- Angela -
NAKAKULONG lang siya sa kwarto niya at walang kinakausap kahit isa. Wala siyang ginagawa kundi ang umiyak ng umiyak. Hindi niya alam kung kailan mawawala ang sakit. Nawalan siya ng anak. At ngayon ilang lingo na siya dito sa bahay nila pero kahit minsan hindi siya pinuntahan ni Mael.
Ang gaga niya. Siya ang umalis para lumayo dito pero sa bawat araw naman na dumaan lagi niyang inaantay na susunduin siya ni Mael. Namimiss niya na ito. Gusto niyang pagsisihan ang desisyong nagawa pero kapag naaalala niyang may nabuntis itong iba napipigil niya ang sarili.
Naguumpisa uli siyang magalit, nagagalit siya dahil bakit kailangan siyang lokohin at saktan ni Mael? At mas nagagalit siya sa sarili niya dahil bakit hindi niya magawang kalimutan ito?
Kailan ba titigil sa pagiging miserable ang buhay niya? Wala siyang inapakang tao, kahit kailan hindi siya namintas man lang ng kapwa niya. Pero bakit buhos ang pagpapahirap sa kanya? Na pati ang anak niya kinuha sa kanya? Minsan gusto niyang tanungin ang diyos kung bakit kailangan niyang pagdaanan ang lahat ng ito? Hindi siya nagkulang bilang isang tao. Sinusunod niya lahat ng pangaral ng lola niya ukol sa bibliya, pero bakit? Gusto niyang sumigaw ng bakit! Kahit man lang sana ang anak niya itnira sa kanya. Pero hindi! hindi man lang niya nasilayan ang anak. Hindi man lang niya narinig ang iyak nito, ni hindi niya nadama ang yakap nito. Kahit konti, kahit sandali hindi siya binigyan ng pagkakataon.
Gusto niya na lang mawala para mawala rin ang sakit na nararamdaman niya.
Pero hindi niya kaya. Kapag sinusubukan niyang inumin ang lahat ng sleeping pills na nasa drawer niya hindi niya magawa. Duwag siya. Kahit ang pagpapakamatay hindi niya magawa.
"Ate.. "
Mabilis niyang pinahid ang mga luha ng sumungaw sa kwarto niya si Juancho.
"B-Bakit? " Malat ang boses na tanong niya dito.
Napabangon siya ng makita ang pamumutla at panicked sa mukha nito. "May nangyari ba?"
"Si Kuya M-Mael nasa ospital kritikal d-daw. " Anito na agad lumapit sa kanya ng makita nito ang shock sa mukha niya.
Nanginginig ang kamay na napahawak siya kay Juancho. Parang may humahalukay sa sikmura niya sa narinig.
"A-asan ang Kuya mo?" Aniya.
"Nasa ospital. Gusto mo bang samahan kitang pumunta doon?" Ani ng kapatid niya.
Sunod sunod siyang tumango habang masagamg lumuluha. Walang ibang nasa isip niya ngayon kundi ang mapuntahan si Mael.
Umarkila ng tricycle si Juancho para maghatid sa kanila sa ospital na kinaroroonan ni Mael. Habang nakaupo sa loob ng tricycle hindi siya huminto sa kakadasal, inihingi niya rin ng tawad sa panginoon ang pagkwestyon niya sa mga nangyari sa kanya. Nakiusap siya na sana'y ligtas ang asawa.
Tinakbo niya ang papasok sa ospital patungo sa ICU. Naabutan niya sa labas ang Mommy at Daddy ni Juancho pati na ang secretary nito at si.. Suzette na may hawak na sanggol sa kamay nito.
Agad na tumayo ang byenan niyang lalaki at sinalubong siya ng yakap. Ang mommy naman ni Mael ay matalim na nakatingin sa kanya.
"Kamusta po si M-Mael?" Umiiyak na tanong niya sa byenan.
Tinapik-tapik nito ang likod niya. "He's fine hija. Calm yourself he will be fine," Anito sa kanya.
Tumango tango naman siya. Iginiya siya niyo paupo sa kabilang side ng inuupan ng mommy ni Mael, tumabi sa kanya si Juancho. Lahat sila ay walang imikan. Panaka-naka naman niyang tinitignan ang hawak ni Suzette. Nakaramdam siya ng inggit dito. Naghintay sila doon hanggang sa ilabas na ng ICU si Mael at dinala sa private room na laan dito. Nauna nang pumasok ang mga magulang nito at si Suzette. Nanatili siya sa labas dahil parang hindi niya kayang makita si Mael na nakaratay sa loob. Naisubsub niya ang mukha sa kamay. Nagpapasalamat siya dahil buhay ito. Nabangga daw ang sinasakyan nito sa isang truck na nakalubong nito malapit sa bangin. Buti na lang at sa isang puno sumalpok ang kotse nito at hindi dumeretso sa bangin. Nang marinig niya yon ay kinilabutan siya. Hindi niya kayang isiping muntik na itong mawala.
"Hindi kaba papasok sa loob, Te?" tanong ni Juancho.
Umiling siya dito. "Mamaya na.. " Aniya. Para siyang kinakapos ng hininga sa isipin pa lang na magkakasama sama sila sa loob ng kwarto ni Mael at Suzette.
"Bibili muna ako ng kape sa baba, may gusto kabang kainin?" Muling tanong ng kapatid niya na kita ang pagkaawa sa kanya.
Umiling lang uli siya. "Sige na bumili kana. " Taboy niya dito saka ito malungkot na nginitian.
Nakaalis na si Juancho ng biglang bumukas ang pintuan. Napatayo siya ng makita ang mommy ni Mael at si Suzette.
"Can we talk?" Anang donya. Seryoso ang mukha nito na nakatingin sa kanya. Kahit si Suzette ay seryoso din. Tumango siya.
"Tungkol ho saan?" Aniya dito.
"Gusto kong nakipaghiwalay ka na ng tuluyan sa anak ko." Malumanay lang ang boses nito at mahina. Napamaang naman siya dito. Sabagay noon pa man ay ayaw na nito sa kanya kaya bakit pa ba siya magtataka na kinakausap siya nito ngayon ng tungkol doon. "Ina ako. At bilang isang ina kahit hindi man nabuhay ang anak mo-"
"Apo niyo. " Tiim bagang at nakakuyom ang kamao na pigil niya dito. "Anak ko na apo niyo. Bakit kung magsalita kayo parang-"
"Cut it! " Gigil na anito pero sa mahinang tinig. "Ayokong makipagtalo sa bagay na yan! " Bumuntong hininga ito. "As I was saying, you've been a mother even in short span of time."
Pinigil niya ang sarili niyang sampalin si Donya Matilde. Halatang wala itong pakialam sa anak niya.
"Deretsahin niyo na ho ako." Taas noong tinitigan niya ang mga ito.
Naitirik nito ang mga mata. "Ayaw kong maging bastardo ang anak ni Mael kay Suzette. Gusto kong makipaghiwalay ka sa kanya para legal na maging Capistrano ang apo ko." Anito. Inabot nito ang kamay niya pero mabilis na iniiwas niya iyon. "Wag mo sanang ipagkait ang karapatan ng apo na magkaroon ng buong pamilya." Dagdag pa nito.
Napatingin siya sa sanggol na hawak ni Suzette. Parang may kumurot sa puso niya ng makita ang mala-anghel na mukha nito. Kamukhang kamukha ito ni Mael. Ang ilong, ang bibig. Hindi maikakailang si Mael ang ama nito.
"Pwede ko ba siyang hawakan?" Wala sa loob na pakiusap niya. She wants to hold that little angel. Sa tingin niya ay babae ito dahil narin sa pink na balabal na nakapaligid sa katawan nito. She look so fragile and dicate. And she wants to feel that delicate angel in her arms. Dumilat ang sanggol at derektang nakatutok sa kanya ang mga mata nito. Alam niyang hindi pa ito nakakaaninag pero pakiramdam niya nakikipag titigan ito sa kanya. "Please..? " Nakikiusap na tinignan niya si Suzette. "Kahit saglit lang.. Gusto ko lang.. Gusto ko lang maranasang maging isang ina kahit sandali lang.. " Ibibigay niya ang lahat mahawalan lang ang munting anghel na nasa mga kamay nito. Tumingin si Suzette kay Donya Matilde na tinanguan naman ng huli.
Nakagat niya ang labi niya ng ilapit ito sa kanya ni Suzette. Nahigit niya ang paghinga ng tuluyan na itong mahawakan. Amariah.. Bulong niya sa isip. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya. Hinalikan niya ang sanggol at sinamyo ang amoy nito. Napakabango. Nanunuot sa ilong niya ang mabining amoy nito. Ganito din kaya kabango ang anak niya kung nabuhay ito? Napahagulgol siya sa naisip at napahigpit ang pagkakayakap sa anak ni Suzette.
"Look at her Angela. She's innocent. Wala siyang kasalanan sa mga nangyari sainyo ni Mael. Wag mo sanang ipagdamot sa kanya ang magkaroon ng isang buong pamilya." Narinig Ani ng Donya.
Tinitigan niya ang mukha ng sanggol na nasa bisig niya. Maatim niya bang agawan ito ng buong pamilya? Isipin niya pa lang parang nadudurog na ang puso niya. Karapatan nitong magkaroon ng ama at ina sa tabi nito. Kung pwede nga lang na siya na lang ang maging ina nito. Pero hindi. Anak ito ni Mael at hindi siya ang ina.
Marahan siyang tumango. Kahit labag man sa kalooban niya ibinalik niya ang sanggol kay Suzette. Umingit ang sanggol at umiyak. At tinutunaw non ang puso niya. Gusto niya ulit bawiin kay Suzette ang bata pero pinigil niya ang sarili niya.
"G-Gusto k-ko lang pong makita si Mael kahit ngayon lang." Aniya.
Napangiti naman ng maluwag ang dalawa. "Sige, pumasok kana"
Pumasok siya sa loob at nakita niya ang byenan niyang lalaki doon. Nginitian siya nito pero sa bigat ng pakiramdam niya hindi niya magawang ngumiti rin dito.
Lumabas ito at hinayaan siyang magisa sa loob ng kwarto ni Mael.
May cast ang kanang binti ni Mael, may benda din ito sa ulo at braso. Maga ang kaliwang bahagi ng mukha nito at maraming galos. Lumapit siya sa tabi nito.
Gusto niya itong yakapin pero natatakot siyang masaktan niya ito. Nakuntento na lamang siyang hawakan ang kamay nito. Hinalikan niya iyon.
Tulog parin ito at sabi ng doctor kung hindi ito magigising sa loob ng 24 hours maaaring mauwi ito sa coma.
Hinaplos haplos niya ang kamay nito. "Nakita ko yung anak mo.." Sabi niya dito kahit hindi siya nito naririnig. "Ang ganda niya. Kamukhang kamukha mo. " Mahina siyang tumawa. Kahit tumutulo na ang luha niya. "Gumising ka na dyan, kailangan niya ng d-daddy." Tinapik tapik niya ang kamay nito na para bang gigising ito kapag ginawa niya iyon. "Buti ka pa may baby na. Alam mo pinahawak siya sa akin ni Suzette. Wala atang topak ngayon kaya pinahawak sa kin ang anak niya. " Pagak uli siyang tumawa sa sariling biro saka suminghot. "Ang lambot niya, ang b-bango bango niya. Mael... " Hindi niya napigilan ang mapahagulgol. "Mael g-gusto ko din ng anak.. Gusto ko ding makasama ka.. Mael gusto kong makasama ang anak ko... Kahit ang anak ko lang.. " Napasubsob siya sa kamay nito at parang batang umiyak ng umiyak. Matagal siyang umiyak pakiramdam niya hindi na maampat ang luha niya. Lahat ng sakit iniiyak niya sa kamay nito. "Ang sakit, ang sakit sakit.. Bakit ayaw mawala ng sakit Mael?"
Ngayon lang nagsisink in sa kanya ang lahat. Nawalan siya ng anak at ngayon tuluyan ng mawawala sa kanya si Mael. Mas kailangan ito ng anak nito. Hindi na siya makikipag agawan pa sa isang walang muwang na sanggol. Tuluyan na niyang palalayain si Mael.
- Mael -
Gusto niyang imulat ang mga mata para aluin si Angela. Alam niyang si Angela ang naririnig niya. Masakit ang katawan niya pero mas masakit marinig ang pag-iyak nito. Gusto niya itong yakapin at aluin. Ilang linggo niya na itong hindi nakikita. Miss na miss niya na ito pero hindi niya magawang imulat ang mga mata.
Gustuhin man niyang pisilin ang kamay nitong nakahawak sa kamay hindi niya rin magawa. Nagagalit siya at gusto niyang sumigaw. Bakit ba ayaw makisama ng katawan niya?
"Mael g-gusto ko din ng anak.. Gusto ko ding makasama ka.. Mael gusto kong makasama ang anak ko... Kahit ang anak ko lang.. " Narinig niyang anito sa basag na boses. Sa bawat hikbi nito parang pinupunit ang puso niya. Gusto niya ring umiyak. Masakit din sa kanya na nawala ang anak nila. Ilang linggo niyang nilunod ang sarili sa alak para lang mawala kahit ilang minuto sa isip niya ang pagkawala ng anak niya. Sinusurot siya konsensya. Kung hindi siya umalis ng bahay nandoon sana siya sa tabi ng magina niya. Nadala niya sana agad sa ospital si Angela. Hindi nasa naubusan ng dugo si Angela at sanhi ng pagkamatay ng anak nila.
Naramdaman niyang hinalikan siya sa noo ni Angela. "Goodbye, love. Be a good father. I love you." Malambing na anito.
Gusto niya pigilan ito. Gusto niyang sabihing manatili na lang ito sa tabi niya pero hindi niya magawa.
Nang tuluyan siyang magising wala na sa tabi niya si Angela. Hinanap niya ito pero ang sabi sa kanya ng daddy niya nag tungo na si Angela sa Australia kasama si Jonas. Nagwala siya. Wala siyang pakialam kahit pa dugo na ang dumaloy sa swero niya. Gusto niyang bawiin ang asawa pero hindi siya makalakad. Kailangang operahan ang tuhod binti niya para muling mapagdugtong ang nabaling buto.
Bawat araw na nasa ospital siya para siyang tinotorture. Ayaw niyang Pumikit dahil nakikita niya si Angela at Jonas na masaya sa piling ng isa't isa.
Ilang series of operation bago siya nakauwi ng bahay. Sa log house siya nagpadala kahit pa halos umiyak ang mommy niya na sa mansion siya umuwi. Wala siyang pinakinggan. Gusto niyang naroroon siya sa bahay kung saan niya huling nakasama si Angela. Gusto niyang isiping kasama niya pa rin ito. Kahit sa pantasya lang.
Wala siyang magawa dahil nakakulong siya sa wheelchair. Kailangan niyang magpa-theraphy para tuluyang makalakad pero tumanggi siya.
"Lasing ka na naman?"
Narinig inis ani ni Suzette. Napatiim bagang siya. Kung kaya niya lang tumayo baka nasakal niya na ito. Tinuloy niya lang ang pag tungga sa alak.
"Mael, ano ba?! Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang mag lasing sa pesteng bahay na to?" Sigaw nito. Narinig niyang may umiyak na bata dahil sa pagsigaw nito. Iniikot niya ang wheelchair paharao dito. Nakita niya sa pinto si Suzette habang may hawak na sanggol. Ang anak na gustong gusto ni Angela. Napaisip siya, kung ibibigay niya kaya kay Angela ang bata babalikan kaya siya nito?
"Akin na ang bata. " Aniya kay Suzette at pinagulong ang wheelchair papalapit dito.
"No!" Humakbang ito paatras. Tinignan niya ito ng matalim.
"Sinabi ng akin na yang bata!" Galit na sigaw niya dito. Napapitlag naman ito.
"Fix yourself first!" Sigaw din nito. "Look at you! You look so fucking miserable !"
"That's because you made me one!! " Nagtaas baba ang dibdib niya sa sobrang galit. "Blame yourself! You fucking slut! I swear Suzette your going to pay for this. I'll make you suffer, damn you!" Malakas na binato niya ang bote ng alak dito pero hindi ito tinaan kundi ang pinto sa likuran nito.
Nanlaki ang mga mata nito at halatang takot na takot.
"Nababaliw kana!"
Malakas siyang tumawa. "Yeah. And I'm going to make you crazy too just like me. Just wait Suzette. Your going to pay for the fucking heartache i've been dealing everyday. You'll pay. " Aniya dito saka pinagulong ang wheelchair palabas ng kwarto niya at iniwanan itong nakatigalgal doon.
To be continued..