webnovel

Chapter 13

(( Cristoff ))

Dahil hindi ako makatulog naisipan kong basahin na lang ang pinahiram sa akin ni Vanellope kanina na sinulat nya daw.Bumangon ako at nagpunta sa salas,dun ko kasi nilagay kasama ng maliit kong bag.

Umupo ako sa isang couch at sinimulang basahin ito.King and Queen of hearts ang title ng story.May nahagip akong maliit na notebook sa ibabaw ng lamesa nya.Nilapitan ko ito at binuksan pero isang page pa lang ang laman nito.Siguro ito yung sinusulat nya pa ngayon dahil wala pa naman itong title.Ang laman ng first page ay tungkol sa kanya.Hindi ko alam pero gusto kong mabasa yun hanggang sa matapos nya ito.Binalik ko ulit ito sa ibabaw ng mesa nya at bumalik na ulit sa couch.

Ilang oras ang lumipas narinig kong may taong papalapit sa akin,binasa ko muna ang epilogue nito bago ko tiniklop.Umupo ito sa harap kong couch at tiningnan ang nasa kamay ko,yung notebook nya.

"Ngayon mo pa talaga yan binasa? Hindi mo ba alam kung anong oras na?"

Nag aalala ba ito?

"Anong oras na ba?"tanong ko dito.

"Alas kwatro na po ng madaling araw"sagot naman nito.

Tiningnan ko naman ang orasan,tama sya.Alas kwatro na nga.Wala akong kamalay malay na natagalan pala ako sa pagbabasa kasi sobrang haba naman talaga,isang buong notebook ba naman.

Ngumiti ako sa kanya,ngumiti din ito ng bahagya sa akin kaya kahit medyo madilim ng konti sa banda nya kita pa rin yung maliit nyang dimple.

(( Vanellope ))

Nagising ako ng madaling araw dahil sa masamang panaginip.Bumangon ako para kumuha ng tubig pero pag tingin ko sa pwesto ni Cristoff ay wala na ito dito.

"Siguro nasa salas yun"sambit ko.

Nang lumabas ako hindi nga ako nagkamali,nandun nga sya nakaupo sa couch.Lumapit ako sa kaharap nyang couch at umupo.Tiningnan ko ang nasa kamay nito."Hala bakit ngayon nya pa ito binasa? Madaling araw talaga?" sabi ng utak ko.

(( Cristoff ))

"Mukhang may bago kang sinusulat?"tanong ko sa kanya ng makabalik sya mula sa kusina.Nagtimpla kasi ito ng gatas namin total daw hindi na sya makabalik sa pagtulog.

"uhmm,nabasa mo?"sabay lapag nya ng gatas sa mesa na nasa harap namin.

"Curious lang kasi ako sa notebook na yun kaya nabasa ko"sagot ko dito.

Uminom muna ito ng gatas bago nagsalita.

"Oo,pero matagal pa siguro yun matatapos"

"Dapat ako unang magbasa nyan ha,kasi ako din naman ang unang nakaalam tungkol sa bago mong sinusulat"

Ngumiti ito ng bahagya at inubos nya na ang laman ng baso nya ganun din ako.

Nagplano kami na bumalik na ulit sa pagtulog since may oras pa naman.

((Vanelope))

Maagang nagising si Kring,naramdaman ko sya ng bumangon sya sa gilid ko.Pero dahil kulang pa ako sa tulog hinayaan ko lang ito sa gagawin nya.

(( Kring))

Maaga akong nagising para mamalengke since malapit lang naman ang palengke dito.Tiningnan ko muna ang dalawa na mahimbing na natutulog.Bubuksan ko na sana ang pinto ng may narinig akong nalaglag,bumaling ako kay Vanellope..Sya nga yung nalaglag.

Nilapitan ko ito kasi akala ko nagising na sya pero dun pala ako nagkamali.Nakapatong sya sa dibdib ni Cristoff.Kahit si Cristoff hindi naramdaman na may mabigat sa kanya.Tulog na tulog silang dalawa.

Ngumiti naman ako sa pumasok sa utak ko.

Lumapit ako ng bahagya sa kanilang dalawa at inusog ko ng konti si Cristoff para malaglag si Van sa tabi nya.At yun! Success!Tamang tama nakatagilid si Vanellope paharap sa kanya.Magkatabi na nga silang dalawa.Kinuha ko ang isang kamay ni Van at inilagay iyon sa dibdib ni Crisoff.hahaha peace besty:)

Kinuha ko naman ang phone ko sa bulsa at kinunan ko sila ng picture🤫 Ayan! Remembrance din to.

At binalik ko na sa bulsa ang phone ko at tiningnan ko muna silang dalawa bago umalis.

"See you later guys"sabi ko kahit hindi nila iyon marinig.

((Cristoff))

Nagising ako ng may naramdaman akong kakaiba sa dibdib ko.Pagtingin ko dito may kamay na nakapatong at sinundan ko kung sino ang may ari ng kamay na yun at napangiti ako.Isang anghel pala,na mahimbing na natutulog sa tabi ko.Pinagmasdan kong mabuti ang maamo nyang mukha,hinaplos ko iyon.Hindi ko aakalain na may makikilala akong isang katulad nya."Kaya ba dito ako na assign kasi nandito yung para sa akin?"Natawa naman ako sa pumasok sa isip ko.Pinikit ko ang aking mga mata at nagdasal na sana pangmatagalan na 'to.

((Kenneth))

Ginising ako ni Gab dahil daw may sinasabi akong pangalan.Hindi ko alam kong ilang ulit ko na syang napanaginipan.

"Tropa ayos ka lang?"tanong ni Gab ng umupo bangon ako.

Inalala ko ang mga panaginip ko,hindi ko matandaan ang ibang pangyayari pero yung mukha nya talaga ang hinding hindi ko malilimutan.

"Kilala mo ba si Vanellope tropa?Kasi sya yung sinasambit mo kanina"

"Baka nasama lang sya sa panaginip ko tropa"pagsisinungaling ko kay Gab.Ayoko munang sabihin kahit sino ang tungkol sa babaeng nasa panaginip ko.

((Vanellope))

Kahit antok pa talaga ako kinaya kong imulat ang aking mga mata at sa hindi ko inaasahan ang mukha nya ang una kong nakita.Gusto ko syang hampasin ng unan kaso lang ayaw ko naman disturbuhin ang pahinga nya kasi madaling araw na kami nakatulog ulit.:) Nag isip naman ako kung pano ako nahulog kasi hindi naman talaga ako malikot sa kama.

Hindi kaya itinulak ako ni Kring?Tiningnan ko ulit ang mahimbing na natutulog sa tabi ko.Feel na feel nya talaga eh,pinagmasdan ko ito.

"Hindi ko alam kong bakit komportable ako sayo Cris pero alam mo...yun yung gusto ko sa lalaki.Nahuhulog na ba ako sayo Cristoff?'mahinang sabi ko.

"Oo,nahulog ka na sa akin Van,buti na lang nasalo kita"unti unti nitong inimulat ang kanyang mga mata at may ngiti sa kanyang mga labi.

Umupo bangon naman ako at hinampas ko ito ng unan.Tawa sya ng tawa.Tiningnan ko naman ito ng masama.

"Nagulat na lang ako kanina na nasa tabi na pala kita,ayoko naman gisingin ka kasi alam kong puyat ka kaya hinayaan na lang muna kita sa tabi ko"pagpapaliwag nito.

Inirapan ko ito.

"Style mo bulok,baka naman hinila mo ako para malaglag talaga ako"pagsusungit ko.

"Hahaha hindi promise.Pano ko naman gagawin yun eh tulog na tulog ako"depensa nya.

I almost rolled my eyes.Again.

Sabay naman kami napalingon sa babaeng pumasok,nakangiti ito na parang alam nya ang pinag uusapan namin.

Lumapit ito sa amin at umupo sa gilid ng kama.

*You may encounter grammatical error*

Hello June ! Please be good to us:)

at dahil ngayon lang ulit nakapag update magpapagive away ako hahaha djk lang po:')

-Be safe

Rate this chapter if you enjoyed it:) mwaa' tysm?

JMP_beautycreators' thoughts
Next chapter