Twenty-three days na ang nakalipas simula ng bumyahe na palabas ng ibang bansa sina Bryan. At katulad ng unang pagkalayo nila sa isa't-isa ay ganoon pa din ang routine nila. He always call or send her a text message kapag may oras ito. 'Yon nga lang ay magkaiba na talaga ang oras nila.
Parati niya tuloy pinapakanta dito ang Magkabilang Mundo ni Jireh Lim. Feel na feel din naman nitong kantahin 'yon. Feeler sila eh! Tapos kinikilig naman siya sa ganda ng boses nito.
Naisip nga niya na siguro kung aabutin ng sobra pa sa isang taon ang pagkakalayo nila ay hindi talaga siya papayag na maiiwan dito sa Pilipinas. Baka sasama talaga siya dito at hindi na iisipin ang sasabihin ng mga fans nito. 'Yon nga lang ay iisipin pa rin niya ang father-in-law niya na maiiwan kung sakali.
Katulad din dati ay sinasama din siya nito sa mga lakad nito. Hindi nga lang siya sumasama kung pupunta ito sa sementeryo para bisitahin si mom. Nakiusap kasi ang asawa niya sa kanya na sabay na silang tutungo doon pagkatapos ng tour ng mga ito kaya pumayag na rin siya.
Kakagising lang niya ng kinatok siya ni Manang Rosa sa kwarto nilang mag-asawa. Pinapababa na siya nito para mag agahan kasi lampas 9am na.
"Mamaya na po siguro ako, Manang. I don't feel good po." Sabi niya dito pagkatapos niya itong pagbuksan ng pinto.
Ewan niya kung bakit, pero lately ay tinatamad na siyang gumalaw. Pumasok na rin sa isip niya na baka buntis siya kaso hindi naman kasi siya nasusuka sa umaga. Pagod lang talaga ang katawan niya. Inisip na lang niya na baka napagod lang siya sa mga lakad nila ni dad kasi nga tinuturuan na din siya nito tungkol sa business ng mga ito.
Gusto ng father-in-law niya na maging katuwang siya ni Bryan pagkatapos nitong ibigay ang buong negosyo nito sa asawa niya. Pumayag na lang din siya kasi wala naman talagang ibang magmamana niyon kundi ang asawa niya, and she wants to help them too. Lalo pa't Sevilla na rin siya.
Lumapit si Manang Rosa sa kanya at dinama ang leeg niya. "Hindi ka naman mainit, Senyorita."
"Manang!" Saway niya dito kasi ayaw niyang tinatawag siya nitong senyorita.
Natawa na lang ito at agad na umiling-iling. "Oo na, Kyra, iha. Hindi kaya'y buntis ka na?"
"Sana nga po, Manang. Kaso hindi naman po kasi ako nasusuka tsaka wala rin akong parang pinaglilihian. Baka napagod lang po talaga ako o baka dahil parating na rin po ang regla ko ngayong linggo." Sabi niya dito.
Kaso meron naman kasing ibang cases na walang symptoms ng pregnancy pero buntis pala.
"Pero baka mas mainam na 'yong magpacheck-up ka, iha. Para makasigurado lang." Suhestiyon pa nito sa kanya.
"Sige po, Manang. Baka magpapabili na lang po muna ako ng pregnancy test." Sabi naman niya dito.
"Oh, sige. Mas mabuti pa ngang bilhan kita mamaya at aalis naman ako." Sabi nito. "Sana makabuo na kayo ng baby ni Senyorito para naman mas magkaroon ng buhay dito sa mansiyon."
"Oo nga po, Manang, eh. Sana magdilang anghel po kayo. Para magkaroon na kayo ng apo." Sabi naman niya dito na siyang ikinangiti nito.
Hindi na kasi nakapag-asawa si Manang Rosa kaya nga ang buong akala niya talaga noong unang dating niya dito ay suplada ito. 'Yon pala ay napili nitong maging strikta para umayos sa pagtatrabaho ang ibang mga kasambahay.
"Oh, siya. Magpahinga ka na muna. Papahatiran na lang kita ng agahan mo. Mahirap na at baka may apo na nga kami diyan." Sabi nito sa kanyang nakangiti pa din at agad ng sinarado ang pintuan ng kwarto nila ni Bryan.
Nahiga nga siya ulit at agad na hinawakan ang impis niyang tiyan. Napangiti tuloy siya habang dinadama 'yon. Sana nga nakabuo na talaga sila ni Bryan, kasi paniguradong sasaya talaga ang asawa niya.
Parati pa naman 'yon nagtatanong kung nagkaka morning sickness na ba siya. At kahit kitang-kita ang pagkakadismaya sa mukha nito kapag sinasabi niyang hindi pa ay sinasabi nitong gagalingan na lang nito ulit pag-uwi nito. Baka daw kasi hindi nito nashoot ng mabuti. Magtry din daw sila ng iba pang positions sa kama baka kailangan daw nilang gawin 'yon para diretso buntis daw siya.
Loko-loko talaga.
Pagkatapos niyang kumain ng agahan na hinatid sa kwarto niya ay napagpasyahan niyang matulog na lang ulit. Siniguro muna niyang naka high-volume ang phone niya bago siya natulog. Para marinig niya kung sakaling tatawag ang asawa niyang nasa California ngayon.
Nagising na lang siya ng makarinig siya ng katok sa pintuan. Agad siyang lumapit doon at si Manang Rosa pala 'yon ulit na nakabili na ng pregnancy test niya. Dalawang piraso 'yon na iba-iba ang brand.
"Thank you po, Manang!" Sabi niya agad dito. "Pasok po muna kayo para ikaw po ang mauunang makaalam if magkakababy na talaga kami ni Bryan."
"Sige, iha!" Sabi naman ni Manang Rosa na mukhang mas excited pa sa kanya.
Nagmadali siyang pumasok sa CR. Ramdam niya ang tambol ng puso niya noong binuksan niya ang dalawang tests at ginawa na nga ang procedure. Mas lalong tumambol ang dibdib niya habang nag-aantay ng tatlong minuto para sa resulta.
Shocks! Parang hihimatayin ako!
Nagbilang na lang siya hanggang 180 para kumalma ng unti.
"One-hundred eighty!" Pagtatapos niya sa pagbibilang at agad niyang inabot ang dalawang frog test na nilagay niya sa sink para tingnan ang resulta.
Pakiramdam niya'y tumigil ang paghinga niya sa nakita at napatulala na lang siya habang nanatiling nakatutok sa dalawang bagay na hawak niya na may parehong resulta.
"Kyra, iha?" Tawag sa kanya ni Manang Rosa.
Patakbo siyang lumabas ng banyo at agad na binuksan 'yon para yakapin si Manang Rosa. Umiiyak din siya sa tuwa habang yakap-yakap ito.
"Iha! Buntis ka!!!" Maligayang sabi ni Manang Rosa ng pinakita na niya ang hawak niya dito.
Same result, bes! Positive bes!
"Opo! Opo!" Sabi niya at tumalon-talon pa pero agad siyang sinaway ni Manang Rosa.
Sorry naman! Masaya siya eh! Hehe!
Magkakababy na sila ni Bryan!
"Dapat maging maingat ka na! Naku! Sabihan mo na ang asawa mo! Sabihan mo na din si Don Eduardo at mga magulang mo! Naku! Paniguradong matutuwa ang mga 'yon! Congratulations sa inyo, iha!" Maligayang sabi ni Manang Rosa sa kanya.
"Opo, Manang! Maraming salamat po! Buti na lang at binilhan mo 'ko ng tests! Thank you, thank you po!" Sabi niya dito at agad na niyakap ito ulit.
Sinabi pa nito na hindi daw ito magsasabi sa mga ibang kasambahay kahit kay Don Eduardo. Dapat ay sa kanila daw talaga manggaling ni Bryan ang pagpapa-alam sa mga magulang nila tungkol sa pagbubuntis niya. Nagpaalam na rin muna ito sa kanya at kukuhaan daw siya ng gatas. Pagkatapos ay niremind rin siya na magpahinga at huwag tumalon-talon at baka mapaano daw ang apo nito. Sumang-ayon naman siya agad sa sinabi nito at agad na nga itong lumabas ng kwarto nila para kumuha ng gatas para sa kanya.
Sharp shooter naman pala ang halimaw niyang asawa! Jusko!
Bumalik muna siya sa CR para hugasan ang mga kamay niya bago siya lumapit sa kama para kunin ang phone niya at picturan ang mga pregnancy tests na ginamit niya. Naeexcite na siyang tawagan si Bryan pero tinext na lang muna niya ito baka busy pa kasi ito. Tiningnan niya ang orasan, its 11am na at 8pm naman doon sa California.
Usually, ay ganitong oras tumatawag ang asawa niya simula noong nakarating ang mga ito sa America four days ago. Pero naisip na lang niya na baka busy pa talaga ito kaya hindi nito nagawang magreply sa text niya. Ayaw naman niyang paulanan ito ng texts, kasi baka makahalata ito. Gusto pa niyang isurprise ito at sabihin dito face-to-face kahit sa camera lang na buntis na siya. Naeexcite tuloy siyang makita ang reaksyon nito sa sasabihin niya.
Isang oras na ang lumipas at hindi pa rin talaga nakareply ang asawa niya. Kahit gusto niyang sabihan na rin ang mga magulang ay mas gusto niyang mauna munang makaalam ang asawa niya. Nakatingin pa rin siya sa screen ng cellphone niya ng kinatok na siya ni Manang Rosa na manananghalian na daw sila ni Don Eduardo.
Sinabi niya kay Manang Rosa na hindi pa nakatawag ang asawa niya kaya hindi pa niya napaalam sa huli. Pareho sila ng naisip na baka nga busy pa talaga si Bryan. Dinala na lang niya ang phone niya noong bumaba siya, just in case na tumawag nga si Bryan sa kanya ay masasagot niya agad 'yon. Hirap na hirap din siyang itago ang excitement sa harap ng father-in-law niya habang kumakain sila pero kailangan muna niyang itago, total mamaya kapag tumawag na si Bryan sa kanya ay sasabihan na rin niya ito.
Malapit na mag 3pm at mag mamadaling araw na doon sa California pero hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatawag si Bryan sa kanya, ni reply sa text niya wala. Iba-iba na tuloy ang naisip niya. Pero huwag naman sana. Kahit nag-aalinlangan pa siya ay siya na lang mismo ang tumawag sa number nito.
Nakalimang ring na bago nito sinagot ang tawag niya. Pero hindi naman ito nagsalita at maingay na background lang ang naririnig niya na parang club music ang pinapatugtog. May mga boses din na nageenglish.
'Nasa bar yata siya?'
Minsan nagbabar talaga ang mga ito pero parating nagpapaalam sa kanya si Bryan. Ngayon lang talaga na hindi nito nagawa 'yon kaya nakaramdam tuloy siya ng kirot sa puso niya.
"H-Hubby?" Siya na lang ang naunang nagsalita tapos bigla ay may narinig siyang isang boses na malapit yata sa phone ng asawa niya kaya dinig na dinig niya 'yon.
Hinding-hindi niya makakalimutan ang boses na 'yon sa tanang buhay niya.
"Honey! Drink this!"
Napalunok muna siya at kahit nanginginig na ang mga kamay ay hindi niya pa rin binitawan ang phone niya.
"I'll just go to the restroom." Dinig niyang boses ng asawa niya na namamaos na at kahit medyo malayo 'yon ay naging klaro pa rin sa tenga niya.
"All right, honey! I'll come with you."
Pagkatapos ay nakarinig na siya ng mga yabag sa kabilang linya.
"Honey! You're so drunk! Come here." Pagkatapos ay tawa nito ang narinig niya.
"Fuck!" Dinig niyang mura ng asawa niya at tumawa rin.
Maya-maya lamang ay mukhang lumayo na nga ang mga ito sa ingay. Nakarinig siya ng pagsarado ng pinto at pagkalabog. At nadurog na lang puso niya ng makarinig siya ng kakaibang tunog na pamilyar sa kanya.
Naghahalikan ang mga ito.
"Oh, honey." Dinig niyang ungol ni Georgina.
Mabagal niyang binaba ang phone niya at nanginginig ang daliring pinindot ang end button. Ayaw na niyang makinig. Baka mamamatay na siya kung ipagpatuloy niya pa 'yon.
Doon na lang rin niya namalayang umiiyak na pala siya. Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha niya at hindi na niya napigilang kumawala ang malalakas niyang hikbi. She buried her face on her pillows para hindi masiyadong marinig 'yon sa labas.
Pakiramdam niya'y pinaghihiwa ang puso niya na walang anesthesia at nilamukos 'yon ng paulit-ulit.
She gave Bryan her whole trust na kahit alam niyang may posibilidad na magkikita nga ito at si Georgina sa America ay naniniwala siyang wala na talaga itong nararamdaman sa ex nito. Na wala ng mamamagitan sa mga ito. Kasi sabi nito siya na ang mahal nito eh. Ito pa nga mismo ang nakipaghiwalay, 'di ba? Kasi nasigurado na nitong siya na ang mahal?
Kaya paano na 'to? Paano na sila? Paano na siya?
Baka narealize ni Bryan noong nagkita ang mga ito ulit na si Georgina talaga ang mahal nito at nadala lang ito dahil kasal sila? Tapos mali pala talaga ang akala nitong mahal siya nito?
Hindi pa rin talaga matigil ang mga luha niya, lalo na noong pumasok sa isip niya na baka nag aanuhan na ang asawa niya at ang ex nito sa mga oras na 'yon.
Tapos siya eto.
Umiiyak.
Unang-una pa lang ay mas malalim na talaga ang pinagsamahan ni Georgina at Bryan kaya ano ba talaga ang laban niya kay Georgina?
Pero bigla na lang siyang may naalala na siyang nagpatigil sa kanya sa pag-iyak. Agad na dumapo ang kamay niya sa tiyan niya at magaan na hinimas 'yon.
"I'm sorry, baby. Umiiyak si mama. Mama will be strong from now on, promise. Ikaw ang magiging rason ni mama para maging strong siya." Kausap niya sa anak niyang kahit alam niyang dugo pa lang ay parang nagrereact dahil sa sinabi niya. Bigla kasing gumaan ang pakiramdam niya.
Bigla na lang siyang nagkaroon ng plano habang patuloy na hinihimas ang tiyan niya. Kung magkakabalikan nga si Bryan at Georgina ay hahayaan na niya ang mga ito. She's very willing to let Bryan go and have his happiness with Georgina. Hihintayin na lang niya ang tawag nito at pagsasabi ng totoo.
Mabuti na lang talaga at mukhang nasagot yata ni Bryan ang tawag niya ng hindi nito namalayan. O baka nga sinadya pa nito 'yon. Pero aantayin niya pa din ang tawag nito but this time hindi na siya maniniwala kung sasabihin nitong mahal siya nito. Maniniwala na lang siya kung ang sasabihin nito ay tungkol dito at kay Georgina.
Ang importante sa ngayon ay maiiwan sa kanya ang anak niya. Itatago niya ito. Hinding-hindi niya sasabihin kay Bryan na buntis siya kung sakaling sasabihin nito na maghihiwalay na sila habang nasa America pa ito. Sisiguraduhin niyang ilalayo niya ang anak niya dito. She needs to spare and protect her baby from this pain and heartbreak.
Kung tatawag pa nga ito sa kanya ay sisiguraduhin niya na walang bakas ng pagkatalo ang boses niya. Pakikinggan niya pa rin ang mga sasabihin nito and she's going to take everything bravely. She needs to ready herself for now, kung sakaling sasabihin na nga ni Bryan ang masakit na katotohanan sa kanya.
Napangiti na lang siya habang patuloy na hinihimas ang tiyan niya.
"At least, I have you, baby."