webnovel

THE ENGAGEMENT RING

Tila ata merun na namang kakaiba sa araw na 'yon habang naglalaro sina Marble at ang alaga sa pool lalo na nang makita si Gab na papalapit sa kanila.

Nacurious tuloy siya kung anong nangyari sa paa nitong naapakan niya. Gumaling na ba 'yon?

"Hi Babe!"

Subalit umiba agad ang timpla ng mukha niya pagkarinig sa sinabi nito. Praning na naman ang lalaking 'to. Mamaya, may maniwala na talaga dito lalo na sa mga katulong. Maisumbong pa siya ni Shena sa mga amo nila, lagot na naman siya nito. Baka siya na ang sunod na mapalayas sa bahay na 'yon.

"Nanay, gusto mo po ba ang pulis na 'yan?" usisa sa kanya ng matandang nakakahalata na sa binata.

"Ha? Wala oy! Bawal sakin magjowa anak," deny niya agad.

Nag-thumbs-up ito.

"Tama po, Nanay. Bawal po magtaksil sa asawa. Magagalit si tatay sa'yo," susog nito.

"Hi, Lo!" bati din ng binata sa matandang gumaya na sa kanya, humaba din ang nguso nito.

"Marble, have you seen Vendrick? Magkasama kasi sila ni Chelsea kanina bago kami umuwi."

Umasim agad ang kanyang mukha sabay iling.

"Hindi ko pa po nakita 'yon Sir Gab," sagot niya.

Nag-dive ito sa tubig, 'di man lang nagdalawang-isip na wala itong pamalit. Ilang segundo lang ay kaharap na nila ito ng alagang nakakapit ng mahigpit sa gitna ng salbabida.

"I missed you, Marble," prangka nitong sambit sa kanya. 'Di na naman nakakagulat 'yon. Gano'n lang talaga seguro ang lalaking ito.

"Sir, baka naman po pwedeng bawas-bawasan niyo po ang pagiging malambing po sa'kin baka po kasi mapagkamalan po tayong mag-jowa ng mga amo ko, ako naman po ang mapalayas dito. Ayuko pong mangyari 'yon, Sir. Sana po maunawaan niyo," kinakabahanan ma'y nagawa pa rin niya itong prangkahin.

Sandali itong napatitig sa kanya. Napaharap siya agad sa alagang nagtatampisaw na ng tubig sa kanyang tabi.

"Alright. Hindi na kita tatawaging Babe. Basta ipangako mong magiging kaibigan ang turing mo sa'kin," seryoso nitong sagot.

Napabaling na uli siya rito.

"Imposible po 'yon, Sir Gab. Alam niyo naman pong katulong lang po ako dito. Alam ko po kung ano'ng estado niyo sa buhay. Alam ko din po 'yong estado ko, mahirap po tayong maging magkaibigan, Sir," paliwanag niya uli.

"Okay, fine. Kung ano ang pagtrato mo kay Vendrick, gano'n na lang din ang turing mo sa'kin," anito na uli.

Napalaki ang bukas ng bibig niya.

Ano daw? Ituring niya itong si Vendrick?! Baka pag sinapak niya ito'y bigla itong manggigil sa kanya sa galit. Kaya niya kayang gawin yun?

'Tsaka siraulo 'yon, mabait naman ito. Palagi siyang binu-bully ng giatay na 'yon, kelan lang ba 'yon nagseryoso sa kanya.

Pero ang binata sa harap, napakagentleman sa kanya. Parang hindi siya nito kayang itulak sa bermuda grass at pagtawanan habang nakasubsob ang mukha sa lupa tulad ng ginawa noon ni Vendrick. Pa'no kaya niya ito ituturing na si Vendrick?

Pero sabagay, mas maganda na 'yon kesa tawagin siya nitong Babe na wala naman silang relasyon.

Hindi na lang siya nagsalita pa, ngumiti na lang sa binata.

*************

"Ano po ito?" usisa niya nang pagkatapos lang nilang maligo ng matanda ay kumatok na si Gab sa pintuan.

Nakabihis na din ito at pumasok agad sa loob ng kwarto, may iniabot sa kanyang maliit na kahon.

"Regalo ko 'yan sa'yo. Sensya ka na, 'yan lang kasi ang naisip kong magugustuhan mo," anito.

Naalala niya ang kanyang Ate Lorie. Ayaw nitong ipinapahiya niya si Gab kaya napilitan na lang niyang tanggapin ang regalo nito at binuksan iyon sa harap ng binata.

Isang kahon ng puro fountain pens? Sampung piraso, magaganda pa naman ang pagkakadisenyo ng mga 'yon, halatang mamahalin ang isa, ano pa kaya 'yong isang kahon? Gusto sana niyang itanong kung magkano ang isa niyon, pero baka mainsulto naman ito.

"S-salamat po Sir Gab. Pero pwede na po sana 'yong isa lang," nahihiya niyang wika.

"Nanay, ang ganda naman niyan. Pahingi po ako isa," puna ng kanyang alagang nasa likod na pala niya. Bumunot ito ng isang pen sa kahon saka tuwang tuwang kumuha ng magazine sa ilalim ng center table at duon pinaglaruan ang hiningi sa kanyang fountain pen.

Napangiti lang ang binata sa ginawa ng matanda.

"By the way--" hindi pa man natatapos ang sasabihin ay bigla nang nagring ang phone nito sa bulsa.

Sandali itong lumayo sa kanya at sinagot ang tawag.

Siya nama'y sumunod sa alaga at tiningnan ang ginagawa nito habang parang batang nakadapa sa tiles na sahig.

"Nanay, ang ganda po nito. Akin na lang 'yan lahat Nanay," pakiusap nito.

Napasulyap siya sa nagbigay niyon na noo'y papalapit na din sa kanya.

"Sensya na Marble pero may emergency kasi sa bahay. Babalik na lang ako bukas," pagpapaalam nito.

Ang bilis niyang tumango sabay ngiti nang matamis.

"Okay lang po Sir Gab. Salamat sa regalo niyo," sagot niya.

Pagkalabas lang nito'y hinablot na ng kanyang alaga ang kahon ng pens mula sa kanya at inisa-isang isulat ang laman niyon sa magazine. Nang magustuhan lahat ay halos di na siya nito pansinin, natuon na ang atensyon sa ginagawa.

Napilitan na lang siyang tumayo at ayusin ang loob ng kwarto. Baka bukas mag general cleaning na siya. Para na kasing maalikabok ang ilalim ng mga furnitures duon.

Napatitig siya sa ilalim ng kama. Kung andun lang sana ang kanyang kababayan, kahit ngayon din, pwede nilang linisin ang buong sulok ng kwartong 'yon. Hindi tulad ngayon, nagpaplano pa siya kung kelan gagawin.

"A penny for your thought," muntik na siyang mapalundag sa gulat pagkarinig sa bulong na 'yon, bigla siyang napalayo sa may-ari ng boses na 'yon.

Humagalpak naman ng tawa si Vendrick pagkakita sa namumutla niyang mukha.

"Bwisit ka talaga!" nasambit na lang niya sabay titig dito nang matalim. Bakit parang ang ganda ng mood nito? Wala na ba itong sakit? Magaling na ito?

"Hey, come. Let me show you something," sambit na nito maya-maya, biglang nagseryoso ang mukha.

"Makakatay talaga kita pag kalokohan na naman 'yan," babala niya.

Tumawa na uli ito.

"Not this time, honey. I'm serious," anito, seryoso na nga.

Alanganin siyang lumapit ngunit 'di ito nakapaghintay at hinatak na ang kanyang kamay palapit dito saka siya niyakap sa likuran at ipinatong ang mukha sa kanyang balikat.

"Charaann!!! Here it is!"

Tumaas bigla ang isa niyang kilay pagkakita sa maliit na kahong inilabas ng binata mula sa bulsa nito at iniladlad sa kanyang harapan.

"Ano naman to?" curious niyang tanong, pigil ang mapangiti.

" Open it, honey," anas nito saka hinalikan ang kanyang leeg.

Napapitlag siya sa ginawa nito saka niya hinampas sa braso.

Tumawa lang ito. Ngumiti na lang din siya.

Ewan kung bakit nakaramdam siya ng kiliti habang binubuksan ang kahon na maganda pa ang pagkakasilyo niyon.

Feeling niya, jewelry na naman 'yon, kwintas na uli? Ang hilig naman nito sa kwintas.

"Laruang singsing!? Anong gagawin ko dito?" dismayado niyang sambulat pagkakita sa laman ng kahon.

Singsing 'yon gawa sa plastik na kung 'di siya nagkakamali ay isa yun sa pinaglalaruan niya noong bata pa. May binibili sila noong chichiria tapos sa loob ng supot, maliban sa chichiria ay may lamang laruang pambata kasama na ang plastik na singsing tulad ng hawak ngayon. Ang saya na niya nun pag nakakapagsuot ng gano'ng singsing.

Napahagikhik tuloy siya saka hinampas na uli sa braso sabay layo ng katawan dito.

"Giatay, anong gagawin ko dito? Para kang bata, Ayy."

Nakangiting lumapit na uli sa kanya ang binata, hinawakan ang kamay niya kung saan naruon ang hawak niyang singsing.

"It's our engagement ring."

"Ha?!"

Awang ang mga labing napatitig siya rito.

Anong engagement ring?

Itinaas nito ang kanyang kamay hanggang sa dibdib saka isinuot ang singsing sa palasingsingan niya.

"Patunay 'yan na akin ka na," anito saka siya uli hinila at muling niyakap sa likuran ngunit sa pagkakataong 'yong ipinulupot na nito ang dalawang kamay sa kanyang beywang saka siya muling hinalikan sa batok.

Hindi siya makapalag, ni di niya ito maitulak, sabagay, wala din siyang balak na gawin yun. Ewan niya, mas gusto na niya itong maglambing sa kanya sa ganung paraan kesa pagtawanan siya at ibully palagi.

Pero nagtataka siya sa ikinikilos nito ngayon.

"'Wag mong tatanggalin 'yan ha? Hanggang makabalik ako galing Canada," seryoso na uli nitong sambit.

"Aalis ka na uli?" usisa niya, biglang lumungkot ang mukha.

"Para naman 'yon sa future natin. Gusto kong tuparin ang mga pangarap ko para sayo. Ayuko ring madisappoint sakin sina Tatang."

"Ha?"

Bakit ba parang may laman ang mga sinasabi nito ngayon, hindi na lang basta biro, parang tutuhanan na.

'Wag sabihing---

Bigla siyang kumawala sa pagkakayapos nito at namumutlang tumitig nang mariin sa mga mata nito, inaalam kung totoo nga ang kanyang hula.

"V--Vendrick. 'Yong nangyari kagabi? N-naalala mo?" pautal niyang tanong,

"Why?" lito nitong balik-tanong.

Tumawa siya nang malakas, tila napahiya.

"Ah wala! Sabi ko na nga ba wala kang maalala eh." Iminuwestra pa niya ang kamay para maipaliwanag ang gustong sabihin at namumula ang pisnging tumalikod dito para tumakbo sana palapit sa kanyang alagang walang pakialam sa mundo.

"Of course. Every word that I uttered and every single word that you've told me," habol sa kanya.

"Ha?!" para siyang binuhusan ng napakalamig na yelo sa narinig sabay pihit paharap na uli rito, mangiyak-ngiyak na habang sinusuri sa mga mata nito kung nagsasabi nga ito ng totoo.

"Why, gusto mo bang bawiin 'yon?" biglang lumungkot ang mukha nito.

Hindi siya nakaimik. Nanatili lang natitigagal.

Lagot na siya nito. Anong gagawin niya? 'Pag nalaman ng kanyang madam na ganto ang nagyari sa kanila ni Vendrick, talagang mapapalayas siya sa bahay na 'yon.

Hindi pwedeng mangyari 'yon! Gusto pa niyang mag-aral. Gusto pa niyang maiahon sa hirap ang kanyang mga magulang.

Pa'no na ngayon 'to?

Ang lalim bigla ng pagkakabaon ng kanyang isip kaya hindi niya napansin ang binatang lumapit na uli sa kanya, tila nauunawan ang laman ng kanyang utak.

"Don't worry. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sayo habang andito ka," may kaseguraduhan sa mga sinasabi nito.

Pero 'di pa rin siya panatag doon.

"V-Vendrick, ang totoo biro ko lang 'yon kagabi. Hindi totoo 'yon. Akala ko kasi nagdedeliryo ka lang. Maniwala ka hindi totoo 'yon," pagdedeny na niya tulad ng naisip kagabi, subalit di makatingin nang deretso dito.

Ngumiti ang binata, mapakla, saka muli siyang hinawakan sa kamay kung saan nakalagay ang isinuot nitong singsing sa kanya saka muli iyong itinaas at inilapat sa dibdib nito.

"Tell me, this isn't true," anito, walang halong biro sa mga salita.

Lalo siyang namutla at akmang babawiin ang kamay ngunit mahigpit nito iyong hawak.

"Hindi nga totoo eh. Biro lang 'yon," giit niya.

Nawala ang ngiti sa mga labi nito.

"Okay, I'll give you 3 seconds to take it off," malamig nitong sambit na ginawa naman niya subalit anong gulat niya nang 'di na niya iyon matanggal sa kanyang daliri hanggang sa namumutla na uli siyang napatitig rito.

"No Vendrick, maniwala ka. Hindi totoo 'yon. Maniwala ka sa'kin," nagsimula na siyang makaramdam ng takot. Hindi na ito biro. Nakikini-kinita na niya ang mangyayari sa kanya kapag ipinagpatuloy niya ang gano'ng kahibangan. Kaya ngayon pa lang gusto na niyang putulin ang lahat.

Next chapter