webnovel

Chapter 88 Fingers cross

"Nagparamdam na ang multo!" Report ni Minjy kay Jion. Dalawang araw na nilang itinatago sa isang safehouse ang pamilya ni Mr. Carlos para mapalabas ito sa kung saang lupalop man ito nagtatago, ang asawa nito at dalawang anak na parehong college student ay pinakiusapan ni Minjyng manatili roon, keeping their phones and other gadjet na maaaring makakontak sa lalaking kawatan.

"And the situation?" sagot niya sa sekretaryo.

"He doesn't want to cooperate, Lumaban sya sa mga tao ko nang subukan syang hulihin ng mga ito, He shot some of my mens!" sabi pa ni Minjy na halatang aburido dahil sa ginawa ng dati nilang manager. "at ang nakakabwisit pa nito, natakasan sila ng walangyang yon!"

Napabuga ng hangin si Jion sa narinig, Sampong taon na nilang kasama si Mr. Carlos sa kumpanya nila kaya hindi talaga niya lubos maisip kung bakit sya nagawang pagnakawan ng lalaki. Nanghihinayang sya dahil akala niyay deserving ito sa pinaplano niyang pag promote dito bilang General Manager.

"We need to move faster, hindi natin alam ang tumatakbo sa utak ng lalaking iyon." Ani Jion, "dadagdagan ko ang bantay ng mag ina ko dahil baka sila ang mapagbalingan ng walangyang yon!"

"He's willing to die just because of money, kaya sigurado akong desperado na ang isang yon! and I think alam ko na ang susunod na hakbang na gagawin nya." Lalong naningkit ang mga mata ni Minjy.

"Yeah, we just need to stay in this office till midnight!" tila naguusap ang mga mata ng amo, "Prepare all the things na kakailanganin natin mamaya."

"Roger boss!" sagot ni Minjy sa kanya.

Tinutulungan ni Yrang magbuo ng puzzle ang anak ng magring ang cellphone niya, Oh si Jion! bakit kaya? nagulat sya ng makita ang pangalan nitong rumehistro sa screen niyon.

"Hello!" bati niya dito.

"Ah, hi! nangangamusta lang!" anito.

"Okey naman kami, ikaw kamusta ka? Hindi ba sumasakit ang ulo mo ngayun?" nagaalalang tanong niya dito.

"No, hindi naman! where's Xymon?" hindi mawari ni Yra pero parang may kakaiba sa boses ni Jion ngayun.

"Nandito sya tabi ko, wait lang kausapin mo!" iniloudspeaker niya ang cellphone para marinig din nya ang sasabihin nito. "Anak si Papa oh,"

"Hello Xymon?" umalingawngaw ang boses nito sa opisina nya.

Napatingin naman ang bata sa aparato, "Say hello Papa!" utos ni Yra sa anak.

"Eyow apa" sabi ng bata.

"Wow, ang prinsipe namin, anung ginagawa mo?" tanong ni Jion dito.

Prinsipe? ngayun lang uli narinig ni Yra na tinawag ni Jion ng ganoon ang bata.

"amboo ampasel" itinaas pa ng bata ang hawak na piraso na parang nakikita ng kausap ang ginagawa nito.

"Nagbubuo kami ng puzzle!" segunda niya sa sinabi ng bata dahil baka hindi iyon naintindihan ng kausap nito.

"Talaga! hayaan mo anak next time si Papa naman ang tutulong sayo sa pagbubuo ng puzzle mo!" sagot naman nito.

"Hey, bat ganyan ang boses mo? may problema kaba?" kakaiba talaga ang dating ng boses ni Jion sa pandinig ni Yra sa mga oras na iyon.

"There's nothing wrong, ganito lang talaga ang boses ko pag pagod ako." paninigurado nito sa kanya.

"Okey, basta wag kang masyadong magpakastress okey! baka magcollapsed ka na naman!" bilin niya dito.

"Roger mam! promise pagkatapos ng trabaho ko ngayon hindi na ako maiistress! Sige na babye na muna at may mga paperwork na ulit ako." saka nito ibinaba ang telepono.

Iba talaga ang pakiramdam ni Yra sa tono ng boses ni Jion, sana talagay walamg problema ito.

Napatingin naman si Jion sa labas ng floor to ceiling na bintana ng opisina nya, nagsisimula ng lumubog ang araw at malapit ng dumating ang anino ng kalaban.

"All is done, Oras nalang ang hinihintay natin!" ani Minjy habang inilalapag ang isang black na attaché case sa ibabaw ng mesa ni Jion.

Ipinilig pilig muna ni Jion ang leeg bago binuksan ang case niya.

"Yo!" nangibabaw ang boses ni Vince sa suot na earpiece nina Minjy at Jion. "Ninenerbyos ba kayo?" biro nito.

"You wish! baka ikaw ang ninenerbyos!" tugon ni Minjy dito.

"Hahaha! I already saw the mouse hiding in a hole!" Anito.

"Just keep an eye, don't let him escape this time." utos nya dito.

"Makautos naman to! kala mo may bayad ang serbisyo ko sa kanya!" biro nito kay Jion.

"Bakit, maliit lang ba ang halaga ng kapatid ko sayo?" ganting biro niya dito.

"Huh, don't worry I'll keep the changed!" bigla itong sumeryoso. "be careful, he's moving!" bulong nito.

Sinadya nilang pauwiin ng maaga ang lahat ng empleyado para makasiguradong walang magiging sagabal sa pagdating ng kanilang panauhing pandangal.

"Okay, just one more request!" saad niya sa dalawang lalaking kausap, "Wag nyong mamantsahan ang sahig ng opisina ko, mahal ang bili ko sa carpet na ito!"

Napabungisngis naman ang dalawa, "akala ko maglalast will kana eh!" sabay na sabi ng dalawa.

"Mga gago! hindi pa ako pwedeng maglast will, susundan ko pa si Xymon!"

"Okey boys, nasa first floor na sya heading to the emergency stairs!" napakunot noo bigla si Vince ng matitigan ang sinusundan, "Guys, may bomba sa katawan ang kalaban hindi sya pwedeng maka akyat jan sa taas!" biglang babala nito.

Nagkatinginan sina Jion at Minjy, hindi nila inaasahan ang naging hakbang ni Mr. Carlos, alam nilang armado ito pero hindi ang maglagay ng bomba sa katawan nito.

"Bullshit!" nagunahan sa pagtakbo ang magkaibigan palabas sa opisina ni Jion, kailangan nilang mapigilang ang lalaki bago pa nito mapasabog ang sarili nito.

They run as fast as they can to reach the elevator, kailangan hindi ito makaakyat sa mas mataas na level ng building na iyon.

"Inaproach na sya ng tauhan ko, nasa second floor na sila," ulat ni Vince sa sitwasyon nila,

Inip na inip si Jion sa loob ng elevator, para bang napakatagal niyon bago makarating sa ikalawang palapag ng building na iyon. Naramdaman niya ang pagtapik ni Minjy sa balikat niya.

"Relax bro! everything is gonna be alright!" anito.

Huminga muna si Jion ng malalim, this is the first time na natakot sya para sa buhay nya. Fingers cross! sana walang manyaring masama sa kanila.

"I'm with you guys!" tinig ni Vince sa earpiece nila.

ตอนถัดไป