I need to refrain myself! kahit gustong gusto ni Jion ipagpatuloy ang ginagawa sa babaeng nasa loob ng opisina niya pero kailangan muna nyang mabitin sandali. Kinuha nya ang cellphone sa bulsa at nagsimulang suriin iyon.
Yra patiently wait for him, kahit sa isip nya ay nakaluhod na sya harapan ng lalaking nakaupo sa dulo ng mesa, she's biting her lower lip.
Hindi ko makita! ano ba kaseng meron sa cellphone nato? "I think I need a technician to fix this phone!" inilapag ni Jion ang telepono sa mesa.
huwat? makikita ng iba ng video na yun! "Hindi mo pwedeng gawin yun!" nanlalaki ang mga mata ni Yra.
"Why not? its my phone so pwede kong gawin ang gusto ko!" lalong lumalim ang kuryosidad ni Jion sa pagtanggi ni Yrang makita ng iba ang cellphone nya.
"Listen to me Jion, medyo personal ang mga data na laman ng cellphone mo. Kaya kahit anung mangyari please lang wag mo yang ipapakita sa iba!" pangungumbinsi niya rito. Masisira ang buhay ko pag may ibang nakakita ng video na yan.
Mataman nyang tinitigan si Yra, "Okay, since mukhang hindi na natin maitutuloy yung ginagawa natin kanina, lumabas nalang tayo, lets eat!" yaya niya rito.
Dinala sya ni Jion sa restaurant na pagaari ng kapatid nitong si Juno, dahil 7pm na kaya medyo puno iyon ng mga costumer na naghahapunan na.
"This way po Sir." itinuro sa kanila ng waiter ang pinareserve ni Jion na table para sa kanila. Inalalayan sya nitong makaupo.
"Nagpahanda na ako ng pagkain para hindi na tayo umorder pero kung may gusto kapa sabihin mo lang!" ani Jion ng makaupo na sila.
Tumango nalang si Yra bilang pagsangayon dito.
"How is he?" tanong ni Jion.
"Sino?" balik tanong niya dito.
"The child. How's your child?"
"Our child Jion." pagtatama niya rito, "Xymon is our son!"
"I want to see him!"
Biglang namilog ang mga mata ni Yra sa narinig, totoo ba to!? gusto nyang makita ang anak nya! inayos ni Yra ang pagkakupo nya, "Sigurado ka?"
"Yeah!" sagot ni Jion,.
Hindi mapigil ni Yra ang pagngiti, sa wakas! "Siguradong matutuwa si Xymon na makita ka uli." Sana lang di mabaguhan ang bata sa itsura ni Jion dahil bahagyang nagmatured ang mukha nito ngayon, noon kase ay mukha itong baby dahil sa medyo mahaba nitong buhok, ngayun naman ay nagmukha itong hot guy dahil sa clean cut nitong buhok at pahabang pilat sa itaas na bahagi ng tainga nito na animoy sinadyang iguhit doon para maging disenyo.
"Tell me about his story, I mean ipinagbuntis mo sya while I was away and I just met him recently. Is he comfortable with me?"
"The first time you saw him, you're already claiming his your son!" naalala ni Yra ang mga titig na ibinigay ni Jion sa bata nung kasal nina Heshi at Juno, "at hindi ka tumigil hanggat hindi ko ibinibigay sayo ang karapatan mo sa bata."
Sabi ni Minjy lahat ng sasabihin niya sa akin ay totoo! biglang pumasok sa isip ni Jion, "Hindi ba sya natakot sakin nung first time nyang malaman na ako ang tatay nya?"
Napangiti si Yra, "Nagulat kami nung kapatid ko kase napakatahimik na bata ni Xymon, hindi sya basta basta nagsasalita at lalong hindi sya agad lumalapit sa mga taong hindi nya kilala. Pero nung una ka nyang nakita ay hindi man lang sya nangilag sayo!"
Naaaliw si Jion sa paraan ng pagkukwento ni Yra tungkol sa sinasabi nitong anak nya, her eyes brightened by the thoughts of her child. Hindi nya alam pero narerelax sya sa presensya ng babae.
"Tapos kinarga mo sya na parang miss na miss mo yung bata at nakikipaglaro ka din sa kanya!" She continue her story. "pag nakita mo sya ulit magugulat ka! mahilig syang magbuo ng puzzles at Lego's, ibinili mo pa nga sya ng 200pcs na puzzle tapos tinulungan mo syang magbuo non eh!"
She's really enthusiastic about the child. Ako kaya? ano kayang mararamdaman ko pag nakita ko uli yung bata!? maging katulad kaya ako ng mga kwento nya? pinaglaruan ni Jion ang pagkain sa plato nya.
Napansin ni Yra ang pananahimik ni Jion, napasobra ata ako! baka hindi kayang i absorbed ng utak nya lahat ng kinukwento ko! "Sorry ha, medyo nadala lang ako sa pagkukwento tungkol sa anak natin." nahihiyang sabi niya.
"No, its okey! just continue your story." sabi niya dito.
"Okay lang naman sakin kung hindi ka pa handa sa mga pagbabagong nakasanayan mo, I can wait!" sabi ni Yra dito dahil napapansin nyang medyo nagbago ang timpla nito.
He continued playing on his food, "I'm just wondering kung magiging katulad parin ako ng dating Jion na nakilala at nakasama ng bata, pano kung hindi?"
"We're not going to force you to be the same as before! tsaka hindi natin malalaman kung hindi mo susubukan!" sagot nito.
He looked at her, "Ganyan kaba talaga kapositibong mag isip? I mean hindi ka man lang ba nawalan ng paniniwala na baka mawalan ako gana sa bata or sayo?" he ask.
"The way you're asking about him means youre interested and you're listening to me now, so ibig sabihin inihahanda mo na ang sarili mo sa possibilities na maaring mangyari pag nakita mo na uli yung bata!"
He takes a deep breathe, kung wala lang sana akong amnesia hindi ako mahihirapan ng ganito! "I think we need to eat, lumalamig na ang pagkain!" pagtatapos niya sa usapan.
They silently continue their meal ng maalala uli ni Jion ang cellphone niya., na cocurious talaga sya. Ano kayang pwede nyang gawin para mapaamin ang kaharap tungkol sa laman ng phone niya, ang totoo kase nyan may parte iyon na nakalock at hindi talaga nya mabuksan kahit anong gawin nya! hindi kaya may kinalaman sa kanya? kung ayaw nya itong pabulksan sa iba, ibig sabihin sikreto ang isang yun!
"I want to ask you again about my phone!"
Napatigil si Yra sa pagsubo ng bake salmon na nsa kutsara nya.
"Is that file on my phone really confidential?"