webnovel

XI - Mad Tea Party

━━━━━━━༺༻━━━━━━━

Primrose's POV

Three days later...

Tumulong ako kina Judas na maghanda ng iba pang putahe na iluluto sa pagdating ng importanteng bisita. I asked who it was but they didn't give me the name or any clue of identification. Whoever it is, I wish myself a good luck na sana'y hindi niya itanong kung paano ako naligaw sa circus gayong isa lamang akong hamak na dayo. Tiyak wala akong maisasagot.

"Thanks for sharing your gifted hands, Judas," nahihiya kong wika sa lalaking nagnakaw ng halik ko, bago nangyari ang 'di malilimutang karanasan ko bilang tao for the last time. Argh, stop playing those dirty thoughts on your head, you wildly fool!

"You left me with no other choice. You're lack of talents aside from knife throwing," biro pa nito. Akala mo nakakatawa.

"Shut it." I'm done cutting all potatoes and it's ready to cook. Wala na 'kong naririnig na sermon mula kay Judas since that night. From his cold-blooded personality, he appears to be more gentle and overprotective. He didn't leave my side not until they very end.

Isinalang na namin ang patatas. "Ako nang bahala rito. Help my sister prepare the table. Sulitin mo na ang araw na ito dahil hindi mo na maibabalik ang tamis ng kahapon."

I hugged him from his back, hiding my devilish smile. "Lalo na kung marami nang nagbago."

"Hey, yo! Ang aga naman ng lambingan niyo!" Napapitlag ako at kusa akong kumalas kay Judas nang umalingawngaw ang boses ni Happy sa kusina.

"Good morning," I greeted.

"Hold on. You look strange today, is it because of this guy?" Happy tapped Judas' shoulder. Sabay silang tumawa habang ako'y nakangiti lang.

"Yeah, you could say that. I'm off now. Samahan ko muna si Barbara na mag-arrange ng table," pagpapaalam ko at umalis na ako. Iniwan ko sila doon at hinayan silang mag-usap kahit may idea ako kung anong topic nila.

"Hey," tawag ko kay Barbara na busy sa pagpili ng table cloth na gagamitin sa mesa.

Nanibago ako sa ugaling pinakita niya sa 'kin. Did she just smile at me? "Good morning!" masiglang sagot nito.

"Anong mayro'n? Maganda yata ang mood natin, ah."

"Nothing's special," she replied. "Except for my brother who found love in a certain someone."

Though, alam ko na kung sinong tinutukoy ni Barbara ay nagpatay-malisya lamang ako. "Hmmm... Sino kaya ang bumihag sa puso ng kapatid ni Barbara?"

"I'm talking about you, silly!" Sabay akbay niya sa balikat ko. Wala akong ideyang may pagka-bubbly itong si Barbara. Sa likod ng mataray niyang mukha, may itinatago pala siyang kakulitan. Kung pinakita niya 'yon sa akin no'ng una pa, edi sana, hindi ko na nilunok ang pride ko para lang pakisamahan siya.

"Well, then. Sa 'di malamang dahilan, nahulog ang loob ko sa buwisit na lalaking 'yan kahit minsan, sira ulo't kalahating topakin, basta na lang tumibok ang puso ko sa kapatid mong gago."

"That's harsh but I'm fine with you. Kapag ikaw ang napangasawa ni Kuya, siguradong matatakot siyang maghanap ng iba. Lemme hug you!"

"Aww! Let me go!" Hindi ako makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya. Kasal agad? 'Di ba puwedeng mag-live-in muna?

"Okay, in one condition," sabi niya. Ano bang kalokohan 'to, Barbara?

"Ano?"

Humagikhik siya. "Ikaw sa flower arrangement."

Please tell me you're joking. How could I possibly do arrangements such as picking flowers? Naging head ako ng pamilyang 'di ko kinabibilangan sa loob ng dalawang taon at ang butler kong si Jude ang nakatoka sa trabahong 'yan. I know nothing but to sit on my office table and wait for my servants to follow my orders!

Tinapunan ko siya ng nag-aalanganing tingin. "P-Puwede bang k-kay Peter mo na lang iutos 'yan? Ako na lang sa table setting."

Kahit papa'no na-obserbahan ko ang tamang paglalagay ni Jude ng tableware sa mesa.

"No! Wala ka sa meeting noong nakaraan, so ikaw ang gagawa tutal wala ngayon si Cheshire. Speaking of that person, ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Saan kaya sumuot ang baklang 'yon?"

He's not actually a gay. She's a reaper with vagina. Come to think of it, Four-eyes is also nowhere to be seen. Which means, they are both determined of ripping his soul today.

"Baka kasama niya si Labo. They have lots of things to do."

"I see," she said. "Now, go on. May malapit na garden sa labas ng circus. Start picking as many flowers as you can!"

Inis kong pinaningkitan si Barbara. "Right."

Sinunod ko ang instructions ni Barbara at hindi ako nabigo. May garden malapit sa malaking puno ng birch tree. Ang daming bulaklak - may orchids, tulips, dahlias, chrysanthemum at rosas na may iba't ibang kulay. Maliban sa mga nabanggit ko ay may isa pang uri ng bulaklak ang siyang pumukaw ng atensyon ko. That flower again.

"These colorful petals...no matter how precious it is, it won't change the fact how painful to lose my source of happiness. It won't bring me new life."

Galing sa bibig ng isang impostor na walang kamalay-malay na pinaglaruan ang buhay para sa sariling kapakanan ng lalaking takot harapin ang panibagong umaga. Those memories are fake but it seems to be real. My heart was manipulated by a grim reaper's experiment.

Paano kaya kung hindi ako naging si Primus at nagpatuloy ang buhay ko bilang si Cecilia? Masasabi ko pa rin ba ang mga katagang iyan?

"These colorful petals... No matter how precious it is, it won't change the fact how thankful I am, now that I found the true source of happiness na hindi masisira ng pekeng memorya. All my memories in this place are not tampered at dadalhin ko ang masasayang alaalang ito hanggang sa huli."

I took many kinds of flowers in the garden and put it altogether in the basket. Orchids symbolizes perfection, pink tulips as a symbol of caring and attachment, pink roses means perfect happiness, chrysanthemum represents death and primrose means new beginning.

All of a sudden, I felt thirst. I walked into the forest, I observe my surroundings until I found something. "Got ya'."

༺༻

We spent a couple of hours to make everything settle. All of us gathered around the wide table to welcome the VIP visitor. Base sa nasagap kong tsismis kanina, tinuturing nila ito bilang ama ng Wonderland Circus. I had the impression that Happy is the troupe leader. May mas mataas pa pala sa kanya. Is he the founder? I don't know, not until he arrives.

"He's here!" Oh, yeah? But I could only see a man in cloak outfit, crooked top hat and long white hair that reaches his waist. He's grinning like a creepy man. Say, kailan pa tayo nasa freakshow? Shit, I forgot. Nasa circus pala tayo.

Ang mga sumunod na eksena ay labis kong ikinagulat. Did he just--dammit! Sumampa siya sa mesa at naglakad hanggang sa maabot niya ang dulo! 'Yong mga pagkain at inumin ay natapon sa tablecloth. Tanging 'yong bulaklak na in-arrange ko ang hindi nagulo.

May sira yata 'to sa ulo!

Hinila ko ang dulo ng shirt ni Judas. "Why did you guys let this lunatic entered our circus in the first place? Look what he did! We gave him the best hospitality that we can provide and this is how he treat us?!" Kung puwede lang sumigaw... Naku! Ipagdudukdukan ko talaga sa kanya kung gaano siya kabaliw!

Judas covered my mouth. "Shut your mouth, he might hear you."

"Oh yeah? You think I'd still care for that?!" Medyo napalakas ang boses ko. Good thing hindi ako napansin ng lintik na VIP'ng ito.

"Greetings, Mad Hatter! Welcome to the mad tea party!" sabay-sabay na sabi ng lahat maliban sa akin. AT MAY GANA PA SILANG BATIIN ANG TAONG 'TO MATAPOS ANG KANYANG GINAWA!

"It's been a long time since my last visit here. The tens are now even larger, the table is clean and elegant and finally," The hatter took a sip in one of the glasses na hindi nasalanta ng bagyo--este, ng pagkatapon. "The tea tastes lovely. Who made this one?"

"Me," sagot ng nasa kaliwa ko, walang iba kundi si Judas.

Markado sa mukha ni Hatter ang pagkamangha. "You impressed me. What kind of ingredients you used for this tea? Sa sarap nito ay tanging sa labas lamang ng Wonderland ito matitikman. I wish I can go back there. But the portal seems to be closed for the mean time."

Hindi na nakasagot si Judas nang agad akong sumingit sa usapan. "Wait, there's a boundary between Wonderland and outside world? U-Uh, I'm sorry for interrupting! I didn't mean to--"

"Oh, you must be from this so-called-real world, am I right?" he asked.

I nodded. "Yes."

"Do you wanna fill your curiosity?" He grinned. What's with his laugh, anyway? It gives me the creeps!

"Of course!"

"Well, Happy, can you assist me?" Walang pagtatakang lumapit si Happy at kinuha ang inabot nitong papel.

Binasa ni Happy ang nakasulat doon."The quiz is now beginning. You have ten seconds to answer this question."

"What?"

"If you want answers from me, win the quiz bee. As simple as that." Wow. May quiz bee rin pala sa Wonderland?

"Question: Daks o jutay?"

Paki-kalampag nga ako. Baka naalog lang ang utak ko.

"Wait! How am I supposed to answer that?"

"Galing ka sa mundong uso ang mga ganyang salita. Huwag mong sabihing hindi mo alam kung anong kahulugan ng mga katagang iyan?"

Mabilis na nagbilang si Happy. Samantala, pigil naman kakatawa ang ilan. "Ten... Nine... Eight... Seven... Six... Five... Four... Three... Two... O--"

Basta kong nilagay ang dalawa kong kamay sa mesa. "Alright! My answer is daks!"

The mad man, along with others hysterically laughed like they were gonna die. "HAHAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHAHAHA!"

"What's wrong? I give the answer you wanted!"

"HAHAHAHA! What a funny fellow you are! HAHAHAHAHA!"

"Sinagot ko ang tanong mo, pumili ako sa choices! So anong nakakatawa?"

"The funny part is you fail to notice that the question doesn't have a right answer at all. I mean, where's the subject? HAHAHAHAHA!"

Matapang kong sinagot ang baliw. "Wow! Sana sinama mo sa tanong, 'di ba? Hindi sana ako napahiya! This is nonsense, I'm leaving this place!"

"Already?" putol nito. "Stay here for once, please. This is a party. We should celebrate."

"Well, I'm not gonna waste my time to celebrate with some bloody nuisance such as yourself!" sabi ko.

"Are those your arrangements?" Itinuro nito ang flower vase sa gitna ng mesa.

"Yes and why?" tanong ko naman.

Pinakuha niya ang flowers kay Peter na agad nitong kinuha't pinagmasdan. "All flowers have different meanings. Sayang naman kung hindi mo ia-apply ang ilang kahulugan ng mga bulaklak na 'to sa sitwasyong kinalalagyan mo ngayon."

"I don't follow," I said.

"This Primrose. Keep this on your pocket. It may be useful to you someday." He took all primrose from the vase and handed over to me. Nagtataka man ay itinago ko ang bulaklak sa bulsa ng damit ko.

"And take this." It's Chrysanthemum, symbolizes death. The circus covered with silence as the smiles on their faces suddenly disappeared.

"Why are you giving me this? You're not suggesting me to die, are you?"

"May paglalagyan ang mga bulaklak na 'yan at hindi rito." Seryoso siyang nakatingin sa akin. "In some place where death is nearby."

Nabasag ang katahimikan namin nang makarinig kami ng malalakas na yabag na galing sa tatlong nilalang na papalakad sa aming direksyon. Halatang hindi sila taga-circus dahil kakaiba ang kanilang kasuotan. Isang babae at dalawang lalaki pero medyo bata 'yong isa. Naka-coat and tie at may nakadikit na hugis puso sa left side ng kanilang ulo na may numerong one, three at five.

Kamukha nila ang tatlo kong servants sa manor - sina Maylene, Finn at Troy.

"Seems we have more visitors," the hatter said.

"Lady Primrose," banggit ng babaeng hawig ni Maylene - si One.

Awtomatiko akong nagtaas ng kamay at nagpakilala. "That's me."

"Nagagalak naming ipaabot sa 'yo ang imbitasyon sa palasyo ng Red Queen," sabi naman ng kamukha ni Troy na si Five.

"Yes, from the Red Queen, we present an invitation for Lady Primrose," ulit naman ni Three, ang lookalike ni Finn hawak ang papel na may lamang invitation letter.

"Time for you to go, dear pumpkin," panghihikayat ni Hatter. I'm not a pumpkin, you moron!

Basta na lang humakbang ang paa ko papasunod sa tatlong servants--este, bisitang napadaan para imbitahin ako sa palasyo ni Red Queen-kuno.

Sinalubong ako ng karwahe sa labas. Bago pa man ako makaapasok ay naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Lumingon ako at nakita ko ang mukha ni Judas. Kalmado at walang bahid ng pag-aalala.

"Judas," tawag ko.

"I did my part and now's the time to do yours," he said. Biglang namula ang mga mata nito. "Put an end to this right now."

Tumango ako sa pangalawang pagkakataon. "I will. Thank you. But, can you promise me one thing before I go?"

"Yes, what is it?"

"Ano man ang mangyari sa 'kin pagkatapos nito, ipangako mong susundan mo ako kahit saan ako mapunta."

He cupped my cheeks and gave me a smack on my lips. "You can count on me, my lady."

Sumakay na ako sa karwahe. Inilawit ko ang aking ulo sa bintana upang panoorin ang unti-unting paglaho ni Judas sa paningin ko. Nang matiyak na wala na ang kanyang presensya ay tahimik akong naupo.

In my estimation, it's been fifteen minutes since I got here. So the palace is far from here, eh? 'Di katakatakang wala akong ideyang may ganoon pala rito. Akala ko puro gubat lang ayon sa kuwento ni Moiselle.

At sa tagal kong nakaupo sa loob ng karwahe, kung anu-ano ang tumatakbo sa isip ko, kabilang na ang masasakit na sinabi sa 'kin ng totoong Primus. I feel hatred and pain inside me at huhupa lamang ang sakit kung ito'y magwawakas na ngayon.

Napalitan ng ngiting nakakaloko ang kanina'y pagkabahala ko. "Let the game of death begins," sambit ko habang hawak-hawak ko ang isa sa dalawang uri ng bulaklak na pinadala sa 'kin ng Mad Hatter.

Ang Chrysanthemum.

━━━━━━━༺༻━━━━━━━

Next chapter