INUMPOG ni Mael ang ulo sa pader ng banyo. Gusto niya ring ipukpuk ang shower sa ulo niya. Ano na naman bang katarantaduhan ang ginawa niya? Nagpadala siya sa kalasingan kagabi at ngayong nahimasmasan na siya ngayon niya na-realize ang nagawa.
Paano siya mamahalin ni Angela kung lagi na lang siyang may nagagawang kagaguhan na nagiging dahilan para lalo siyang kamuhian nito?
"Stupid! Stupid piece of shit!" mura niya sa sarili.
Napatungo siya. Kitang-kita niya ang pag saludo ng alaga niya.
"Can't you behave?" gigil na kausap niya dito. wala sa loob na gigil na pinitik niya ito at dahil don napatalon siya sa sakit dahil sa ginawa. "Tarando't kalahati ka talaga Mael... Woooh... Ang sakit hayup!"
Sana naman nagbunga ang ginawa niya kagabi para kahit papaano hindi naman masayang ang galit sa kanya ni Angela ngayon. Napabuntong hininga siya. Ang hilig niya kasing magpadalosdalos. Katulad na lang nang dalhin niya sa kubo si Angela at sa unang pagkakataon ay pinilit angkinin.
Nagawa niya iyon dahil sa selos at tampo niya kay Angela. Hindi siya nito inintay. Nag-masteral siya kahit ayaw niyang mag-business add ginawa niya. Sinunod niya ang Daddy niya hindi dahil takot siya dito kundi dahil nangako itong susuportahan siya sa oras na magtapat at ayaing magpakasal si Angela. Pero pagbalik niya kasintahan na pala ito ni Jonas. Ang traidor na pinsan niya. Hindi lingid dito na may gusto siya sa kababata. Nangako pa ito sa kanya na babantayan si Angela at babakuran para hindi maligawan ng iba pero yun pala ay ito ang sasalakay sa pinababantayan niya. At para sa ano? Para sa mana na makukuha nito mula sa abuelo nila pag ito ang napangasawa ni Angela?
That son of a bitch! Hindi niya ito hahayaan na gamitin lang sa pansarili nitong kapakinabangan ang nag-iisang babaeng minahal niya buong buhay niya.
At ngayong kasal na sila ni Angela wala na itong mapapalang mana.
Napangiti siya. Hindi pa nito alam na kasal na sila ni Angela.
Nagulat siya nang bigla itong dumating galing Singapore at sinugod siya. Nabalitaan pala nito na ikakasal na sila ni Angela, na masisira ang plano nito. Kaya naman bago pa nito mapigilan ang kasal nila ni Angela, sapilitan niyang isinama si Angela sa Ninong Ante niya para magpakasal sa kanya.
Kaya ngayon nasa kanya na si Angela pati ang mana na inaasam-asam ng pinsan niya.
KIPKIP ANG kumot na ibinalot ni Angela ang sarili at pilit na tumayo kahit masakit ang katawan. Feeling niya binugbog ang katawan niya. Kasalanan to ni Mael! - ngitngit na bulong niya sa sa isip.
Isa-isa niyang pinagpupulot ang mga damit niya na nakakalat sa sahig. Sinuot niya yon. Hustong nakabihis na siya nang lumabas si Mael sa banyo na nakatapis lang nang tuwalya. Nagkatinginan sila at ang hudas inirapan pa siya bago nagtungo sa cabinet at basta na lang humila nang susuotin do'n.
Hindi niya ito pinansin at muling naupo sa gilid ng kama. Hinilot niya ang sentido dahil nahihilo na siya, siguro dahil wala siyang hapunan ng isang gabi at buong araw siyang walang kain hanggang ngayon. Mahapdi na ang tiyan niya.
"Gutom kana ba?" Napalingon siya kay Mael na nagsusuot na ng t-shirt. Hindi nakaligtas sa kanya ang mga pasa sa katawan nito. "Halika na sa baba, magpapahanda ang ako ng pagkain paniguradong gutom kana," sabi nito saka nauna nang lumabas ng pinto.
Kahit ayaw niyang sumunod ay wala siyang choice gutom na talaga siya. Ramdam niya na ang panginginig ng tuhod sa gutom. Tumayo na siya at sumunod dito.
Pagbukas niya nang pinto nakita niya sa puno ng hagdan ang mag-ina na halatang nagtatalo.
"Hindi mo kailangan ang mana na makukuha mo pagpinakasalan mo ang babaeng yan!" Gigil ang boses na sabi ni Donya Matilde pero poised pa rin ito. "Hindi pa ba sapat sayo ang mamanahin mo mula sa amin ng Daddy mo? Bakit hindi mo na lang hinayaan yon kay Jonas, tutal palugi na ang kompanya nila mas kailangan niya ang mana na makukuha niya sa babaeng yan!"
Mana? Bakit may makukuhang mana kapag nagpakasal sa kanya si Mael o si Jonas? Hindi naman sila mayaman. Ang tanging magiging pamana lang naman sa kanila ng Itay niya ay ang 200sqm na kinatitirikan ng bahay nila pati ang dalawang kalabaw at tatlong inahing baboy na alaga ng lola niya.
"It's my own decision, Mom. Walang kinalaman ang mana."
"I don't like her!"
"You don't have too," Kibitbalikat na tugon ni Mael
Isang malutong na sampal ang isinagot ng ina nito. Tumalim ang tingin dito ni Mael bahagya naman napaatras ang donya sa nakikitang galit sa mata ng anak.
"Don't you dare to marry that trash!"
"Too late Mother, we're married already," nakakalokong sabi dito ni Mael na ikinasinghap nang malakas ng donya.
Bigla naman napatingin sa gawi niya si Mael. May dumaang pag-aalala sa mga mata nito.
"Kanina ka pa diyan?" tanong ni Mael sa kanya.
Gusto man niyang umatras pero huli na nakita na siya nito. Nakataas ang kilay nito. Ang ina naman nito ay matalim ang tingin sa kanya.
"G-good morning ho Donya Matilde..."
"Gutom kana?" malambing na tanong ni Mael sa kanya.
Tumango na lang siya. Lumapit sa kanya si Mael at hinila ang kamay niya. Nilagpasan nila ang ina nito. Bumaba sila ng hagdan at pumunta sa dining room na mas malaki pa ata sa bahay nila. Minsan na siyang nakapunta dito noong bata pa siya. Walang masyadong nagbago maliban sa malaking abstract painting.
Pinaghila siya ng upuan ni Mael. Napakaraming pagkain ang nakahain sa mesa. Parang hindi almusal kundi fiesta sa dami ng nakahain.
May lumapit na naka-uniforme na katulong sa kanila at inalukan sila ng brewed coffee.
"Hindi pwede sa kanya yan. Kumuha ka ng fresh milk do'n," utos dito ni Mael na agad na sinunod ng katulong.
Halos mapuno na ang plato niya sa kakalagay nito ng pagkain don. puro ito 'taste this', 'taste that'. Halos ito na rin ang magsubo sa kanya ng pagkain. Hindi na lang siya umimik, mamaya na lang siya magagalit dahil ang priority niya ngayon ay malamnan ang tyan niya.
"Ako na. Kumain kana," sabi niya rito dahil napansin niya na walang laman ang plato nito.
Natigilan ito sa pagsubo sa kanya tapos ay ngumiti ng malapad. Para itong bumata sa pagngiti nito. Napansin niya ngayon na lang niya ito uli nakitang ngumiti nang ganito, yung abot sa mga mata nito ang pagngiti. Nakaramdam siya nang konting sundot ng konsensya. Dahil ba sa kanya kaya naging madalang na rin ang ngiti nito?
Dahil din sa kanya kaya miserable ka!- sigaw ng isip niya.
Ngumanga ito sa harap niya. Tinaasan niya lang ito ng kilay
"Subuan mo ko, Hon. Ahhh.." parang batang sabi nito.
Inirapan niya lang ito at sinimangutan. "kung ayaw mong kumain bahala ka sa buhay mo," mataray na sabi niya dito.
Tatawa-tawa naman itong nagkamot ng batok. Bahagya rin namumula ang tenga nito. Lihim siyang napangiti dahil sa itsura nito. Hindi man niya aminin pero naaaliw talaga siya dito.
Sumeryoso lang siya nang may maalala. Tumikhim siya para tanggalin ang bara sa lalamunan niya.
"M-Mael..." tawag niya dito.
"Hmmm?" Nakangiting baling nito sa kanya.
"S-si J-Jonas--"
"Stop! Ayokong pag-usapan siya Angela. Maganda ang gising ko kaya pwede bang wag mong sirain? Kumain kana," malamig na anito. Tumayo na ito at iniwan siya sa komedor.
Pumatak ang luha niya. Gusto niya lang naman malaman kung ano nang nangyari kay Jonas. Kung may tumulong ba dito o kung... Buhay pa ba ito.
Nawalan na siya nang ganang kumain. Parang tumabang ang panlasa niya sa isiping wala na ang dating kasintahan. Napasubsob siya sa palad at doon humagulgol ng iyak.
PARANG dinudurog ang puso ni Mael habang nakatingin kay Angela na humahagulgol sa palad nito. Bakit ba hindi na lang siya ang minahal nito? Sa tagal nang pagiging magkaibigan nila hindi ba ito nagkaroon kahit konting pagtingin man lang sa kanya? kaya hindi nito magawang mag-move on sa pinsan niya at turuan ang sarili na mahalin siya?
Hindi siguro siya kamahal mahal...
Dahil ang kagaya ni Angela na sa lahat ng bagay ay may pagpapahalaga at handang pagmamahal. Hindi man lang natapunan ng kahit na konti ang katulad niya
Isang tapik sa balikat ang nakapagpalingon sa kanya.
"Son..."
"Dad," bati niya sa ama at bahagya lang itong tinanguan.
"Pumirma na ang Lolo mo pagka-recieve niya ng marriage certificate niyo kaninang umaga. Tanging pirma na lang ni Don Damian ang inaantay, pero pormality na lang iyon. Sayo na mapupunta ang ang 30% share ng mga Almendra. You only need to do is to produce an heir and the ramaining 10% will be transfered to your name," ngiting-ngiti na sabi nito. "You have everything now."
"No. Not yet." Napabuntong hininga siya at muling tinignan si Angela. "I still don't have her heart, Dad."
Naramdaman niya ang pagpisil nito sa balikat niya. "The only one i need the most," malungkot na sabi niya.
Mayaman na siya, isang bilyonaryo sa idad na bente sais. Akala ng iba nasa kanya na ang lahat pero hindi. Dahil ang nag-iisang babaeng gusto niya simula pa lang ng nine years old siya ay hindi niya pa rin makuha. Oo at kasal sila. Literal na kanya na ito, pero hindi lang yon ang gusto niya. Gusto niya ring mahalin siya nito.
"Compose your self, Ishmael, or else she will be your downfall," may paalalang sabi ng ama sa kanya
And the death of me... - bulong niya sa isip.
TATLONG araw na si Angela sa mansion nila Mael. Madalang sila magkita ng binata. Madalas na wala ito at nasa opisina. Gustuhin man niyang umuwi sa kanila pero may bodyguard na itinalaga ito na nagbabantay sa labas ng kuwarto niya. Wala siyang ibang ginagawa sa loob ng kuwarto kundi tumanaw sa bintana. Kagaya ngayon alas tres pa lang ng hapon pero inip na inip na siya.
Umalis siya sa bintana at naglakad papunta sa adjacent door na nakita niya. Hindi niya pa iyon napapasok simula nang dumating siya dito. Sinubukan niyang pihitin ang ang seradura at ganoon na lang ang tuwa nang bumukas iyon. Tumambad sa kanya ang isang opisina. May mahabang office table at swivel chair. May maliit na sala set at mga floor to ceiling na bookshelves, mayron ding dalawang file cabinet, mini ref at computer. Namamangha siya sa ganda niyon. Carpeted ang sahig kaya lumulubog ang paa niya habang naglalakad papunta sa office table. Naupo siya sa sa swivelchair at pinaikot iyon. Napansin niya ang isang photo frame na nakalagay sa ibabaw ng lamesa katabi ng laptop. Dinampot niya yon. Napangiti siya. Picture niya iyon nang mag-debut siya. Nakasoot siya ng kulay pulang gown habang nakangiting nakahilig kay Mael na napakaguwapo sa soot na itim na long sleeve. Nakangiti ito pero sa kanya nakatingin habang akaakbay ito sa kanya.
Hinaplos niya ang mukha nito sa picture. Tandang-tanda niya pa ang gabi na iyon. Yun ang gabi na nakita niya itong kahalikan si Suzy ang anak nang doctor na nagmamay-ari ng isang pharmaceutical company na nakabase sa manila. Yun din ang gabi na na-realize niya na napakalayo ng estado nila sa buhay.
Hindi niya noon iyon napapansin nung mga bata pa sila. Napakabait nito sa kanya noon. Kahit pa nga mahirap lang sila at empleyado lang ang mga magulang nito ang Itay niya. Kinaibigan pa rin siya nito. Wala nga itong ibang binarkada maliban sa kanya kaya naman ganon na lang ang galit sa kanya ni Donya Matilde. Ginagayuma niya raw ang anak nito.
Nang umalis ito nalaman niyang sumunod dito si Suzy sa US. Ibinaling niya sa iba ang atensyon. Buti na lang nandiyan si Jonas. Dito nabaling ang atensyon niya. Naging napakabuti nitong kasintahan. Minahal niya ito at nangarap nang masayang pamilya kasama nito. Napakaresponsable nito at sa loob ng panahon na pagiging magkasintahan nila ginalang at nirespeto siya nito.
Nangilid ang luha niya. Ngayon ang pangarap na iyon ay mananatili na lang pangarap na hindi matutupad kahit kailan. Kasal na siya kay Mael. Kasalanan ang patuloy na mahalin ang dating kasintahan. Kailangan na siguro niyang kalimutan ang anumang namagitan sa kanilang dalawa. Kailangan niya na itong isuko kahit masakit. Kailangan niya na itong bitawan.
Kailangan niya nang tanggapin na wala na ito.
"Anong ginagawa mo dito?"
Napapitlag siya sa nagsalita. Si Mael na nakakunot ang noo. Nanlalalim ang mga mata nito at halata ang pagod.
Ipinatong niya ang frame sa dati nitong puwesto. Sumunod ang mata don Mael at lumambot ang ekspresyon.
"Pwede ba tayong mag-usap?" Diretsang tanong niya dito.
Naging blangko ang mukha nitong tumingin sa kanya.
"Kung ang itata-"
Pinutol niya ang sasabihin nito. "Hear me out please..." nakikiusap na aniya dito.
Bumuntong hininga ito at isinara ang pinto. Tuluyan itong pumasok at naupo sa sofa. Ipinatong nito ang mga kamay sa sandalan at pati ang ulo nito. Ipinikit nito ang mga mata.
Tumayo siya at lumapit dito. Lumuhod siya sa harap nito at inabot ang paa nito para tanggalin ang suot nitong sapatos.
Nagmulat ito ng mga mata. Nagtatakang tumingin sa ginagawa niya.
"What are you doing?" paos na tanong nito.
"Pinagsisilbihan ka..." bumuntong hininga siya. "Ganito naman ang mga asawa diba? Pinagsisilbihan ang mga asawa nila?" nakangiting tiningala niya ito.
Maraming emosyon ang dumaan sa mga mata nito. Nang matapos siya sa pag-aalis ng sapatos nito nanatili siyang nakaluhod sa harap nito. Ginagap niya ang kamay nito at minasahe yon. "Handa akong maging mabuting asawa sayo Mael. Maging tapat sayo. Bigyan ka ng a-anak..." Naramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya. "Pero bago yon... G-gusto kong malaman k-kung... Kung ano na ang nangyari kay Jonas..."
Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Tumitig siya sa mata nito. Andon ang pakiusap at pagmamakaawa na tinitigan niya ito. Ito ang closure na gusto niya bago tanggapin ng tuluyan ang kapalaran niya.
"You love him that much?" mapait na sabi nito "Handa kang maging mabuting asawa sa'kin para lang sa kaunting impormasyong makukuha mo tungkol sa kanya." tumayo ito at lumapit sa min ref. Kumuha ito doon ng can beer at mabilis na tinungga. Lumingon ito sa kanya. Namumula ang mga mata nito at hindi niya alam kung bakit.
"Hindi kasi--" pinutol nito ang sasabihin pa niya.
"Buhay siya."
Natigilan siya. Parang may nawalang bara sa dibdib niya sa nalaman.
"Hindi naman siya napuruhan. Tumawag din ako kay Dave na anak ni Mang Isko na nagkataon na nagbabaksyon kina Mang Isko. Doctor si Dave. Ginamot niya ang boyfriend mo kaya hanggang ngayon humihinga pa rin."
"T-totoo?" hindi makapaniwalang tanong niya dito. Ang buong akala niya patay na si Jonas at naiwan na lang basta sa Log house ang katawan nito.
Hindi ito sumagot. Nilabas nito ang cellphone at nag-dial. Ni-loudspeak nito iyon pagkatapos ay inilapag sa center table na nasa tapat niya saka naupo sa puwesto nito kanina.
Ganon na lang ang saya na naramdaman niya nang marinig na mag-Hello si Jonas. Bakas sa boses nito na nanghihina pa ito. Napaluha siya.
to be continued...