webnovel

2.2

"Bakit hinakot agad ni Mang Ben ang gamit? Doon tayo sa kabilang bahay matutulog. Hindi dito", pinagmamasdan niya si Mang Ben na nakipagngitian sa mga tao sa loob. Wari ko'y nailagay na agad ni Mang Ben ang gamit namin kung saang lugar iyon nararapat ilagay.

Napakamot naman si Piper. "Sige po. Hahakutin na lang namin mamaya"

Lumapit ang matanda sa kanya saka may binulong. Hindi ko iyon naintindihan ngunit bago siya magpatuloy sa ginagawang pamimigay ng sopas ay tumingin siya sa akin sandali.

"Si Tita Ai iyon naalala mo ba yung kanina? Saka siya yung nanay ng bestfriend mo sa ating magpipinsan", hindi ko maalala kung sinong bestfriend ko sa aming magpipinsan. Basta ang alam ko ngayon, siyaang malapit sa akin.

"Bestfriend?", tumango siya sa sinabi ko saka humilig sa sasakyan.

"Actually, malapit din siya sa akin. Hindi pa mahanap kung sinong gumawa niyan sa kanya. Sobrang torture ang ginawa sa kanya",  nakatingin siya sa mga tao sa tolda na abalang naglalaro ng braha. Nagtatawanan ang mga tao dun at ang iilang nakaupo ay naglalabas ng pera. Langhap ko ang sigarilyo ng isang lalaking naninigarilyo na naglalaro din doon. Nakabilog sila sa isang maliit na mesa.

"Ano daw ang dahilan bakit ginawa sa kanya?",  nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng lugar. May tila nakita akong naghahabulan sa may kakahuyan. Rinig ko ang hagikhik nilang maliliit.

"Ang sabi matagal na siyang minamatiyagan. Walang konkreto pang statement patungkol don", gumawi ang tingin ni Piper sa tinitignan ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang isip ko. May kung ano sa lugar na ito.

"Sinong tinitignan mo dun?", tinuro niya iyon gamit ng kanyang labi.

Bumalik ang atensyon ko sa mga naglalaro ng braha. Ngayon ay iba na ang nilalaro nila.Naglabas sila ng binggo cards at mas lalong umingay.

"Shh! Ang iingay niyo!", sabi ni Tita Ai sa kanila  ng matapos na ito sa kanyang ginagaw. Naghila siya ng upuan upang makidalo sa ginagawa ng mga ito.

"That's way I hate this fckng place. Masyado silang maingay", bulong ni Piper.

Tumuwid siya mula sa kanyang pagkakahilig.

"Tara. Sabihin natin kay Tita, uuna na tayo sa isa pang bahay. Gusto ko ng magpahinga", aniya saka iniwan ako sa kinatatayuan ko. Pinagmasdan ko siyang lumapit sa bata naming pinsan. Tingin ko'y inutusan niya ang bata upang makipag usap sa kanyang ina.

Next chapter