webnovel

8.2

"Anong tinatayo-tayo mo dyan?!", singhal ulit ni Piper kaya't napagpasyahan kong umalis sa kinatatayuan ko.

Nang makita ako ni Piper ay laglag ang panga nito. Si Dela naman ay nakalabi lang habang pinagmamasdan ako.

"Kuya, kanina ka pa dyan?", tanong ni Piper.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay ko.

"Umalis na tayo dito. I hate this place. It's not good for you"

Kitang-kita sa mga mata nito ang halo-halong emosyon. Gusto ko pa sanang magtagal pero kung mag aaway lang sila ng dahil sa akin mas mabuting umuwi na kami. Sa susunod ako na lang ang pupunta dito mag isa mabuti na lang at madaling tandaan ang daan papunta dito.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa babaeng iyon. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay gusto ko ulit siyang makita.

Nang makauwi kami ay agad kaming sinalubong ni Tita Ai na may dalang basket. Sa palagay ko ay kagagaling niya lang sa palengke at kasama si Mang Ben.

"O? Bakit ang aga niyo?", tanong nito sa amin ngunit pagtikhim lang ang sinagot ni Dela.

Si Mang Ben na nasa unahan namin ay inintay ako bago makapasok ng loob ng bahay.

"May pinag awayan ba ang dalawa?", tanong nito habang pinagmamasdan ang nakabusangot na si Piper.

Si Dela naman ay tinulungan ang kanya Ina sa dala nito.

"Mang Ben mas mabuting ibaba natin 'yang dala mo sa loob", tumawa siya ng bahagya sa sinabi ko.

Tinulungan ko silang mag ayos ng pinamili sa kusina at saka ako umupo upang magmeryenda. Nagpalaman ako ng tinapay at ganon din si Mang Ben.

Nang matiyak namin na kaming dalawa na lang sa kusina ay lumapit sa akin si Mang Ben.

Ako naman ay nagtimpla ng kape at hindi sinasadyang nabitawan ko ang kutsara kaya't nalalag iyon sa sahig. Pupulutin ko na sana iyon ngunit ang kutsara ay nahawakan ng isang babae.

Parang may ibang pakiramdam ako sa ganitong pangyayari.

Parang tambol ang puso ko sa kaba.

Ang makinis nitong kamay ay unti-unting naagnas. Lumabas din ang iba't-ibang klase ng sakto kagaya ng uod at langaw. Ang amoy ng tinimplang kape ay napaltan ng malansang amoy ng balat na nabubulok.

Pinili ko na lamang na hindi iyon pansinin. Umayos ako ng aking pagkakaupo at laking gulat ko ng iniangat ko ang tingin ko kay Mang Ben.

Hindi na siya ang nasa upuan kundi isang babaeng walang mukha. Nanginig ang kamay ko at bago pa ko bumuwelo ng tayo ay nahawakan nito ang kamay ko.

Unti-unti siyang nagkaroon ng mukha na halos mapunit ang ngiti nito at biglaang napaltan iyon ng masamang tingin.

"A...ano...ba..bang...ka...kailangan.. m...mo?", nauutal kong sinabi.

Tunay akong lalaki pero sinong hindi matatakot sa kanya.

Unti-unting bumuka ang bibig nito at...

"Iho, ano bang nangyayari sayo?"

Napahawak ako sa dibdib ko at tinapon ang kape na dapat iinom ko. Siguro dapat ko ng bawasan ang pag inom nito nagiging nerbyoso na ko.

"Ayos lang ako, Mang Ben", pagisigurado ko sa kanya.

Kumuha ako ng tubig sa refrigerator at nagsalin sa baso. Diresto kong ininom yon. Sa tagiliran ng aking mga mata kita ko ang pagtataka sa mukha nito.

"Sigurado ka?", tumango naman ako.

"Bago ko makalimutan anong pinag awayan ng dalawa?", tanong nito matapos humigop ng kape.