webnovel

Chapter 8

(( Vanellope ))

Hindi muna ako pumasok kasi nang gumising ako kanina masakit ang ulo ko.Parang wala naman akong ginawa na ikakasakit ko.Tinawagan ko kanina si kring na sya na lang magsabi kay sir na hindi muna ako makakapasok kasi masama pakiramdam ko.Gusto sana nya akong puntahan kaso ang sabi ko kaya ko naman tumayo at kumilos.Kailangan ko lang siguro magpahinga muna.Nag order na lang din ako ng makakain ko hanggang mamayang gabi.Maraming message sa 'kin si Cristoff pero hindi ko muna ito pinansin.Nakahiga lang ako ng may kumatok sa pinto.

Palakas ito ng palakas habang papalapit ako dito para buksan ito.

Nang buksan ko ito nagulat ako kung sino.....

(( Cristoff ))

Dahil lunch time naman at wala akong ganang kumain kasi naman kanina ko pa sya chinachat pero walang reply kahit online naman ito.Nag isip tuloy ako kung may nagawa ba akong mali sa kanya or nasabi para iparamdam nya ito sa 'kin.

"Kanina ka pa tulala dyan tropa" ani ni kenneth.

Tumingin naman ako sa kanya.Kumakain ito sa tabi ko at sa harap si Gab.

"Si Van kasi hindi nagrereply,nag aalala lang ako sa kanya"

"Puntahan mo na lang,kahit 20minutes lang..Mamaya pa naman byahe natin eh"sabi ni Gab.

Tinapik tapik naman ako ni kenneth kasi alam nyang gagawin ko iyon.Tumayo na ako at nagbihis muna ako sa kwarto.

"Alis na ako tropa"paalam ko sa kanila na kumakain pa rin ng pananghalian.

Nag wave lang sila sa 'kin.

Kinakabahan ako habang papasok ng mall.Nang makarating ako ng store nila hinanap agad sya ng mga mata ko.Nilibot ko na ang buong store nila pero hindi ko sya makita.Kaya nilapitan ko ang isa sa mga kaibigan nya.

"Hi,si Vanellope ba pumasok?"tanong ko dito.Ngumiti naman ito sa akin.

"Absent sya ngayon eh,hindi ba nya nasabi sayo?"

"Hindi nga nagrereply eh,bakit daw umabsent sya?"tanong ko ulit dito.Nagsimula naman itong magtupi ng damit.

"Masama kasi pakiramdan nya,gusto ko sana syang puntahan kaso ayaw naman nya..kaya naman daw nya"pagpapaliwanag nito.

"Puntahan mo na lang,for sure kailangan nya ng kasama kasi mag isa lang naman sya dun"dugtong nito.

"Saan ba sya nakatira?"

"Kumuha sya ng sarili nyang condo,wait at isusulat ko sayo ang direksyon kung saan yun"umalis ito at pumunta ng cashier.May sinulat ito sa papel at ibinigay nya iyon sa akin.

Nagpasalamat ako bago umalis.Pano yan eh may byahe kami?Bumalik muna ako sa barko namin.Tinawagan ko ito sa messenger nya pero hindi nya pa rin ito sinasagot.Siguro nagpapahinga yun.

Hinanap ko ang captain namin para magpaalam na may dadalawin akong kaibigan at nakita ko sya sa kwarto nya.

"Kapitan,pwede ba muna akong mag leave? kahit ilang oras lang kasi may dadalawin akong kaibigan"Sana naman pumayag sya.

Ngumiti ito sa akin ng nakakaloko.

"Ganyan na ganyan din ako dati nang may nakilala akong babae dito"sabi nito.Pero hindi ito tumitingin sa akin,nakatingin lang sya sa kaharap nyang cellphone.

"Kaso hindi rin kami nagtagal kasi umuwi ako sa amin at ayaw nya ng LDR kami so nakipaghiwalay sya sa akin.Ang sabi ko sa kanya babalik naman ako dito pero hindi sya naniwala"dugtong nito.This time,nakatingin na ito sa akin.At kahit nakangiti ito kita ko pa rin sa mga mata nya ang lungkot.

"Sige puntahan mo na"sabi nito.

Ang lungkot lungkot ko:( The whole time I was reading the last chapters iyak ako ng iyak:( tas ngayon wala na akong aabangan na updates galing sa MAS:'(

More updates pa rin kahit broken ako:(

-----

JMP_beautycreators' thoughts
Next chapter