webnovel

GAB'S IN LOVE WITH HER

Maganda na sana ang mood niya kanina kung 'di lang nagkatagpo ang kanilang landas ni Vendrick. Maganda na sana ang outfit niya kung 'di lang siya nilait nito.

Kaya heto ngayon ang beauty niya, tila bruhang gustong gusto nang mangkulam habang hinahalungkat sa kabinet ang mga damit na binili ng kanyang among babae at isinusuot isa isa ang mga iyon.

"Waahhh! Talaga namang giatay kang Vendrick ka!!! Antayin mong gumanda ako nang bunggang bungga kung 'di ka matameme kakatitig sa'kin, walanghiya ka!!!!" habang busy sa ginagawa, busy din ang bibig niya kakasigaw sa panggigigil sa binatang mortal niyang kaaway.

Sa huli, 'yong kaisa-isang fitted jeans at isang loose na t-shirt ang napili niyang isuot. Wala naman siyang choice liban duon. Kunti lang ang kanyang mga damit, 'yong iba nasa labahin pa.

Ngayon niya lang gustong magpasalamat na walang salamin sa kwartong 'yon at 'di niya nakikita ang buong katawan sa suot niyang 'yon. Pero sabagay, gano'n naman talaga siya pumorma kahit no'ng nasa Cebu pa, bakit ba niya babaguhin ang style ng kanyang pananamit nang dahil lang sa isang bunggang selebrasyon tutal di naman siya kasali do'n, escort lang siya ng matandang ulyanin?

Muli niyang sinuklay ang buhok bago lumabas nang kwarto saka parang magnanakaw na patingin-tingin sa paligid kung may nakatingin sa kanya lalo na si Vendrick, pero wala, kaya binirahan na niya ng takbo hanggang sa mapatapat sa katabing pinto ng silid ng binata saka kumatok duon, isa... dalawa... tatlo. Subalit ilang minuto siyang naghintay sa labas pero walang nagbubukas ng pinto kaya sinubukan niyang pihitin ang doorknob, bumukas 'yon agad.

"Tao po, madam! Madam?" tawag niya subalit wala pa ring sumasagot kaya pumasok na siya sa loob.

Takang inikot niya ng tingin ang buong paligid ngunit wala man lang palatandaan na may umukupa sa silid na 'yon bago siya dumating. Saan pala nagpunta ang magbyenan?

Baka dumiretso ang mga ito sa baba ng bahay. Lumabas siya sa silid na 'yon at tiniyak munang naisara niya ang pinto bago alanganing bumaba ng hagdanan upang sa sala hanapin ang magbyenan, kundiman ay sa Lawn ng bahay kung saan naruon ang karamihan sa mga bisita, lalo na sa may swimming pool.

Nang marating ang panghuling baitang pababa ay saka niya lang napansing wala man lang kahit isang sumusulyap sa kanya lalo na nang pumagitna sa mga bisitang naggagandahan ang mga kasuotan. Para siyang hanging dumaraan sa gitna ng mga ito. Ewan ba kung bakit tila nanliliit siya. Gano'n ba talaga siya kapangit para walang sumulyap man lang sa kanya?

Sa isang banda, maganda na rin ang gano'n kesa katakutan siya dahil sa kanyang kapangitan.

Hinanap niya sa buong paligid ang madam at alagang matanda pero nakarating na siya sa likod-bahay ay 'di man lang niya nakita ang anino ng dalawa. Ni mukha ng mga katulong o kahit isang kakilala man lang ay wala siyang nakita ruon, nakaramdam tuloy siya ng hiya.

*************

'Di mawala ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Vendrick habang sumisimsim sa laman ng hawak na wine glass at nakasandig sa gilid ng pool habang ang dibdib pababa ay nakalubog sa tubig at sa harap niya'y ang kanyang mga barkada.

Medyo madilim sa parteng iyon ng likod bahay, sinadya talaga niyang isang LED light lang ang pasindihan duon upang magkaruon sila ng privacy ng mga kaibigan at ilan pang mga bisitang naliligo sa malalim at mahabang swimming pool. Nasa dulo sila niyon habang ang iba nilang mga kaklaseng kadalagahan ay nasa kabilang dulo naman nagsisipaglangoy kasama si Chelsea, medyo madilim din sa lugar na 'yon upang magkaruon ng privacy ang mga ma-jowa, kahit maglampungan pa ang mga ito do'n, normal lang naman 'yon para sa kanya kahit wala pa siyang jowa.

Kung 'di pa siya tinabihan at tinapik sa balikat ni Gab ay 'di pa niya mapapansin ang presensya nito.

"Akala ko ba inilalakad mo na ako kay Mar. Ba't parang wala siyang alam?" sa mahinang boses ay usisa nito.

"Kelan ko sinabing ilalakad kita?" balik-tanong niya, halatang wala sa sinabi ang isip.

"Ang daya mo. 'Di ba sabi ko sayo ilakad mo ako?" napalakas na ang boses ng kaibigan.

"Wew! Malaking himala! Nagkakagusto na si Gab sa babae," sabad agad ni Paul na noo'y nasa harap lang nila.

Napalingon sa kanila ang iba pang mga kaibigang naglalaro ng bola habang nagpakalutang sa tubig at nagmamadaling lumangoy palapit sa kanila. Kahit sina chelsea ay napatingin din sa dako nila.

Nawala bigla ang ngiti sa mga labi niya at tila biglang nauhaw at tinungga ang laman ng hawak na wine glass.

"Oy dude! Ipakilala mo naman kami sa crush mo. Ano, maganda ba? Mas maganda kay chelsea?" curious na tanong ni Livy pagkatapos hampasin sa braso si Gab, isa sa mga barkada nila.

Muntik na siyang masamid sa narinig, pabagsak na inilapag sa gilid ng pool ang hawak na baso.

"Syempre maganda," may pagmamalaking sagot ni Gab.

Lihim siyang napangiwi. Talaga yatang nagayuma ng bampirang 'yon ang kaibigan. Aling parte ang maganda sa probinsyanang 'yon? Kahit saang anggulo niyang tingnan, wala siyang makitang maganda duon.

"Woww dude! Ano'ng pangalan niya? Ipakilala mo naman kami," hiyaw ni Dave, isa rin sa mga kaibigan nila ni Gab.

Nahihiyang napakamot sa batok si Gab ngunit 'di maitatago sa mukha ang tuwa habang pinag-uusapan ang crush nito.

Nakaramdam na naman siya ng 'di maipaliwanag na inis.

"Mukhang tinamaan ka na do'n 'tol ah. Papuntahin mo rito. Ipakilala mo sa'min. Sige na," pamimilit ni Paul sabay tawa. Nakitawa na rin ang iba pa liban kay Vendrick.

"Actually andito na siya. Inaantay ko ngang lumapit," nagba-blush na sagot ni Gab.

Biglang nangati ang palad niya sa narinig mula sa kaibigan. Kung 'di lang ito mapipikon, talagang sinapak na niya ito kanina pa sa sobrang inis niya.

"Pakipot lang talaga 'yan si Gab, syempre ako ang crush niyan, 'di niya lang masabi," umalingawngaw ang boses ni Chelsea sa likuran ng mga kabarkada, napako agad dito ang atensyon ng lahat.

Nagsalubong bigla ang kilay ng kaibigan lalo na nang makitang palapit dito si Chelsea.

Siya nama'y 'di maipaliwanag ang nararamdaman at 'di niya talaga gusto ang pakiramdam na 'yon.

"Ako ang crush mo Gab 'di ba?" malanding sambit ng dalaga habang nakahawak sa braso nito, tila confident sa inilalabas ng bibig.

"No, hindi ikaw. Si Marble. Nagpapalakad nga ako kay Vendrick eh," walang gatol na sagot ni Gab, pakaswal lang, ni walang pakialam kung masasaktan si Chelsea o hindi.

"What?" halos lumuwa na ang mga matang bulalas ni Chelsea sa pagkagulat, tila nandidiring kumawala kay Gab.

Hiyawan ang mga naruong nakarinig sa ikinumpisal ng bibata , tinukso si Chelsea na di makapaniwala sa narinig pagkatapos ay nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Gab.

'Di na siya nakapagpigil at binatukan ang kaibigan.

"Stop kidding alright? Hindi ka na nakakatuwa, bro," saway niya dito.

Lalong nagtawanan ang lahat.

"May love triangle na nangyayari. Awoooh! Bakit 'di na lang si Vendrick ang piliin mo Chelsea? Tamo, ipinagtatanggol ka na naman kay Gab," panunudyo ni Paul.

Nagtama ang paningin nila ni Chelsea. Sa madilim na kinaroroonan nilang 'yon ay nakita pa rin niya sa mga mata nito ang curiosity kung sino ang tinutukoy na Marble ni Gab.

"He's just kidding okay," anito sa dalaga saka mabilis na tumalikod at umahon sa tubig.

No, ayaw niyang malaman ni Chelsea na si Marble ang tinutukoy ni Gab na crush nito. Kilala niya si Chelsea, maldita ito, palibhasa'y nag-iisang anak lang ng mga magulang nito. Bakit kasi gano'n na lang kabulgar ang kaibigang magsabing crush nito si Marble? Gano'n ba talaga 'pag gusto mo ang isang tao? Nawawalan ka ng hiya sa sarili at mas gusto mong ipangalandakang gusto mo siya?

Ah ewan! Basta naiinis siya kay Gab.

Narinig niyang tinutudyo pa rin ng mga kaibigan sina Gab at Chelsea habang palayo siya sa swimming pool. Pero wala na siyang pakialam do'n. Pupuntahan niya si Marble. Mamaya makita ito ni Chelsea at mapagtripan.

Subalit kung kelan paakyat na siya sa hagdanan papuntang ikatlong palapag, saka naman siya tinawag ng kanyang ina sa may malapit sa kusina.

"Vendrick! Come sweetheart. Your titas and titos are here!" tawag ng ina.

Napilitan siyang pumihit paharap sa ginang at lumapit dito sabay halik sa pisngi nito. Ganun din ang kanyang ginawa sa mga kapatid nito.

"Binata na pala itong si Vendrick. Ang bilis talaga Lumipas ng panahon. Nang huli kong punta rito'y nasa elementary lang siya," nakangiting saad ng bunsong kapatid ng ina saka ginulo ang kanyang basang buhok.

Ngiti lang ang kanyang isinagot.

"Ma, sina Lolo?" usisa niya.

"Ando'n sa papa mo sa mini-library," sagot nito.

"By the way, nakita mo si Marble?"

Umiling siya.

"Wala na kasi sa kwarto nila ni papa. Malamang andito lang 'yon sa paligid. Hanapin mo nga at ipakuha mo si Papa sa mini-library baka mag-alburuto na 'yon do'n," utos nito sa kanya.

"Okay po," sagot niya't nagmamadaling hinanap ang dalaga sa gitna ng mga tao subalit nakakailang ikot na siya mula sala hanggang sa harap ng bahay kung saan naroroon ang ibang mga bisita ay 'di pa rin niya makita si Marble.

"Vendricccckkk!"

Napaharap siya bigla sa pinagmulan ng boses na 'yon.

Next chapter