webnovel

Chapter 65

"Ba't parang mukhang alien ang anak namin, Doc?" Kinakabahan na tanong niya sa doktor ng asawa niya pagkatapos niyang makita sa screen ang itsura ng baby nila.

Kasalukuyang inu-ultrasound ang asawa niya para masilip na din nila ang anak nila sa loob ng sinapupunan ng asawa.

Malakas na tumawa ang doctor at ang assistant nito at ang akala yata ng mga ito ay nagbibiro siya. Pero damn! Kinakabahan siya kasi baka dahil sa ginawa ni Georgina sa asawa ay magkaroon ng complications ang panganay nila.

"Hubby!" Saway naman ng asawa niya sa kanya na natatawa rin.

Gumaan na lang din ang pakiramdam niya at mukhang natural lang din yata 'yong itsura ng baby nila. Nakalimutan niyang nurse pala 'tong asawa niya at hindi pa pala gaanong nadevelop ang mga organs ng anak kaya nagmukhang alien ito sa screen. Hindi niya tuloy naiwasang halikan ito sa mga labi lalo pa't tinatawag na siya nitong "hubby".

"Ikaw talaga, Mr. Sevilla. Your baby is perfectly normal. This is your baby's eyes, nose, mouth, heart..." Tinuturo-turo ng doctor nila ang mga parte ng katawan ng anak nilang korteng kasoy sa loob ng sinapupunan ng asawa niya sa screen.

Tumitingin talaga siya ng mabuti sa screen at hindi na niya maiwasang mapaluha ng marinig niya ang malakas na pagtibok ng puso ng panganay nila.

Anak nila 'yan! Ang panganay nila! Pinaghirapan niya ang paggiling sa taas ng asawa niya para mabuo lang ito!

Damn!

Hindi niya tuloy naiwasang halikan ulit sa mga labi ang asawa niya.

"T-Thank you, wife." Anas niya dito at pumatak din ang mga luha niya at mabilis na pinalis 'yon ng asawa niya sa pisngi niya.

"Do you want to know the gender of your baby, Mr. and Mrs. Sevilla?" Magiliw na tanong ng doktor sa kanila.

"M-Makikita na, dok?" Neexcite na tanong niya,

"Yes, pero hindi pa masiyadong accurate kasi masyado pang maaga. Pero mukhang tama na nga talaga ang nakikita ko dito sa screen. I presume mana sa ama?" Sabi ng doctor na ikinagulo ng isip niya.

Natatawa kasi ito at kahit ang assistant nito ay napapailing din sabay ngisi, habang ang asawa niya ay namumula na.

Ano kaya 'yon? Mana daw sa kanya? So, lalaki? Pero hindi pa naman daw accurate. Gusto niya sana babae.. pero kahit ano pa mang gender ng panganay nila ay okay na okay sa kanya. Basta ba'y healthy at normal lang ito at hindi rin mahihirapan ang asawa niya sa pagluwal dito.

Napatingin muna siya sa asawa niya. "Ikaw, wife?"

"Kaso.. uso ngayon 'yong gender reveal party, hubby.. Gusto kong masurprise din tayo sana kahit parang alam ko na..." Pabulong na sinabi nito ang huli.

"Hmm.. Okay, we'll do that then.." Sabi niya sabay halik ulit sa labi nito. "Kung ano ang gusto ng asawa ko, Doc." Pag-iimporma niya sa doctor.

"Sige! Congratulations pala ulit sa inyo! I'm pretty sure artistahin 'tong baby niyo lalo pa't ang ganda at pogi ng genes." Nangingiting sabi ng doctor sa kanila.

"Salamat, doc." Nangingiting sabi ng asawa niya.

"'Di ba, Doc. Ang sabi nila kung sino ang nasarapan habang naglalabing, eh sa kanya talaga magmamana ang baby?" Malokong tanong niya na ikinapula ulit ng asawa niya. "Mukhang sa 'kin talaga magmamana, doc."

Natawa tuloy ulit ang doctor at ang assistant nito.

"H-Hubby!" Nahihiyang saway ng asawa niya sa kanya kaya pinatakan na lang niya ito ng isang mabilis na halik sa mga labi.

Pagkatapos nila sa doctor nito ay binili niya agad ang mga bagong nireseta ng doctor ng asawa para dito. Bumili na rin siya ng gatas nito kahit marami pa daw itong stocks sa bahay ng mga in-laws. Pero dahil hindi niya ito i-uuwi mamaya at sa susunod pang mga araw ay kailangan niya talagang bumili at hindi na rin ito nakatanggi sa kanya.

At dahil mamaya pa ang surpresa niya sa asawa ay niyaya niya muna itong gumala muna sila. Gusto na niyang bumili ng mga kakailanganin ng anak nila. Pwede naman sana siyang mag-utos sa tulong ng isang personal shopper o mag online shopping na lang pero mas gusto niyang sila mismo ng asawa niya ang gagawa niyon at sa personal talaga.

Its their first child, after all.

"Let's do some shopping, wife, for our baby." Sabi niya dito habang naglalakad na sila sa parking lot ng hospital papunta sa direksyon kung saan niya pinark ang sasakyan niya kanina.

Gusto niya sanang buhatin ito ulit pero mukhang alam yata ng asawa niya ang gusto niyang gawin dito kaya pinandidilatan siya nito ng mga mata. So cute! Hinahawakan niya ito sa bewang kaya pinadausdos niya ang palad para mahimas ang tiyan nito.

"N-Now? Parang ang aga pa para bumili, hubby.."

"Nope. We should buy now. Gusto ko ng mapwesto ng maayos ang mga gamit ni baby sa mansion. I'm planning to add details to it, para maging maayos ang pag-aalaga natin kay baby. Should we buy another house, wife? Baka mabuntis ka kasi ulit next year, tapos sa susunod pang taon at sa susunod pa. Hanggang isa or much better dalawang dekada kang mabubuntis. Walang pahinga."

Kitang-kita niya ang pagmaang ng asawa niya habang nakatingin sa kanya.

"A-Anong akala mo sa 'kin, hubby? Breeder?"

Humagalpak talaga siya ng tawa sa sinabi nito. Nasa harap na sila ng sasakyan niya kaya pinagbuksan niya muna ito ng pinto bago siya lumipat sa driver's seat. Natatawa pa rin talaga siya sa sinabi nito habang ang asawa naman niya ay napapairap na.

"Wife, I'm just kidding. Every other year na lang? We can have our own baseball team kung gugustuhin natin.." Sabi pa niya ditong tinutukso ito.

"Ewan ko sa 'yo!" Asik nito ulit sa kanya.

Shit! Mukhang mapipikon na naman ang asawa niya sa kanya.

"Sorry na.. Joke lang naman, wife, eh.."

"O-Okay na kahit lima o anim..."

"Oh, sige. Basketball team pala ang gusto. Kunsabagay, naka three-point shot na pala ako." Malanding sabi pa niya dito sabay halik sa pisngi nito.

"T-Tse! Tara na nga, hubby!"

Kakapark lang niya sa isang kilalang mall, at gusto na sana niyang bumaba para pagbuksan ang asawa pero pinigilan siya nito.

"Hubby, magdiguise ka muna... Hirap na baka dumugin ka sa loob at pagalitan ka ni Lander.."

Honestly, he doesn't really care about his career anymore, but since naisip niya ang asawa niyang buntis ay kailangan nga niyang gawin 'yon. Hirap na nga talaga, baka magkatotoo ang sinabi nito at maging delikado dito kung mangyayari nga 'yon mamaya sa loob ng mall.

Guess, his plan of having a normal shopping day with his wife is not bound to happen today.

Sinuot na nga niya ang face mask niya para magmukha siyang may sakit bago siya lumabas at tuluyan na ngang pinagbuksan ang asawa niya. He immediately held her hand pagkatapos niyang pinindot ang auto lock ng sasakyan at sabay na nilang binagtas ang daan papasok sa mall.

Wala talaga siyang kaalam-alam kung saan sila makakabili ng mga gamit pang baby. He made some research for some baby stuff and necessities online, and what they need are crib with mattresses, stroller, baby car seat, clothes, diaper, feeding bottles, changing bag, bathtub, toys, and a whole lot more. And he's planning to buy all of those today.

Hinayaan niya ang asawa niyang igaya siya nito papasok sa isang malaking baby store. Mukhang nandoon nga lahat ng gusto niyang bilhing gamit para sa anak. Agad na may umasikaso sa kanilang sales lady.

"Halos lahat po ng items namin dito ay hypoallergenic po, Sir, Ma'am." Pag-iimporma nito sa kanilang mag asawa habang nagiikot sila.

Tumigil ang asawa niya sa isang crib at tiningnan ang tag niyon tapos lumipat ulit ito sa kabila bago ito lumapit sa kanya para bumulong.

"Ang mahal dito, hubby.."

"Don't mind the price, wifey. Take everything that suits your taste. C'mon."

"Punta muna tayo sa kabila. Subukan natin magcheck sa department store. Ang mahal talaga dito. Dollar ang price." Sabi nito sabay hila sa kamay niya pero hindi siya nagpahila dito.

"Wifey, its expensive because its high-quality. Dito na lang tayo. Sige na." He urged her, tapos ay tinuro niya ang unang crib na tiningnan nito. "I want this one."

"Hubby.. Ayoko namang maubos ang savings mo.." Pagpipigil nito ulit sa kanya.

"Wife.. Its our savings. Whatever I have is also yours.. kaya sige na.. This won't hurt my pocket at all. I told you kahit mag baseball team pa tayo hindi mauubos ang pera ko.." Mayabang niyang anas dito.

But he's telling the truth. Hinding-hindi talaga mauubos ang pera nila kung isasama pa niya ang pinamana ng ama niya sa kanila. Pustahan pa sila ng asawa niya. Kahit tatlong dosena pa ang anak nila at kahit ang mga apo nila sa tuhod ay kaya niyang buhayin.

"Ang sweet niyo naman po, Sir! Sige na, Ma'am! May promo naman po kami. First baby niyo po?" Sabi ng sales lady sa kanila.

Narinig yata ang sinabi niya kahit pabulong lang 'yon.

"Opo.." Sagot naman ng asawa niya.

"Ay! Congrats po! Sige na, Ma'am! Bibigyan ko po kayo ng malaking discount!" Ang saleslady ulit.

Napatingin muna ang asawa niya sa kanya. Dalawang beses niyang tinaas-taas ang kilay niya dito.

"S-Sige.." Pagsang-ayon na lang ng asawa niya at nagsimula na nga itong pumili ng mga baby items para sa anak nila.

Nasa counter na sila at kasalukuyang pinapunch na ang mga pinamili nila.

Parang may isang item pa kasi siyang nakaligtaan pero hindi niya talaga maalala. Nabasa niya din 'yon sa internet na kailangan daw ng mga misis na kakapanganak lang.

"Teka, wife, may hahanapin lang ako." Sabi niya dito sabay abot ng black card niya dito.

"Huh? Ano pang hahanapin mo? Tama na 'to lahat, hubby... Ang laki na ng babayaran natin oh.." Pagpipigil sa kanya ng asawa.

"Teka lang. Babalik ako agad.." Sabi niya dito sabay angat ng face mask niya para patakan ito ng isang mabilis na halik sa mga labi.

Nakarinig tuloy siya ng tili galing sa cashier at sa tatlong staff ng baby store. Kinikilig ang mga ito.

Yeah. He's already a fan of PDA, but he can't stop himself from doing it with his wife who looks so adorable.

Iniwan niya muna saglit ang asawa niyang namumula na naman, bago niya hinanap ang item na pilit niyang inaalala.

Damn! Para saan nga 'yong item na 'yon?

Nag-ikot-ikot muna siya and when he reached the feeding bottle lane at napatingin siya sa plastic nipple ay bigla na niyang naalala.

Breast pump pala!

He immediately looked for it, and the reason why they weren't able to see it at first is becase nakalagay 'yon sa pinakababa. Kinuha niya ang pinakamahal at ang automatic. Binasa pa niya ang paraan ng pagamit niyon.

Napangisi tuloy siya ng maalala ang rason kung bakit naisipan niyang bumili talaga niyon. Gusto niyang ipagdamot ang nipples ng asawa niya sa mga anak nila. Dedede rin siya doon!

Pero loko lang. Shit!

Gusto niya talagang bumili niyon para in case gagala sila ng asawa niya kasama ang anak ay makakainom pa din ng breast milk ang anak nila. At ayaw din niyang mangyari na masilipan ang asawa niya ng ibang tao. His wife's private parts are for his eyes only. Pwede ring for their children basta huwag lang ang ibang tao! Hirap na baka may masuntok pa siya.

Tumingin ulit siya sa iba pang breast pump brands na nandoon at kinuha din niya ang isang manual ang pag gamit. Bumalik na ulit siya sa asawa niya na nanatiling nakatayo sa counter at nakadikit ang tingin sa mga hawak niya. Alam niyang inaaninag nito ng mabuti ang mga 'yon at noong nakalapit na siya ng tuluyan dito ay agad na namula ulit ang buong mukha nito.

"Hubby..." Nahihiyang anas nito.

"What? Its a necessity, wife." Sabi niya dito sabay lagay niyon sa taas ng iba pang pinamili nila na hindi pa napapunch ng cashier.

Napakagat-labi na lang ang asawa niya at tumalikod sa kanya. Natatawang niyakap na lang niya ito.

Masiyadong marami talaga silang pinamili kaya inabot sila ng isang oras doon sa cashier. Binigyan din sila ng malaking discount ng manager na sinabihan ng umasikaso sa kanilang sales lady kanina. Ang ibang malalaki at mabibigat na gamit pambata ay idedeliver na lang sa mansiyon nila.

Lampas ala una na ng hapon kaya doon na lang din sila kumain ng tanghalian ng asawa niya sa mall. Pinili talaga nila ang restaurant na walang masiyadong tao at may secluded area.

May apat na oras pang natitira bago magaganap ang surpresa niya sa asawa. Ang sabi ni Carl ay hindi pa daw tapos ang mga nag-aayos doon sa resthouse niya. Tapos ang mga pagkain na pinaluto at pinagawa niya para sa dinner nilang mag-asawa sa isang kilalang chef ay kasalukuyan pa lang daw niluluto.

More or less apat na oras pa daw. At oo, sa rest house niya naisipang ganapin ang sorpresa niya sa asawa. Wala na siyang iba pang maisip na lugar kung saan tahimik at masosolo rin niya ang asawa. Nakulangan kasi siya ng oras. Babawi na lang siya ulit dito kapag naayos na lahat ng inaatupag niya.

"Wife.. Manood muna tayo ng sine.." Sabi niya dito habang kumakain na sila ng dessert.

"Hmm.. Sige." Pag sang-ayon din nito agad.

Nakita pa niya ang pagkislap ng mga mata ng asawa niya kaya tama din pala ang naisip niyang gawin nila habang nag-aantay ng oras.

He let his wife choose kung anong movie ang gusto nito, at natawa siya ng pinili nito ang horror genre.

"Sigurado ka dito, wife? Baka umihi ka sa takot mamaya." Pagloloko pa niya dito.

"Nandiyan ka naman eh. Sige na.. Gusto ko 'yan. Ang daming good reviews eh tapos may romance pang kasama. Crush ko din 'yong bida."

"W-What? Akala ko ba ako lang ang crush mong artista, wife?" Pag rereklamo niya dito. "Ang pangit niyan eh!"

Tangina! Nagselos siya! Sa hollywood actor pa!

"Luh! Pogi kaya!" Sabi pa nito sa kanya na parang kinikilig.

"Ayoko niyan! Iba na lang ang panoorin natin!" Pagmamaktol niya.

"Hubby!" Saway nito sa kanya. "Sige, kung ayaw mo niyan umuwi na lang tayo..."

Hays!

Kaya ayon, wala na siyang nagawa kundi pumayag na lang sa gusto ng asawa. Pagkapasok nila sa loob ay agad niyang inangat ang arm chair sa gitna nila para libre niyang mayakap ang asawa. Kunti lang ang nanonood at pinili din nilang umupo sa pinakagilid para magawa niyang tanggalin ang face mask na suot.

May naisip na siyang plano kanina para hindi magselos sa bida ng movie na 'yon. Napangisi na lang siya dahil hindi napapansin ng asawa niya ang ginagawa niya. Kapag ifofocus kasi ang camera sa bida ay hinahalikan niya ang asawa para hindi nito makita ang artista sa malaking screen.

And it works.

Halos hindi na nga sila nakapanood ng maayos ng asawa. Bida pa kasi ang lalaki kaya malamang na parati itong finofocus. But at least he's fucking happy, because he finally completed one of his bucket list, and that is to normally watch a movie with his wife in a public movie theatre.

Next chapter