webnovel

MARBLE IS PREGNANT WITH TRIPLETS

Heto si Vendrick, nagpaparuo't parito na naman sa labas ng emergency room hindi dahil kay Kaelo kundi dahil kay Marble. Bigla kasi itong nawalan ng malay kanina bago siya makaalis para hanapin ang amang hindi niya alam kung ano'ng tumatakbo sa isip at gustong-gusto talagang makuha ang yamang ipinamana sa kanyang asawa.

Hindi siya sanay sa ganitong marami ang iniisip na problema kaya agad sumagi sa kanyang isip na tawagan ang mga kaibigan lalo na sina Erland at Cathy.

Ang kanyang kapatid naman ang nagbabantay kay Kaelo.

Halos kalahating oras marahil siyang nagparuo't parito sa labas ng emergency room bago may tumawag sa kanya.

"Vendrick!" Humagangos habang tumatakbo si Erland palapit sa kanya, kitang-kita sa mukha ang sobrang pag-aalala para kay Marble.

"Ano'ng nangyari, ba't naospital si Marble?!" bulalas nito pagkalapit lang saka patakbo ring tinungo ang pinto ng emergency room para buksan pero nakalock iyon. Sa pagkabahalang nababakas sa mukha nito para sa asawa, mas daig pa nga yata siya. Minsan napapaisip tuloy siya kung ganu ba kalapit ang dalawa sa isa't isa na ganun na lang ito mag-alala para sa babae. Hindi niya mapigilang magselos.

"Vendrick! Ano'ng nangyari, ha? 'Asan si Marble? Ano'ng nangyari sa kanya?" Sumunod na humahangos na dumating ay si Cathy kasama si Ynalyn. Sunod-sunod ang tanong ng dalaga sa pag-aalala rin para kay Marble.

"Binbin! Maysakit ba siya? Bakit hinayaan mong magkasakit ang besty ko?" paninisi agad ni Ynalyn sa kanya.

Napalunok na lang siya, 'di alam kung sino ang unang sasagutin sa tatlo.

"Nawalan siya nang malay kanina. Hindi kasi siya nakatulog kagabi sa pag-aalala para kay Kaelo," paliwanag niya.

"Bakit? Napano si Kaelo?!" bulalas na naman ni Erland, halatang nagulat sa nalaman.

"Okay na si Kaelo. Naruon si Kuya Karl, nagbabantay sa kanya," sagot niya sa binata saka napabaling kay Ynalyn na patakbo na ring lumapit sa emergency room ngunit nang malamang sarado iyo'y bumalik na naman sa kanya.

"Ano'ng sabi ng doktor? Malala ba ang sakit niya?" usisa ni Cathy na ramdam niya sa boses ang paggaralgal niyon.

Siya man ay kinakabahan na rin sa kalagayan ni Marble dahil isang oras nang nasa loob ang mga doktor at nag-aasikaso sa kanyang asawa. Walang lumalabas kahit isa man lang sa mga ito mula sa emergency room.

Hinawakan na ni Erland ang kanyang magkabilang balikat.

"You promised me, you'll take care of her! Bakit mo siya pinabayaan?!" hiyaw nito sa kanya.

Nagpantig ang kanyang tenga sa hiyaw na 'yun. Pakiramdam niya, wala siyang kwentang tao na basta na lang sisigawan ng kung sino. Hindi! Hindi ito isang kung sino lang. Ito si Erland, ang Erland ni marble. May kung anong kirot siyang nadama sa dibdib.

"Damn, I'm sorry, okay!" malakas niyang sagot.

Saka lang siya nito binitawan at naisabunot ang kamay sa buhok.

"Lan, baka naman na-over fatigue lang si Marble at 'di pala siya nakatulog kagabi sa pag-aalala kay Kaelo. Relax ka lang muna," saway ni Cathy sa binata.

Si Ynalyn naman ay nagparuo't parito na rin habang panay ang dasal na sinasabayan ng pagtingala sa kisame.

Bigla ay natuon ang lahat ng kanilang pansin sa bumukas na emergency room at iniluwa duon ang isang lalaking doktor.

Siya ang unang lumapit dito, sumunod sina Erland at Cathy pero si Ynalyn ay nasa likod na agad ng doktor naghihintay ng sasabihin nito.

"Dok, kumusta ang asawa ko?" usisa niya agad.

"She's safe now. Iwasan mo na lang na ma-stress ang asawa mo. Makakasama kasi sa katawan niya lalo ngayong buntis siya," pakaswal lang na sagot ng doktor.

Lahat sila'y napanganga sa pagkagulat sa narinig, lahat ay natigilan at di agad nakapagsalita.

Una siyang nakabawi saka napahalakhak sabay tingin kay Erland.

"Buntis ang asawa ko, dude! Buntis ang asawa ko!" malakas niyang wika sa kaibigan sa pagitan ng halakhak.

Natawa na rin sa tuwa si Erland. Kahit si Cathy nanlaki ang mga mata sa gulat ngunit napahagikhik na rin pagkatapos habang si Ynalyn ay napalundag na sa tuwa.

"Congrats, dude! Magiging ninong na ako nito sa pangalawang anak ni Marble," ani Erland, nakisabay na sa tuwang nararamdaman niya.

Walang tigil sana ang kanyang pagtawa kung hindi nagsalitang muli ang doktor.

"Dapat mong malaman mister na maselan magbuntis ang asawa mo kaya kailangan mo siyang alagaan nang mabuti nang walang maging problema sa mga anak mo at sa ina," dugtong nito.

Napatingin siya rito, napaawang ang bibig.

"What do you mean mga anak, dok?" curious niyang tanong o namali lang siya ng dinig.

Napangiti ang doktor. "Congrats, mister. Triplets ang ipinagbubuntis ni misis kaya triple ingat din dapat ang gawin mo sa mag-iina mo," sagot nito.

Naitakip nina Cathy at Ynalyn ang dalawang kamay sa bibig para 'di mapabulalas sa narinig.

"Triple?!" bulalas niya sabay natigilan, di-makapaniwalang tatlo agad ang ipapanganak ni Marble sa isang pagbubuntis lang.

Tumango lang ang doktor saka nagmamadali na ring umalis.

Naiwan silang matagal na natulala.

"Ang tindi mo Binbin! Ginawa mong palahian ang besty ko. Isang erehan lang, tatlo agad," basag ni Ynalyn sa katahimikan maya-maya. Di alam kung galit ito o nagbibigay puri sa kanya.

Pero si Cathy, mababakas ang excitement sa mga mata sabay hawak sa kanyang braso.

"Is this really true, Drick? Triplets talaga ang ipinagbubuntis ni Marble?" pagkumpirma nito.

Duon lang siya napahalakhak uli habang tumatango.

Si Erland nama'y parang di mabilang ang tatlong sanggol sa sinapupunan ni Marble na confused pa sa nalaman, 'di ma-imagine kung paano iyong ilalabas ng babae sa ganun kadami.

Maya-maya'y tili na ng kanyang byenang babae ang umalingawngaw sa lobby ng ospital. Malayo pa lang ay bumubulyahaw na ito ng iyak habang tumatakbo palapit sa kanila. Nakasunod lang dito ang ang kanyang mama at byenang lalaki na namumutla ang mukha sa pagkabahala para sa asawa niya.

"Binbin!!! Ano'ng nangyari sa anak ko? Binbin!!!" hiyaw nito, naghahalo na ang sipon sa luha.

"Grabe naman kayong makatili tyang, abot ata hanggang ground floor," komento ni Ynalyn sa ginang na nang makalapit ay binatukan agad ang kaharap na dalaga.

"Ba't ba nangingialam ka eh moment ko 'to?" singhal nito, pinandilatan ng mga mata ang huli pagkuwa'y saka lang pinahid ng dalang panyo ang sipong lumabas sa ilong.

"Si tyang talaga, laging hyper," nakasimangot na sagot ni Ynalyn lumayo agad sa ina ng kaibigan.

"Drick? Kumusta na si Marble? Okay na ba siya?" usisa naman ng kanyang inang nakipagsiksikan na sa mga nakapalibot sa kanya para lang mag-usisa.

"Okay na daw siya, ma," sagot niya sabay sulyap sa pinto ng emergency room mang mapansing bumukas uli iyon at lumabas ang isang pang doktor mula sa loob.

Tila sila nag-uunahang lumapit dito.

"Dok, how's my wife?" usisa na naman niya.

Napangiti ang tinanong saka tinapik siya sa balikat.

"Congrats, mister. Ang tindi mo. Tatlo agad. She's three weeks pregnant with three heatbeats. Pero hindi pa natin siya pwedeng ipa-ultra sound. We'll still wait for two to three months for that," pagbabalita ng doktor.

"Buntis si Marble?!" bulalas ng ina niya.

Si Aling Linda nama'y napatili sa gulat sabay baling sa kanya.

"Ano'ng buntis? 'Di ba sabi ko sa'yo, wala munang tsutsuan habang 'di pa kayo ikinakasal?!" hiyaw nito sa kanyang namula agad sa pagkapahiya lalo na nang mapatingin sa kanya ang kaharap na doktor.

Mabilis naman ang kamay ng byenang lalaki't tinakpan agad ang bibig ng asawa.

Naitikom bigla ni Erland ang bibig nang 'di matawa sa narinig mula sa ina ni Marble habang si Cathy ay 'di napigilan ang mapahagikhik.

"Pambihira ka talagang babae ka. Kasal na ang mga 'yan, bakit mo pagbabawalan?" saway ni Mang Luis sa asawang pumiglas bigla mula sa pagkakahawak nito.

"Hindi balid 'yun. Sabi ko sa kanila, prahibitid pa 'yun!" katwiran ng ginang sa matinis na boses.

Napatalikod na si Cathy at pigil ang hagikhik sa sinabi ng ina ni Marble.

"Tama ka, tyang. Tignan mo nga, ginawa pang palahian ni Binbin si besty. Aba'y ang tindi, tatlo agad!" panunulsol ni Ynalyn.

Namula na naman siya sa pagkapahiya sabay sulyap sa doktor na pigil na rin ang matawa sa mga naririnig.

Habang si Erland ay dumikit sa kanya sabay tapik sa kanyang balikat saka siya binulungan.

"Kaya mo 'yan, dude. Aalis muna kami ni Cathy, baka mapasali kami," usal nito.

Lalo siyang namula sa sinabi nito at tila nagpapaawang tumingin dito pero hinatak na nito si Cathy palayo.

Wal siyang choice kundi ang harapin ang galit ng ina ng asawa.

"Ano'ng tatlo?" maang na balik-tanong ng byenan sa dalaga.

"Tatlo daw ang ipinagbubuntis ni besty sabi ng doktor," ani Ynalyn.

Gigil na lumapit sa kanya ang byenang babae saka siya hinampas sa braso.

"Walanghiya ka! Di ka na nga tumupad sa usapan natin, ginawa mo pang tatlo!" singhal na uli sa kanya.

Natawa na ang doktor habang nagmamadaling umalis.

"Nanang naman. Malay ba naming tatlo agad 'yun. Ayaw niyo nun, madami na agad kayong apo," angal na niya saka patakbong nagtago sa likod ng ina nang makitang huhubarin ng byenan ang tsinelas para ipalo sa kanya.

"Lintik kang giatay ka! gagawin mo pang inahing baboy ang anak ko!"

Sinaway na ito ng kanyang byenang lalaki saka ipinasok sa emergency room kung saan naruon si Marble.

Panay naman ang hagikhik ni Ynalyn sa nangyari habang siyang sumeryoso na ang mukha sabay baling sa ina.

"Ma, alam mo ba kung nasaan si papa?" usisa niya.

Napangiti ang ina, tinitigan siya, pagkuwa'y itinaas ang kamay at inihaplos ang likod ng palad sa kanyang pisngi.

"Let's not talk about that man anymore. Ang mag-iina mo ang isipin natin mula ngayon, huh?" sambit nito saka siya hinawakan sa kamay at hinila papasok sa emergency room.

Next chapter