webnovel

Chapter 12 I really like you!

"Hey!" tiningnan niya ito ng masama.

"Ipagtimpla mo ako ng kape." Utos pa nito sa kanya. "at sabay tayong magalmusal." Dagdag pa nito.

"whatever!" then she rolled her eyes on him, Ano sya utusan? Kakainis! Porket may kausap na iba kung makapagutos kala mo boss! Kala ko ba gusto nya ako? Pero nung may nakita nang bago naging utusan na lang ako! Maktol ni Yra sa sarili bago nagpatuloy sa paglakad.

Nadatnan niya sa kusina ang unipormadong katulong medyo bata pa ito, teka katulong lang kaya talaga?, masyado naman atang maganda ito para maging katulong.

"Good morning." Bati niya dito.

"Ah! Good morning din po mam!" magalang na sagot sa kanya nito "magaalmusal na po ba kayo?" habang inihahanda nito ang mga pagkain sa mesa.

"Naku hindi pa, nagpapatimpla kase ng kape si Jion. By the way ako nga pala si Yra, ikaw anong pangalan mo?" tanong niya dito.

"Ah! Ako po si Margarette, garette nalang po. Ito po ung coffee maker," sabay turo nito doon.

"Ah, ano kase" nahihiya man si Yra ay kailangan niyang magpakatotoo "hindi ako marunong gumamit niyan, sa bahay ko kase eh instant coffee lang ang meron."

Napangiti naman agad sa kanya ang kasambahay, "okey po mam, turuan ko nalang po kayo kung pano ito gamitin."

"Pwede bang ikaw nalang ang magtimpla, baka kasi masira ko pa yan." Sagot agad niya dito.

"Naku mam hindi po maari yon,kasi hindi basta basta nagpapatimpla ng kape si sir Jion. Sya po ang nagtitimpla ng sarili niyang kape." Tanggi agad nito sa kanya.

"Huh? E bakit nagpapatimpla sya ng kape sakin? pambihira, inutusan nya lang talaga ako sa harap ng Althea na yon para magmukha akong tanga! Kala ko pa naman gusto niya ako. Mga lalaki talaga, parepareho! sige, pano ba yan gamitin?" litanya niya sa walang malay na kasambahay.

Kahit natatawa ang katulong ay itinuro nito sa kanya ang bawat paraan ng paggamit ng coffee maker. Isinasalin niya ang kapensa tasa ng pumasok doon si Jion, kasunod nito si Vince.

Lumapit sa kanya si Jion at hinawakan siya sa bewang, "Is that my coffee?"

"Yeah." Walang gana niyang sagot dito.

"Wow! Ikaw ang nagtimpla Yra, pwede mo rin ba akong ipagtimpla? Please!" parang bata nanghihingi ng candy si Vince sa kanya.

"sure."

"No!" sabay ang sagot nila ni Jion. "kung gusto mo ng kape, ask margarette. She'll make it for you!" dugtong pa ni Jion dito.

Kinuha na rin nito sa kanya ang kapeng hawak niya at inilipag iyon sa mesa. "lets eat."

"Nasan na nga pala sina Cielo? Bakit di pa sila sumabay sa pagkain?" sumilip si Yra sa direksyon na pinanggalingan ng mga ito.

"Umalis na sila." Matipid na sagot sa kanya ni Jion. Nilagyan na rin nito ang plato ng bacon at itlog. "what's your plan after this?"

"I'm going home. and tatawagan ko muna si Heshi para makamusta ang party kagabi."

"You don't need to go home, you can stay here as long as you want!" saad pa nito.

"that's too much! Naabala ko na kayo kagabi, sobra sobra na iyon. Tsaka isa pa kailangan ko ng magtrabaho bukas." Paliwanag niya dito. Gusto sana ni Yra ang ideya na mananatili siya ng ilang araw pa sa bahay nito, subalit naisip niya na may personal din itong buhay, tulad nalang kanina ng dumating ang kapatid nito at si Althea. Baka makasagabal siya sa mga gawain nito.

"Okey! If that's what you want." Itinigil muna ni Jion ang paginom ng kape. "I'll send you home later."

"Thank you." Nagpatuloy na sila sa pagkain.

"Tuloy ka muna," anyaya ni Yra kay Jion ng maihatid siya nito sa apartment unit niya sa Makati. " upo ka, maghahanda lang ako ng maiinom."

Sumunod naman ito at naupo sa two seater nyang sopa, napakaliit ng inuupahan nyang bahay kung tutuusin dahil 36sqm lamang ito, ang bungad nito ay maliit na salas, tanging kwarto lamang at banyo ang may privacy. Sa tabi nito ay ang maliit na cr at kusina.

Mas Malaki pa ang kwarto ng bahay ni Jion sa buong bahay na inuupahan niya.

"Hindi tayo masyadong nagkausap ng maayos, nung unang beses kang nagpunta dito sa bahay ko." Habang isinasalin niya ang juice sa baso.

"pasensya kana puro instant ang pagkain dito ."habang isineserve niya ang juice dito. "inom ka muna,"

Naupo siya sa sa stool na nasa tapat ng kinauupuan ni Jion.

"Bakit jan ka naupo, dito ka sa tabi ko." Anyaya sa kanya ng binata. "we slept in the same bed twice. Ngayun ka pa ba mahihiya?" biro nito sa kanya.

Nagaatubili man ay sumunod na siya rito, naupo siya sa tabi nito. "So ininvite ka ng kaibigan ni Cielo na lumabas?" tanong niya dito bago sumimsim sa juice nya.

"Yeah, she ask me if I can go out with her." Walang gatol na sagot nito sa kanya.

Nasamid si Yra sa iniinom na juice. Agad naman siyang inabutan ni Jion ng tissue.

"Are you okey?" naaamuse na tanong nito sa kanya.

"Oo, okey lang." natatawa na rin sagot niya. "So youre going out with her?" tanong ulit niya rito.

"Of course not! Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa akin? That if someone invites me basta nalang ako sasama. Im not that kind of person Yra. When I told you I like you, I really mean it." Tinitigan sya ni Jion, "You still don't believe me aren't you?" ibinaba nito ang hawak na baso ng juice at humarap sakanya.

"Hindi naman sa hindi ako naniniwala," ibinaba na rin niya ang hawak na baso at humarap din siya dito, "nagkataon lang na masyado akong maraming iniisip ng mga panahon na iyon, alam mo naman ang nangyari. Gaya nalang ni Winston, kaya medyo magulo pa ang isip ko noon."

"I understand. But at that time balewala ba talaga ako sayo? I mean, Hindi ba ako sumagi sa isip mo kahit minsan?" tanong ni Jion sa kanya.

"Hindi no! Paano ko ba makakalimutan yun! Eh That's the only time I slept with someone I didn't know!" her face turn red, bigla kasi niyang naalala ang nangyari sa kanila.

ตอนถัดไป