webnovel

HER KNIGHT IN SHINING ARMOR

"She's actually my girlfriend. She has nothing to do with your son," pag-amin ni Vendrick habang nakatitig kay Marble.

"Vendrick..." paanas niyang sambit, nagtatanong ang mga matang tumitig rin dito.

Bakit nito ginawa 'yon?

Napanganga ang lahat sa narinig. Maging si Manang Viola ay natulala, syempre hindi pahuhuli si Bing na mas malaki pa ang buka ng bibig kesa sa mayordoma. Si Gab nama'y nagtagis ang bagang at naikuyom ang mga kamao habang ang mga kilay ay naging isang linya na yata sa sobrang pagsasalubong ng mga 'yon.

What about Chelsea? Namula lang naman bigla ang pisngi nito at nag-aapoy sa galit ang mga mata na nagawang baliin ang isa sa tatlong hawak na fountain pen sa narinig.

Si Marble, 'di malaman kung iiyak o matutuwa sa sinabi ni Vendrick habang matagal na nagtama ang kanilang mga mata.

"Vendrick--'di mo na dapat sinabi 'yon," bulong niya, halu-halong emosyon ang mababanaag sa mukha.

"It's okay honey. Don't be afraid," sambit nito sabay harap sa kanya at kabig sa kanyang beywang saka siya hinalikan sa noo.

"I love you. I won't hide it from anyone," dugtong nito.

Napatili ang mga mga katulong na nasa likuran na pala ni Gab nang mga sandaling 'yon, nangingibabaw ang boses ni Eva.

Pero siya, ano ba'ng nararamdaman niya? Takot! Walang iba kundi takot habang bumabalik sa kanyang gunita ang nangyari sa kanyang Ate Lorie.

Takot! Lalo na nang mahagip ng paningin ang kanyang Madam sa may veranda, naniningkit ang mga matang nakatitig sa kanila.

Bigla niyang naitulak ang binata.

"You bitch! Slut! Mang-aagaw ng boyfriend! Hayup ka!" Si Chelsea ang bumasag sa namayaning katahimikan sa kanilang lahat at susunggaban sana siya pero naisipan niyang lumayo na lang pababa sana sa hagdanan nang marinig ang boses ng kanyang alaga.

"Ang laruan ko! Pulis!!! Ang laruan ko!!!" habol nito kay Chelsea.

Subalit tila walang naririnig ang dalaga't tinakbo na siya upang 'di siya makababa ng hagdanan. Umawat na si Vendrick, hinawakan ang braso ng kababata ngunit nagpumiglas ito't nakalaya sa mga kamay ng lalaki.

Kontrolado na sana niya ang mga pangyayari ngunit hindi niya akalaing ambilis din ng takbo ng kanyang alaga para habulin si Chelsea dahil nga kinuha ng babae ang nilalaro nitong pen.

"Hayup ka! Mapapatay kita!" nanlilisik ang mga mata ni Chelsea sa kanya.

"Anak! 'Wag kang lalapit!" sigaw niya sa alagang isang dipa na lang ang layo kay Chelsea, ni 'di nga ito napansin ni Vendrick na dumaan sa likuran nito.

Ang ina ni Gab ay tigagal pa rin ng mga sandaling 'yon, 'di alam kung ano'ng gagawin sa kanila.

Hahablutin na sana ni Chelsea ang kanyang damit nang mahawakan ng matanda ang kamay nito't pilit na inagaw dito ang hawak na pen.

"Vendrick!" tawag niya sa binata nang makitang iwinawasiwas ni Chelsea ang kamay nito at mabilis na itinulak ang matandang nawalan ng balanse't nadulas sa baitang ng hagdanan, apat na baitang ang agwat sa kanya.

Hindi na ito naabutang hawakan ni Vendrick.

Siya nama'y pilit inabot ang kamay ng alaga at iniharang ang katawan dito upang 'wag itong mahulog subalit 'di siya agad nakahawak sa barandilya kaya dalawa silang nagpagulong-gulong sa hagdanan hanggang sa ikalawang palapag ng bahay.

"Marble!" boses ni Vendrick ang biglang umalingawngaw sa kabahayan. Ito ang unang sumaklolo sa kanilang kapwa walang malay na nakahandusay sa tiles na sahig.

Kung hindi pa pumasok ang isang guard sa loob ng bahay, 'di pa matatauhan ang lahat.

Buhat ng guard ang matandang duguan ang noo. Si Vendrick naman ang bumuhat sa kanyang duguan rin ang ulong tumama sa tiles na sahig pagbagsak nila duon.

*************

"Anak..." Sarili niyang boses ang nanggising sa kanya habang paulit-ulit na tinatawag ang alaga.

Unti-unti siyang nagdilat ng mga mata. Una niyang nakita ang lagayan ng Dextrose sa tabi ng kama at ang maliit na tubong nakakonekta sa kanyang kamay.

Nagtatakang inikot niya ng tingin ang buong paligid.

Bakit tahimik sa silid na 'yon? Nasa'n ang kanyang alaga? Kinapa pa niya ito sa kanyang tabi baka mahimbing na natutulog, pero wala ito roon.

Gising na ba ito? Naglalaro na naman ng fountain pen na bigay ni Gab sa kanya?

Biglang bumalik sa kanyang gunita ang nangyari bago siya napunta sa silid na 'yon.

Nanlalaki ang mga matang agad siyang napabangon subalit napahiga din uli nang biglang sumakit ang kanyang ulo.

Kinapa niya iyon. Bakit may telang nakapulupot sa kanyang ulo?

Nagpilit na naman siyang bumangon. Kailangan niyang hanapin ang kanyang alaga. Ano nang nangyari dito? Segurado siyang nasaktan din ito.

Dahan-dahan siyang bumangon upang 'wag na uling sumakit ang kanyang ulo.

Muli niyang iniikot ng tingin ang buong paligid hanggang sa makita niya ang isang kama sa 'di kalayuan sa kinahihigaan niya.

Saka naman bumukas ang pinto ng silid, pumasok duon ang agad niyang nakilalang guard ng mga amo.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong nito sa kanya, inalalayan siyang makatayo.

"Kumusta ang alaga ko? Napa'no siya? May nabali ba sa buto niya? Nasugatan ba siya?" Mahina man ang boses pero nagawa pa rin niyang magsalita at nilapitan ang matandang tila masarap ang tulog habang nakahiga sa hospital bed. Sa tabi nito ay may isang malaking machine, may mga numerong nakalagay sa screen pero 'di niya alam kung para saan yun. Tulad niya'y may tubo rin ito sa kamay, nakakonekta din sa dextrose.

"'Wag kang mag-alala, maayos na ang lagay ni Senyor. Ikaw nga itong ngayon lang nagising tapos bigla ka pang bumangon. Baka kung mapano ka niyan," sagot sa kanya ng guard.

Hindi niya ito pinansin at dahan-dahan naglakad palapit sa kinaruruonan ng tulog na matanda saka umupo sa silyang nasa tabi nito.

"Ilang araw na ba kami rito sa ospital?" usisa niya sa guard.

"Magdadalawang linggo na. Nawala na nga ang piklat sa noo ni Senyor. 'Yong sugat mo na lang sa ulo ang hindi pa gumagaling nang tuluyan," sagot na uli nito.

Litong napabaling siya sa kausap. Magdadalawang linggo na pala sila roon, bakit parang kahapon lang nangyari ang lahat? Tandang tanda pa nga niya ang pagkakasunud-sunod ng pangyayari.

'Nasaan si Vendrick? Bakit wala dito?' Gusto niyang itanong rito ngunit sa halip ay ibinaling niya ang mukha sa matandang kumibot-kibot ang bibig, maya-maya'y dahan-dahang nagdilat ng mga mata.

"Anak, okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo, ha? Nagugutom ka ba? Ikukuha kitang pagkain," sunud-sunod na usisa niya rito, maluha-luha pa nga siya habang hinihintay ang sagot nito.

Subalit nagtataka siyang tumitig sa mga mata nitong nanunuri sa kanya, taliwas sa mga mata ng kanyang alagang lagi nang mapupungay at nakangiti.

Pero bakit pakiramdam niya iba ang mga tingin nito? Iyong parang titig ng isang estranghero. Nagka-amnesia ba nang tuluyan ang kanyang alaga? Hindi na siya nito kilala? Lumala ang sakit nito? Andami niyang tanong na gustong mabigyan agad ng kasagutan pero nanatili lang itong nakatitig sa kanyang, kunot ang noo na tila sinusuri siya, inaalam ang laman ng kanyang isip.

"Baka nagugutom ka na, ikukuha kitang pagkain," an'ya saka tumayo at humakbang palayo dito nang marinig niya ang boses nito.

"Stay!"

Next chapter