webnovel

BEWITCHED BY THE DAYLIGHT VAMPIRE

"Dude, kanina pa tayo nagpapaikot-ikot sa buong palengke, pero wala naman ang bampirang 'yun dito," reklamo na ni Vendrick pagkatapos ng dalawang oras nilang paghahanap sa tindera ng buko juice sa buong palengke ng Tabo-an.

"What did you say?" Salubong agad ang kilay ni Gab nang bumaling sa kanya.

Noon lang sumagi sa isip niya ang sinabi.

"I said, kanina pa tayo naghahanap sa tinderong 'yun pero 'di naman natin makita. Baka nagsideline lang 'yun sa pagtitinda ng buko juice." iniba na niya ang tono ng pananalita.

Ang tindi ng kaibigan niya. Dahil sa pangit na 'yun, nagkakaganun ito. Umagang umaga pa lang kanina eh inaya na siyang pumunta rito, mula Manila hanggang Cebu, sumakay sila ng airplane, first trip pa, balewala sa kaibigan kung magkano ang binayad nito sa ticket nilang dalawa, makauwi lang ng Cebu. Tapos pagdating nila rito, ganto lang ang gagawin nila, hahanapin lang yung mukhang bampirang tinderang 'yun.

Ang tindi magkagusto ni Gab. Ano ba'ng nakita nito sa babaeng 'yun? Andami namang babaeng naghahabol dito sa Manila kasama na si Chelsea pero bakit sa pangit na 'yun pa ito nagkagusto? Baka ginayuma niyon ang kaibigan niya? Lalo na seguro kung malaman nitong babae 'yon at hindi lalaki.

Nakapameywang na ito habang muling inikot ng tingin ang buong paligid.

"Dude, wala na tayong ginawa kundi ang ikutin ang buong palengkeng 'to. Magpahinga naman tayo," an'ya saka naghanap ng masisilungang lugar. Kanina pa sila nagtitiis sa init ng sikat ng araw.

"Dude, ayukong umalis ng pinas hanggat 'di ko siya nakikita," determinadong sagot ni Gab nang sumunod sa kanya.

Tumigil siya sa paglalakad at humarap dito.

"Are you out of your mind?" napataas ang boses na sambit niya.

"Dude, wake up! Maraming babae d'yan, naggandahan pa. Bakit mo ipagpapalit ang future mo sa walang kwenta mong pakiramdam?" sermon niya rito.

Hindi ito nakapagsalita, nilamukos lang ang mukha saka inis na tumingin muli sa paligid.

Gusto niyang awayin ang kaibigan sa pabugso-bugso ng damdamin nito dahil lang sa isang babae.

Nakaready na ang lahat ng mga papeles nila papuntang Canada para duon mag-aral sa kolehiyo. At sa sunod buwan na ang kanilang alis.

Pero kung dahil lang sa bampirang yun kaya magbabago ng desisyon ang kaibigan, siya mismo ng unang puputol sa kabaliwan nito.

Magkasosyo sa negosyo ang kanilang mga Papa at parehas na Nurse ang kanilang mga ina, sa iisang ospital din nagtatrabaho kaya para na rin silang magkapatid ni Gab, parang magkadikit ang kanilang mga pusod na kahit saan magpunta ang isa, kasama ang isa. Hindi sila pwedeng paghiwalayin ng kahit na sino. Mas matindi pa nga sila sa mag-jowa.

Subalit ngayon, 'di talaga niya gusto ang nagiging ugali nito simula nung makita nila 'yung pangit na nagnakaw ng kanyang first kiss na pinangarap niyang ipagkaloob kay Chelsea.

"Hindi tayo babalik ng Manila hanggat 'di natin siya nakikita," saad nito, para nang isang batas 'yon na kailangan niyang sundin.

"What?!" hiyaw niya.

Eksakto namang may dumaang nagtitinda ng buko juice sa harap nila.

"Buko juice! Buko juice kayo d'yan!"

Sabay pa silang napatingin sa lalaking tindero, sabay ding napabulalas. "It's the same cart!"

Pero si Gab lang ang naglakas ng loob na tumawag sa mamang tindero.

"Sir, sandali po!"

Huminto naman agad ang mamang tinawag at bumaling sa binata.

"Kilala niyo po ba 'yong lalaking tindero din ng buko juice? 'Yung nakasumbrero tsaka--tsaka may mahaba pong pangil na ipin sa harapan?" tanong ni Gab nang makalapit rito.

Kumulubot ang noo ng mamang tinanong saka mariing tumitig sa kanyang kaibigan.

'Di siya nakatiiis at lumapit sa dalawa.

"Ah, bumili po kami ng buko juice dati pero sumobra po kasi siya ng sukli sa'min. Kaya ibabalik po namin 'yong pera," pagsisinungaling niya para lang may idahilan sa mama.

Bumaling ito sa kanya, tinitigan din siya, nang maramdaman segurong kapanipaniwala ang sinabi niya, saka ito nagsalita.

"Ah gan'on ba? Yaan niyo na 'yon. Gano'n talaga ang anak kong 'yon, matulungin sa kapwa," anang mama.

Nagkatinginan sila ni Gab, sabay pa uling napatingin sa tindero.

Ito ang ama ng pangit na 'yon? Bakit parang ang layo ng mukha nun sa kaharap nila? May itsura naman ang ginoong kaharap. Ayun eh parang baku-bakong daan ang mukha sa lalaki ng mga pimples.

"Nasaan na po ba siya ngayon?" usisa ni Gab, desidido talagang makita ang hinahanap.

"Kaaalis lang kaninang umaga papuntang Manila," sagot ng ginoo.

Pagkarinig lang sa sinabi ng lalaki ay agad nang tumalikod si Gab at nagmadaling bumalik sa kinaroroonan ng van nito.

"Saan po ba siya sa Manila?" Usisa niya sa mama.

"Sabi Malinta daw," sagot nito. "Teka, bakit ang dami mong tanong?" nagtataka nang usisa nito.

"Sensya na po, kuya. Pero---" an'ya saka kumuha ng buong 500 sa bulsa ng pantalong maong, "---Ito po 'yong sobra sa perang isinukli niya sa'min," dugtong niya saka iniabot dito ang pera at nagmamadaling sumunod kay Gab pabalik sa sasakyan.

Gulat namang naiwan ang ama ni Marble, paulit-ulit na tinatanong sa sarili kung sino ang dalawa at bakit gano'n kalaki ang sobrang sukli ng anak sa kanila.

"Dude, balik tayo sa Manila," sambit ni Gab sa kanya pagkapasok niya lang sa loob ng sasakyan.

"What? Just like that?" salubong ang kilay na bulalas niya.

Tumango lang ito at pinaandar na ang van.

Napapailing na lang na ikinabit niya ang seatbelt. Kung alam lang niyang magkakaganito ang kaibigan dahil lang sa tinderang ,yun, hindi na sana siya nagyayang umikot muna sa palengke at bumili ng itinitindang buko juice ng halimaw na 'yun.

Ahhh, kasalanan niya ang lahat.

Next chapter