webnovel

Chapter 56

Nakaupo silang apat sa labas ng ER at inaantay ang sasabihin ng doktor na umaasikaso ngayon sa ama niya. Kanina pa siya tulala habang nakatingin sa sahig. Natatakot na siya sa posibleng mangyari sa ama.

Hindi niya lubos maisip, ni matanggap na siya ang magiging rason kung sakaling may masamang mangyari sa ama niya ngayon. This is his first time to wait outside the ER, at nakakakaba pala ang ganito.

Rinig din niya ang paghikbi ng asawa niya kahit na malayo ito sa kanya dahil nasa kabilang waiting chair ito nakaupo. Pero hindi niya ito magawang tingnan.

Nasasaktan pa rin siya sa email na natanggap niya kanina pero ngayon lang niya narealize na sobrang padalos-dalos ang ginawa niyang pagsumbat dito kanina without even listening to her side of the story. Pinagbasehan niya lang ang natanggap niyang email na alam naman niyang pwedeng manipulahin ng taong nagpadala sa kanya. Isang dekada na siya sa showbiz industry tapos hindi niya man lang naisip 'yon? Hanggang sa umabot pa siya sa desisyong pasakitan ang asawa niya kaya nasabi niyang nais niyang makipag divorce dito!

Fuck!

He's fucking regretful for what he say or did back on the mansion. He didn't mean everything he say lalo na ang makipagdivorce sa asawa niya. Aalis nga sana siya para pakalmahin ang sarili pero babalik pa rin siya sa asawa niya.

But then this happened to his father.

At sino ang dapat na sisihin sa nangyari?

Walang iba kundi siya.

Malapit na siya sa mansiyon niyon noong natanggap niya ang email. He went berserk lalo na ng paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang sinasabi ni Georgina sa kanya dati tungkol sa asawa niya. Naging sarado na ang utak niya sa anumang eksplanasyon ng mga ito, for he got succumb with too much jealousy. Lalo na sa nadatnan niyang eksena sa kwarto. Parang pinatunayan lang na totoo nga ang natanggap niyang pictures at video. Kaya mas lalo lang siyang nawala sa sarili.

Pero mahal na mahal niya ang asawa niya, kaya bakit hindi niya nagawang paniwalaan ang mga sinasabi nito? Bakit hindi siya nagtitiwala dito?

Kasi mas nangingibabaw ang insecurities niya, at ang pagkagago niya. Ang pagka walang kwenta niya. Siya na ang pinakadakilang gago! Pinaiyak na naman niya ang asawa niya, at naisugod na naman sa pangalawang beses ang ama niya sa hospital dahil sa kahayupan niya.

Ngayon, hindi niya alam kung ano ang gagawin o sasabihin para lapitan ang asawa niya. He wanted to comfort her, and he wanted her to comfort him, as well. Kailangan na kailangan niya ngayon ang pampagaan ng loob na kayang ibigay ng asawa niya sa kanya. Pero hindi niya maigalaw ang buong katawan sa sobrang panghihina. He can't even afford to look at her because of too much guilt.

Siguro mamaya na lang kapag okay na ang ama niya, susuyuin niya agad ang asawa niya at manghingi ng tawad dito. Kahit lumuhod pa siya sa harap nito ay gagawin niya basta mapatawad lang siya nito.

Hihingi din siya ng tawad sa ama niya sa lahat ng nasabi niya kanina at mga nagawa niya dati pa. Gagawin niya talaga ang lahat para mapatawad siya ng dalawang taong importante sa buhay niya na alam niyang nasaktan niya ng sobra.

Siya na ang pinakamalaking gago sa lahat ng gago.

'Lord. Alam kong makasalanan akong tao at hindi ako naging mabuting anak sa ama ko. But please don't take him away from me. He's the only parent I have. Patawarin Niyo po ako sa mga kasalanan ko. Babawi pa ako kay dad, Lord. Kailangan ko pang bumawi.' Dasal niya sa isip niya.

"T-Tahan na, iha. Makakasama 'yan sa 'yo.." Dinig niyang sabi ni Manang Rosa sa asawa niyang patuloy pa ring umiiyak sa tabi nito.

Hindi dapat si Manang Rosa ang nasa tabi nito. Dapat siya! His wife fucking needs him!

Akmang tatayo na sana siya para malapitan na ang asawa niya ng biglang bumukas ang pinto at niluwa niyon ang doktor na umasikaso sa ama niya kanina. Nakaramdam agad siya ng kaba ng makita ang lungkot at panlulumo ng doktor habang nakatingin sa kanya.

Kahit nanginginig ang mga paa ay nagawa niya pa ring tumayo para lumapit sa doktor.

"Doc, k-kumusta ang a-ama ko?" Nakita niyang napatayo na rin ang tatlo at lumapit sa kanila ng doktor.

'Tell me my dad's okay! Tell me he's fucking okay!'

Narinig nila ang malalim na pagbuntong-hininga ng doktor bago ito umiling. "I'm sorry, Mr. Sevilla, we tried our best to save him, but-"

Singhapan agad ang narinig niya sa tatlo.

"No, no, no. N-Nagsisinungaling ka lang, dok! My dad is fine! I know he will make it. M-Malakas ang ama ko! He can't.. He can't die!" Sabi niyang hindi makapaniwala pero tumulo na ang mga luha niya.

The weary doctor tapped his shoulder lightly. "I'm sorry."

"Fuck!!! No, no! No! H-Hindi yan totoo!" Hindi na niya napigilan ang sarili at tumakbo na siya papasok sa ER para makita ang ama habang naririnig pa niya ulit ang paghingi ng tawad ng doktor sa kanya.

But when he got inside, nurses are already attending to his dad's lifeless body. Tinatanggal na ng mga ito ang mga aparatong nakakabit sa ama. Nakita rin niya ang flatline sa monitor ng ECG.

Mabagal siyang lumapit sa mga ito. Noong nakita siya ay agad na umalis ang mga ito at hinayaan siyang makalapit ng tuluyan sa ama.

"D-Dad..." Tawag niya dito at agad na tinapik-tapik ang balikat nito. "Dad.. wake up.."

But his dad fucking remained still. Nanginginig ang kamay na dinama niya ang leeg nito to feel his pulse. He tried his wrist too pero wala pa din. Wala siyang naramdaman. He tried to check his breathing, p-pero wala na.

Wala na talaga.

Wala na ang ama niya.

"Dad! Don't do this! D-Don't leave me, dad! Please! Please gumising ka na, dad! Bumangon ka na!!" Sabi niya at niyugyog ang katawan nito ng paulit-ulit hanggang sa nawalan na siya ng lakas at binagsak ang ulo niya sa taas ng dibdib nito at niyakap ito.

"P-Patawarin mo ko. Patawarin mo 'ko, dad.. Hindi.. H-Hindi 'to totoo! Hindi!" He screamed in his dad's chest habang inuulit ang pagyugyog sa balikat nito.

Pinagsusuntok pa niya ang dibdib nito baka kasi gumana ulit 'yon. Baka mabuhay ulit 'to!

"S-Senyorito.." Tawag ni Manang Rosa sa kanya na umiiyak din at naramdaman niya ang paghaplos nito sa likod niya.

Tinigil na niya ang pagsuntok sa dibdib ng ama at yumakap na lang dito habang patuloy na umiiyak sa dibdib nito. Hindi na talaga tumitibok ang puso ng ama niya. Nawawalan na siya ng lakas at hindi na niya inalintana ang presensiya ng mga tao sa paligid niya.

Maya-maya lamang ay may humahangos na dumating papunta sa kanila. Pumwesto ito sa gilid niya.

"E-Eduardo.."

Naiiyak na boses ang narinig niya at alam na niya kung sino 'yon.

Napaangat siya ng tingin sa bagong dating. She looks exactly like his mother at kitang-kita niya ang sakit na lumatay sa buong mukha nito habang umiiyak na nakatingin sa ama niya. Napansin na yata nito ang pagtingin niya dito kaya napabaling na rin ito sa kanya.

"I-I'm sorry. Patawarin niyo 'ko.. Patawad.." Sabi niya dito.

Paulit-ulit nitong iniling ang ulo at yumakap sa kanya kaya napayak rin siya dito.

"Mahal na mahal ka ng ama mo, Bryan.. He loves you too much na napatawad ka na niya, napatawad ka na namin kahit hindi ka pa nanghihingi niyon." Sabi nito sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya.

Hindi na rin niya napigilan at mas lalo siyang napaiyak sa balikat nito. He can feel his father's presence noong nakakulong siya sa mga bisig ni Selena. He pour out all of his frustrations, pain, regrets, anger, and resentment of himself through his tears and sobs.

He don't deserve their forgiveness. Bumabalik lahat ng ginawa niya simula ng lumayas siya and how he loathe his father so much that he hastily decided to leave home and live on his own.

Hindi man lang niya pinakinggan ito!

Ang daming araw, buwan, taon, oras, minuto, at segundo ang sinayang niya! Hindi man lang niya nasabi, napakita, at naiparamdam sa ama na mahal na mahal niya ito. At pinapatawad na niya ito sa mga ginawa nito sa kanya.

But now, he fucking realized na siya dapat ang manghingi ng patawad sa mga ito, not them. Hindi dapat ang ama niya ang nakikiusap na patawarin niya ito dahil ang tanging layunin lang nito ay para sa ikabubuti niya. Ngayon niya pa talaga narealize 'yon kung kailan huli na ang lahat. He's fucking too late because his father is already gone. And its all his fault!

"I'm sorry, Mr. Sevilla, we tried our best to save him.."

'Yon ang pa ulit-ulit na nagpiplay sa isip ni Kyra habang tulala na nakaupo sa labas ng ER. Manang Rosa tried to pull her up para sumunod sila kay Bryan na nauna ng pumasok sa loob. Pero mariin siyang tumanggi dito kaya napilitan itong pumasok habang naiwan naman siya sa labas.

Her father-in-law is already pronouced dead at hindi niya kayang makita ang katawan nito.

Hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat ng nangyari ngayong araw na 'to. She almost got violated, her husband accused her of cheating, and now, patay na ang butihing father-in-law niya.

Sinisisi niya ang sarili sa lahat ng nangyari. Kasalanan niya 'to lahat at hindi niya mapapatawad ang sarili sa nagawa niyang pagkakamali. She deserves to be hated and despised by Bryan, kasi kahit siya ay kinamumuhian na ang sarili niya.

Ang akala niyang makakatulong sa ibang tao ay matinding pagkakamali pala. Sinabi pa niyang sinakripisyo niya ang sarili niya para sa mga ito pero ang resulta ay siya rin pala ang naging rason kung bakit mas gumulo ang pamilya Sevilla.

She tried to help dad para maging maayos ito at si Bryan, pero siya pa pala ang naging rason ng pagkamatay nito.

She tried to help mama Selena para matuloy na ang kasal nito at ni dad pero siya din pala ang rason kung bakit hinding-hindi na 'yon matutuloy kailanman.

She also tried to help Bryan and Arthur para maging maayos at maibalik ang naudlot na pagkakaibigan ng mga ito, pero mali pala.

Sobrang mali ng desisyon niya.

Mas lalo lang nagkasira at nagkagulo ang mga ito dahil sa pagdating niya sa buhay ng mga ito at ngayon ay wala na si dad.

Does she even deserve to call him dad? Deserve pa ba niya ang mapabilang sa pamilyang 'to?

Mas lalo siyang napaiyak sa naisip.

Bigla na lang niyang naalala ang baby nila ni Bryan na kasalukuyang nabubuhay sa sinapupunan niya. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya 'yon at hinaplos 'yon ng marahan.

Hindi pa pala niya nasabi kay Bryan na buntis siya, pero kinakailangan niya pa bang sabihin 'yon dito ngayon?

Natatakot siya sa maaaring sabihin nito. Baka ikaila pa nito ang anak nila. Baka sabihin nitong anak 'yon nila ni Arthur at hindi ito ang ama. Baka saktan siya nito. Ayaw niyang maranasan ng anak niya ang pagtakwil dito ng sariling ama, kaya mas mabuti pang itago na lang muna niya ito kay Bryan.

Bryan wants to divorce her and paniguradong mas lalo itong nagalit sa kanya dahil sa pagkawala ng ama nito.

Kasalanan niya 'to. Kasalanan niya lahat. Kaya kung gusto talagang makipaghiwalay ni Bryan sa kanya ay hahayaan na niya ito. Hindi rin niya gagamitin ang anak para manatili si Bryan sa kanya.

Sobrang sakit ng puso niya but she deserves this pain for her wrong decision. Isang pagkakamali ang ginawa niya at grabeng consequences ang naging kapalit niyon.

Sa ngayon, hindi lang dapat ang sarili niya ang isipin niya. May anak ng maiinvolve sa lahat ng desisyon niya.

Ba't kasi hindi man lang niya naisip ang kahihinatnan ng pagdedesisyon niyang makipag-ayos kay Arthur at pag-ayusin ang dalawa?

Kahit ano pang sabihin o gawin niya ngayon. Kahit anong pagsisisi pa sa sarili ang gagawin niya ay hindi na nito maibabalik si dad. Hindi na nito maibabalik ang buhay ni dad. She made a very huge mistake and she can never undo it, unless na lumayo siya at hayaan na lang si Bryan sa gusto nitong maghiwalay na sila.

"I'm sorry, baby. Hindi mo na makikilala ang lolo mo sa ama. And its all because of me.. Its mama's fault, anak. Baka.. Baka hindi mo na rin makikilala si dada. Mapatawad mo sana ako.." Sabi niya sa anak habang patuloy na hinihimas ang tiyan niya.

ตอนถัดไป