siya sa pamilya ng may ari. And it's only been a year and a half since it was established.
I actually find it weird na tunog witch ang pangalan niya. But, oh well, wala naman na 'kong paki doon. It's her name.
"Is it okay that your actress would be seen hanging out inside a bar?" tanong naman nito bago kami pumasok sa loob.
"Oh, nevermind them. You see, Maureen is also a human. She has a life! And she's already 19," sagot naman ni Madam Rhonda.
"You have a point." Tumango-tango ito. "Let's go!"
Siya na ang naunang pumasok at sumunod na lang kami ni Madam sa kanya. Hindi gaanong marami ang tao doon nang pumasok kami. Pero nakakabingi pa rin ang magulo at malakas na ingay na pinapatugtog. Isa pa ay nakakaduling din ang iba-ibang kulay ng ilaw na patay-sindi.
"Doon tayo sa taas," yaya naman ng kaibigan ni Madam.
Sinundan na lang ulit namin siya nang umakyat siya sa isang makipot na hagdan hanggang sa makarating kami sa pinakadulo ng hallway. Iyon daw ang VIP room na ni-rent ng kaibigan ni Madam.
"Hmm! This is nice huh?" komento ni Madam pagkapasok namin.
There's a flat screen TV at the center. Medyo dim din ang ilaw ng kwarto; a mixture of violet and pink light. Pagkatapos ay may sofa set at isang table sa gitna.
"Yes! Dito kami laging nagha-hang out ng ibang friends ko," sagot naman ni Ma'am Ursula.
"Oh, ba't 'di mo sila ininvite today?" tanong naman ni Madam.
"I did invite them, 'no. Mayamaya pa pupunta 'yong mga 'yon. Tsaka sa baba na lang kami magkikita-kita," sagot naman nito.
"E, bakit ka pa nag-rent ng VIP room?" takang tanong pa ni Madam Rhonda. Nang sandaling 'yon ay naupo na rin kami sa mahabang sofa.
"Naku, Mamá! Hindi ko ni-rent 'to 'no. Ang may ari ang nagsabi sa'kin na libre na raw 'to. E, nasabi ko kasi na kasama natin si Maureen," paliwanag namn nito. Kasabay noon ay sabay silang napatingin sa akin. Nahihiya naman akong ngumiti.
"Ay, bongga!" komento pa ni Madam.
"Don't worry. Dadaan siya dito mamaya. Gusto raw talaga niyang ma-meet si Maureen."
Hindi ko alam kung bakit parang kinabahan ako doon. Well, nowadays, it seems normal na gusto akong makita at makausap ng mga tao. But I am still here in Doña Blanca. Paano kong malalaman kung tagahanga ko lang ito o ano?
"Sino po ba'ng may ari nito?" tanong ko naman kay Ma'am Ursula.
"I'll introduce him to you later, my dear," sagot naman nito na ikinadismaya ko naman. Can't she just tell me kung sino? Para sana handa ako!
"Mau, do you want anything?" tanong naman ni Madam Rhonda.
"Kahit ano na lang po," walang ganang sagot ko.
Nakita kong napabuntong-hininga si Madam Rhonda pero hindi na rin nagsalita pa. Narinig ko naman na ipapadala dito ni Ma'am Ursula ang mga pagkain, at siya na raw ang bahala doon. Sa huli, kumain na lang ako ng sisig nila kasama ng ladies' drink na in-order sa akin ni Ma'am Rhonda.
Tahimik na lang akong kumain at uminom sa isang tabi, habang sila Madam naman ay nag-uusap. Hula ko ay ngayon lang ulit sila nagkita, kaya marami silang kwento sa isa't isa.
"Oh! Papunta na raw siya!" biglang sabi ni Ma'am Ursula kaya't napaangat ang tingin ko sa kanila.
I don't know but I really feel something about that owner. Pero baka naman nag-o-overthink lang ako?
"Oh! There he is!"
Kaagad akong napatayo at kaagad na napaawang ang mga labi ko nang makita ko kung sino ang taong pumasok. Shit! I knew it! Sabi ko na nga ba!
"Maureen, Rhonda, I would like you to meet, Mr. Apollo Lorenzino, the owner of this bar."
Doña Blanca, why do you have so many surprises for me? Of all the people, si Apollo pa talaga? Oh, tell me this would be the last.
Katulad ng dati, mayabang pa rin ang dating niya. Sa katunayan nga ay kaswal lang siyang ngumiti sa akin at inilahad ang kamay niya para makipagkamay sa akin. He still got the same vibes. Nakakabwisit pa rin ang dating niya.
"Pleased to meet you again, Maureen," sabi pa niya sabay ngiti nang malawak.
Ngumiti na lang ako at labag sa kalooban na tinanggap ang kamay niya. Parang gusto ko namang mapaatras nang maramdaman ang mahigpit na hawak niya sa kamay ko. Kung hindi lang ako nahihiya kay Madam at kay Ma'am Ursula, hindi ko ito talaga gagawin.
I could shake hands with anyone! Pero hindi sa mga Lorenzino. Not even with Zeus.
"Pleased to meet you too po," baling naman ni Apollo kay Madam Rhonda at nag-bow pa siya rito. Nginitian naman siya ni Ma'am Rhonda.
Pagkatapos noon ay nagsiupo na ulit kami. Sakto pa na nasa dulo ako ng mahabang sofa. Nakaharap ko tuloy si Apollo nang umupo siya sa ottoman na nasa harapan ko.
"I am really happy to see you, Maureen. I've been a fan of you since then. Nagpunta na 'ko sa ibang events mo, pero ngayon ko lang naisipang lumapit sa'yo. Glad you came back here," sabi pa sa akin ni Apollo.
"Well then, thank you for supporting me, Mr. Lorenzino," sagot ko naman sa kanya.
Pagkasabi ko naman no'n ay may inilabas siyang permanent marker mula sa bulsa ng pantalon niya. Ginawa niya 'yon habang nakatingin pa rin sa'kin at nakangiti. This guy is handsome, yes. But he could be creepy most of the time.
"Could you give me an autograph?" tanong niya sa'kin.
Pasimple akong umismid at tumingin sa gilid ko. Pero ibinalik ko pa rin ang tingin sa kanya at tipid na ngumiti. "Of course. Where?"
Ngumisi siya pagkatapos ay itinuro ang kanang dibdib niya. "Here."
Tinignan ko nang maigi ang daliri niyang nakaturo doon. Sa tingin ko ay nakatapat 'yon sa puso niya. Is he trying to be romantic? Oh well, it's not romantic for me. Hindi man lang ako kinilig. Napairap pa nga ako sa kanya nang gawin niya 'yon.
"Marurumihan ang damit mo, Mr. Lorenzino," sagot ko na lang sa kanya.
"I don't mind. And I don't consider it as a dirt. It's your signature," tugon naman niya.
Kanina ko pa talaga napapansin. Pasimple ba niya akong nilalandi? Kung oo, hindi ko nagugustuhan.
Tumingin naman ako kay Madam Rhonda para humingi ng pahintulot. Tumango naman siya nang marahan—na sa totoo lang ay hindi na niya sana ginawa. Napairap na lang akong muli at napabuntong hininga. Wala sa loob na kinuha ko ang permanent marker mula sa kamay ni Apollo.
Para makapirma nang maayos sa puti niyang polo ay kailangan kong humawak sa kanya. Kaya kahit hindi ako komportable ay inilapat ko pa rin ang kanang kamay ko sa kaliwang dibdib niya. Nang sandaling 'yon ay para namang bahagyang uminit ang paligid. Pakiramdam ko ay pagpapawisan ako.
Dahil sa pakiramdam na 'yon ay mabilis ko na lang ding tinapos ang papirma doon sa polo niya. Nang matapos ay lumayo akong kaagad sa kanya at walang imik na ibinalik ang permanent marker niya.
"Thank you, Maureen. Because you signed right here where my heart should be, this will be yours now." Ngumisi na naman siya sa akin.
Napangiwi naman ako at sinamaan ko siya ng tingin. Akala siguro niya natutuwa ako sa kanya, pero, kabaliktaran ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang ipahiya, kaya naman naisipan kong barahin siya.
"Your shirt?" maang-maangang tanong ko sa kanya.
Bahagya naman siyang napatawa at sinagot ako ng isang tanong, "You want my shirt?"
"Oh, nand'yan na raw sila," sambit ni Ma'am Ursula, kaya't nalipat naman sa kanya ang atensyon namin. Buti na lang din.
"Let's go, Rhonda!" sabi pa nito at excited na tumayo.
"Sorry, Ursula, but I think hindi ko maiiwan ang alaga ko nang mag-isa rito," matapang na sagot ni Madam Rhonda. See? Pati siya ay nainis na sa ginawa ni Apollo. Sino ba naman kasi ang matutuwa?
Natawa naman nang bahagya si Ma'am Ursula at sumagot, "Don't worry about Apollo. Ganyan lang talaga 'yan, but believe me. He has great respect for all. And if you don't believe me, don't worry, kasi may security cameras naman dito."
Hindi pa rin sumagot si Madam Rhonda at nanatiling nakatingin sa akin. Sobrang nag-aalala siguro siya sa akin. Pero kung ako ang tatanungin, ayoko rin namang maiwan dito kasama si Apollo. No way!
Tatayo na sana ako nang magsalita pa ulit si Ma'am Ursula, "Okay. Ganito na lang. Sunduin na lang natin sila, tapos bumalik tayo dito. Okay na ba 'yon?"
"Is it okay to you, Maureen?" tanong naman sa akin ni Madam Rhonda.
Ngumiti na lang ako para hindi na siya mag-alala pa. "I will be fine, Madam. It's just a few minutes. It won't kill me."
"She's right!" sang-ayon naman ni Ma'am Ursula. "Come on! Tara na!"
Napabuntong-hininga pa si Madam Rhonda bago siya tuluyang sumama sa kaibigan niya. Parang ayaw talaga akong iwan dito. Oh well, ayoko rin naman. Pero wala na talaga akong gana pang tumayo at lumabas.
"Your manager seems to dislike me," sabi sa akin ni Apollo pagkalabas nila. Sinundan pa niya ng tingin ang mga ito.
"I do also," sagot ko naman at matapang na sinalubong ang tingin niya.
"What do you hate me so much? Si Zeus pa rin?"
"I hate your presence. You're so annoying," sagot ko naman. Sumandal pa ako sa sofa at humalukipkip.
"Have you talked with my brother?" tanong pa niya sa akin. At talagang kakausapin niya 'ko kahit alam niyang naiinis ako sa kanya ha?
"Hindi ako nagpunta," walang emosyong sagot ko.
"Maureen, bakit hindi?"
Kaagad ko siyang tinignan. Is he serious? Noon, halos palayuin niya ako sa kapatid niya. Ngayon mamomroblema siya na 'di ko 'yon kinausap? What's his problem?
"Why do you guys insist that I should talk to him? Hindi n'yo ba maintindihan na parte na lang kayo ng past ko? Ayoko nang ma-involve sa kahit sino man sa inyo!" singhal ko sa kanya. Pagkatapos ay sarkastiko akong tumawa. "Yung mga kaibigan ko nga itinaboy na 'ko. Tapos kayo naman 'tong lapit nang lapit sa'kin?"
"Oh w-wait, Maureen," natatarantang sabi niya. Itinaas pa niya ang dalawa niyang kamay para patigilin ako. "Calm down."
Ayoko naman talagang sabihin lahat nang 'yon. Pati tuloy 'yung mga kaibigan ko noon nabanggit ko pa. But I just couldn't help it. Inis na inis ako dahil sirang-sira na ang araw ko!
"Basta. I won't talk to him. Wala na rin namang kailangang pag-usapan pa. Explaining and saying sorry won't make everything right," pagmamatigas ko.
"Sa totoo lang Maureen, gusto pa rin kita," pagtatapat pa niya, pero hindi na lang ako sumagot. "Pero may dapat kang malaman galing kay Zeus. Para na rin sa ikatatahimik ng isip mo."
"Then tell me! What do I have to know? You tell me!" paghahanon ko naman sa kanya.
Napabuntong-hininga naman siya at napayuko. Para bang sumusuko na sa katigasan ko. Pero ilang sandali rin ay sinalubong niyang muli ang mga mata ko.
"I'm not the one who should tell you everything. Let Zeus explain himself," sabi niya sa'kin.
Hindi na lang ako sumagot at nanatili nalang na nakatingin sa mesa habang nakahalukipkip. Ano man ang sabihin nila sa'kin, hindi na magbabago ang desisyon ko. And besides, aalis naman na ako dito bukas.
And I will leave all my sorrows here. I will bury my past here once I left tomorrow. Lahat sila— maliban kay Itay—ay parte na lang ng kahapon ko.
Itutuloy . . .