webnovel

FIRST TRIAL OF LOVE

Nagtataka na siya sa ikinikilos ng madam nang umagang 'yon nang sumama itong ipasyal niya ang alaga sa labas ng bahay-- sa maluwang na bermuda grass.

Minsa'y nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya, minsan nama'y napapangiwi, pero madalas ay tila natutulala.

Lumapit sa kanya ang alaga at binigyan siya ng walang lamang cup noodles, kutsara't tinidor.

"Nanay, mangaroling tayo do'n, o? Maraming tao doun," yaya nito sabay turo sa mga katulong na nag-uumpukan sa may gate.

"Dito na lang anak. 'Pag narinig nila tayong kumakanta, lalapit din sila rito," giit niya saka bumaling sa madam na nakatitig na naman sa kanya.

Tumabi sa kanya ang matanda at siniko siya.

"Nanay, si lola po ba marunong ding mangaroling?" pabulong nitong tanong.

"Oo marunong 'yan. Ito ibigay mo sa kanya, tapos tayo ang sasayaw," sagot niya kaya nagmamadaling kumilos ang alaga at binawi sa kanya ang kutsara't tinidor, sa madam nito ibinigay ang mga 'yon.

Siya nama'y inilapag sa gitna nila ang cup noodles.

"Lola, mangaroling po tayo para madami tayong pera. Gusto ko na po kasing paoperahan si Nanay para po mawala na ang kanyang mga pangil. Galingan niyo po lola ha?" yaya nito.

Napatingin ang madam sa kanya, nag-aalangan. Napangiti lang siya't tumayo na.

Nagsimula silang umawit ng matanda ng 'jingle bells', sinabayan ng indayog ng balakang tulad ng ginagawa nila duon sa luneta.

Malakas na napatawa ang madam at initry pukpukin ang kutsara't tinidor. Nang malamang may magandang tunog palang nabubuo do'n ay nagpatuloy ito hanggang sa nawala na seguro ang hiya at nakisabay na rin sa kanilang kumanta.

Nagtakbuhan sa kanila ang mga katulong, pinalibutan sila ng mga ito ngunit natapos na lang ang jingle bells nila ay wala pa ring naghuhulog ng barya sa lagayan hanggang sa lumapit na uli sa kanya ang alaga at bumulong na uli.

"Nanay, mga kuripot po pala ang mga nandito. 'Di man lang tayo binigyan kahit piso."

Tumawa nang malakas ang madam na nakarinig sa sinabi ng ulyaning byenan.

"Ang kuripot niyo naman, maghulog naman kayo ng barya, kahit piso lang," tawag nito sa mga katulong na naghagikhikan pagkarinig sa sinabi ng amo.

Ang iba sa mga ito'y nagtakbuhan papasok sa loob ng bahay at pagbalik, madami nang barya ang dala.

Nagpatuloy sila sa pangangaroling, noong una'y nakaupo lang ang madam sa bermuda grass, pero kalauna'y nakigiling na rin ito't sumayaw na, nakipagsabayan sa kanilang dalawa ng matandang inigihan ang ginagawa nang makitang panay hulog ng barya ang mga naruon. Panay hagikhikan ang mga katulong sa ginagawa nila, ang iba'y nakikisayaw na rin.

Kahit 'yong mga guard na nagtataka sa una'y nagsimula na ring umindak nang makita ang amo nilang sumasayaw.

Sa loob ng kalahating oras, walang maririnig sa labas ng bahay malibang tawanan at hagikhikan ng mga naruon hanggang sa mapagod ang matanda at umupo na. Saka lang sinenyasan ng madam ang mga katulong na mag-alisan na at gawin ang trabaho ng mga ito.

"Nanay, ang dami na nating pera." Bumungisngis ang alaga at isa-isang pinulot sa bermuda yung mga baryang di nakalagay sa cup, pagkuwa'y lumapit sa kanyang napaupo na malapit sa madam.

"Nanay, pwede na nating ipaputol yang pangil mo, para hindi ka na nila inaapi. Para hindi ka na ipinagpapalit ni Tatay sa iba." anito sa kanya habang ibinubulsa ang lahat ng perang nakuha.

Nagkatinginan sila ng madam.

"Gusto mo bang ipatanggal yang pangil mo?" usisa nito.

"Naku, hindi po. Gusto ko lang pong paputulan. Ayuko pong ipabunot to." maagap niyang sagot.

Napatitig lang ito sa kanya.

"Di ba gusto mong mag-aral ng college?" tanong na uli nito.

Lumuwang ang ngiti niya.

"Ay opo. Gusto ko po talagang mag-aral ng college kahit po nagbabantay ako sa anak ko. Alam ko po kung ganu kahalaga ang edukasyon ngayon." maagap na naman niyang sagot.

"Pag pinag-aral ba kita, maipapangako mo ba sakin ang isang bagay ?" seryosong tanong nito.

"Ano po yun?" excited niyang usisa.

"Hindi ka magkakaruon ng kaugnayan samin malibang tagabantay ka ni Papa."

"Tagabantay lang naman po talaga ako ng anak ko. Wala po akong kaugnayan sa inyo, madam. Hindi ko po kayo kaanu-anu malibang amo ko kayo." nakangisi niyang sagot.

Napayuko ito.

"Pag-iisipan ko." anito.

Sinamantala niya ang pagkakataong napag-usapan nila ang tungkol sa pag-aaral niya.

Lumapit pa siya rito nang mas malapit pa at lumuhod sa harap nito.

"Sige na po madam, pumayag na po kayo. Pangako po, wala akong magiging kaugnayan sa inyo malibang tagabantay ako ng alaga ko. Sige na po, gusto ko po talagang mag-aral. Sige na po madam pumayag na po kayo." pangungulit niya.

Nakigaya na rin ang matanda nang makita nitong nagmamakaawa na siya.

"Sige na po, lola. Payagan niyo na si Nanay na mag-aral. Promise po, di ako magpapasaway. Sige na po, lola. Pumayag na po kayo." pakikigaya nito.

At dahil sa mabait naman talaga ang kanyang among babae, sa wakas ay pumayag ito.

"Pero kailangang tuparin mo ang Pangako mo sakin, Marble." paniniyak ng madam.

Paulit-ulit siyang tumango.

"Opo! Opo! Promise po, tutuparin ko yun." paninindigan niya.

Napangiti ito.

"Salamat." anito.

Huh? Nalito siya. Bakit ito ang nagpapasalamat sa halip na siya?

"Naku, maraming salamat po Madam. Maraming salamat po talaga." humahagikhik niyang sambit na halos mapalundag na sa tuwa kung di lang siya nakaluhod, sila pala ng matanda.

"Cielo!"

Naagaw ng tawag na yun ang atensyon ng lahat.

"Eunice! What are you doing here sa ganto kaaga?" gulat na usisa ng madam at nagmamadali nang tumayo para salubungin ang bisita.

"Bruha! Nagtaka ka pa eh magkapitbahay lang naman tayo." natatawang pabirong sagot ng dumating.

"Di nga? Ba't ka napatawid ng bakod?"

Narinig pa niyang tanong ng kanyang amo.

"Alam mo namang excited ako sa relasyon ng dalawang yun." anang kausap.

Hindi niya na pinansin ang dalawa't inaya na ring tumayo ang alaga at maglakad lakad muna sa bermuda bago pumasok na uli sa loob ng bahay. Papaliguan muna niya ito bago sila magpunta sa kwarto ng apo nito para ituloy niya ang pagbabayad ng kanyang utang. Masunurin naman ang alaga niya, alam niyang maaliw ito dun habang naglilinis siya lalo at sa tingin niya magkasundo namin ito at si Vendrick.

Next chapter