webnovel

Chapter 9

Charl's Pov

Hindi pa kami nakapaglibot sa unang gabi namin sa Bohol. Napagod kaming lahat sa byahe. Bukas na lang daw kami magsimulang mamasyal. Everyone, rest na lang daw muna kami, at least bukas may energy kaming lumibot-libot. Plano namin unang puntahan ang Chocolate Hills. We already rent a van to roam around Bohol. Sunod ay yung sanctuary ng mga tarsier, ano pa ba, meron din atang butterfly park at yung man-made forest.

We were having late dinner sa isang restaurant, near our hotel, everything is grilled, tuna, pork, chicken. Meron ding iba pang sea foods available and some edible sea weeds. Yummy! Kumakain kami lahat na parang walang tension nangyari sa amin ni Thirdy kaninang hapon. Only me, Thirdy, Savannah and Angelique who knows what happened.

"I'm so full!" Biglang sigaw ni Enrique. Nagsitawanan naman kaming lahat. Panay lingon sa akin ni Thirdy. Bahala sya dyan! Galit ako sa kanya.

"Mga bata, akyat lang kami sa balcony. " Paalam ni Mama. Paakyat sila sa itaas ng restaurant, kasama nya sila Tita Claire at Tito Miguel. Magpapahangin lang siguro at magkwekwentuhan, ganyan naman ang mga matatanda.

"Sige po, Mama." A little later tumayo na din ako para sumunod sana kina Mama sa balcony, itaas ng restaurant, tumayo naman  si Thirdy na mabilis lumapit sa akin.

"Can we talk? Please, Charlotte?" Nakatingin lang ako sa kanya at halos pabulong nyang sabi pero malumanay na pagkasabi. Nilingon ko naman sina Angelique at Savannah. Nag-thumbs up lang ang mga ito. Nanonood din sa amin sina Brian at Enrique. Nagtataka malamang ang dalawang lalake kong kinakapatid.

"Fine." He took my wrist, hinila ako kung saan walang makakakita sa aming dalawa. "Agad-agad" sabi ko sa isip ko.

"What was that? What's happening?" Nalilitong tanong ni Brian. "May nangyayari bang hindi namin alam?"

"Wala lang yon." Pagtatakip ni Angelique. "Nagkaroon lang ng misunderstanding ang dalawa. But not a big deal, Bri." Pagdadahilan na lamang ni Angelique.

Dinala ako ni Thirdy sa parte ng restaurant na hindi masyado nadadaanan ng maraming tao, nakasuot sya ng cap na natatakpan ang kalahati ng mukha nya, white shirt at black lounged shorts. Cute. Tsk. Ano ba itong naiisip ko. Galit dapat ako sa kanya.

"Will you return my phone now?" Mahinang tanong ko. Nilabas nya mula sa bulsa nya ang phone ko and he handed it to me.

Akmang iiwan ko na sya without saying another word to him, mabilis nyang nahawakan ang pulsuhan ko na sa sobrang bilis muntikan na akong matumba pero nasalo nya ako pagkatapos napunta ako sa dibdib nya, hinila nya pa kasi ako. My two hands are resting on his chest, hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kanya as my eyes gazed towards his face, sheyt na malagkit! Nakatitig din pala sya sa akin. Feeling ko pulang-pula ang mga cheeks ko sa hiya. Sya unang gumalaw, inalis nya ang mga kamay ko sa dibdib nya. Then he coolly asked me, "Are you okay, Charlotte?"

"Yes, I'm fine. I have to go now." Gusto ko na talaga umalis sa harap nya sa sobrang hiya. Aakmang aalis ulit ako, pinigilan na naman nya ako.

"Wait!" Tawag nya sa akin

"What?" Kahit okay na ako dahil binalik na nya phone ko, I have to pretend I'm still angry para hindi nya mahalata iyong kahihiyan nangyari kanina.

"I'm sorry for what I did. I'm sincerely sorry, Charlotte." Pagsusumamo nya. Halata ko naman sa boses nya na sincere sya eh. "Please, forgive me?"

"Okay, Apology accepted but don't do that again. I mean it, don't do it again."

"Yes, I know. I'm sorry if I was an ass to you. I was mad because you ignored me. You ignored what I'm asking to you." Explain pa nya.

"Ano nga pala sinasabi mo kanina?"

"I asked you, do not let Brian or anyome kiss you, especially boys." Obviously nahiya sya sa confession nya, hindi sya makatingin sa akin, panay tingin nya sa sahig.

"Bakit mo naman ako pinagbabawalan?" Medyo nawala na hiya ko dahil sa nangyari kanina. Mas nagulat kasi ako sa mga sinasabi sa akin ni Thirdy.

"Please just don't? Will you, please, Charlotte?" Grabe ang kaba ko, hindi ko maintindihan. Nag-iba kasi ang tono ng pananalita ni Thirdy. Mahina na ang boses nya pagkasabi pero sweet. Sheyt na malagkit. Kinikilig ako. Buong puso nya iyong pagsusumamo.

"Sige." Iyon na lamang ang lumabas sa bibig ko.

"Are we cool now?" Paninigurado nya kung okay na ba talaga daw kami.

"Yes." He smile. Then I smile too.

"Let's go back now?" Then he said, Thank you for forgiving me." Hinubad nya ang cap nya tapos pinasuot nya sa akin at inakbayan ako nang pabalik na kami sa table namin. Kahit naiilang ako sa akbay nya, hindi ko na lang masyado inisip.

"Are you cool now?" Si Angelique unang nakakita sa aming pagbabalik.

"Yes, we are."  Si Thirdy ang sumagot. Nakipag- high five si Angelique, sinalo naman ito ni Thirdy. Ganoon din sila ni Enrique. Si Brian at Savannah ngumiti lang ang reaksyon.

Eksakto naman bumaba na sila Mama mula sa balcony. "Kids, we're going back to the hotel now."

"Yes, po." We chorused.

Isa-isa na kami nagsitayuan, naunang lumabas si Enrique at Brian, sumunod sina Mama, Tita Claire at Tito Miguel, pagkatapos ako at si Thirdy, huling lumabas sila Angelique at Savannah. Humabol naman si Angelique sa amin ni Thirdy.

"Hey, are you two, okay now?" Pero nakangiti naman sya.

"Yes." Simpleng sagot ni Thirdy. Nakita kong siniko naman ni Angelique si Thirdy.

"Good. Wag na ulit kayo mag-away ha?!"

"Yes. And thank you." Tugon ni Thirdy.

"May hindi ba ako nalalaman sa inyong dalawa?" Tanong ko.

"What? None, Charlotte." Pagtatakip ni Thirdy. Lumapit naman sa tabi ko si Savannah, si Angelique kasi nasa tabi naman ni Thirdy.

Nasa hallway na kami ng aming palapag, nauna na nagpaalam sila Angelique at Savannah, matutulog na daw sila.

Kami na lamang ni Thirdy ang naiwan dito sa hallway. Hinatid nya muna ako sa kwarto namin.

"You go inside now. Good night, Charlotte." Kinuha nya kaliwang kamay ko at pinisil-pisil gamit ang kanang kamay na mga daliri nya.

"Why, you want to say something?" I ask him. "Tell me, Thirdy."

"No. I'm just happy, we're okay now." He smile. He smiles a lot lately. "I don't want you to get mad at me. It's hard."

"Why?" Confusing naman itong si Thirdy. Di ko gets eh.

"Well, we shouldn't fight, you know?!" Palusot nya.

"Of course. I'll go inside now. Good night, Thirdy."

To be continued..

📝 Jannmr

Next chapter