webnovel

I Love My Mom

Nasa sariling silid si Rina ng mansion at katatapos lamang maligo. Natapos niya na kasi lahat ng mga gawain at nakakain na rin sila ng hapunan ni Theo. Kapag natapos na siya sa kanyang evening routines ay matutulog na siya dahil maaga na naman siya gigising kinabukasan.

Kasalukuyan niyang tinutuyo ng tuwalya ang buhok habang naglalakad palabas ng banyo. Dahil sa sobrang dami niyang ginawa kanina ay pakiramdam niya ay nanlalagkit na rin siya sa pawis. Hindi siya makakatulog kung hindi siya nakakapaglinis ng sariling katawan. Naging routine na niya iyon palagi hindi lang simula nang nagpunta siya sa mansion kundi simula nang magdalaga siya at maging conscious sa sariling katawan.

Paulit-ulit niyang pinupunasan ang buhok gamit ang tuwalya. Masama rin kasi kung matutulog siya nang basa ang buhok.

"Ganito mo ba akitin ang isang Ledesma?"

Napadilat siya ng mata at napatingin sa nagsalita. Nakapikit kasi siya kanina dahil damang-dama niya ang ginagawang pagpupunas sa buhok. Nanlaki ang mata niya nang makita si Theo sa pintuan kaya agad niyang tinakpan ang katawan sapagkat nakasuot lamang siya ng manipis na pantulog. Kitang-kita ang itim niyang bra at panty sa damit kaya pilit niyang tinatakpan ang katawan subalit hindi naging sapat iyon para maitago nang tuluyan ang katawan mula sa lalaki.

"Ano ang ginagawa mo rito?"

Lumapit naman si Theo kay Rina nang makita ang gulat sa mukha ng babae. Pansin din niya na pilit nitong tinatago ang katawan sa kaniya kaya bahagya siyang napangiti dahil kahit takpan nito ang katawan ay nagawa niya na iyong makita noong abala ito sa pagpupunas ng buhok kanina.

Lumapit pa lalo si Theo kay Rina kaya napaatras ang babae dahilan din para makita niya lalo ang katawan nito. Hindi niya mapigilan ang kaniyang mga mata na suyurin ng tingin ang katawan nito. Aminado siyang kahit morena ang kutis ni Rina, makinis at nakakahanga iyon. Kitang-kita niya rin ang magandang hubog ng katawan nito kaya hindi niya nga alam kung bakit tinatago iyon ni Rina sa pagsusuot ng mahahaba at makalumang damit. Aaminin niya na nakakaakit talaga ang katawan ng babae.

'Damn!' Hindi mapigilan ni Theo ang sarili na lapitan si Rina dahil gusto niyang mahawakan ang katawan nito. Gusto niyang maabot ng mga palad niya ang malambot at mainit na balat ng babae. Minsan na niyang nahawakan ang katawan nito noong nasa banyo sila ng dalaga dahil katulad ng naramdaman niyang pag-iinit noon, nararamdaman niya rin iyon ngayon. Marahil nga kung hindi tumawag si Cliff ng araw na iyon, siguradong naangkin niya na nang tuluyan ang katawan ng babae.

Nang-aakit ang katawan ni Rina at kapag nahawakan niya na ang katawan nito, tiyak na hindi na talaga siya makakapagkontrol.

"Theo," usal ni Rina subalit hindi niya na ito pinansin sa halip ay kinorner niya ang babae sa pader at nagbaba ng tingin sa mukha nito. Subalit hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang cleavage ng babae. Napakagat siya ng labi at nagpipigil sa sarili na hawakan iyon dahil kahit pa nag-iinit na siya sa oras na iyon, may respeto pa rin siya sa babae lalo pa nang makita niya ang mga mata nito na tila ba nagmamakaawa at naluluha na.

Tumalikod siya at pabagsak na umupo sa kama nito.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Rina sa kaniya.

"Wala lang, am I not allowed to come in?" tanong niya rito na mabilis naman nitong inilingan.

"Hindi naman, nagulat lang kasi ako sa 'yo." Kumuha si Rina ng isa pang towel upang takpan pa lalo ang katawan.

"Oo nga pala, thank you for accompanying me. Hindi siguro ako makakapunta sa Marikina kung wala ka."

"Wala 'yon. Pero kumusta ka? Ano ang naramdaman mo nang lumabas ka sa mansion?" tanong nito na may himig ng pag-aalala kaya nakaramdam si Theo ng kaunting saya nang marinig ang tanong nito.

"I'm all right. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi maalala ang bagay na 'yon." Inalis niya ang tingin kay Rina. Nagtataka rin kasi siya sa sarili kung bakit nagagawa na niyang makipagkuwentuhan sa babae nang matagal. Samantalang noong una, isang pangungusap pa lang ang nabibitiwan nito ay naiirita na siya agad. Komportable na siya sa presensiya ng babae. Panatag na siyang magsabi rito ng mga saloobin niya at ayos na rin sa kaniya na magsalita nang magsalita ang babae para kausapin siya.

"Mabuti naman. Basta, sa tuwing maalala mo ulit 'yon, huwag kang magdadalawang -isip na hawakan ako sa kamay," nakangiting sabi nito sa kaniya. Halos magwala na naman sa pagtibok ang kaniyang puso nang makita ang pagguhit ng ngiti sa labi Rina.

Nanlaki ang mata ni Rina nang ihiga siya ni Theo sa kama. Pumatong ito sa kaniya habang sinusuyod ang katawan niya dahilan din para makaramdam siya ng hiya dahil lumantad na sa lalaki ang hubad niyang katawan. Naalis kasi ang towel na tinakip niya sa sarili sa biglaang ginawa ni Theo. Paulit-ulit siyang lumunok. Ang bilis ng tibok ng puso niya at sa sandaling iyon ay aminado rin siya na nakakaramdam na ng pag-iinit sa presensya ng lalaki. Gusto niyang hawakan ang katawan ni Theo. Gusto niyang dumikit ang katawan nito sa katawan niya. Gusto niya ang pakiramdam nang pagtama ng mainit na hininga nito sa balat niya. Gusto niya ang lahat ng mayroon sa lalaki, ang pabango nitong nakakaadik at masarap singhutin, ang peklat nito sa pisngi, ang mga naiwan marka ng kalmot at sugat sa braso nito at ang titig nito na nanghihingi ng permiso sa kaniya. Gusto niyang magpaubaya sa lalaki at hayaan na lamang ito na angkinin siya ng oras na iyon.

Tumitig siya sa mukha ng lalaki at wala sa sariling nahawakan niya ang pilat nito sa pisngi. Sa tuwing makikita niya iyon ay hindi niya mapigilan ang pagnanais na mahawakan iyon. Para sa kaniya, malakas ang dating ng peklat na iyon. Kung inaayawan iyon ni Theo ay kabaliktaran naman ang nararamdaman niya roon. Gustong-gusto niyang hawakan iyon. Bagay na bagay iyon sa manly at seryosong mukha ng lalaki. He may look more evil with it or even though he has the side of evil inside of him but deep down her heart she feels that the kiss, the touch they are sharing together are something paradise, are something heaven. She admitted that despite how hell-like the place she is right now, there is still enchanted inside of it.

Napapikit si Rina upang alisin ang naglalaro sa utak niya subalit mali ata ang ginawa niya. Nang pumikit kasi siya ay bigla na lamang niyang naramdaman ang paglapat ng labi ni Theo sa labi niya. Wala sa sariling napadilat siya ng mga mata dahil sa gulat sa ginawa ng lalaki pero hindi rin naman nagtagal ang halik ni Theo dahil mayamaya lang ay nilayo na rin nito ang mga labi sa labi niya.

"I still don't understand my real feeling. But what I'm sure is, I want you Rina." Tuluyang lumayo si Theo sa kaniya upang umupo nang maayos pero may parte sa puso ni Rina na sana tinuloy ni Theo ang balak na pag-angkin sa katawan niya. Alam niyang kabaliwan iyon subalit iyon ang totoo niyang nararamdaman.

Umupo na rin siya. "Theo, mahal mo ba ako?" Napakagat-labi siya sa kaniyang naitanong. Nakakahiya man pero gusto niyang malaman kung ano talaga ang nararamdaman ni Theo para sa kaniya. 'Is it love or just a lust?'

Paulit-ulit siyang lumunok habang hinihintay ang sagot nito. Nais niyang marinig na sana mahal din siya ni Theo. Sana mabigyan siya ng pagkakataon na suklian din ng lalaki ang nararamdam niya para rito. Mahal niya na kasi si Theo. Iyon ang matagal niya nang inamin sa sarili. Hindi iyon libog o simpleng paghanga lang. Mahal niya na ito kaya naman lahat ay gagawin niya upang mapaligaya ito. Na-realized niya na hindi lang iyon simpleng awa sa kondisyon ng lalaki, hindi lang iyon simpleng simpatya sa kalungkutan nito. Gusto niya itong tulungan na makalimutan ang matagal na nitong bangungot hindi dahil sa awa kundi dahil sa pagmamahal na niya sa lalaki.

'Mahal na niya si Theo!'

"Hindi ko pa rin alam ang nararamdaman ko. I love my mom more than I love you," sagot ni Theo sa kaniya na ikinapanlumo niya. Pakiramdam niya ay hindi lang nabasag ang puso niya sa narinig. Para pa iyong dinurog nang sobra para maging pino. 'Ang sakit!' nasabi niya sa sarili.

Kung puwede lang sana niyang pilitin si Theo na siya na lamang ang mahalin subalit hindi. Mas mahal nito ang ina kumpara sa kaniya. Nakakabaliw isipin na ang karibal niya sa pagmamahal kay Theo ay ang sarili nitong ina.

Magsasalita pa lamang siya upang kumprontahin ang sinabi ng lalaki nang tumunog ang phone nito. Tumayo si Theo upang sagutin iyon saka tumalikod sa kaniya.

"Yes Cliff?"

Hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ni Theo at ng pinsan nito pero napansin niyang paulit-ulit na tumatango si Theo. Mayamaya lang din ay binaba na nito ang phone at humarap sa kaniya.

"Rina, I need you on Wednesday. Gustong makipag-meet ni Mr. Ellasar sa amin ni Cliff. I need you again to accompany me."

Marahan siyang tumango. Kahit nasasaktan siya, hahayaan niya na lamang na gamitin siya ni Theo para sa sarili nitong kapakanan. Kung iyon lang ang magiging silbi niya sa buhay nito ay ayos lang dahil mahal niya ang lalaki. Kahit wala itong nararamdaman sa kaniya ay ayos lang, hindi niya na ipipilit ang sarili rito. Subalit hindi rin niya pipilitin ang sarili na kalimutan ang nararamdaman para sa lalaki.

Next chapter