webnovel

My Mysterious Savior

Nasa sala ako ngayon, mag-aalas otso na ng gabi at hinihintay ko ang pagdating ni Mama. Namili ito ng kanyang gagamitin para sa next master piece niya. Habang hinihintay ko siya ay minabuti kong humiga sa sofa at nagsuot ng earphone. Gusto kong marelax at sa mga ganitong paraan ay nagagawa ko na.

(Playing: Alan Walker-Darkside)

"This type of music is really a master piece" sambit ko ng nakapikit.

Bigla kong naalala si Devans.

"Whatever. He's just handsome"kinuha ko ang unan at ipinatong sa aking mukha.

Ilang minuto pa lang ang nagdaan ay nakaramdam na ako ng antok at di ko namalayang nakatulog na pala ako pero ramdam ko ang paligid. Tahimik ang buong bahay. Malamig ang hangin na humahaplos sa aking balat. Mag-isa lamang ako pero bakit parang may iba akong naririnig? Tunog ng mahihinang hakbang papunta sa kinaroroonan ko. Bigla akong nagpanic.

Hindi ba't ako lang ang nasa bahay ngayon? Dumating na ba si Mama? Pinilit kong imulat ang aking mata pero di ko magawa. Gusto kong igalaw ang aking katawan pero ayaw nitong sumunod. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na tinig sa aking bibig. Naramdaman ko ang tuluyang paglapit ng kung ano sa akin.

Ma???tawag ng aking isipan.

Nararamdaman kong nakamasid ito sa akin na animo isa akong bagay na inoobserbahan.

"Wife"kalmadong sabi nito. Sino bang kausap niya?

"My Dear Wife"

Gusto kong gumising para makita kung totoo bang may kasama ako or nanaginip lang ako. Naramdaman kong biglang bumigat yung sofang hinihigaan ko.

Umupo ata sa tabi ko?!!! nagpapanic na sabi ko sa sarili.

Wife?Ako ba ang tinutukoy nito?!!pero teka di ko maintindihan, may iba pa itong sinasabi na di ko maintindihan kung anong lenggwahe. Pinilit ko ang aking sarili na gumising. Buong pwersa kong iginalaw ang aking mga paa at nang sa wakas ay nagawa ko na. Isang anino ang aking nakita. Nagmamadali itong umalis na parang takot na makita ko. Hindi ako makareact dahil para akong nanigas at tumindig lahat ng balahibo ko. Sa movies ko lang nakikita ang mga ganitong eksena. Ilang sandali pa ay nagawa ko ng sumigaw.

"Anna what happened?"saktong bungad ni Mama nang datnan niya akong takot na takot. Mabilis itong lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap.

"It's okay baby, tell me what happened?"itinaas ni Mama ang aking mukha mula sa pagkakasubsob sa aking mga palad. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

"Mom, natatakot ako" ang tangi kong sagot sa tanong ni Mama. Rumihestro ang pag-aalala sa kanyang mukha. Kumuha ito ng isang basong tubig at ibinigay sa akin. Kinuha ito ng nanginginig kong mga kamay at uminom ng konti.

Calm down Cassandra...pag-aalo ko sa sarili.

"It's just a bad dream Anna, hindi yon totoo. Ang totoo ay kasama mo ako ngayon at hindi tayo magkakahiwalay. Malalampasan din natin to" she said with a reassuring smile. I forced a smile thinking mom's right and what happened was just a bad dream. It's just a bad dream Anna Cassandra.

Nang gabing iyon ay magkatabi kaming natulog ni Mama dahil nag-aalala itong baka bangungutin na naman ako. Lihim akong nagpasalamt at nangangamba na baka maulit lang yung nangyari dati. Kailangan kong magpakatatag. Ayokong mag-alala na naman si Mama.

Few months later...

Nasa office ako ngayon ng Cussalea Fashion School, may ilalaunch kaming fashion show para sa practicum ng mga top students ng school. Tambak na mga papeles ang kailangan kong asikasuhin ngayon. Tumawag ako sa isang fast food chain at nagpadeliver dahil wala na ring time para lumabas pa at kumain. Tatlong mahihinang katok ang kumuha ng aking atensiyon. Bumungad ang maaliwalas na mukha ni Ms. Kirsty Cierra, ang aking secretary.

"Ms. Anna, may appointment kayo mamayang alas tres sa may-ari ng What'sTrend"Kirsty

"Okay. Get a reservation for us to the nearest restaurant. Remind me again 30 minutes before the appointment. Thank you." I signaled her using my hand. Umalis na ito. Binalik ko ang sarili sa pagtatrabaho, sumasakit na ang aking ulo. Marahan kong isinandal ang aking ulo sa swivel chair. I need to get myself busy to sweep away those thoughts. Ayokong maalala pa ang aninong nakita ko. It's just a product of my anxiety and imagination. Everything's going to be alright.

I'm done with having the same monster in my nightmares...

After ng appointment at dumaan na muna ako sa favorite cake shop ni Mama. Matapos kong bilhin ang favorite niyang blueberry cheesecake ay umuwi na ako para maasikaso ang iba pang kailangang tapusin para sa nalalapit na fashion show. I'm on my way nang sa malas ay biglang tumigil ang kotseng minamaneho ko.

Of all places and time?!!! Wala na masyadong tao at sasakyang dumadaan. Dumidilim na rin ang paligid.

"What the?! I'm so lucky!" bumaba ako ng kotse at tiningnan ang makina. Umuusok ito.

*Cough*cough*

Napamura na lang ako dahil sa inis. Bumalik ako sa loob at kinuha ang aking cellphone. I'm going to call mom.

Dinadial ko pa lang ang kanyang number nang walang anu-ano'y umihip ng malakas ang hangin. Nakaramdam ako ng ginaw at niyakap ang aking sarili.

Sa di kalayuan, isang anino ang patungo sa aking kinaroroonan. Lihim akong napalunok at dali-dali kong pinuntahan ang driver's seat at inilock ang pinto. I started the engine out of panic pero ayaw umandar.

"No please...umandar ka na..." pakiusap ko sa aking kotse. Tatlong mahihinang katok ang nagpatigil sa aking lihim na pagdarasal.

"Okay ka lang Miss?"tanong ng baritonong tinig sa akin. Nahinto ako sa ginagawa at iniangat ang pinagpapawisan kong mukha. Di ko maaninag ang kanyang mukha.

"Wala akong pe-pera"utal-utal kong sagot sa silhouette. Nanginginig na pala ang aking boses kasabay nang aking kamay.

"I'm not asking for your money, I'm asking if you're okay"tila iritableng sagot ng lalaki.

Napalunok ako at tumango na lang bilang tugon. Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela nang lumapit pa ito sa akin.

A pair of beautiful emerald eyes met my gaze...I swallowed hard and hold my breath.

"Good. Mukhang nasira ang makina ng iyong sasakyan, want me to help? Marunong akong mag-ayos"malamig at kalmado ang kanyang baritonong tinig. Medyo kumalma ako dahil sa boses niya. Di pa ako nakakasagot ay tinungo na nito ang harapan ng kotse at sinimulang kalikutin ito. Wala akong nagawa kundi ang titigan na lang siya. Nagpasya akong bumaba at tingnan ang kanyang ginagawa. Marunong naman ako ng self-defense so just in case na may balak pala na masama ang lalaking ito, I won't go easy on him.

Bahagyang siyang nakatalikod sa akin. Siguro mga five minutes na akong nakatitig lang sa kanya. Matangkad ito at matikas ang pangangatawan. Nakasuot siya ng t-shirt na itim at nakamaong. Maalon-alon ang kanyang medyo mahabang buhok. Mukhang modelo, naisip ko. Kung humarap kaya siya?? Bigla itong tumigil sa ginagawa at dahan-dahang humarap sa akin na parang naririnig niya ang iniisip ko.

0-0

Ganyan ang naging expression ko, siguro nakakatawa yung mukha ko ngayon. Nakanganga akong nakatitig sa isang pamilyar na mukha na nasa harapan ko ngayon. Medyo madilim na kaya di ko masyadong makita ang buong mukha ng kaharap ko pero...

"Mr. Devans?"gulat kong tanong. In fairness, ang ganda ng shampoo niya ha, humaba agad yung buhok niya.

'He really looks like a model. But there's something in him that I can't explain...He's more like those leading man na nababasa ko noon. Like stallion boys...Oh my!!! I stopped myself when I realized I'm starting to fangirl over a character I remember from the book I read before.

Nawala bigla yung kaba na nararamdaman ko kanina.

Nakita kong kumunot ang kanyang noo. Hindi niya ba ako nakikilala?

"My bad, I'm Gabriel" yumuko ito nang bahagya. So respectful and...old-fashioned,

De javu???

Wait. What?! Did I hear him right?

My smile faded. I thought he's Devans for a second but clearly he's not. His features is sharp and deep. Mysterious is what best describes this guy in front of me. There's something about this guy that I can't fathom.

"My apologies, I've mistaken you for someone else. I'm Anna" I forced a smile to hide the confusion in my face. We stared for like five or ten seconds.

I looked away from his intense gaze and landed on his chest.

Lub dub. Lub dub.

Bumalik ang tingin ko sa lalaki. Napalunok ako nang bahagyang tumaas ang gilid ng kanyang labi.

De javu???

Kinabahan ako dahil sa ibang dating ng isang 'to. Sunod-sunod akong napalunok dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Magpapacheck up na ako sa doktor bukas.

"No problem. I've fixed it already" sagot ng lalaki sabay sarado ng hood ng sasakyan.

"Can I try it?"tanong nito.

"Su-sure" lihim kong natutop ang aking dibdib. I'm stuttering because of this man. He's very intimidating. I saw him smirking, again.

Pinagtatawanan ba niya ang reaksyon ko kanina??? Tumikhim ako at inayos ang mga hibla ng aking buhok na tinatangay ng hangin. Pinapahiya mong sarili mo dahil diyan sa mga "Tulaley moment" mo.

Inistart nito ang engine at umaandar na nga ito. Bumaba siya ng kotse at sinenyasan akong okay na. Napangiti na lang ako sa tuwa. Hindi naman pala talaga malas ang araw ko ngayon.

"Wow...Salamat ha"lumapit ako sa kotse at hinarap ang mysterious savior ko.

"Walang problema. Ingat ka sa pag-uwi" tumalikod na ito at nagsimulang maglakad palayo.

"Huh..."mabilis ko siyang hinabol at di sinasadyang nahawakan ko siya sa kamay. Tila ilang libong kuryente ang gumapang sa aking katawan buhat nang simpleng pagkakadikit ng aming mga palad. Napalingon siya at pahiya kong binitiwan ang kanyang kamay.

"Is there anything else you need Cass..Miss?"kunot-noong tanong niya sa akin.

Kinapalan ko na ang aking mukha. Ngumiti ako ng matamis sa kanya.

He can't resist this charm!!!

'What are you trying to do self?'tanong ko sa sarili

Mas linaparan ko pa aking ngiti at inayos ang aking postura nang wala akong makitang reaksyon mula kay Gabriel.

"What?"supladong tanong niya sa akin. Napawi ang ngiti ko dahil sa suplado niyang mukha. Tila iritable itong naghintay ng sagot mula sa akin. Napangiwi na lang ako sa reaksyon ng lalaking to.

Pfft. Di hamak naman na mas mabait si Devans kesa sa isang to. Tumikhim ako bago nagsalita.

"Pasensiya na ha pero kasi...di ako sanay na may utang na loob. So tell me, how can I repay you?" tanong ko sa kanya habang mataman kong tinitigan ang kanyang kulay berdeng mata. I wanted to look away from his intense gaze that's penetrating within me but there's something in him that made me want to look at him.

'Magkahawig nga siguro sila ni Devans pero mas gwapo nga lang si Devans dahil sa mabuti rin ang ugali nito.'sa isip-isip ko.

Napansin ko ang pagtiim-bagang niya.

"No need Cassandra" seryoso nitong sagot habang nakipagtitigan din sa akin. Para kaming nag stare contest nito, medyo di ko kinaya ang malamig niyang mga titig kaya una akong nagbawi ng tingin.

"No-no. I insist" matigas kong sabi.

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa mga pinagagawa ko ngayon.

He smirked again, this time lumapit na siya sa akin. Natataranta akong napapaatras sa tuwing hahakbang siya palapit sa akin.

'Stop! please...pinagsisihan ko tuloy kung bakit may pa insist-insist pa akong sinasabi kanina. Maybe he got it wrong! I didn't mean it this way.'

Hanggang sa napasandal ako sa kotse at wala nang mapuntahan. Huminto siya sa paglapit nang mga isang dangkal na lang ang layo namin sa isa't isa.

"Okay. But I'll decide for it next time we meet" medyo paos nitong sabi. Napakurap ako nang mabilis dahil sa kakaibang kislap ng kanyang mata pero agad din itong nawala at nagbalik sa dati.

"Go home Cassandra, it's getting dark and you know it's dangerous"binuksan nito ang kotse. Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya. Ewan ko ba't parang natameme ako bigla. Pagsilip ko wala na si Gabriel.

That mysterious guy...is familiar to me.

I shrugged my head and head back to my house.

ตอนถัดไป