webnovel

Chapter 8 Debu

Infairness ha! Iba talaga ang magical touch mo kambal. Sa ganda ng pagkakaayos mo dito sa lugar nyo, e para ka ng umupa ng decorator ah.!" Kakadating lang ni Heshi at ito din ang mag hohost para sa debu ni Sab. "Iba ka talaga, nakakabilib ang pagiging malikhain mo!?"

"Syempre! Ako pa ba? Alam mo naman tagtipid tayo, kailangan maganda kahit maliit ang budjet!" itinuro pa ni Yra ang kanyang sarili.

"Kambal, sa galing mong manage ng mga ganitong bagay at sa galing kong mag host, aba! Ay magtayo na tayo ng negosyo!" nangingislap na ang mga mata nito. "Event Organisers! Hahaha!"

"Makapagtayo ng negosyo to wagas! Parang sari-sari store lang ang iniisip eh." Natutuwa talaga sya sa ugali ng kaibigan, parang napaka dali lang ng lahat pag ito ang nagsasalita.

Nagsisimula ng magdatingan ang mga bisita nila at mga kaibigan at kamag anak nila pati na rin ang mga kaklase ng mga kapatid ni Yra, maayos naman ang lahat ng tawagin sya ng tatay nya, kausap nito ang bagong dating na si Winston, kasama sa table ng mga tiyuhin niya.

Ay pambihira, hindi nya ito napaghandaan! Akala kasi ni Yra ay hindi na pupunta doon ang dating nobyo dahil hindi naman niya ito sinabihan, mukhang tatay niya ang nag imbita dito. Huminga muna siya ng malalim at naghanda ng isang pekeng ngiti bago tuluyang lumapit sa pwesto ng mga ito.

"Hi!" masiglang pagbati Yra kay Winston na parang walang nangyaring hiwalayan sa kanilang dalawa. "kanina ka pa ba?"

Tumayo naman kaagad ang binata at lumapit sa kanya, sasalubungin sana siya ng halik sa pisngi subalit iniwasan naman agad niya ito, bigla syang lumingon sa direksyon ng kapatid at ni Heshi na kasalukuyang inaayos ang mikropono nito. Sisimulan na ang program dahil sumenyas na ang kaibigan niya sa dj na katabi nito.

Kitang kita ni Yra ang pagdilim ng ekspresyon ng mukha ng dati niyang kasintahan.

Kailangan niyang maging matapang para makita nito na seryoso siya sa pakikipaghiwalay dito.

Magsisimula na ang party, "Upo ka muna Winston, andyan naman sina tatay at ang mga tiyo ko, mayroon lang akong

gagawin." Paalis na sana si Yra ng biglang hawakan ni Winston ang kamay niya.

"Yra, lets talk please."samo nito sa kanya.

Tiningnan niya ito ng masama.

"Winston, wag ngayun." Ayaw ni Yra ng eskandalo kaya bigla niyang inayos ang kanyang mukha "bitawan mo ako Winston, kung ayaw mong malaman ng tatay ko at mga tiyuhin ko ang mag kalokohang ginagawa mo noong

magkarelasyon pa tayo." may diin sa bawat salitang binibitawan

nya para maramdaman nito ang pagbabanta sa kanyang tinig. ngunit hindi iyon mahahalata dahil napakatamis ng kanyang ngiti.

"Okey, later well talk." Malambing din ang ngiting sagot nito, nabigla man si Yra sa reaksyon nito ay di nalang sya

nagpahalata. Nalimutan nyang best actor nga pala ito, dahil sa tuwing mabubuko niya ito sa mga ginagawang panloloko sa kanya ay palagi itong nakalusot dahil napakagaling nitong umarte!

"May I call on my very beautiful twinee!" pumaibabaw ang boses ni Heshi habang palinga linga ito sa mga bisitang andoon. "There you are! Kambal halika muna rito sa tabi ko habang nagbibigay ng magarbong mensahe ang parents mo sa not so little sister mo. Its time for their long sweet messages, dear."

Tinawag naman ni Heshi ang Parents ni Yra para sa speech nila.

"Sakto ba ang rescue ko?" bulong sa kanya ni Heshi, hinila muna siya nito sa tabi ng stage.

"Yeah." walang gana ang tugon niya dito. "the way he acts parang kailangan ko ng napakahabang pisi ng pasensya mamaya."

"I saw him kanina, he tried to kiss you in front of your father! Is he insane?" nandidilat ang mga mata ni Heshi.

"He told me to talk later. Malamang magpupumilit yang makipagayos." Hay.. pano na kaya to?

"You already had the solution!" inginuso ni Heshi sa kanya ang entrance ng gate nila and OMG! Nananaginip ba sya!?

Siniko sya ng kaibigan "I forgot to tell you I invited my boyfriend and his friends." Kinindatan pa siya nito.

Di naman makapaniwala si Yra sa nakikita niya. Jion is standing in the entrance while holding a gift in his left hand and a bouquet of flowers in his right together with Juno and Minjy and one more guy in his back. Itinulak sya ng bahagya ni Heshi "Go greet them,"

"Ah, okey" saka lang si Yra humakbang palapit sa nasabing bisita.

Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib, thinking of it. Lahat ng guest nila sa mga oras na iyon ay nakatingin sa mga bagong dating, sino ba naman ang hindi mapapalingon sa bisita niya? lalong lalo na ang tatay niya at lahat ng kasama sa table ng mga ito including Winston.

"Hi!" paglapit niya sa grupo ng bagong dating, "buti nakarating kayo?"

"We're gate Crashers, we know!" ngiting salubong sa kanya ni Juno, hinalikan siya nito sa pisngi "pinapunta kami ni Heshi dito, sana okey lang sayo at sa family mo!"

"Syempre naman, ikaw paba ang hindi ko i-welcome?" tinapik pa niya ito sa balikat.

"Here!" humarang sa mukha ni Yra ang pumpon ng mapupulang rosas. "wag kang masyadong dumikit jan sa kuya ko, selosa ang girlfriend nyan."

Tinangap ni Yra ang bulaklak, "bakit sa akin mo ito ibinibigay hindi naman ako ang may birthday." Baling niya kay Jion, kalma self. Wag kang magpapahalang kinikilig ka. "Hah? Hindi ba ikaw ang debutant? Akala ko eighteen ka palang!" banat kaagad ni Jion sa kanya.

"Hey! Pambobola mo laos!" hirit nman ng lalaki sa likod nito, sumilip ito sa balikat ni Jion at isang pagkaganda gandang boxy smile ang sumalubong kay Yra "hello, my name is Vince. Tama si Jion, mukha ka ngang debutante!" at tuluyan na itong lumabas sa likuran ng binata, may hawak hawak din itong regalo.

Napakurap kurap ang mga mata ni Yra, mukhang anghel ang

lumabas na lalaki sa likuran ni Jion, napakagaan ng aura ng isang ito, at muli may humarang na mapulang bagay sa mukha ng lalaking ito.

ตอนถัดไป