webnovel

1.1

Condolence

Nag aagaw ang dilim at liwanag ng matapos ako sa aking pamamangka. Tinabi ko ang maliit na bangka sa may pampang at tinali iyon sa malaking kahoy na nakatusok upang hindi madala ng alon. Ang sagwan naman ay binalik ko sa isang maliit na bahay kung saan tinatabi ng mga mamangka ang kanilang mga gamit.

"Uy! Wyn, hinahanap ka ng Mama mo", wika ng babaeng humangos patungo sa akin. Nakapatong ang mga kamay nito sa parehas niyang tuhod.

Humawak ako ng bahagya dahil sa pagkirot ng aking ulo. "Ayos ka lang ba?"

"Oo naman", tumawa naman siya at saka sinalubong ako upang gabayan ako sa paglalakad. Ramdam ko kung gaano katalas ang mga batong nilalakaran namin dahil wala akong suot na tsinelas.

Noong iniwan ko kasi sa pampang ang tsinelas ko ay nawala iyon. Kapag naman nakasuot ako nito sa tuwing mamangka y madulas sa paa kaya't hindi ako komportable.

"Wala ka na namang tsinelas na suot", sabi nito. Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot.

"Bakit nga pala ako hinahanap nila Mama? Ayoko pang umuwi, Piper", pakiramdam ko papauwiin niya ko sa bahay pero ayoko muna dahil mas gusto kong namamangka para bang may ang saya sa pakiramdam.

"Natuwa naman ako Kuya dahil tinawag mo ako sa pangalan ko", natuwa din ako sa sarili ko dahil kumpara noon ay mas maigi na ang kalagayan ko.

Si Piper isa siya mga pinsan kong babae na malapit sa akin. Sa katunayan nga siya ang nag alaga sa akin. Ako lang din ang may gusto sa kanya sa aming magpipinsan. Hindi nila gusto ang ugali ni Piper dahil sosyalin daw pero para sa akin hindi maayos siyang kasama.

"Uuwi ka muna sandali pero babalik ka rin dito", gumaan ang pakiramdam ko ng sinabi niya iyon. Bukod sa pamamangka ay binibisita ako minsan ng mga kaibigan ko dito kaya ayokong umuwi.

"Kasama naman ako. Don't worry Kuya"

Nang makarating na kami sa mansyon nila ay agad na sinalubong kami ng mga kasambahay niya. Ayoko sanang inaasikaso ako pero wala din naman akong magawa. Kumuha sila ng tsinelas at iniabot sa akin ang tabo na may kasamang sabon. Sa labas ng bahay nila ay may gripo kaya doon na lamang ako naghugas ng paa saka nagsuot ng tsinelas.

Nang makapasok ako sa loob ay nakalinya sa kanilang pag upo ang apat na lalaki. Agad naman silang tumayo ng bumukas ang pintuan dahil sa pagpasok naming magpinsan.

Lumapit sa akin ang isa sa kanila. Ang pinakamagiliw at palangiti may bitbit siyang pakwan pati maliit na kahon. Sandali niya kong niyakap.

"Marcus?", tanong ko sa kanya ng tinanggap ko ang dala niya para sa akin at sinilip ko ang nasa loob ng maliit na kahon. Iba't-ibang uri ng mga paru-paro. Namangha naman ako bigay niya.

"Oo. Tama Wyn ako yun", sa bawat pagdalaw nila sa akin ay palagi kong binibigkas ang pangalan nila dahil practice din ito para sa akin.

Sumunod naman ay ang pinaka matangkad sa kanila at may malaking hubog ng katawan. Iniabot niya sa akin ang flashdrive.

"Maraming kanta dyan pang pa refresh ng isip. Kanta ni Justin Bieber",kung hindi ako nagkakamali ang mahilig sa kanilang lima sa kanta ni J.B. ay si...

"Latrelle?", humalakhak naman siya saka tinapik ang braso ko.

"Oo naman. Ako nga, wala ng iba. Kundi ang pinaka gwapo sa ating lima", pagkuwan ay bumalik na siya sa kanyang kinauupuan saka kumain ng inihain ng isa sa mga kasambahay nila Piper.

"Wyn, ito kapag gusto mo ang view ng mga tanawin", kumpara sa kanila siya ang may pinaka pulang labi at mukhang...

"Ragh?", para naman siyang batang nagtatalon ng binanggit ko ang pangalan niya. Ibig sabihin tumama ako.

"Jez. Hindi Ragh! Pero tama na rin yun! Tawag mo sa akin yun nung Highschool days kaya ibaon mo na yun sa limot. Pero heto camera, mamahalin yan!", sabi nito at tinangggap ko naman ang binigay niya. Si Piper naman nasa likod ko ay binibit ang mga yun.

"Hatid ko na lang ito sa kwarto mo", tumango naman ako bilang pag sang-ayon.

Ang huling lalaking lumapit sa akin ay ang pinaka maputi at payat may bitbit siyang iba't-ibang libro. "Salamat, Thaddeus"

Ngumiti siya ng iniabot ko ang dala nito sa akin.

"Gusto niyo bang mag meryenda?", tanong ko sa kanila.

"Hindi na abala din kami sa school requirements lalo na't nag the-thesis na kami pareho ni T.H", sabi ni Jez. Hinila niya naman si Latrelle na abala sa panonood. Pumiglas ito.

"Alis na kami. Pagaling ka", sabi ni Marcus saka tinapik ako sa balikat.

Nang umalis na silang lahat ay pumunta ko sa aking kwarto. Ang bitbit kong libro ay pinatong ko sa side table. Si Piper naman ay inaayos ang nasa loob ng cabinet ng kwarto.

Next chapter