"Tay naman." Pigil ni Yra sa kanyang ama.
"Abay bakit Yra? Hindi ko ba pwedeng tanungin itong lalaking nadatnan ko sa pamamahay mo?" galit na baling sa kanya ni Mang Hener. "hindi porket naghahanap buhay kana Yra ay hindi na kita pakikialaman. Tingnan mo ang ginawa sa iyo ng Winston na iyan, dahil masyado akong naging mabait ay sinaktan ka naman."
"Sir" biglang tumayo si Jion sa kinauupuan at humarap sa kanyang ama. "with all my due respect, gusto ko po sanang ipaalam sa inyo na liligawan ko po ang inyong anak." Tiningnan naman ito ni Mang Hener. "Pero ngayun palang ay hihingi na ako sa inyo ng paumanhin dahil kung sakali po na hindi kayo pumayag ay hindi nyo rin po ako mapipigilan." Buo ang kumpiyansang pahayag nito sa harap ng kanyang ama at ina.
"Kung ganon hijo ay gusto kong makilala ang mga magulang mo." Nagpakita rin ng katigasan ang kanyang ama. Hindi malaman ni Yra ang gagawin alumpihit ang kanyang katawan sa nerbiyos na nararamdaman, hindi naman ganoon ang reaksyon nito nang ipakilala niya sa Winston dito kahit college student palang siya.
"Sige po Sir, tatawagan ko lang po ang mga magulang ko para makapagset ng date at ng ma meet niyo na po sila. Excuse me po muna sa inyo." Nagpaalam na ito at lumabas muna para matawagan ang mga magulang nito.
Nahihilo si Yra sa bilis ng pangyayari kanina lang ay naglalampungan pa sila sa sofang iyon, ngayun naman ay makakaharap niya ang mga magulang ni Jion dahil sa pagiging impulsive ng tatay niya. Napahawak si Yra sa sentido niya, bigla iyong pumitik kaya naupo muna siya.
"Anak okey kalang ba?" nagalalang lapit sa kanya ni aling Mercy.
"ah wala ho ito nay, medyo nahilo lang ng kaunti dahil sa mga nangyayari." Ininom niya ang tubig na iniabot ng kanyang ina.
"Si tatay kasi, bakit niyo naman ipinatawag bigla ang magulang ni Jion, hindi ko pa naman boyfriend ung tao, manliligaw palang tay, hindi pa mamamanhikan!"
"Yra, kung talagang seryoso sayo ang lalaking yan, ihaharap nya sa kin ang mga magulang niya. Hindi niya ako madadaan sa mabulaklak na salita at gandang lalaki." Wika ng kanyang ama.
"Tito at tita sa pagkakaalam kopo ay nasa Maldives ang mga magulang ni Jion nag ku-cruise sila ngayon, kaya may posibilidad na hindi nyo pa sila makaharap ngayun" Sali naman ni Heshi sa usapan.
"Mabuti naman." Nakahinga ng maluwag si Yra sa sinabi ng kaibigan.
Kumatok muli si Jion at si Heshi na ang nagbukas ng pinto, nakangiti ito sa kanya ng lumapit sa kanila. "Sa ngayun po Sir ay wala pa ang mga magulang ko kaya hindi niyo pa sila makakausap." panimula nito kaya parang lumuwag ang dibdib ni Yra sa paghinga. "Pero their coming home on Saturday kaya sa Sunday niyo pa po sila mamimeet kung okey lang po sa inyo?."
Sa isang linggo! Isang lingo nalang? Lalong sumakit ang ulo ni Yra sa sinabi nito.
"Walang problema sa akin, basta dalhin mo sila sa bahay at ng magkausap kami." Anang kanyang ama.
Napansin naman ni Jion ang discomfort na nararamdaman niya, kaya nilapitan siya nito "ok ka lang ba?"
"biglang sumakit ang ulo, pero okey lang naman ako." Sagot naman niya dito.
"Ganon ba? Baka kailangan mo lang ng pahinga." Tiningnan nito ang relos na suot "kailangan ko na ring umalis. Sir ma'am, papasok na po ako sa trabaho mauna na po ako sa inyo." pamamaalam nito sa mga magulang niya. Inihatid naman ito ni Heshi sa labas.
Di nagtagal ay nagpaalam na rin ang mga magulang niya dahil kailangan na rin ng mga itong bumalik sa probinsya para ayusin ang mga naiwang gawain ng nakaraang gabi.
Nagpaiwan naman doon si Heshi para may kasama daw siya habang masama pa ang pakiramdam niya.
"Hoy Kambal! Mukhang wrong timing kami nina tito ah, nakaabala ba namin kayo ha? hindi mo naman kasi sinasagot ang tawag at text ko yan tuloy nadatnan nila dito si Jion." pagkaalis na pagkaalis ng mga magulang niya ay naupo na kaagad sa tabi ni Yra ang kaibigan.
Napangiti nalang siya sa kaibigan, alam niyang marami itong gustong itanong pero inuuna pa rin nito ang sitwasyon niya sa ngayun.
"Muntik na!" sabay hampas niya ng hawak na throw pillow dito.
Medyo magaan na kanyang pakiramdam dahil umi- epekto na ang ininom na pain reliever.
"What? Youre doin some nasty things! Kung hindi pa kami dumating eh nagkalat na kayo dito sa sala! Ikaw ha!" siya naman ang hinampas nito ng throw pillow.
"Hindi no! joke lang un," biglang sumeryoso ang kanyang mukha ng maalala ang ginawa ng kanyang ama.
"Ahhh, anong gagawin ko? Pambihira kasi si tatay eh! Bakit naman kasi kailangan niya pang ipatawag ang magulang ni Jion? Baka kung ano isipin ng mga iyo! Nakakahiya."
"Nagaalala lang si sayo ang tatay mo, kambal. Pagkatapos ng ginawa ni Winston, eh malamang madala na un. Tsaka kambal nadatnan ni tito Hener si Jion dito ng ganyan ang suot mo kaya siguro non ipinapatawag ang magulang nya." Hahaha tudyo pa sa kanya nito. "kanino bang damit yang suot suot mo? Wait don't tell me kay Jion yan?"
Shoot! Nakalimutan na niya ang suot na damit, hindi na kasi siya nagbihis nung umalis sila sa bahay ni Jion, dahil kumportable ito sa katawan at hindi naman siya magcocomute
pauwi.
"Sa kanya nga itong damit, nasira kasi ni Winston ung Dress ko kagabi kaya no choice na ako."
"'ibig mong sabihin ganon katindi ang pagtatangka niya sayo? Umabot sa puntong nasira nya pa ang damit mo? grabe talaga ang isang iyon." napapailing na lang kanyang kaibigan. "teka, kung kay Jion yang damit na suot mo ngayon, ibig sabihin dito sya natulog kagabi! oh my God kambal, isinuko mona ang bataan?!" histerikal na reaksyon nito.
"hep! Hep! Hep!" pigil niya sa kaibigan "hindi sya natulog dito. ako ang nakitulog sa bahay niya." Un lang ang ibibigay niyang paliwanag sa kaibigan dahil wala pa rin sa plano niyang sabihin dito na nakipag-one night stand siya sa binata nung unang araw palang niya itong nakilala dahil natatakot syang pilitin nito si Jion na panagutan ang nangyari sa kanila.