webnovel

Chapter 69 Sleep over

Kanina pa tinititigan ni Yra ang anak niya habang mahimbing na natutulog, hating gabi na at hindi pa rin sya dalawin ng antok dahil narin siguro sa naging paguusap nila ng mga magulang niya.

Ano kayang plano ng tatay mo? hinahaplos haplos niya ang buhok ni Xymon ng biglang tumunog ang cellphone nya.

[Hi, gising kapaba?] sino kaya to? baka wrong number di kase nakaregister ang numero kaya hindi nya nalang pinansin.

[It's me Jion] uh! nag iisip palang si Yra kung rereplyan ba nya o hindi ay nag ring na ang telepono niya.

Wag ko na kayang sagutin, kunyari tulog na ako! papatayin na sana niya cellphone ng kusa iyong tumigil sa pag riring. He's checking kung gising pa ako!

[I wanna hear your voice] tinitigan ni Yra ang message nito. Hear my Voice? ano ka bale!?

[Tulog na ba ang baby ko?] hay ang kulit rin eh ano! malay mo pa kung gising ako?

kumilos ang anak nya sa higaan kaya tinapik tapik niya iyon para makatulog uli. Lalo ng nawala ang antok na kanina pa niya hinihintay. Aminin man niya o hindi gusto nya ring marinig ang boses ni Jion, ayaw nya lang isipin nitong nitong excited sya sa pagsagot dito.

Kinabukasan ay naging bisita na naman niya sa opisina niya si Jion, "Bakit nandito ka? wala kabang ginagawa?" tanong niya rito.

"Ive been texting you last night, kaya lang hindi mo ako nirereplyan kaya nagpunta nalang ako." habang nilalaro nito ang anak.

"Anung palagay mo sakin hindi natutulog!?" sarkastikong sagot niya dito.

"Tinatawagan kita kase gusto ko sanang imbitahin kayu on saturday, anniversary ng kumpanya namin at gusto ko sanang dalhin doon si Xymon."

Napakamot ng batok si Yra, kala pa naman niya namimiss sya nito kaya tumatawag, yun palay hindi! "Okay! Wag mo na kaming sunduin, kami nalang ang pupunta doon."

Nagliwanag naman bigla ang mukha ni Jion sa sagot nya. "Talaga!? salamat, hihintayin ko kayo sa sabado."

Kinakabahan si Yra habang papasok sa kumpanya ni Jion, lahat ng empleyadong nadadaanan nya ay napapatingin sa kanilang mag ina. Palapit na sya sa elevator ng bumukas iyon at salubungin sila ng napakagwapong tatay ni Xymon.

"Baby!" tawag nito sa bata, "How's my son? goodboy ba ang pinaka gwapong prinsipe namin ha!" kaagad nitong kinarga ang nakadipang bata.

"Gub boy!" sagot naman ng bata.

Kaagad umugong ang bulungbulungan ng mga taong nasa paligid nila. "Lets go!" napatingin sya kay Jion ng hawakan nito ang kamay niya at hilahin sya papasok sa nakabukas ng elevator, naramdaman niya ang milyong boltahe ng kuryente na dumaloy sa kanyang katawan.

"Welcome back Yra!" nakangiting bati sa kanya ni Minjy habang hinihintay sila nito .

Pagpasok nila sa opisina ni Jion ay umagaw kaagad sa atensyon ni Yra ang napakalaking larawan nilang tatlo na nakadikit sa dingding, kuha iyon mula sa kasal nina Heshi at Juno. They really look likes a perfect family in there.

"Mom and dad are coming here to see Xymon," hindi nawawala ang ngiti nito sa labi habang nakikipaglaro sa kanyang anak.

"Ah," tumango tango siya, "Kailangan ko bang umalis muna para hindi ako makasagabal sa kanila?"

"No, you should stay here! mas magiging masaya sila kung makikita ka nila." anito.

Ilang minuto pay dumating na ang magasawang Guia.

"Yra, Hija! we miss you so much!" mahigpit siyang niyakap ng mommy ni Jion, "Sabi ko na nga at apo ko ang napakacute na batang yan, nung una ko palang syang makita sa simbahan."

"Kamukhang kamukha mo sya Jion nung bata kapa! you have the same features." hindi naman magkamayaw si Mr. Lorenzo sa pag pasan sa bata.

"Sanay mas madalas namin kayung makasama Hija! mas magiging masaya ang tahanan namin pag nagkaganon."

"Mom, malapit ng magsimula ang party at pagod na ang anak ko kaya mauna na kayo don at ng makapag pahinga na ang bata." awat ni Jion sa amat ina na parang ayaw pang bitawan si Xymon.

"Mam Yra, napakalihim. Hindi man lang sinabi satin na mag boyfriends pala sila ni Sir Jion!" ani lorena ng makausap nya ang mga ito sa opening ng party.

"Anu kaba! ikaw lang ang walang alam," taas kilay naman si maricon dito.

"Bakit? ano bang alam mo?" tanong naman ni Lorena dito.

"Kase mam Yra, ang totoo nyan kung naalala niyo pa yung kasal ko? diba kayu po ang kinuha kong organizer," anito sa kanya.

"Si Sir Jion po talaga ang nagsponsor sa kasal namin, hiniling nya lang sakin na sa inyo kami mag pa organize, sya po ang sumagot sa pambayad namin sa inyo noon kase maliit lang naman ang ipon namin at hindi sasapat para sa ganoong kagarbong kasal." pag amin ni Maricon sa kanya.

"What?" nanlaki ang mga mata ni Yra ng marinig iyon mula sa dating katrabaho. Dahil 200 thousand cash ang ibinayad sa kanila ni Maricon para sa lahat ng kakailanganin nito sa kasal ay wala silang naging problema ni Heshi, ito ang kaunaunahang kliyente nila ni Heshi ng magsimula sila sa negosyo.

Nilingon niya ang kinaroroonan ni Jion habang karga ang kanilang anak sa stage ng recreation center na iyon. Palihim niya akong tinulungan kahit na break na kami nung mga panahong yon!

"It's late, sa bahay ko na kayu umuwi ni Xymon ngayung gabi." di inaasahan ni Yra ang malakas na ulan kaya wala na syang magawa kundi pumayag nalang sumama dito.

Natutulog na si Xymon ng ibaba ito ni Jion sa kama nya saka naghanap ng damit na pwedeng ipampalit ni Yra.

"Im going to sleep in the guestroom so make yourself compartable in here." palabas na sana ito ng kwarto ng pigilan niya ito.

"Jion, sinabi sakin ni Maricon na ikaw ang nagbayad ng gastos sa kasal niya noon, alam kong late na para magpasalamat pero thank you parin."

"Yra, tinulungan ko sya kase alam kong magkaibigan kayo, kaya hindi mo kailangang magpasalamat." humakbang ito palapit sa kanya.

"Pero dahil sa pagtulong mo sa kanya ay naging maganda ang simula namin Heshi. I still owe you that!" she bit her lower lips.

Happy ever after na kaya?

Creation is hard, cheer me up!

Anne_ter17creators' thoughts
ตอนถัดไป